Pagbukas ni Peach ng kwarto ay tumambad sa kanya ang isang babae na sa tantya niya ay halos ka edaran lamang ng kanyang ina. Nakaratay ito sa kama habang ang nurse ay abala sa paglalagay ng gamot sa dextrose nito. Napatingin ang nurse sa kanya ngunit hindi siya nito pinansin at nag focus lang sa ginagawa. Napatakip si Peach ng bibig at mabilis na tumulo ang mga luha niya, nakita niya ang mga picture frame sa bed side table nito. Litrato iyon ni Adriano kasama ang babaeng iyon na kapwa nakangiti at masaya habang may hawak na bola ng basketball si Adriano. Tila nahabag siya sa kalagayan nito at hindi mapigilan ang kanyang mga luha sa pag agos. Awang awa siya sa kalagayan ng ina ni Adriano, matamlay, namumutla at tila nag aagaw buhay na ito at hindi mukhang hindi makakausap ng maayos ka