#MOD 26

1449 Words
#MyObsessedDoctor __________ "Wala ka na bang naiwan dyan Kee?" Muli kong inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Umiling ako. "Wala na Dad, Alis na tayo." Tumango ito at binuhat ang mga ilan damit ko doon. Lumabas ako sa kwarto at napatingin sa kabilang kwarto. Sabi ni Daddy, Bukas pa ang pagkadischarge ni Talius kaya hindi kami sabay. Nakabalot pa rin ang kamay ko pero hindi na gaya ng dati na masakit ito. Medyo namanhid na kasi eh. Kumatok ako sa pintuan para magpaalam sana at bumukas ito. "Aderal.." Ngumiti ako ng tipid kay Gabriel at sumilip sa loob. "Andyan ba si Talius?" Tumango ito at pinalawak ang pintuan. Pumasok ako rito at nakita ko si Talius na nakasandal sa headboard at nagbabasa. Lumapit ako rito. "Talius.. Mauuna na pala kami." Panimula ko. Hindi ito kumibo. "M-Magpapaalam sana ako eh." Hindi pa rin niya ako matignan sa mata kaya pagod akong napabuntong hininga. "Sige, Magpagaling ka ah?" Tinalikuran ko na siya. Naalala ko nanaman kasi ang mga pagtatrato niya sa akin sa mga nakaraang araw eh. Ni hindi niya ako kinausap ng masinsinan. Puro nalang galit at inis ang pinapakita niya sa akin. Tulala lang ako habang nakatingin sa labas. Si Daddy ang nagmamaneho habang ako ay wala sa sarili. "Daddy, Nag away na ba kayo ni Mommy?" Bigla kong tanong. Tumango si Dad. "Oo naman, Bakit mo natanong princess?" Napabuntong hininga ako. "Paano mo siya nasuyo Dad?" Tumawa naman si Dad. "Sympre nilambing ko siya. Hindi ako matitiis ng Mommy mo Kee." Aniya. Sinulyapan ako ni Dad. "Bakit? May boyfriend ka na ba Kee?" Kumabog ng malakas ang puso ko kaya bigla ako natameme. "D-Dad.. " Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero inunahan na niya ako. "Si Talius ba? I know there's something between you." Napakagat ako sa labi. "I know how he looked at you, how he defend you. I know Princess." "P-Pero may galit siya sa akin." Sabi ko at napayuko. Hinawakan ni Dad ang kamay ko. "Princess, When you're in a relationship not all the time is just pure pleasure, happiness and affection. You also have time to hurt and sad. You also have to fight for your love. Because that's true love, You need to be hurt." Napangiti ako ng malungkot. Siguro nga. Masyado na ata akong naging spoiled sa mga pagmamahal na binibigay sa akin ni Talius. Kailangan ko rin ata iparamdam sakanya na mahal ko rin siya. _______ Tomorrow is monday, Kailangan ko rin pumasok dahil ilang linggo na rin ako nasa hospital. Baka mahuli ako sa mga discussion nila. ["Iyan ba kasi ang sinasabi ko sayo Kee! Dahil sa kayabangan mo nakidnapp ka! Ang tigas tigas kasi naman ng ulo mo!"] Bumuntong hininga ako sa sermon ni Lana. Kasalukuyan akong napatawag kay Lana para balitaan siyang papasok ako bukas. "Nagbago na diba ako?" Sumandal ako sa railings at napatitig sa harap kung saan ang bahay nila Talius. Hindi pa rin sila dumadating. ["Yeah right! Nagbago ka naman pero may ginawa ka pa rin mali!"] "Oo na! Kasalanan ko na." ["Dapat mo lang aminin! Hindi rin naman kasi ako magtataka kung bakit galit sayo si Talius."] Bigla nanikip ang dibdib ko at malungkot na napatitig sa kawalan. ["Sinabihan na kita sa una diba Kee? Pero hindi ka naman nakinig, Hinintay mo pang siya ang makatuklas sa panloloko mo sakanya."] "Hindi ko siya niloko!" ["Oh sige, Ano bang tawag sa karelasyon mong hindi mo naman mahal?"] "Pero hindi naman yun panloloko ang ginawa ko!" Narinig kong napabuntong hininga si Lana. ["Kahit sabihin nating hindi, In the first place, Kay Gabriel ka nagkagusto hindi kay Talius, At mukhang narealized ata ni Talius na ginagamit mo lang siya para kalimutan si Gabriel Tama ba?"] Humigpit ang hawak ko sa sandalan at napaupo. Pinipiga ang puso ko sa tuwing iniisip na galit sa akin si Talius. Niloko ko ba siya? Iyon ba ang naiisip niya kung bakit galit siya sa akin? ["Kung mahal mo na si Talius, Sabihin mo na agad sakanya. Baka pagsisihan mo nanaman yan."] Hindi na kailangan pang sabihin yan dahil bukas na bukas malalaman din iyon ni Talius ang nararamdaman ko. "Sa ngayon, Ayokong muna guluhin siya—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng deretso ang tingin ko sa sasakyan na paparating sa harap ng bahay namin. Bumaba roon si Tito Gabb at sumunod na bumaba si Gabriel. Napatayo ako ng makitang bumaba na rin si Talius. Nawala na rito ang nakabendang nasa ulo nito kaya wala na akong sinayang na oras ay umalis ako sa veranda. ["Kee? Kee?! Anong meron?"] "Wait lang Lana! Dumating na sila!" Masayang ani ko at pinatay ang phone ko. Iniwan ko ito sa kama at bumaba na. "Where are you going?" Sumalubong naman sa akin si Lee. "Kila Talius lang, Dumating na sila eh." Excited na ani ko. Kumunot ang noo ni Lee. "Anong gagawin mo doon? Ilang beses ka na rin dumalaw sakanya noong nasa hospital diba?" Nagtatakang tanong ng kambal ko. Nginitian ko lang siya. "Wag nang maraming tanong Lee! Aalis na ako byee!" "Ingat ka!" Pahabol nito. Tumango lang ako at lumabas ng bahay. Nakita kong nakapark pa rin ang kotse nila Talius. Inayos ko ang sarili ko habang nasa harap ako ng pintuan nila bago ako kumatok. "Sino naman ang dadalaw—" Naputol ang sasabihin ni Gabriel na makita ako. Mukhang nagulat ito at agad naman kumunot ang noo. "What are you doing here?" Ngumiti ako. "Andyan na ba si Talius?" Tanong ko. Dahan dahan naman tumango si Gabriel at pinapasok ako. "Salamat." Pagkapasok ko sa sofa nila bigla ako napatingin sa kusina nila. Napangiti ako ng malungkot na maalala ang mga pagsasama namin ni Talius sa kusina nila. "You don't need to carry it." "I can! Wag ka na ngang makulit Talius!" "Stop it, Mika. You can go home." Bigla ako nakarinig sa upstairs kaya napatingin ako sa taas ngunit natigilan ako ng makita kong sabay na bumababa si Fumika habang kinukulit si Talius. "Kahit kailan lagi ka nalang kontra sa akin!" Nguso ni Fumika kay Talius. "I don't know what are you saying." Sagot naman ni Talius. Hinampas naman ni Fumika sa braso ni Talius. "Eh! Puro ka I-dont-know-what-are-you-saying leche ka. Kung hindi ka lang napuruhan baka binatukan na kita." Ani ni Fumika. Napatayo ako ng makitang tuluyan sila nakababa. Hindi pa rin nila ako napapansin habang pinapanood ko sila. Parang sinasakal ang puso ko na makitang may kausap na ibang babae si Talius lalo na at sinasabayan ang kalokohan nito at ngumingiti kay Fumika. Bakit ba andito ang babaeng yan? "Ehem." Tikhim ko. Naagaw ko ang atensyon nila. Nagulat na napatingin sa akin si Fumika. "Oh my! Kee! Are you okay? Wala bang masakit sayo Kee? Oh my gosh! Im sorry kung hindi rin kita nadalaw sa hospital. Oh gosh! I am so stupid!" Ngumiti naman ako ng plastik sakanya. "Ulyanin ka na kasi." Pang aasar ni Talius kay Fumika. "Ewan ko sayo! Panira ka talaga!" Sabay hampas niya kay Talius. Umiwas ako ng tingin. Mukhang nagkamali ata ako sa pagpunta dito. "A-Aalis nalang a-ako." Hindi ko napigilan mapagaralgal. Kinakain na ako ng selos ngayon! Tumingin sa akin si Talius ngunit blanko lang ang ekspresyon niya. "Bakit ka naman agad aalis? Kararating mo lang dito atsaka dito ka na rin kumain sa bahay nila." Hagikgik ni Fumika. Napangiwi ako. Bakit ba parang mas feel na feel at home itong babaeng to? "Hindi na, Fumika." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Don't call me Fumika, Call me Mika. Okay? Dahil may utang na loob ka sa akin ay hindi na ako matatakot sayo yey!" Aniya at kumapit sa braso ko. What the f**k? "A-Anong pinagsasabi mo dyan?" "Sila ang nakapagsumbong sa mga pulis na nakidnapp kayo ni Talius." Napatingin ako nung sumingit si Gabriel. Sumunod ang tingin ko kay Talius ngunit parang hinablot ang puso ko sa sobrang sakit na makitang nakatitig siya kay Mika. "Let her Mika. Mukha ka ng linta." Singit ni Talius at hinawakan sa braso si Mika. Sinamaan siya ng tingin ni Mika. "Diba girlfriend mo ito si Kee? Bakit mo ako pinapaiwas sakanya ah?" Napaiwas ng tingin si Talius. "Hindi kita pinapaiwas sakanya Mika, Gusto na ata niyang umuwi." Mas lalong piniga ang puso ko. Ganun na ba siya kagalit sa akin at pati ang mga nasa paligid niya ay pinapaiwas niya mula sa akin? Ganun na ba ako kasamang tao sakanya? "O-Oo nga Mika, A-Aalis na rin ako." Bigla nanggilid ang luha ko kaya yumuko ako at tinanggal ang braso ni Mika. "P-Pero Kee—" "Mika." Hindi na ako lumingon pa at agad na lumabas sa bahay nila. Hindi lang sakit ang nakuha ko mula doon ngunit hiya. Mukha akong kahiya hiya sakanilang harapan kanina. Lumuluha akong patungo sa bahay ngunit may humablot sa braso ko at nanlalabong napatingin kung sino iyon. "G-Gabriel?" Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya mas lalo ako napaiyak. Hindi ko na rin napigilan ay napahagulgol ako. ______ A/N: Guys, Pwede bang unahin ko muna ito bago ang The ghost possession? Hindi ko kasi kaya na ipagsabay yung dalawa eh. Tatapusin ko muna ito bago iyon at pagkatapos na din iyon ay yung mga iba naman na story ko. Gusto ko kasi na lahat iyon matapos. At thank you sa pagbabasa na hanggang ngayon ay sumusuporta pa rin kayo. Salamat guys! :-* Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD