#MOD 27

1308 Words
#MyObsessedDoctor ________ "Si Kee ba yun?" "Akala ko ba nasa hospital 'yan?" "Mabuti naman at naging maayos na siya." "Karma niya yan." "Mayabang naman kasi eh." Hindi ko pinansin ang mga estyudanteng nasa paligid. Walang emosyon akong tinatahak ang daanan patungo sa section ko. Abala pa rin sila na pag usapan ako at wala na akong pakialam pa. "KEEEEEEEE!!!!" Agad akong dinamba ng yakap ni Gina pagkapasok ko sa room. "Namiss ka namin!" Naiiyak na ani ni Gina. Lumapit sa amin sila Teres at Lana. "Kee!" Agad rin ako sinalubong ng yakap ni Lana habang naluluha si Gina at hinampas ako ng marahan.  "Nakakainis ka Kee! Kung hindi ko lang malalaman kay Lana baka wala na akong kaalam alam sa nangyari sayo! Hindi pa naman ako nakapagdalaw sayo!" Tampo nito. Ngumiti lang ako sakanila. "Eh kasi ba naman! Abala ka sa bago mong lalake!" Kunot noong sabat ni Lana. Natigilan si Gina at kumalas sa akin tsaka hinarap si Lana. "Hoy Lana! Kung maiinggit ka, Humanap ka rin! Gusto mo ireto kita?" Ngumiwi lang si Lana. Natawa nalang ako at napatingin sa paligid. Ang mga kaklase ko ay nakangiti sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin. Nakakahiya lang, Naalala ko kung paano ko sila itrato pero andito pa rin sila at sinasalubong ako ng mga ngiti nila. "Kee." Napatingin ako sa kaliwa at natigilan ako na makita si Teres kasama si Kenn. Napangiti ako ng makita muli si Kenn. Simula noong tinanggihan ko siya ay umiwas na siya sa barkada. "K-Kenneth." Agad ko siya niyakap. Tumawa siya at niyakap ako pabalik. "Kamusta? Wala bang masakit sayo?" Umiling ako. Pero kung tatanungin talaga, Oo, Masakit ang puso ko. "Ikaw Kenn? Kamusta? Huli kitang nakita noong alam mo na." Tumawa ako at hinarap siya. Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan. "Sus, Wala na iyon sa akin Kee." Natatawang aniya. "Mabuti nga." Hindi pumasok ang first subject teacher namin sa science kaya tuluyan kami nagkwentuhan nalang. Hindi ko nalang inisip ang mga nangyari noong mga nakaraang linggo. Masyadong maraming nangyare eh. "Saan ka ba pumunta Kenn? Bigla ka agad nawala at hindi nagpakita." Naguguluhang tanong ni Lana. "Nagbakasyon lang ako sa states guys. Easy lang." Tumawa pa ang loko. "Leche! Hindi ka pa babalik kung hindi mo nabalitaan ang nangyare kay Kee? Ganun? Loko 'to." Gina. Nagtawanan naman ang lahat. Ngumuso lang si Kenn at tumingin sa akin. "Sisihin mo siya, Sinaktan ako masyado." Aniya at nagpout pa talaga ang loko. Tumawa lang ako ngunit naglaho bigla ang ngiti ko ng tumagos ang tingin ko sa bintana at nakita ko si Talius habang masayang nakikipag usap kay Fumika. Natulala lang ako habang sinusundan sila ng tingin sa labas. Dumaan sila sa section namin at bigla nanikip ang dibdib ko na makita silang magkasama. Ano ba ang relasyon nilang dalawa?! Diba ako yung girlfriend? Bakit sila magkasama?! Napayukom ako at napaiwas ng tingin. Sabi niya mahal niya ako. Sabi niya gustong gusto niya ako pero bakit may kasama siyang iba? Pinagtataksilan ba niya ako? "Kee." Napatingin ako kay Kenn. Bakas rito ang pag aalala. Mukhang napatingin din siya sa nakita ko kanina. Aakmang magsasalita ito ng tinaas ko ang kamay ko. "Ayos lang ako." Plastik na ngiti ko. Alam kong hindi siya maniniwala pero wala na siyang magagawa. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Abala sila sa pagkukwentuhan kaya tumayo ako dahilan para makuha ang atensyon nila. "Comfort room lang guys!" Paalam ko. "Samahan na kita Kee!" Gina. Umiling ako at nginitian siya. "Kaya ko ang sarili ko! Ano ba." Ngumiti ako sakanila at lumabas sa room. Napatingin ako sa kanan at kaliwa pero tinakbo ko kung saan pumunta sila Talius at Mika. Hindi naman talaga ako pupunta sa comfort room. Gusto ko lang sundan si Talius at Mika. Natigilan ako ng makita ko sila na sabay na lumabas mula sa teachers office. Aakmang aalis sila ng mapatigil sila na makita akong nakatayo sa harap nila. "Oh Kee! Buti naman at nakapasok ka!" Ani ni Mika. Ngumiti lang ako at tinignan si Talius. "Si Talius kasi masyadong mapilit na gustong pumasok ngayon sa halip na magpahinga muna siya sa bahay pero mapilit talaga 'to." Mahabang aniya. "Mika, Mauna ka na. Ang dami mo pang sinasabi." Singit ni Talius. "Ewan ko sayo, Lagi ka nalang kontra sa lahat ng sinasabi ko! Concern na nga yung tao eh!" Asar na ani ni Mika. Dumaan ito sa harap ko at kinindatan ako. "Don't worry, Mukhang may regla lang yan kaya masyadong pabebe pa." "Mika!" "Oh gosh! Sige na!" Kumiripas ng takbo si Mika at napangiti nalang ako sa bulong niya sa akin kanina. "What's funny?" Nawala ang ngiti ko nang makita ang bakas na irita sa mukha ni Talius. Lumapit ako rito. "Ang gwapo mo daw kasi." Sabi ko rito. Nakita ko kung paano namula ang tenga ni Talius. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Stop it, Hindi nakakatawa." Aniya. "Hindi naman ako tumatawa ah? Ngumingiti lang ako." Ngumuso ako pero pigil ang ngiti ko. Ngayon, Gusto ko siyang suyuin. Gusto ko rin iparamdam sakanya na mahal ko rin siya. Na hindi rin ako susuko para sakanya. Ako naman sa ngayon ang gagalaw. Wala rin naman mawawala kung sabihin ko rin sakanya na mahal ko siya. "Kahit na! Tumatawa ka pa rin!" Naiinis na aniya. Lumungkot naman ang ekspresyon ko. "Ayaw mo bang maging masaya ako?" Tanong ko sakanya. Natigilan ito. "Kung gusto mo akong saktan ng husto. Sabihin mo sa harapan ko na hindi mo na ako mahal." Napatitig ito sa akin. Hindi ito makapaniwala. "K-Kee." Napayuko ako at nanggilid ang luha ko. "Galit ka diba sa akin? Dapat saktan mo ako! Kaya ko rin tanggapin dahil tinanggap mo rin ako sa una kahit hindi pa kita noon mahal pero ngayon? Kaya ko rin gawin ang lahat para sayo dahil mahal na rin kita." Tumingala ako kasabay ang pagtulo ng luha ko. Nakaawang ang mga labi nito tila parang hindi niya inaasahan ang mga pinagsasabi ko. "K-Kee, stop it." Napatigil ako. Nagtatakang napatingin sakanya. Sa ngayon kitang kita ko na roon ang mga halong halong emosyon na makikita sa mata niya. "A-Ayokong marinig iyan." Napanganga ako. "B-Bakit?" Bulong ko. Pilit kong hindi maluha sa harap niya. Bigla rumehistro ang galit sa mukha ni Talius. "Ayaw kong marinig iyan dahil nasasaktan ako kapag ang kambal ko ang naiisip mo! Hindi mo ako mahal dahil ang mahal mo si Gabriel!" Umiling ako ng paulit ulit. "Hindi iyan totoo Talius. Minahal kita bilang ikaw! Hindi iyan pumasok sa utak ko kahit noong una pa! Atsaka hindi ko naman minahal noon si Gabriel! Oo ginusto ko siya. Nagugustuhan ko ang kambal mo noon pero hindi ko siya minahal!" Habol hininga ang bawat salita ko pero paunti unti rin sinasakal ang puso ko. Iyon ba ang iniisip niya kung bakit galit siya sa akin? "Kahit kailan Talius, Ikaw ang una kong minahal wala ng iba pa." Napapagod akong napatitig sakanya. Ang mga mata nito ay nakatitig rin sa akin. "Mahal kita Talius. Mahal na mahal." Tuluyan ako napaiyak at tinalikuran siya. Iyon lang naman talaga ang una kong dapat gawin eh. Ang sabihin sakanya na mahal ko na siya. Pero bakit ang sakit? Nasasaktan din ako. Natigilan lang ako ng may humila sa braso ko at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Agad akong napasinghap na maamoy ang pabango ni Talius. "I-Im sorry, H-Hindi ko alam. Masyado lang akong nadala K-Kee. I'm so sorry, Forgive m-me." Napatigil ako ng mapansing umiiyak na pala siya. Nanginginig ang mga balikat nito kaya sinapo ko ang boung mukha niya. "B-Babe.." Mas lalo ito napaiyak at hinawakan ang kamay ko. Napapikit ito at hinalikan ang kamay ko. Tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nasasaktan lalo na at ako ang dahilan. "F-Forgive me Kee for being jerk." Aniya. Umiling lang ako at hinila ang kanyang batok tsaka ko siya siniil ng halik. Gusto ko iparamdam sakanya sa pamamagitan ng paghalik ko ang labis na pagmamahal ko para sakanya. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko rin ang lahat para sakanya. Hindi ko siya sasaktan. Tumugon ito sa mga halik ko. Alam kong pinagbabawal ito sa loob ng paaralan pero wala na akong pakialam pa. Ang mas importante sa akin ay ang pagkakaayos namin ni Talius. "I-I love you so much Kee." Napangiti ako. Napapaluha akong hinaplos ang pisnge niya. Tears of joy. Damn. "Mahal na mahal din kita." ___________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD