#MOD 25

1406 Words
#MyObsessedDoctor ______ Bumalik din agad si Gabriel ngunit may mga kasama na itong mga doktor. Nakita kong agad na lumapit si Daddy kay Talius at chinecheck nito ang mga vitals ni Talius. Nakatayo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan si Talius. Nakahiga ito at nakikinig sa mga tinatanong ni Dad. Napabuntong hininga ako at napayuko. I am so really hopeless b***h. Wala akong magawa para matanggal ang sakit na nararamdaman niya ngayon. "Kee, Go back to your room." Napatingala ako at nakita ko si Daddy. Tumagos ang tingin ko sakanya patungo sa likod niya kung saan nakasandal sa unan si Talius. "D-Dad.." "Mamaya mo na dalawin si Talius." Ani ni Daddy. Nagtama ang mata namin ni Talius ngunit agad niya itong binawi at nakipag usap kay Gabriel. "O-Okay..." Pinagbuksan ako ni Daddy ng pintuan at tinap ang ulo ko. "I'm sorry Princess." Napatango nalang ako. Naiintindihan ko naman si Daddy. Ginagawa lang niya ang trabaho niya. Pumasok uli siya at naiwan akong nakatulala sa labas ng pintuan. Sa halip na pumasok sa kwarto ko ay tumungo nalang ako sa likod ng hospital. Nadatnan ko doon ang mga sariwang bulaklak na nakatanim sa gilid. May puno rin ito at may duyan para sa mga matatanda. May nakitaan pa akong nakawheel chair din at mukhang nagpapahangin din tulad ko. Lumabas ako at malungkot na pinagmamasdan ang paligid. May mga katulad kong magkasintahan na nagsusubuan at masayang nagkukwentuhan. Bigla uminit ang mata ko ng maalala ko ang binabatong reaksyon ni Talius sa akin kanina. Hindi ba siya masaya na okay na ako? Kasi ako, Sobrang saya ko na makita siyang gising na. "Kee." Bigla ako napalingon sa pinagmulan at nakita ko si Teres na nakawheel chair din katulad ko ngunit nakabenda ang ulo niya katulad din kay Talius. Pero ang pinagkaiba, Mas napuruhan si Talius kesa kay Teres. "A-Ayos ka lang?" Ngumiti ako ng pilit at tumabi ito sa akin. Sabay namin pinagmasdan ang paligid. "Mukhang hindi ka okay." Aniya. Natawa ako pero pilit lang iyon. "Alam mo na pala, Tinatanong mo pa." Hindi ko napigilan ay may tumulong luha kaya agad kong pinunasan ito. "Si Talius ba ang dahilan? Hindi pa ba siya nagigising?" Katulad ko, Pagkatapos kong magising noon saka lang din nagising si Teres. Laki nga ng pasasalamat ko kasi naging maayos ang kalagayan niya. "Nagising siya.." "Oh bakit parang malungkot ka pa? Diba dapat masaya ka dahil nagising na siya?" Ngumiti ako ng mapait. Papaano ako magiging masaya kung ang naging unang reaksyon niya sa akin ay walang emosyon? Parang hindi niya ako kilala mula ng magising siya. "Ang akala ko rin magiging m-masaya ako dahil nagising na s-siya pero ang sakit pala." Napasandal ako at tumingala. Pilit kong huwag maluha. Naramdaman kong pinunasan ni Teres ang luhang tumakas mula sa mata ko. "Alam kong mahal mo na siya Kee, Ngunit hindi ko rin siya masisisi dahil nasaktan siya sa nalaman niya." Aniya at huminga ng malalim. "A-Alam ko iyon.." Tama si Teres. Alam kong nasaktan ko pa noon si Talius pero bakit ganun? Kung kelan ko na siyang natutunan mahalin at maramdaman na mahalaga na siya sa akin ay saka lang siya lumalayo sa akin? Ito na ba ang karma ko? Masakit na karma to eh kesa sa nangyari sa amin. ________ "Si Lee muna magbabantay sayo habang may seminar ako sa Baguio, Honey." Natigilan ako sa panonood at napatingin kay Mommy. "Kelan po kayo aalis?" "Later." Aniya at tumabi sa akin. "Don't worry on the way na ang kambal mo." Tumango lang ako at tinuon ang atensyon sa TV. Umalis sa tabi ko si Mommy at may inasikaso sa kabilang lamesa. "Mom." Napatigil ito at nagtatakang tumingin sa akin. "Kailan po ako madidischarge dito?" Huminga ng malalim si Mom. "Hindi pa maayos ang kalagayan mo Kee." "But I can walk without wheelchair naman ah! I can handle myself alone." Giit ko. "I know, but you arm is not fine. I and your Dad will be sure that before you leave hospital you are already fine and healthy." Aniya. Napaungol nalang ako at sumandal sa sofa. "Wag na patigasin ang ulo Kee. We allowed you to walk without wheelchair so that's enough." Hindi na ako umangal at pinagmasdan si Mommy na abala sa pag aayos ng mga papel nito. I know that I become bother to them. Pati ang mga pinagtatrabaho ni Mommy ay dito nalang niya ginawa sa tabi ko. I sigh. Hindi naman tumagal sa dalawang oras ay nakarating si Lee. Doon rin natapos si Mommy at nagpaalam na ito sa amin. I smiled at her before she leave. I have to assure her that I will be fine. "Pupunta lang ako kila Talius." Paalam ko kay Lee. "Samahan na kita." Umiling ako. "I can handle Lee. I'm okay." Napabuntong hininga si Lee at tumango nalang. "Okay." Umalis ako sa kwarto ko at tinungo ang kabilang pinto. Two weeks have passed noong huli kong nakausap si Teres. Pinayagan na rin nila ako maglakad kahit wala ng wheel chair ngunit nakafull arm cast pa rin ako. Aaminin kong medyo namamaga at masakit ang braso ko pero nakakayanan ko pa rin. "When have I ever get out of here?" Ito agad ang bumungad sa tenga ko ang iritang tanong ni Talius. Naagaw ang atensyon ko ang magkambal pati rin si Tito Gabby. "H-Hi.." Marahas na bumuntong hininga si Talius at sumandal sa sofa habang bakas rito sa mukha niya ang inis at pagkakairita. "Bakit ba hindi ka makapaghintay Talius? You can go around here in case that you are bored." Ani naman ni Gabriel. "I'm not bored! Ayoko lang na may mga bumibisita sa akin dito" Kahit hindi iyon para sa akin ay para akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko parang ako ang tinutukoy niya. Tumingin sa akin si Tito Gabby bago kay Talius. "Next week Talius, You will be discharge." Sabi ni Tito. Tumaas ang kilay ni Talius. "Is that some kind of jokes Dad? Ilang beses mo na rin yan sinasabi sa akin eh." "I'm serious right now." "Okay." Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan silang nag uusap. Tumingin sa akin si Tito at kay Talius at Gabriel. "I gotta go Sons, May gagawin pa ako." Tumango lang si Gabriel habang si Talius ay tahimik na nanonood ng NBA channel. Nagkasalabungan kami ni Tito at tinap ang balikat ko. "I'm glad you're okay." Tumango ako at nginitian si Tito. Umalis na ito at kaming tatlo ang natira doon. Tumungo ako sa mga prutas na nakalapag sa lamesa at kinuha ang kutsilyo at mansanas saka lang ako tumabi kay Talius. "You want apple? I know you want to taste from it." Nakangiti ako habang binabalatan ang mansanas. Hindi siya kumibo ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita. "And also, I'm glad that you'll be discharge next week kahit paulit ulit na sinasabi ni Tito yan." Tumawa ako at humarap sakanya. Hindi lamang niya ako tinapunan ng tingin. "Pero baka sabay tayo madischarge dito." Ani ko at masayang binabalatan ang mansanas. "You know? Hindi ko na rin kasi kailangan magwheel chair kaya okay na rin ang kalagayan ko." Daldal ko ngunit kahit isang katiting na salita ay wala akong narinig mula sa kanya. Napakurap ako at pilit na hindi manggilid ang mga luha kong unti unting namumuo. Napabuntong hininga ako at natapos ko ang pagbabalat sa mansanas. Simula noong magising siya, Nasanay na rin akong hindi ako pinapansin at hindi kinakausap ni Talius. Kapag nagtatama naman ang mga mata namin walang emosyon naman ang pinapakita nito sa akin. I am used to it pero hindi ako sanay sa nararamdaman ko simula nang hindi na ako pinapansin ni Talius. He's killing me. I'm f*****g dying inside. Ang sakit sobra. Hindi ko alam kung papaano ko pa nakayanan na harapin siya sa gayon ay kahit ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganyan. "T-Talius. Please t-talk to me.." Hinawakan ko ang kamay niya ngunit agad niya itong iniwas. "W-Wag naman ganito oh." Halos pagmamakaawa ko ngunit mukhang wala itong narinig kaya hinawakan ko na ang braso niya. Tumingin na ito sa akin. Pero parang pinupunit ang puso ko na makitang matatalim na mga mata ang binabato nito sa akin. "T-Talius alam kong galit ka sa akin, I k-know that too na n-nasaktan k—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tinabig niya ang kamay ko at hinarap ako gamit ang inis at iritang mukha niya sa akin. "Can you just get out?" Bulong nito ngunit maririin ang mga tinig nito. Napamaang ako at hindi ako makapaniwalang marinig iyon mula sa bibig niya. Nanlalabong napatingin sa kanya na kahit alam kong bakas sa aking mata ang sakit ngunit tinalikuran na niya ako at pinatay ang TV saka ito sumandal sa kama at kumuha ng libro. Nakatingin sa akin si Gabriel pero wala akong pakialam. Alam kong narinig niya iyon pero wala din akong pakialam. Ang nakikita ko ngayon ay ang labis na sakit ang nararamdaman ko ngayon. ______ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD