#MOD 15

1579 Words
#MyObsessedDoctor ______ As usual, kapag pumapasok ako sa paaralan ay pinagtitinginan ako ng ibang estyudante. Naparoll eyes nalang ako. Ang akala naman nila ngayon lang sila nakakita ng bodyguards na sunud sunuran. "Kee!" Bigla ako sinalubong ng mainit na yakap mula kay Talius. "Oh God, I miss you so much! God!" Aniya at mas lalo ako niyakap ng mahigpit. Natawa ako at niyakap siya pabalik. "I miss you too.." Bulong ko. Binitawan niya ako at nakangiti ito ng malawak sa akin. "Really?" Nanunukso ang mga mata nito. Hinampas ko naman siya. "Ayaw mo?" "Di ka naman mabiro." Nakangusong aniya. Napahalakhak ako. "Joke! Namiss kita sobra." Malambing na sabi ko at sabay hawak sa kamay niya. "I love you.." Ngumiti lang ako sa untag niya at nagsimula kami maglakad. "Sabay tayo sa lunch mamaya." Bigla nagliwanag ang mukha niya nang niyaya ko siya. Natawa ulit ako sabay hampas sakanya. "Para ka naman gulat na gulat!" Tawa ko. "First time mo ko niyaya eh. Sino ang hindi magugulat?" Aniya at mas hinigpitan ang kamay ko. "So sasamahan mo ako mamaya?" Tumango ito. "Of course, kahit saan ka pa." Giit nito habang hindi matanggal ang ngiti nito sa labi. "Hihintayin mo nalang ako?" Tanong ko. Tumango ito. "I will wait." "Pero kasama ko ang barkada ko. Ayos lang ba?" Tumigil kami sa tapat ng room ko at pinagmasdan ang reaksyon ni Talius. "Hmm.. Okay pero tabi tayo mamaya!" Aniya. Natawa naman ako. "Hahaha oo naman!" Nakangiting sagot ko. Nagtaka naman ako ng lumapit sa akin si Talius at may binulong. "Kasama rin ba yang bodyguards mo?" Doon ako napatawa ulit sa tanong ni Talius. "No no no.." Iling ko at tinignan ang mga bodyshits ko na nanatiling nakatayo sa di kalayuan mula sa akin. "Wait lang, babe." Tumango lang si Talius at ako naman ay dumeretso sa mga bodyshits ko. "Hey guys!" Nagsilingunan naman ang mga sunud sunuran ko. Ngumisi ako sakanila. "Yes ma'am?" "Sa susunod na may nakita kayong may kausap ako, maaari na kayong umalis o maghintay sa labas ng paaralan." Mataray na giit ko sakanila. "Masusunod ma'am." Sabi ng isa. Inirapan ko nalang at umalis sa harap nila. Kung hindi sana ako nilagyan ni Daddy ng bodyshits siguro walang pabigat. Kumunot ang noo ko na makita si Gabriel at Talius na nag uusap kaya agad ako tumungo sa dalawa at hinawakan ang kamay ni Talius. "Oh Gabriel, Good morning." Pormal na bati ko. Napatingin sila sa akin. "Good morning din." Aniya at tumingin ulit kay Talius. "Aalis na ako." Sabi niya sabay tapik ng balikat ni Talius. Sinundan namin ng tingin si Gabriel habang papalayo. Where is her girlfriend? Bakit hindi sila magkasama? Nag away ba sila? Umiling ako. Stay out of it Kee, ano ba ang pake mo sakanila? Tch. "Ano pinag usapan niyo?" Tanong ko kay Talius. Humarap naman sa akin si Talius at hinalikan sa pisnge. "I'll tell you later babe, it's almost time." Anito sabay tingin sa relo niya. Tumango nalang ako at pinisil ang pagkakahawak sa kamay niya. "Okay.." "I love you Kee, I gotta go." Binitawan ko na ang kamay niya at kinawayan niya ako pero habang papalayo siya tumigil siya at nagflying kiss pa ang kumag sa akin. Natawa ako at umaktong nakuha ko daw iyon at nilapat sa labi ko. Tumawa lang ito at nawala na sa paningin ko. Haaay. Kung ganyan ka palagi Talius siguro lagi nalang ako nakangiti ng dahil sayo. ________ "Sa kabila ng lahat na ginawa ko sayo wala pa rin? Ginagago mo ba ako?" "Aba't! Ano ang ginawa mo sa akin ah? Tangina mo po. Hindi dahil sa akin hindi ka makakapasa! Ulol!" Itong dalawang ito! Hindi talaga nagkakasundo kahit kailan. "Tignan mo si Kee! Kahit gaga iyan! Kaya niya naman sarili niya pagdating sa pag aaral! Tamad lang yan!" Animo ni Lana. "Eh bakit napasali dito si Kee? Atsaka alam ko na ang tungkol dyan! Pero ang nakakainis lang nasayang effort ko!" Teres. At dito pa talaga nila naisapan mag away sa mismong harap ko? Tumabi sa akin si Gina. "Anong inaaway nilang dalawa dyan?" Kunot noong tanong ni Gina. "Tungkol sa report na ginawa ni Teres pero hindi pinakinabangan ni Lana kaya't ayan, nag aaway." Explain ko. "Palibhasa kasi sayo puro ka salita wala ka sa gawa!" Sumbat naman ni Teres. "So ako pa ang may kasalanan? Kasalanan ko ba na mali naman talaga ang mga binigay mong impormasyon?" Sarkastikong ani naman ni Lana. Susumbat pa sana si Teres ng pumagitna na ako at pumeywang sa harap nila. Aba't mukhang mag aaway pusa na naman to na parang dati. "Tama na nga yan! Kung gusto niyong magwrestlingan sa kama nalang! Tignan natin kung sino pa ang hindi titigil!" Pinamulahan naman ang dalawa sa sinabi ko. "Oh ano? Sasama kayo sa akin o ipatapon ko kayo sa mga bodyshits ko?" "S-Sasama na!" "S-Samama rin a-ako.." Pumalakpak naman ako. "Good! Tara na!" Natatawang aya ko. ______ Agad ako napaupo sa mga bakanteng upuan sa cafeteria at bigla ako napatingin sa cellphone ko na magvibrate ito. Talius ko: Im coming. Wait for me :) Ako: Okay Nakangiti ako habang binubulsa ko ang phone ko. Inilibot ko ang paningin ko sa boung cafeteria at naghihintay kay Talius. "Sino pa hinihintay natin?" Napatingin ako kay Gina at nagtama ang mata namin. "Si Talius.." Nanlaki ang mata ni Gina sa gulat pati na rin si Lana. "Sino? Si Talius Lopez?" Tumango ako sa tanong ni Lana. Mabuti wala dito si Teres at bumili ng pagkain panigurado magiging chismoso din iyon. Tch. "Kayo na? Nalilito na ako sa nakikita ko sainyo eh." Bumulagta ang pagtataka sa mukha ni Gina. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan sila. Naghihintay sila ng sagot kaya marahan ako tumango dahilan para unti unti mapanganga ang mga labi nila. "Seriously?!" Napatingin ang ibang estyudante sa sigaw ni Lana. "Ano ba Lana! Boses mo." Inis na ani ko. Humagikgik lang siya at unti unting ngumisi. "Haaays, The Aderal Kee Shue is not virgin anymore!" Halakhak niya. Ako naman ngayon ang napanganga sa sinabi niya. "Kaya nga!" Sinabayan pa ni Gina ang halakhak ni Lana. "Hoy mga babae! Anong hindi na virgin ang narinig ko?!" Sumulpot bigla si Teres habang may hawak na tray at kasama ang isang waiter na may hawak rin na tray. Napayuko ako at napatiim, Hindi ko alam kung papaano ko sila naging kaibigan pero nakakasiguro ako na ako lang matino sakanila! I swear! "Ohh, Here's comes the Bigear." Bulong ni Lana pero sapat na marinig namin. "Hindi kita kausap Mantika!" Sumbat agad ni Teres. Bigla namula ang boung mukha ni Lana at napatayo. "Huy Bigear! Kausap rin ba kita ah?!" Sigaw ni Lana. "Eh ikaw ba rin ang kausap ko ah?!" Sigaw rin ni Teres. Napapikit ako at napahilot sa sintinido. Bakit ba bumalik ang pagiging aso't pusa nila? This few weeks hindi naman sila ganito ah? Napapailing ako, mabuti naman wala na ang topic namin tungkol sa virgin. Susmeyo. "Ang kapal talaga ng mukha mo nuh? Sarap ilampaso sa sahig!" Nakita kong paano nanlaki ang tenga ni Teres. Naiinis na ito ng sobra at kapag sumabog na ito– "Hi Guys!" Napatayo lang ako ng makita ko si Talius na kumaway sakanila at tumungo sa akin. "Hi babe!" Sabay halik niya sa pisnge ko at tumabi. "Natagalan ka ata?" Tanong ko at dumaan ang tingin ko kila Teres at Lana nang tumahimik ito at umupo. "May iniutos lang sa akin advicer namin eh. Sorry." Aniya at nilaro ang mga diliri ko. "Nakaorder ka na ba?" Tanong niya at nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumango. "Pero inorder na kita." Sabi ko at itinapat sakanya ang pagkain. Napangiti siya sa akin. "Mahal mo na ako niyan?" Nakangisi siya kaya marahan ko siya hinampas. "Ano ba Talius! Kumain nalang tayo." Naiilang na sabi ko. Feeling ko kasi pinamulahan ako sa sinabi niya. Ewan ko ba pero umepekto iyon sa akin. "Hi Fafa Talius." "Hi Talius kahit masakit sa amin ang maging maOut of place ng mga lovers ay sanay na aketch pero sympre wala pa rin forever." Kahit kailan napakabitter ng babaeng tong si Gina! Siguro walang papatol dito sa kaibigan ko. "Ow I'm sorry kung ganun." Paumanhin ni Talius. Nakaakbay sa siya sa akin pero nagsimula na ako kumain. "Hindi ka ba kakain?" Tanong ko. Umiling siya at nakatitig lang siya sa ibang direksyon. Sinundan ko naman ang tingin nito at nakita ko ang isang lalakeng nakahalukipkip sa paligid habang pinagmamasdan kami. "Mukhang pamilyar siya.." Mahinang sambit ko. Tumango siya. "He's Leonardo Jamel Malazarte." Aniya habang maririin ang titig niya roon. "So what about him?" Nagtatakang tanong ko. Kanina pa kasi siya nakatitig roon. "He's my classmate at ayaw nito sa akin dahil lagi ako ang top one sa campus natin, I don't know kung bakit kompentesya ang iniisip niya pagnakikita niya ako." Aniya. "He is looking us.." Sabi ko. "Yeah... Mukhang hindi pa niya ata matanggap na ako ang representative ng quiz bee dito sa school na 'to." Walang bahid na kayabangan ang tono ni Talius. Alam ko naman na gifted itong lalakeng ito sa tabi ko. Hindi na ako magugulat kong representative na naman siya ng eskwelahan namin. "So he's insecure to you." Sabi ko. Halata naman kasi sa Jamel na iyon ay parang may kakaibang titig ito kay Talius. Mukhang aawayin niya ito. "Hey guys! Wag naman kayo magbulungan dyan oh! Naaout of place talaga kami!" Singit ni Lana sa amin. Napatikhim ako at umayos ng upo. "Talius Bro! Teres here kahit magkakilala na tayo." Sabay lahad ni Teres ng kamay. Tinanggap naman iyon ni Talius. "Talius Lopez bro." Nagngitian ang dalawa. Dumako ulit ang paningin ko sa lalakeng si Jamel pero napakunot noo ako ng magtama ang mata namin at ngumisi ito tsaka lang ito pumihit patalikod. Bigla lumakas ang t***k ng puso ko sa kaba. What was that? Mukha siyang baliw kung makangisi kanina. "Are you okay Babe?" Napatingin ako kay Talius. "Oo, medyo nagutom lang ako." Sabi ko at tinoun ang pansin sa pagkain. Hindi ko namalayan ay napakwentuhan nalang kami at hindi na pinansin ang lalakeng may saltik. Siguro may saltik nga at pati si Talius ay kinakalaban. ________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD