KINABUKASAN ay sinubukan ulit ni Peach na dalawin ang ina. Sumilip muna siya sa bukas na pinto ng kanilang bahay at doon ay nakita niyang nanunuod ng TV habang kumakain ang kanyang stepfather at ang nanay niya, kapwa masaya ang mga ito sa pinapanuod habang hinihimas pa ng Andy ang tiyan nito, sa tantya niya ay nasa apat na buwan na ang bata sa sinapupunan ng ina. Hindi niya na kaya pang tignan dahil hinalik halikan na ni Andy ang kanyang ina kung kaya't bumalik na siya sa kotse. "Ma'am Peach, uuwi na ho ba tayo?" tanong ni Louie. "Ah, oo, uwi na tayo," iyon na lamang ang nasabi ni Peach. Masama na naman ang loob niya ngunit wala siyang magagawa. Nasa kotse siya ngayon at nag iisip kung saan magandang pumunta. "Uhm, Louie," saad ni Peach na tila nagdadalawang isip. "Yes Ma'am? An