#MOD 28

1377 Words
#MyObsessedDoctor ________ Malalaki ang ngiti ko ng pumasok ako sa room ko. Hindi pa rin dumarating ang susunod naming teacher kaya salubong naman sa akin ang mga pagtataka ng mga barkada ko. "Anong meron Kee? Laki ng ngiti mo!" Ani ni Teres. "Kanina lang mukhang nakatulala ka." Ani ni Gina. Ngumisi lang ako at umupo sa pwesto ko kanina. "Well, Nagkaayos na kami ni Talius." Masayang balita ko. "Nag away kayo ni Talius?" Naguguluhang tanong ni Gina. Tumango ako. Napamaang siya. "Bakit hindi ko alam?!" Nagtatampong aniya. Umismid naman si Lana sakanya. "Paano mo malalaman eh hindi ka naman nagtatanong!" Giit ni Lana. Napairap si Gina at pinagsalitaan rin si Lana. Napangiti nalang ako habang naiiling. "Kayo na pala." Napatingin ako kay Kenn. Napakamot ako at nahihiyang tumango. "Oo eh." Tumawa lang ito. "Kung hindi sana ako nagbakasyon baka may sama pa ako ng loob sayo." Prankang sabi niya. Napanguso ako. Nagmumukha tuloy akong masamang tao. "Atleast maaga ko sayo sinabi kesa naman pinaasa kita." Sabi ko sakanya. Totoo naman talaga kasi, kung hindi ako nagsalita noon ay siguro hanggang ngayon umaasa pa rin ito sa akin. Oh well, Mabuti pinanganak akong tapat. Hehehe. Ginulo niya ang buhok ko. "Stay loyal ah? Mas masakit sa aming mga lalake ang pinagtataksilan okay?" Lumaki naman ang mata ko. Wow ah, Kami ata yung mas nasasaktan kapag nagtataksil sila eh. "Mas kami ang nasasaktan nuh! Sa katunayan nga mas kawawa pa kaming mga babae kasi kayo, pwede niyo kami ipagpalit kapag nagsawa na kayo!" Sumingkit naman ang mata ni Kenn at humalakhak ang loko. "Wag mo lahatin Kee." Sabay halakhak niya. "Uy! Wala akong sinabing lahat nuh! Guilty ka naman masyado!" Ngisi ko. Pinitik niya noo ko kaya napangiwi ako. "Ouch! Ang lakas ng pagkapitik mo!" Asar na sabi ko habang hinihimas ang noo ko. Ngumisi lang ang gago kaya sinuntok ko siya sa braso. Boung umaga kami nag asaran at mukhang wala ng balak na pumasok ang mga teachers namin. Buti pa nga yun para magkaroon kami ng kwentuhan ng mga kaibigan ko. Bigla ako nakaramdam ng pagkavibrate sa bulsa ko. Kinuha ko ito at nabasa ko ang pangalan ni Talius sa text. My Babe♥: Come here at the field babe, I love you. Ako: Time na ba? My babe♥: Almost. Napatingin ako sa wrist watch ko at mga ilang minuto nalang ay magtatime na. Napatingin ako sa mga barkada ko. "Guys! Mauna na ako sainyo maglunch break." Paalam ko rito. Ngumisi sa akin si Teres. "Si Talius ba? Sus alam na namin yan." Aniya. Tumawa naman si Lana. "Kung andito ka lang Kenn, Halos hindi iyan maipaghiwalay yang dalawa!" Pang aasar naman ni Lana sa akin sabay tingin kay Kenn. Ngumisi lang si Kenn. "Halata naman." "Leche kayo! Ako lang talaga walang alam sainyo!" Singit ni Gina at tumingin sa akin. "Akala ko ba MU lang kayo? Papaano kayo humantong sa ganito?" Naguguluhang tanong sa akin ni Gina. Tumawa lang ako at tinagnan sila isa isa. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Gina baka kasi mas lalo siyang asarin nila Lana. "Sige guys! Mauna na ako!" Pagkapaalam ko sakanila. Agad akong tumungo sa soccer field at agad ko naman natanaw si Talius na nagbabasa ng libro. Dumaan naman ako sa likod ng puno kaya agad kong tinakpan ang mata niya ng makarating ako sa likod niya. "Babe, Sa lambot ba naman ng kamay mo magtataka pa ba ako kung hindi ikaw Kee?" Aniya at tinanggal ang kamay ko sabay halik nito. Napanguso akong napatabi sakanya. "Why didn't you answer my text babe?" Aniya at inakbayan ako. "Papunta naman ako sayo eh, kaya wag nalang." Sabi ko. Tumitig naman ito sa akin at hinalikan niya ako sa sintinido. "I miss you." Napangiti naman ako. "Mas namiss kita, ilang linggo mo na rin akong hindi pinapansin." Nagtatampong sabi ko. "I'm sorry, Nasaktan lang ako." Ani nito habang hinalik halikan ang ulo ko. "I just don't know why kung bakit agad kita napatawad but damn it Kee, Hindi kita matiis." Napailing iling ito at hinarap ako. "I love you so much Kee." Aniya at hinaplos ang pisnge ko. Lumungkot ang emosyon nito. "Hindi ko kayang kalimutan ka. Hinding hindi ko kaya. Iisipin ko palang na kalimutan ko ang pagmamahal ko sayo. Para na akong sinasakal. Masakit sobra." Umiwas ako ng tingin at napabuntong hininga. "Alam kong hindi mo iyon kaya Talius.. Mahal mo ako. At mahal din kita. Naiintindihan mo ba? Wala kang rason para kalimutan mo ako at wala kang dapat kalimutan tungkol sa akin." Maririin na ani ko sakanya. Marahan ko siyang tinitigan. "Akin ka lang. Simula ngayon, Akin ka lang. Mahal na mahal kita." Punong puno ng mga iba't ibang emosyon ang mga mata nito. Halos makita ko na ang pangigilid ng mga luha nito. Ngumiti ako at pinagmasdan ang napakagwapo niyang mukha. "Salamat Kee." Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago niya inilapat ang mga malalambot niyang mga labi sa akin. Malalakas ang mga kabog ng dibdib ko habang marahan kong ibinukas ang bibig ko upang makalaya siya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan siya pabalik at hawakan ang batok niya pailalim sa akin. "I-I love y-you..." Aniya sa gitna ng paghahalikan namin. Napakurap ako at napabitaw mula sakanya. Doon ko napagtantong nasa field kami ngayon kaya posibleng may makakita sa amin ngunit hindi pa naman time kaya medyo kampante ako. "I-I love you too.." Hindi ako makatingin sakanya. Kagat labi akong napaiwas ng tingin mula sakanya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng hiya pero leche lang! Kinikilig ako! Kinuha niya ang libro at inakbayan ulit ako. Doon ko lamang nakita na nagsilabasan ang mga estyudante mula sa lungga nila. Napahawak ako sa kamay ni Talius at sumandal sa dibdib niya. "Do you know how I f*****g tried to avoid you?" Tanong niya. Umiling naman ako. Bumuntong hininga ito at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. "You're poisoning me whenever you shown me your teary eyed. Para mo akong pinapatay." Aniya sabay buklat niya ng pahina sa libro. "Sobrang hirap mong iwasan." Sabay tingin na niya sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "I was trying to figuring that time if what would I feel if without you beside me." Huminga ito ng malalim at napatulala sa ibang direksyon. "Hindi ko lang pala kaya. Makita palang kita sa ibang lalake o lalo na sa kambal ko ay sobrang sakit na." Aniya at mataman akong tinitigan. "I saw you two hugging each other. And I couldn't f*****g sleep that night." Natigilan ako at bigla sumagi sa isip ko ang pagyakap sa akin ni Gabriel. Nakita niya yun? "H-He was trying to comfort me Babe." Untag ko at sumiksik pa lalo sa kanya. "I know but... I'm f*****g jealous Kee. At the same time, I'm hurting seeing you like that." Hindi ko napigilan ay binitawan ko siya para yakapin nalang siya. Niyakap naman niya ako pabalik. "Oh wag ka na magselos dahil ako na mismo magyayakap ng paulit ulit sayo alright?" Humigpit ang yakap nito sa akin at tumango. "Hindi ko lang mapigilan magselos." "That's alright, You are just make me happy whenever you're jealous Baby." Ngisi ko at tiningala siya. Piningot niya ang ilong ko habang napapangiti. "Silly, kapag ikaw nagseselos halos isumpa mo ako o di kaya mumurahin ang mga babaeng lalapit sa akin." "Of course, what do you expect? Let them to flirt with you? Oh darn, I will burn them." Napahalakhak si Talius at niyakap nalang ako ng mahigpit. "Darn! I will always love you." Ginaya niya ang accent na sinabi ko kanina kaya ngumuso lang ako. "You are trying hard." Sabi ko. Umiling ito habang pigil na tumatawa. "Why would I? Y-You made me laugh." Napairap nalang ako. "Whatever." "Whatever, I still love you." "I love you more." "No, I love you most." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawa lang ang loko loko. "W-What?" Tumatawa pa rin ito. "What's funny?" Kung kanina lang ako ang tumatawa, ngayon naman siya naman ang natatawa. Nababaliw na ata ang boyfriend ko. "Kasi ang ganda mo." Sabay tawa niya ng malakas. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya lang ako o hindi. "Stop it Talius! Ano ba ang nakakatawa?" Asar na sabi ko. Tumigil ito sa pagtawa at agad akong ninakawan ng halik. "I don't know Kee, Maybe your facial expression eh?" Hinampas ko naman siya dahilan para matawa siya. "Bakit panget ba ako?!" Umiling ito at umayos ng upo. Malapad ang mga ngiti nitong napatitig sa akin. "You make me laugh even it's lame excuses. Kahit sa mababaw na dahilan ay napapasaya mo ako. I don't know but that's what I feel right now." Napapikit ako at hindi ko mapigilan mapayakap sa kanya at tumago sa kanyang dibdib. Dammit! Kinikilig ako! Mga mga paru paro sa mga tiyan ko! Pakiramdam ko pulang pula na ako ngayon. ______ Updated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD