#MOD 18

1287 Words
#MyObsessedDoctor __________ "Kee! Tapos ka na ba dyan?! Ikaw nalang hinihintay!" Rinig kong sigaw ni Lee. "Wait!" Tumingin ulit ako sa sarili ko at napangisi. Nakasout kasi ako na pula na Topshop V neck pencil dress na tinernuhan ko na rin na pula na stilettos. Naglagay na rin ako ng light make up at tumingin ulit ng sandali sa salamin. Okay. Ito na. Nakita ko agad si Lee na mukhang nakakunot ang noo. "Kapag may okasyon talaga lagi nalang ikaw ang nahuhuli." Simangot na aniya. "Edi umuna ka na." Irap ko. "Saan sila Daddy at Kuya Rain?" Tanong ko rito. "Nauna na, kasi naman ang bagal mo" Aniya at lumabas ng bahay. Sumunod ako rito at pumasok na rin sa kotse. "Nauna na sa resto?" Tanong ko muli. "Oo, atsaka andun na rin ang mga Lopez. Ewan ko lang kung nag uusap na sila." Aniya habang may kinakalikot sa phone nito. Napakibit balikat nalang ako. Wala naman akong pakialam kung mahuli ako o hindi. Hindi naman ako ang may kailangan eh. Tsaka hindi rin nila ako kailangan. Talius: Where are you? Ako: On the way na. Talius: Okay I love you. ;-* Hindi ako nakareply at tinago nalang ang phone ko. Nakarating agad kami sa isang dining restaurant at tanaw ko mula rito ang mga kotse nila Daddy at mga Lopez. Bumaba na ako at sumunod ako kay Lee. Pumasok kami at hinatid kami ng waiter kung saan nakaupo ang mga pamilya ko. Nakuha agad namin ang atensyon nila. "Hey, Good morning." Bati ko at humalik kay Mom at umupo sa tabi niya. Umupo rin sa tabi ko si Lee at kaharap ko naman si Talius. "You look good in red, Kee." Puri ni Tita Fara. Ngumiti naman ako. "Thank you Tita." Nagsimula na kaming kumain at napatingin ako kay Talius ng isinangga niya ang paa niya sa ilalim ang paa ko. Ngumiti ako rito. Ang kulit talaga. "So Gabriel, You may continue" Ani ni Tito Gabb. Napakunot noo ako. Ano sasabihin niya? Napatingin ako sakanya at natigilan ako ng makita si Shasa na nasa tabi nito. Doon ko napagtantong kasama niya pala. "Ahm Tatay, Meet my girlfriend" Tumayo siya at tumayo rin si Shasa sabay tingin sa amin ni Gabriel. "She's Shasa Trinity Frintes." "H-Hello po. It's nice to meet you all po." Sabay bow ni Shasa. Tumawa naman si Mommy at pinaupo ito. "It's nice to meet you din Hija." Nakangiting sabi ni Mommy kay Shasa. "Oww, Hindi na binata si Baby boy Gabriel." Pang aasar ni Tita Fara. "Tita naman." Humalakhak nalang si Tita. "So kelan pa naging kayo?" Tanong ni Tito Gabb. "Last week pa Tay." Tumango lang si Tito. "Ayaw mo ba nun Gabby? Binata na ang anak mo!" Sabat naman ni Daddy. Tuwang tuwa pa. "Yeah I know, pero hindi naman ako sa hindi sumasang ayon." Tito Gabb. "Tatay, I respect pa naman po kung anong sasabihin niyo saamin. I just want to clarify that I have a girlfriend" Anas ni Gabriel sabay hawak nito sa kamay ni Shasa. "And She is Shasa I want to marry soon." Naparoll eyes nalang ako habang nilalaro ang pagkain ko. Geez, Ang boring naman. "Marry? Masyado pang maaga hijo para r'yan" Ani ni Mommy. "I know Tita Jenny, Kung ipinag aalala niyo po ang pag aaral ko. Kaya ko po ipagsabay" Really? "So Ms. Shasa, Ano ang kukunin mo this senior high?" Tanong ni Gabby. "Stem po Tito." Sagot niya. Wow kung makaTito agad huh? "Why?" "Medicine po ang kukunin ko ho." Bigla naman ako napasinghap. Medicine rin? Sus. Napangiti nang malawak si Tito Gabby at tumango tango. "What kind of medicine?" "General pediatricians po Tito." Sagot niya. "Ow, That's good. Para sa mga bata right?" Tumango naman si Shasa. "So If it is hija, Are you came from a family doctor? Related from medical and hospitality?" Tanong ni Daddy. "Nope, Ako lang po ang magmemedisina sa amin." "Why? Ano ba trabaho ng mga magulang mo?" Tanong ni Mommy. "Negosyo ho." Tumango nalang sila. Napairap nalang ako sa kawalan. Ewan ko ba kung bakit nakikinig ako sa mga sagot niya kahit hindi naman talaga ako interesado. Bigla gumalaw ang clutch bag ko at nakita kong umilaw ang phone ko. Inilabas ko ito at itinago. Talius: Are you bored? Ako: Super. Natawa siya kaya nagtama ang tingin namin. Talius: Me too, Babe. Ako: Ipapakilala mo rin ba ako? Bigla ako natigilan ng masend ko iyon. Napapikit ako at napatingin sakanya. Nakangiti ito sa akin. Talius: You want? Ako: No. I mean next time nalang. "Keep your phone Kee." Bulong agad sa akin ni Mommy. Agad ko naman tinago iyon at nagkatinginan kami ni Talius. Ngumiti ito saakin at sinukliaan ko rin siya ng ngiti. "Ikaw Arenax Lee? Wala ka rin pa ipapakilala sa amin?" Nakangising ani ni Tita Fara. Namula naman si Lee at umiling iling. "W-Wala." Natawa nalang si Tita. "Ikaw Lee? Balita ko kaklase mo itong si Talius? How was it?" Tanong ni Tito Gabby. "Ayos lang naman ho Tito, atsaka nagkakasundo po kami ni Talius." Sagot ni Lee habang kumakain ito. "Nagkakasundo like what?" "Hmm, Related po sa medical Tito." Napatango tango naman si Tito at tumingin sa akin. "So Lady in Red, Ms. Kee. Alam kong matagal mo ng pangarap maging doctor, So dahil magsesenior ka na ay anong medisina ang kukunin mo?" Tanong agad sa akin ni Tito. Napatingin ako kay Daddy na tahimik na kumakain. "Surgeon po Tito." Sagot ko habang pilit na kumakain. "She really wanted to be a surgeon soon Gabby, I don't know kung desidido itong anak ko." Rinig kong komento ni Daddy. "Zron, That's impressed me to heard that from her. Pare-pareho sila ng kambal ko at ang kambal mo na kukunin na trabaho." Malaki ang ngiti ni Tito Gabby dahil siguro lahat kami ng mga anak nila ay magiging surgeon din tulad nila. "I am anesthesiologist Gabby, I want her to be like me. Si Lee nalang magiging surgeon habang si Kee ay tulad ng sa akin." Bigla ako napayuko sa narinig. "It's up to your child Zron, If what makes her happy so be it. Don't force it." Buti pa si Tito Gabby ang bait, kaya pala nagmana rito si Talius eh. Hindi na nakaimik si Daddy at tanging mga kutsara tinidor ang maririnig. "Gabriel, May natanggap ako na tawag mula sa lolo mo." Basag ni Tito Gabby sa katahimikan. "Ano po iyon? " "Gusto ka niyang makausap." Tumango si Gabriel. Nagkwentuhan sila na hindi ko pinagtuunan ng pansin. Ito na ata ang boring na puro pagkain nalang ang napapansin ko. Pagkatapos nila mag usap usap ay tumayo na rin kami upang umuwi na. Finally! Nakaalis na! Uminit na kasi ang pwet ko dun sa upuan na yun! Urgh! "Kee! Dito ka na sumabay sa amin." Aya sa akin ni Talius. Napatingin sa amin si Daddy at Mommy. "Go." Ngumiti naman ako kay Mommy na sinenyasan akong pumunta. Pumasok ako sa kotse nila at tumabi sa akin si Talius. Nasa likod sila Gabriel at Shasa habang nasa unahan si Tito. "Are you going home na?" Lingon sa amin ni Tito. "Hindi po Daddy, Lalabas pa kami ni Kee." Sabi agad ni Talius. Kumunot noo naman si Tito. "Where are you going?" "Ahm, Sa mall po Tito." Ako na ang sumagot kay Tito. "Okay." "Ihahatid ko pa si Shasa, Tay." Sabat ni Gabriel. Napairap nalang ako. Oh well, Si Talius nalang pagtuunan ko. "Here." Napatingin ako ng inilahad niya sa akin ang right earphone. Kinuha ko naman ito at narinig ko ang tugtog ni Taylor Swift. Napatingin agad ako kay Talius. "Bakla ka ba?" Napatingin ito saakin habang unti unting kumukunot ang noo niya. "What?" "Sabi ko bakla ka ba? Bakit Taylor swift ang pinapatugtog mo?" Natawa naman ito dahilan para magtaka pa ako lalo. "One more bakla word and I will kiss you here." Walang alinlangan na aniya. Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig nito sabay tingin kay Tito. Bigla kasi ako kinabahan na baka narinig ito ni Tito Gabby pero nagpapasalamat ako na abala ito makipag usap sa driver nila. "What the hell Talius?" Tinanggal nito ang kamay ko at hinalikan. "Alam kong paborito mo ang mga kanta ng mga Taylor swift kaya't pinalagay ko na rito sa music ko." Aniya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang lumakas ang t***k ng puso ko sa narinig ko mula sakanya. Pakiramdam ko gusto ko maiyak. Kilala niya ako. Kilalang kilala. ____________ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD