#MyObsessedDoctor
________
Lee's POV
"Lee oh!"
Agad kong sinalo ang susi na binigay sa akin ni Kuya Rain at nagmadaling sumakay sa kotse nito. Sumunod ako rito at pinaandar ang kotse patungo sa hospital.
Nanginginig akong nakayukom sa kamao ko habang iniisip ang kalagayan ni Kee. Kung hindi lang tumawag ang mga pulis wala ata kaming alam kung anong nangyari sa kambal ko.
Labis ang pag aalala at gulat na mabalitaan naming na kinidnapp si Talius at ang kambal ko. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito! Kapag may nangyaring masama sa kakambal ko hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko.
Agad kong nasilayan ang mga kotse ng lopez at nila Daddy pati rin ang mga pulis na kumakalat sa labas. Nakita ko rito si Tito Gabb na may kausap na isang pulis sa labas. Agad kong pinark ang kotse at agad na pumasok sa loob ng hospital.
Sumunod lang ako kay Kuya Rain na halos patakbong patungo sa isang direksyon. Natanaw namin si Mommy na halatang umiiyak.
"Mom!"
Agad akong niyakap ni Mommy at humagulgol.
"L-Lee.. Ang kambal m-mo"
Nasasaktan man ay napaiwas ako ng tingin at niyakap ng mahigpit si Mommy.
"M-Mom magiging maayos din po si Kee."
Napailing lang si Mommy at patuloy na lumuluha. Tumingin ako kay Gabriel at puro mga dugo ang nasa damit niya. Nakayuko ito habang nakayukom.
"f**k! Bakit ba nangyayare ito?!"
Napatingin kami kay Kuya Rain. "It's my fault. This is my fault!" Nanghina itong napaupo sa tabi ni Gabriel at napahilamos.
Bumitaw sa akin si Mommy at lumapit kay Kuya Rain.
"A-Anak, Wala kang kasalanan dito." Naiiyak na ani ni Mommy. Hindi umimik si Kuya ngunit labis rito ang panginginig ng mga braso nito.
Napatingin ako sa nasa harap naming pintuan habang hinihintay ang doktor na lumabas. Tumingin ako kay Gabriel.
"Sino ang doktor ni Kee at Talius?"
"S-Si Tito Z-Zron ang humawak kay Talius..." Napakurap ako at naguguluhan napatingin sakanya.
"A-Ano? Edi sino gumagamot sa kakambal ko?" Tumingin sa akin si Gabriel at nagulat ako ng makita ang labis na kalungkutan na makikita sa mukha niya. Hindi ako sanay kapag may mga emosyon akong nakikita mula kay Gabriel.
"H-Hindi kaya ni Tatay na makitang critical ang kalagayan ni Talius."
Umawang ang labi ko sa narinig. Ibig sabihin..
"Hindi si Kee ang napuruhan? Kundi si Talius? What do you mean by critical? A critical condition right now?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
Tumango ito at napayuko.
"H-Hinampas siya sa ulo gamit ang bakal kaya maaari itong maapektuhan ang utak nito. T-There's have a chance that he might got some of Dissociative amnesia."
Kumunot noo ako.
"Have you seen his CT scan? How can you say that? Yes may chance na magkakamnesia siya ngunit walang imposible na hindi maapektuhan ang Cerebellum niya."
"Without CT scan or anything machine, I can sense it." Aniya. Napailing ako.
"Yeah right. But you have to think positive." Sabi ko rito.
Tumango lang ito at napabuntong hininga nalang ako. I know. I can sense too, but I know that god is beside him right now.
_____
Kee's POV
Nagising ako at dahan dahan napadilat sa paligid.
"Zron! Zron! Ang anak natin nagising!"
Naramdaman kong gumalaw ang kamay ko at agad na lumapit sa akin si Daddy. Pinaghahawakan ang iba't ibang parte ng katawan ko.
"Is there anything hurts honey?" Bakas ang pag aalala na makikita sa mukha ni Daddy kaya umiling ako.
"Can you speak Honey?" Singit naman ni Mommy.
Habang pinagmamasdan sila ay tumulo nalang bigla ang luha ko. What I have done?
"Ooh god! Anong masakit sayo Honey? Please tell us!" Umiling lang ako.
"I-Im.. S-sorry.."
Natigilan sila. Napapikit ako at tuluyan na nagsilabasan ang mga luha ko. Sumagi sa isip ko ang mga pangyayari.
Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ni Daddy. Tumingin ako rito at kay Mommy.
"I-It's my f-fault." Umiyak na ako ng tuluyan at niyakap agad ako ni Daddy.
"N-No no princess. Wala kang kasalanan dito." Napayakap ako ng mahigpit lalo na at muli ko marinig ang tawag sa akin ng ama ko.
"I-Im so sorry! Please, Forgive me. Im so sorry!" Napahagulgol na ako at hindi rin mapigilan ni Mommy ang maiyak at yakapin din ako.
"Hush b-baby, You are okay now. Don't worry wala ng gagalaw sayo." Aniya at hinaplos ang buhok. Hindi ako umimik at nanatiling nakayakap kay Daddy.
"Patawarin mo din ako Anak kung minsan ay nagiging masama na akong ama sayo." Hinanakit ni Dad. Umiling ako.
"N-No Dad, Hinding hindi ka naging masama sa paningin k-ko."
Napahikbi ako at hinigpitan ang kapit sa tatay ko. Masakit na makitang nasasaktan rin sila. Pero anong gagawin ko? Akala ko ba tuluyan na ako nagbago?
Bigla ko naisipan si Talius kaya napabitaw ako kay Daddy.
"D-Dad, Si Talius? Okay lang ba siya?" Malungkot na tumingin sa akin si Daddy at umupo sa upuan.
"Hindi pa siya gumigising anak." Napakunot noo ako at naramdaman kung umupo sa tabi ko si Mommy at hinawakan ang kamay ko.
"Baby, Talius will be fine—"
"No no mommy." Umiling ako at napatingin kay Dad. "What do you mean Dad? Hindi pa siya nagigising ganun? Ano yun? Comatose lang?" Untag ko.
Napabuntong hininga si Daddy at umiwas ng tingin sa akin.
"The operation are successful but.."
"But what?!"
"Kee.."
Napatingin ako kay Mommy. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hindi ko ito pinansin at tinoun ang pansin ko kay Daddy.
"You're right. Komatose nga ang kalagayan niya ngayon"
Nanghihina naman ako napasandal sa headboard at naluluhang napatingin kay Mommy.
"W-Wala siyang kasalanan M-Mom." Garalgal na ani ko. Malungkot na tumango si Mommy.
"Oo anak, wala siyang kasalanan." Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Napaiyak ulit ako.
"Pero bakit mas napuruhan siya? D-Diba dapat a-ako?" Napahagulgol na ako at tuluyan ako niyakap ni Mommy. "I am bad person! H-He doesn't d-deserved me!"
"S-Shh, That's not t-true."
Nakatungo lang si Daddy at naiiyak akong napayakap kay Mommy. Bakit hindi nalang ako? Diba ako naman dapat ang kailangan nila? Dapat ako yung mas nasaktan eh! Hindi dapat siya, wala siyang kasalanan.
_______
"Dad? Pwede ba ako lumabas?"
May tinignan naman si Daddy sa dala nitong mga papel at tumango.
"Wait, I will take here the wheelchair." Tumango ako.
Napatingin ako kay Mommy na abala sa pagtatype sa laptop nito. Napabuntong hininga ako at kumain ng mansanas. Ilang araw na rin ako nakaconfine sa hospital yet hindi pa rin nagigising si Talius. Afte I woke up, nakasanayan ko na rin dalawin sa kabilang pinto si Talius. He's getting okay na sabi ni Daddy pero hindi pa din namin alam kung kelan siya magigising.
"Here."
Inalalayan naman ako ni Daddy at napatingin sa amin si Mommy.
"Dad, You don't have to carry me. I can lift my body." Hindi nakinig si Daddy at inalalayan lang ako.
Aakmang hihilahin pa ako ng pinigilan ko na siya.
"Dad, I can handle myself okay?"
Napabuntong si Daddy at hinaplos ang ulo ko.
"Take care, honey." Tumango ako tsaka ako hinalikan sa noo.
"Okay."
Pinagbuksan ako ni Daddy ng pintuan at tuluyan ko inikutan ang wheelchair ko. Kahit nakacast arm ang isa kong braso nakakayanin ko pa rin paikutin ang wheelchair patungo sa kabilang pintuan.
Inabot ko ang doorknob at pumasok ako sa kwarto ni Talius. Narinig ko agad ang tunog ng monitor at napatingin sa nakahigang si Talius.
"You're here again."
Napatingin ako kay Gabriel ngunit binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti. Alam kong wala akong karapatan magalit sakanya dahil una sa lahat, ako ang naging dahilan kung bakit nakahiga at hindi nagigising si Talius. He's critical condition because of me.
Tuluyan ako nakalapit kay Talius at hinawakan ang kamay niya.
"H-Hindi pa rin ba siya nagigising?"
"Ano ba sa tingin mo?"
Bigla ako napahiya at napayuko nalang ako. Hindi nalang ako umimik at baka barahin lang ako ni Gabriel. I know he's mad. Kasalanan ko yun, Galit siya sa akin dahil sa nangyari sa kambal niya kaya hindi ko siya masisisi.
"Are you feeling regret anyway?"
Nagtama ang mata namin at malungkot na tumango tsaka tinuon ang pansin kay Talius.
"A-Alam kong galit kayo saakin kaya tatanggapin ko kung ano man ang panunumbat niyo sa akin." Napakagat ako sa labi at pilit na hindi maiyak. Masakit kasi na makitang ang lalakeng mahal mo na ay nakaratay sa harap ko at naghihirap. "I-I did my best, I-I did.. But if I knew this would be happend. Hindi na sana ako lumapit sakanya." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Talius at malungkot na pinagmamasdan ang mukha niya. I memorize every details of his face. His pointed nose, His skinny yet so warm skin, His lips...Napatingin ako sa labi niya at napaiwas ako ng tingin.
Natigilan lang ako ng maramdaman kong gumalaw ang kamay niya.
"T-Talius?"
Tumingin ako kay Gabriel at nagtataka naman siyang lumapit sa amin at pinagmamasdan si Talius. Nagulat kaming dalawa ng gumalaw ang mga daliri ni Talius.
"H-He's awake!"
Agad na lumabas si Gabriel siguro para tawagin ang doctor ngunit naiwan akong nakatigalgal dito habang pinagmamasdan kung paano siya magising.
"T-Talius.."
Unti unting dumilat ang mga mata niya at paunti unti rin lumalakas ang kabog ng puso ko. Malalalim na hiningang makita siyang dilat na ang kanyang mga mata hanggang sa magtama ang mga paningin namin.
Napakurap ako ng makita siyang umiwas ng tingin mula sa akin at bumuntong hininga.
"W-Where's m-my p-parents?"
Huminga ako ng malalim para mapigilan ko ang pagpiyok ng boses ko.
"N-Nasa l-labas."
Tumingin ito sa akin ngunit para akong sinaksak ng makitang walang emosyon ang pinapakita niyang ekspresyon niya sa akin ngayon.
____________
Updated