#MOD 23

1345 Words
#MyObsessedDoctor _____ Bigla kumalabog ang pintuan at napatingala ako upang makita iyon. Nanlaki ang mata ko na makita si Teres na nakahandusay na agad sa unahan ko. "Oh ayan!" Napatingin sa akin si Teres at nanghihinang ngumiti. Ngunit bigla kumalabog ng malakas ang puso ko na makita si Talius na may sumipa sakanya palabas sa pintuan. "Oh ayan ang dalawa mong lalake." Nanginginig akong nakatitig kay Talius na may mga bahid na dugo sa boung katawan niya. Tumulo ang luha ko at bigla ako kinain ng galit lalo na at makita siyang nanghihina! "A-Anong ginawa niyo sakanya?!" Galit na sigaw ko. Gusto kong tumayo ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. "Bulag ka ba? Ano ba sa tingin mo ang ginawa namin?" Nanglalaiting napatingin ako sakanila. "Hayop kayo!" Bigla may lumapit sa akin na lalake at hinila ang buhok ko ng malakas. "Huy babae! Kahit anong gawin mo pa dyan. Walang tutulong sayo. Tanga." Ngumisi ito sa akin ngunit agad ko itong dinuraan sa mukha niya. "W-Wala akong p-pake! Mga duwag! Damn you!" "Aba't—" "That's enough." Napatigil ang lalake at binitawan ako. Natatawa akong napatingin sa pinagmulan ng boses na iyon ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim ito. "That's enough your f*****g ass. A-Akala mo ba matatakot ako sainyo?" Tumawa lang ako ngunit nakatoun ang atensyon ko kay Talius. "K-Kee tama na yan." Rinig kong sabi ni Teres. Umiling ako. "Bakit kailangan niyo pang damayin ang boyfriend ko?! Hindi ba ako ang kailangan niyong patayin?!" Napansin kong gumalaw si Talius at dahan dahang tumingala at napatingin sa akin. "K-Kee..." Napakagat ako sa labi at pinigilan maiyak. "Wag kang masyadong excited Kee. Ipapatunayan ko lang naman sainyo na may forever talaga kayo. Kahit sa kamatayan man." Bigla ito nagpakita sa harap namin. At napatulala ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalakeng nakita ko lang kanina. "J-Jamel?" Tumawa ito at tumingin kay Talius na nanghihinang nakahiga. "Kilala mo na talaga ako Kee nuh? Nakakatuwa." Aniya at lumuhod sa harap ni Talius. "Nakakainis lang dahil kahit anong gawin ko para malamangan siya wala pa rin." Hinaplos nito ang buhok ni Talius at tumingin sa akin. "Pero mas lalong nakakairita kapag mas lalo siyang lumalamang ng dahil sayo." At kumabog ng malakas ang puso ko ng hinablot niya ang buhok ni Talius. "You left me no choice but to kill you." Aniya at nilabas ang baril nito at tumingin sa akin. "Hindi ka sana damay eh, Pero may nagpunta sa akin para makipaghigante rin sila sayo." Ngumisi ito at sabay tingin sa kanan. Napatingin ako at napakunot noo ako na makita si Heryo. Nakayukom ang mga kamao nitong nakatingin sa akin. Nagtungo ito sa harap ko at itinaas ang baba ko. "Hindi ako makapaniwalang hawak kita ngayon." Napapailing na aniya at ngumisi. Ngumisi rin ako. "B-Buhay ka pa pala? Akala ko nailibing ka na." Nang aasar na sabi ko sakanya. Nakita kong namula ang boung mukha niya at malakas akong sinampal. Halos tumagilid ang ulo ko dahil sa lakas ng sampal niya. Pakiramdam ko mababakat ang mga daliri niya sa pisnge ko. Pinigilan ko maiyak pero hindi pa rin nakatakas sa mga luha mula sa mata ko ang tumulo. "Hindi kita papalampasin Babae." Aniya at hinahaplos ang pisnge ko. "Gusto ko makita ang reaksyon ng boyfriend mo kung paano kita tinitira." Tumingin ito sa mga tauhan niya. "Pakitanggal ng mga tali niya." Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko at nag aalalang napatingin kay Talius. Nakatulala ito habang nakaawang ang mga labi niya. Napayukom ako at naramdaman kong wala nang nakatali sa akin ngunit may nakahawak sa makabilaang braso ko. "Bitawan niyo ako! Tangina niyo!" Bigla ako tinulak ni Heryo pahiga kaya nanlaki ang mata kong agad siyang dumagan sa akin. Nanghihina man pero malakas kong isinipa ang pagkalalake niya. "Potangina! Potangina! Ang sakit!" Tumakbo ako patungo kay Talius at naiiyak na hinawakan ang kamay nito. "Tumakas na k-kayo. Ako na b-bahala rito." Umiling ito at kitang kita ko ang paghihirap niya. Bakat na bakat rito ang mga suntok at galos sa mukha niya. Halatang binugbog ito at pinahirapan. "H-Hindi kita iiwan." Napaiyak ako ng tuluyan ngunit may umagaw sa braso ko. Aakmang lalaban ako ng maramdaman kong pinusasan nila ako. "Tangina kang babae! Gusto mo talagang matuluyan ang kasintahan mo nuh?!" Umiling ako at hindi ko na napigilan ay napaiyak nalang sa tabi. "H-Hindi. W-Wag niyo siya gagalawin!" Tumawa naman si Jamel at kinuha ang baseball bat mula kay Heryo. Lumapit ito kay Talius at bigla ako nanghina nang pinaghahampas niya ito sa mga binti ni Talius. "Tama na!" Tumigil si Jamel at tumingin sa akin. "N-Nag mamakaawa na ako. A-Ako ang saktan niyo!" Lumuhod na ako at bumuhos na ang mga pinipigilan kong mga luha. Hindi ko kayang makita si Talius na nasasaktan at naghihirap. Mas gusto kong ako nalang! Hindi dapat siya nadadamay rito! "What a f*****g hero lady." Untag niya. "Sabagay, Pati ang kambal niya pinatos mo na rin. Hindi na ako magtataka kung bakit labis kang mag aalala sakanya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi ng baliw na to?! "A-Ano?" Napatingin ako kay Talius at halos maiyak nanaman ako na makitang nanghihina ito pero bakas rito ang gulat at pagtataka. "Awe Talius, Hindi mo alam?" Aktong gulat ni Jamel at lumapit kay Talius. Umaakto itong gulat na parang inosente. "Hindi mo alam na iyang syota mo ay may gusto sa kambal mo? Sino nga ba ang kambal mo? Si Gabriel ba?" Napaisip pa ito. Tumulo na ang luha ko. "H-Hindi totoo yan!" Napatingin ako kay Talius at nakatulala lang ito sa kawalan. "Talius! Wag kang maniwala dyan! Hindi totoo ang mga pinagsasabi niya!" "Gagawin mo pa akong sinungaling dito Kee ah? Ikaw na nga nangloloko, ako pa ang papalabasin mong sinungaling dito." Ngumiti ito sa akin ng malademonyo. "Kawawa ka naman Talius, Nagustuhan ka lang ni Kee dahil nakikita ka niya bilang Gabriel. Hindi bilang Talius." Napangisi ito at napailing ako. Nakatingin ako ng mataman kay Talius at pilit na lumalapit sakanya pero hindi ko magawa. Hindi totoo ang mga pinagsasabi niya! Napaiyak ako ng tuluyan habang umiiling. "D-Damn you Jamel!" Lumapit sa akin si Jamel at hinablot ang buhok ko at kinaladkad patungo kay Heryo. "Oh!" Pinasa niya ang baseball bat kay Heryo at napangisi. "Ayos to." Aniya at pinatunog ang leeg nito. Bigla naagaw ang atensyon ko na makitang nakatayo si Teres at may hawak rin na baseball bat. "Boss!" Aakmang lilingon si Heryo ng hinampas ng malakas ni Teres si Heryo. Doon ako kumuha ng pagkakataon na lumapit kay Talius ngunit bigla may humila sa buhok ko at kinaladkad ako. "Fuck." Naramdaman kong napabitaw si Jamel sa buhok ko kaya napalingon ako ngunit nagulat nalang ako na makitang may hawal ng baril si Talius. Nanghihina itong nakatayo habang walang emosyong may hawak sa baril. "B-Bitawan mo s-siya o babarilin k-kita?!" Humalakhak si Jamel at bago pa siya makareak ay itinumba ko siya gamit ang sarili kong katawan ngunit agad niya akong sinipa sa tiyan dahilan upang mapatagilid ako at mapaubo sa sobrang sakit. Nakita ko ring hinampas ni Heryo si Talius sa likod dahilan upang matumba siya. Ilang distansya ang layo niya sa akin ngunit magkaharap kami habang sumasakit ang mga katawan namin. "May gana pa kayong maglaban ah?! Tangina niyo!" Nanlaki ang mata ko na makitang hahampasin ako ni Heryo ng isang bakal na tubo sa ulo ng mapapikit ako sa takot, ngunit bigla ako walang maramdaman at ang kasabay nito ang pagtigil ng mundo ko. Pumatak ang luha ko ng makitang hinarang niya ang sarili niya sa harapan ko at pagsimula ng pag agos ng dugo niya na nagmumula sa ulo niya. Nakaawang ang labi ko habang nakaluhod sa harapan ko si Talius at naliligo ito ng sarili niyang dugo. Natumba ito sa harapan ko at bigla piniga ang puso ko na makitang wala na itong buhay. "T-Talius.. " Napailing ako at pilit siyang yakapin pero nakagapos ako. Napaiyak ako ng malakas kasabay nito ang sabay sabay na sirena mula sa labas. Napahagulgol akong nakasandal sa ulo niya at malalalim na hininga ang tanging nailalabas ko. "Pota mga pulis!" Patuloy pa rin ako sa pag iyak at pakiramdam ko hinahablot ang puso ko sa sobrang sakit. Ang sakit. Bakit kinailangan pa niyang iharang ang sarili niya sa akin?! Dapat a-ako yun eh. H-Hindi siya! Napahagulgol ako at napatingin ako sa bumukas na pintuan. Bumungad sa akin ang nanlalabong pulis sa paningin ko lalo na at makita si Tito Gabb at Gabriel na nagmamadaling patungo sa amin. Hindi ko rin namalayan ay agad akong nawalan ng ulirat. _______ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD