#MOD 17

1382 Words
#MyObsessedDoctor _________ Ilanng oras ako nakaupo sa stool bar habang pinapanood si Talius na seryosong nagbabake sa kusina. "Talius, There's have a cake in the fridge. You don't have to bake again—" Nabitin ang sasabihin ni Gabriel na kararating lang ng makita niya akong nakaupo sa gilid. "I know, Ginawa ko ito para kay Kee." Anas ni Talius at kumindat sa akin. "Really?" Sabay tingin sa akin ni Gabriel. "Oo bakit? Any problem?" Tanong ni Talius. Umiling naman si Gabriel at umiwas ng tingin sa akin. "Sa taas lang ako." Aniya at umalis na. "Why don't you join us Gab?" Pigil ni Talius. Tumigil naman sa paglalakad si Gabriel sabay tingin sa akin at sa kambal nito. "Baka masira ko lang moment niyo, I don't want you to be disturb by me." Malamig na anas niya at tuluyan na umalis. Anong problema nun? "Don't mind him Kee, Baka nag away lang sila ng girlfriend niya." Napatingin ako kay Talius. "Nag away?" "Yeah, Nitong nakaraang araw lagi nalang mainitin ng ulo yan si Gabriel." Aniya at sinuot ang pot holder gloves. "Aah." "I don't know why, pero nakita ko sila ng girlfriend niya na nagsisigawan. Maybe iyan ang rason." Dagdag niya pagkatapos niyang ilagay ang hugis cake sa oven. "Bakit sila nag aaway?" Tanong ko. Oh well, hindi naman ako interesado pero nacocurios pa rin ako. "I don't know what is the reason behind." Tumingin siya sa akin at hinubad ang pat holder. "And I am not interested." Aniya at lumapit sa akin at umupo sa harap ko. "But I am more f*****g interested when it becomes to you." Nanlaki ang mata ko at pinamulahan. "S-Seriously?" Kahit hindi sanay sa tenga ko ang pagmumura niya pakiramdam ko bagay na bagay sakanya. "Why? Hindi ka ba sanay?" Natatawang tanong niya. Tumango naman ako dahan dahan. "Really? What if..." Lumapit ito sa mukha ko at dumeretso sa tenga ko. "I love you Kee.." Nagtaasan ang balahibo ko sa walang dahilan pero ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. "Hindi ka pa ba rin sanay?" Bulong niya. "T-Talius" Lumayo ito sa akin at ngumisi. "Ilan ulit ko na yan sinabi sayo pero mukhang ngayon lang ata umepekto sayo" Aniya habang hindi ako makatingin sa mata niya. "S-So?" "What If I'll kiss you? Maiilang ka pa rin ba—" "Don't!" Sigaw ko at mas lalong namula. "W-What are you saying? You're crazy!" Naiilang na bulalas ko at hindi makatingin sakanya. Tumawa ito ng malakas at lumapit sa akin pero agad akong umiwas sakanya. "Talius!" "I'm gonna kiss you." Nang aasar aniya habang taas baba ang kilay nito sa akin. "Gosh Talius! Wag ka ngang ganyan!" Hindi ito nakinig at lumapit sa akin kaya agad ako napatakbo. "Kee! Don't run! You can't escape from me!" Sigaw niya habang humahalakhak. Dahil sa sinabi niya ay sinabayan ko siya. "Really?!" "Yes! Kapag nahablot kita hahalikan kita mwahaha." Humahalakhak ulit siya at paunti unting lumalapit sa akin. Natawa nalang ako ng malakas. Mukha siyang baliw! "Sige kung mahahabol mo ako!" Sigaw ko at sabay belat sakanya. "Aba! Hinahamon mo ako ah?" Ngumisi lang ako sakanya at bigla ako naalarma ng tumakbo siya patungo sa akin. "Hahahaha! Ang bagal mo!" Sigaw ko habang tawa ng tawa. "You'll see." Banta niya pero nakanguso. Tumawa lang ako at agad ako kumirapas ng takbo ng hinabol niya ako. Nagharangan pa kami sa sofa nila pero agad niya iyon inakyat kaya naman tumungo agad ako sa kusina at nasa kabila siya ng lamesa kung saan nasa harap naman ako ng lamesa. "I will get you Kee! Hindi ka makakatakas sa akin." Aniya kaya tawa naman ako ng tawa habang umiiling. "Bakit kaya mo?" Ngumisi lang siya at hinabol ako. Tumungo ako sa labas ng bahay nila upang iligaw siya kaya nang mailigaw ko siya ay tumungo ako sa likod ng sofa nila at umupo upang doon magtago. Napakapit ako sa bibig ko para hindi ako mapabungisngis sa tawa. Hindi ko kasi mapigilan matawa sa tuwing hinahabol niya ako, hindi talaga niya ako mahuli huli hangga't hindi pa ako magtatago. "Kee! I know you're hiding!" Sigaw niya kaya naman napapikit ako habang pinipigilan matawa. "Magbibilang ako, One.. Two.. " Bigla natahimik ang paligid kaya naman naibaba ko ang kamay ko mula sa bibig ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin. Saan na kaya yung lalakeng yun? Aakmang sisilip ako ng napaatras agad ako at napatili sa gulat. "KAYAAAAAAAAH!" Napahawak ako sa puso ko habang hinahabol ang hininga ko. Paano ba naman kasi nagkasalubongan ang mukha namin na aakmang sisilip ako! "f**k you Talius! Ginulat mo ako!" Agad naman niya ako nilapitan at niyakap. "Hahaha I'm sorry, ang sarap mo kasi asarin eh." Aniya at hinalikan ako sa sintinido. "Tigilan mo nga ako!" Asar na sabi ko. Tumawa naman ang loko. "I love you, I love you, I love you." Aniya habang paulit ulit na sinasabi sa akin. "Tse! Wag mo ako yakapin!" Maarte na sabi ko pero hindi ko mapigilan mapangiti. Kinikilig kasi ako eh. Letse. "I love you Kee.." Malambing na bulong na niya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. "Oo na oo na!" Natatawang sagot ko sakanya pabalik at niyakap din siya. "Hindi ka na galit?" "Hindi na." "Really?" Tumango ako at sumandal sakanya. "Yes. Gusto mo magalit nalang ako sayo?" Umiling naman ito at hinimas ang buhok ko. "No. Baka hindi ko kayanin na galit ka sa akin." Aniya at bumuntong hininga. "Masyado kitang mahal Kee" Bulong niya. Hindi ako nakapagsalita. Gusto ko rin suklian ang mga tatlong kataga na gusto niyang marining mula sa akin ngunit hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayaw kong pangunahan ang nararamdaman ko para sakanya. Sa ngayon crush ko muna siya. "May upuan naman, pero bakit sa sahig kayo naglalandian?" Natigilan kami ng may sumabat sa amin. Doon namin napagtantong nakaupo nga kami sa sahig habang magkayakap kami ni Talius. Tumayo agad kami at hindi ako makatingin sa kambal niya. Nahihiya kasi ako sa nadatnan niya. Si Talius naman kasi! Ang landi. Pero hindi ko mapigilan mapangiti. "Why so bitter Gabriel? Go and get your own girlfriend too." Sabi ni Talius at hinawakan ako sa kamay. "I am not bitter, I'm just concern to both of you. Marumi pa naman ang sahig." Aniya at walang emosyon nakatingin sa amin. "This is our life Gabriel, Don't worry, It won't affect you about the dirts we sat earlier." Pagkatapos sabihin ni Talius yun ay hinila na ako patungo sa kusina at sinout muli ang pat holder gloves. "I'm sorry for the Gabriel's behavior. Masyadong bitter lang yun. Wala kasi yung Shasa niya kaya siya ganyan." Sabi ni Talius habang binubuksan nito ang over. Sumulyap ito sa akin. "Well, Ganyan naman ata na yun diba?" Natatawang aniya. "Yeah." Sagot ko at pinanood siya. Inilagay niya sa mesa yung cake at hinubad ang pat holder. Agad ako lumapit sakanya para makita ang cake. "I'm not yet done." Aniya at humarap sa akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "Go back to your seat." Napanguso naman ako. "Gusto kita panoorin." Tumaas ang kilay nito. "You can watch me over there." Umiling ako at tinitigan ang cake na wala pang chocolate. Narinig kong bumuntong hininga ito. "Okay Fine, pero wag kang makulit ah?" Ngumiti naman ako ng malapad. "Yes!" Ginulo niya ang buhok ko habang napapailing siya na nakangiti. "Okay let's do this." Bulong niya at nagsimula mag lagay ng kung ano ano sa cake. Pagkatapos niyang gamitin ang spatula ay inagaw ko ito sakanya at pinahidan ko ang cake ng chocolate. "You want to taste it?" Tanong niya. Tumango naman ako habang busy ako sa cake. "Okay." Mahinang tawa niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinahidan niya ng chocolate ang daliri niya at nilipat sa akin mukha. "Here you go. Babe." Hindi ko siya nilingon at seryoso kung inaayos ang cake. "Kee.." Bahala siya. Mamaya nalang ako titikim. "Kee! That's wrong! Masyado nang makapal ang nilagay mong chocolate." Napakunot noo ako at napalingon sakanya ngunit may dumampi na malagkit na bagay malapit sa bibig ko. "There! You can taste it now Babe." Natatawang aniya. Tinikman ko naman ito gamit ang dila ko habang napapakunot noo. "Masarap." Sabi ko at pumahid din ng chocolate. "Really?" "Yes babe" At bago pa siya rumeaksyon ay pinahidan ko na siya sa ilong sabay tawa ko ng malakas. "Now, Let's see if you can taste it too." Natatawa na sabi ko. Ngumuso naman ito at agad rin ako pinahidan. "Oh my.. " Tawa naman ng tawa si Talius habang hinahabol ko na siya. Pano ba naman ang laki ng chocolate na pinahiran niya sa noo ko!  What the hell! "Talius!!" "Habulin mo ako!" "Urgh!" "I love you Babe! Pero habulin mo muna ako!" Hindi ako nagdalawang isip at hinabol ko siya sa aking makakaya,  Dahil kahit gaano man siya kahirap habulin ay natatawa nalang ako sa pinangagawa namin. Loko kasi si Talius! Mukha tuloy kami mga bata. _______ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD