"Adriano, ano ba! Umayos ka nga!" singhal ni Peach habang inaalalayan si Adriano paakyat ng hagdan ngunit tila nakayuko na ito at nanghihina. Habang akay akay niya ito ay hindi niya maiwasang hindi maamoy ang pinaghalong alak at panglalaking pabango nito. "Nakita kitang umalis pero hindi ko naman napansing umuwi ka," saad ni Peach. "Kase hindi naman ako umalis," saad ni Adriano. "Tignan mo nga 'yang sarili mo, lasing na lasing ka! Ang bigat bigat mo, nasa hagdan tayo umayos ka, pag tayo nahulog, patay tayong dalawa," saad ni Peach dahil hindi biro ang hagdan doon, mataas ito at yari sa matibay na kahoy. "Edi patay! ano pa bang silbi ng buhay ko? Palagi na lang ganito eh!" singhal pa ni Adriano. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan, habang may buhay, may pag asa," saad pa ni Peach,