#MOD 16

1377 Words
#MyObsessedDoctor _______ Agad ako hinatid ni Talius sa room pagkatapos namin kumain. Ang barkada ko naman ay umiwas na saamin dahil napansin ata nila na kailangan kong masolo itong boyfriend ko. "May nakalimutan kang sabihin." Sabi ko. "Yeah, ngayon ko na sasabihin sayo." Aniya at tumingin sa relo nito. "We have still enough time." Aniya at tumingin sa akin. "So what is it?" "We have family dinner." Aniya dahilan para matigilan ako. "For what?" Tanong ko. Ito ba ang dahilan kung bakit kinausap ni Gabriel si Talius kanina? "Ipapakilala niya ng legal si Shasa sa pamilya natin." Napilitin ako ngumiti sa harap ni Talius sa sinabi nito. "T-Talaga?" "Yes, And don't worry baby, ipapaalam ko rin sakanila na girlfriend na kita." Masiglang aniya. Hindi ko rin maiwasan tumango at ngumiti. Wala naman ako kontra sa ano mang gagawin niya basta't ako maghihintay akong matuto siyang mahalin. "Iyon lang ba?" "Yes babe, And.." Sabay ito tumingin sa relo niya at hinalikan ako sa pisnge. "Aalis na ako, magrereview pa ako eh." Ngumiti lang ako at tumango. "Sige, ingat." Tumango ito at umalis na. Pumasok na ako sa room at tulala na napaupo sa mga silya. Family dinner para ipaalam sa amin lahat na may minamahal ang nag iisang Gabriel Lopez? Bakit kasali pa ang pamilya ko? Anong klaseng family dinner yan? Bakit pag uusapan na ba nila ang kasal nila? Gosh. "Anong problema at ang lamig ng mukha mo ngayon?" Tumabi sa akin si Lana. "Sagutin mo nga ako Lana, Ano ba ang ugali ko dati?" Tanong ko sabay harap sa kaibigan ko. "Huh? Bakit may nagbago ba sayo?" Nagtatakang tanong niya. Napalunok ako. "Hindi ko alam.." Bigla naman naguluhan si Lana at umayos ng upo. "Teka nga! Ano ba ang problema ah??may problema ba kayo ni Talius?" Umiling naman ako. "Eh ano? Bakit mukh ka pang matamlay ngayon?" Tanong ni Lana. Hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin. "May kaibigan kasi ako na nagkagusto sa kapatid ng boyfriend niya." Naningkit ang mata ni Lana habang pinagmamasdan niya ako. Bigla ako kinabahan. "Sinong kaibigan yan at ang tanga niya." Napaiwas ako ng tingin. Ang sakit pala nito magsalita huh? "Eh ano ba dapat niyang gawin?" Tanong ko pa. Oo ako na ang walang alam gawin. Ang sarili ko naman ang tinutukoy ko dito eh. "Iwasan niya ang lalake kung ayaw niya masaktan ang boyfriend niya." Ani ni Lana habang kinikilatis ako. Kilala ko itong babaeng to, kapag hindi ako makatingin sakanya alam niyang may tinatago ako rito. "Aah, Ganun ba.." Wala na ako masabi kaya't humarap na ako sa unahan ngunit pinakiramdam ko ang katabi ko kung aalis na ito ngunit hindi. "Bakit Kee? May gusto ka ba kay Gabriel?" Boom. Hindi ako makasagot kay Lana, ni hindi nga ako makatingin sakanya eh. Hindi ko maitago ang kaba at takot sa dibdib ko dahil baka husgahan ako ni Lana. "Silence means yes." Aniya at hindi pa rin umaalis. "You like Gabriel huh." Dagdag niya. "Look at me Kee, I'am your f*****g friend here so I have the rights to know what is your f*****g problem." Maririin na aniya kaya at sumunod nalang ako at sinalubong ako ni Lana ng seryosong mukha. "Do you like Gabriel?" Tanong niya ulit. Tumango ako at napabuntong hininga. "Alam na ba niya?" Tanong niya. Tumango ulit ako. "Okay, Alam ko na. To make it short, stay away from Gabriel. Iyon lang iyon Kee. And please, kung kaya mo iyang gawin kay Gabriel, gawin mo rin kay Talius." Bigla nagpintig ang tenga ko sa narinig ng pangalan ni Talius. "Ano ang ibig mong sabihin Lana?" Nakakunot noo na ako at naniningkit ang mga mata ko. Papaano niya nasasabi na kailangan ko rin layuan si Talius ah? "Kasi sa mata ng mga tao including me as your friend, mukhang ginagamit mo lang si Talius para makalimutan mo si Gabriel." Nanlaki ang mata ko at namula bigla sa inis. "Hindi ko siya ginagamit." Maririin na sambit ko. "Yeah I know, pero hindi natin maiwasan na iyon ang posibleng mangyari." Aniya "How could you say that, eh hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko?" "Huwag mo ako mamasamain Kee, As your friend. I am f*****g concern to you as always, pero I am not f*****g willing to be unfair with others just for your f*****g sake." Seryoso ang mga mukha nito habang nakatitig siya sa akin. "I'm not using him." Nanghihinang sambit ko at napatingin sa kawalan. Hinawakan ako sa kamay ni Lana. "Yes you are. Pero ano ba ang pakay mo kung bakit mo siya sinagot? May ibang rason ba?" "Gusto ko siyang matutunan mahalin Lana, I want him and now, I feel I want him more." Sabi ko at tumingin sakanya. "Physical attraction?" Napatanong siya dahilan para matahimik ako. Sa pisikal ba niya kung bakit ayaw ko siyang bitawan? "Lana.." "Alam mo Kee, mas mabuting kalimutan mo nalang ang nararamdaman mo kay Gabriel kung sa tingin mo ay iyon ang tama, dahil kapag ipinagpatuloy mo yan, marami kang masasaktan. Hindi lang ang sarili mo ang masasaktan pero ang nasa paligid mo rin at iyon ang dahil sa pansariling kasiyahan mo at kagustuhan." _________________ Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paulit ulit tumatatak sa akin ang mga sinasabi ni Lana kanina. "Babe are you okay?" Napatingin ako sa kamay ni Talius na humawak sa kamay ko. "Oo naman.." Sabi ko sabay tingin sakanya. "Ang tamlay mo, Do you want to eat? Pwede tayo tumigil." Umiling nalang ako. Ayaw ko ng gumala, gusto ko ng umuwi at magpahinga. "I'm fine Talius. And thank you." Ngumiti lang ito at pinisil ang kamay ko. "Just call me Kee and I'll be there." Aniya dahilan para mapakunot noo. "Diba kanta yan?" Tanong ko. Tumango ito kaya naman natawa ako. "Loko ka talaga." Napapailing na sabi ko. "Pero I will wait for you call talaga." Aniya at sumandal sa akin Sumabay kasi ito sa amin pauwi kaya ayos lang. Hindi naman magagalit si Daddy. Ang mga bodyshits ay nasa likuran namin kung saan pati sa kalsada ay binabantayan ako. Nakarating kami sa subdivision namin at lumabas na ako. "Hindi ka pumunta sa bahay kahapon." Ani ni Talius. "Gusto mo ngayon na ako pumunta sainyo?" Lumawak naman ang ngiti niya at tumango. "Of course! Halika na! Gusto kita ibake ng cake." Excited na sabi niya habang hinihila ako. "Ows? Marunong ka pala magbake?" "Oo naman nuh! Tinuruan ako ni Manang." Pumasok kami sa bahay nila. Hindi naman bago sa akin ang pagpasok sa bahay nila dahil noong mga bata pa ako lagi ako tumatambay dito. Siguro yung mga posisyon ng mga gamit ang nabago. "Oh Aderal and Talius?" Napatingin kami kay Tito Gabby na kararating lang sa sala. Ngumiti ako rito at gayun din siya. "Hi Dad! Wala ka po bang trabaho ngayon?" Tanong ni Talius. "It's not my time today but I have work later." Ani ni Tito Gabby. Tumingin namin ito sa amin na nagtataka. "Eh kayo? Anong gagawin niyo?" Hindi ko alam kung may kahulugan ba iyon o wala pero bigla ako pinamulahan. "Ipagbabake ko lang siya Dad ng cake. Like what I did to you ni Gabriel." Masayang ani ni Talius. Napangiti nalang ako. Nakakahawa talaga ang mga ngiti niya kahit kailan. "Oww Okay, just maintain cleanliness at the kitchen, atsaka next week ako makakauwi." Kumunot noo naman si Talius. "Why Dad? Ang tagal naman." Aniya. "We have seminar kami nila Tito Zron mo." Sabay tingin sa akin ni Tito Gabby. "Sinabi ba sayo ni Daddy mo na may seminar siya sa sabado?" Umiling ako sa tanong ni Tito Gabby. Galit iyon sa akin eh. "I thought you already know Kee, anyway alam na ito ni Gabriel." Tito Gabby. "Is it okay for him? How about family dinner?" Oo nga naman nuh? Sabagay mas maayos na kung wala nalang. "Tomorrow ang family dinner natin Talius." Napatango kami at nagpaalam na umalis si Tito Gabby. Akala ko pa naman walang okasyon pero meron pala. Geez. "Let's go Kee. I'm excited to bake you a cake by me." Aniya at hinila ako sa kusina. "Manang! Prepare my ingredients!" Sigaw ni Talius at nagsidatingan ang mga maid at nilagay sa lamesa ang mga ingredients. "Babe, dyan ka lang sa may stool bar umupo habang pinapanood mo ako nagbabake." Sumunod naman ako sa sinabi niya at umupo sa mga stool roon. Bago siya magsimula ay lumapit siya sa akin at hinalikan sa pisnge. "I need your kiss too para sumarap yung cake ko." Hinarap niya sa akin ang pisnge niya kaya natatawa ko naman siya hinalikan sa pisnge. "There. Now I swear I will do my best for you to like it." Aniya at bumalik sa kusina. Nginitian niya ako at nginitan ko din siya. I will do my best to like you too Talius. ________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD