#MOD 29

1460 Words
#MyObsessedDoctor _______ Hinatid na ako ni Talius sa section ko pagkatapos namin kumain. Medyo nalate pa kami at hindi na ako magtataka kung may teacher na sa unahan. Kasalanan naman kasi ni Talius eh. Nilalandi ako my gosh. "Sorry I'm late." Tumango lang ang english teacher namin at umupo ako sa likod kung saan ang mga kaibigan ko.  "Ang boring leche." Rinig kong bulong ni Lana. "Escape tayo?" Tanong naman ni Teres. "Leche ka, Hindi ka pa rin ba nadadala sa natamo mo ah? Lokong 'to bad influence." Bulong naman ni Gina. "Kung makinig nalang kaya kayo?" Singit ni Kenn. Tumawa nalang ako sa mga komento ng mga kaibigan ko. Kahit kailan talaga mga walang magawa sa buhay. Boung hapon ay nakinig nalang ako sa harapan. Gusto ko ipagpatuloy ang mga naging grades ko ngayon, Gusto ko pa tumaas 'yun. Atsaka gusto ko rin maging proud ang mga parents ko. "Iba talaga kapag may inspirasyon." Napapailing na ani ni Teres. Napatigil ako sa pagsusulat. "Hays, Iba rin talaga kapag may lovelife, Palaging blooming." Nakahalumbaba naman na ani ni Lana. "Lalo na kapag gwapo ang boyfriend." Singit naman ni Gina. Tumawa lang si Kenn sa mga narinig habang ako ay nakataas na ang kilay ko. Ako ba ang tinutukoy nila? "Eh kung gayahin nalang kaya niyo ako? Para kahit papaano malagyan ng utak yang mga utak niyo." Napapailing na sabi ko. Nagkatinginan ang tatlo at ngumisi sa akin. "Iba ka talaga." Sabay sabay hagikgik nila. Napansin kong napatigil ang nasa harapan sa pagtuturo kaya napaayos ako ng tingin at napangisi ng palihim. Ah! "What's up there, Mr. Furente and Ms. Ree and Deirino?" Tawag ni Ma'am kila Lana. Natigil ang tatlo sa pagkahagikgik at napaayos ng upo. "N-Nothing ma'am!" Lana. "We're just discussing the topic what we are now Ma'am." Ani ni Teres habang nakasandal lang. "I see." Napailing nalang ako. Ang gagaling din nila magpalusot nuh? Psh. Bigla nalang ako tinawagan ng kalikasan kaya napataas ang kamay ko at sinabing magcocomfort room lang. Lumabas na ako at agad na tumungo sa CR. Ang dami ko kasing nainum na tubig kanina dahil na rin sa dami ng pagkain na binili ni Talius. Napailing na lamang ako, buti naman at hindi ako nagkaLBM. Pagkatapos ko gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako. Aakmang babalik ako sa section ko na matigilan ako ng makita si Shasa at Gabriel patungo sa rooftop. Hindi ata nila ako napansin dahil masyado malayo ang kinatatayuan ko mula sa hagdanan patungong rooftop. Hindi na sana ako mangingialam ng mukhang may sariling isip ang mga paa ko kaya nakita ko nalang ang sarili ko na nakatago sa pintuan ng rooftop kung saan nakatayo sa di kalayuan sila Shasa at Gabriel. Nakatagilid sila mula sa akin kaya kitang kita ko ang mga ekspresyon nilang dalawa. Blanko ang mukha ni Gabriel samantala si Shasa ay nakakunot noo. "What is it Honey? May problema ba?" "Let's break up." Nanlaki ang mata ko. T-Tama ba ang rinig ko? Tinignan ko ang mukha ni Shasa at gaya ko rin ay gulat na gulat din siya. Hindi niya ata inaasahan na ganito ang sasabihin ni Gabriel. "A-Are you kidding me?" "I said, Let's break up or do you want to translate into tagalog ah?" Masungit na ani ni Gabriel ngunit bakas pa rin rito sa mukha niya ang walang emosyon. "No no no Honey, I-I know you love me." Iling ni Shasa at pinulupot ang mga braso sa leeg ni Gabriel ngunit tinabig lang niya ito at ngumisi. Hindi ko alam ngunit bigla ako nangilabot sa mga ngisi niyang iyon. "Do you think I loved you? Do you think I loved you while hurting you?" Umiling naman si Gabriel at pinasok niya ang mga kamay nito sa mga bulsa niya. "No. I just used you. I just used you like a damn toy—" Napasinghap ako ng sinampal niya si Gabriel. Napatakip agad ako sa bibig ko. "How f*****g d-dare you?!" Hindi makapaniwalang ani ni Shasa. Tumaas lang ang kilay ni Gabriel. "Minahal kita ng sobra tapos ito ang sasabihin mo sa akin?!" Napaupo na ang babae at napaiyak. "Y-You.. You used me! f**k!" Nakahalukipkip lang si Gabriel at tumingin sa wrist watch niya. "I have no time for your f*****g damn drama b***h. Don't worry I'll pay you." Kasing yelo sa lamig ang mga boses ni Gabriel ngayon. Si Gabriel pa ba ang nakikita ko ngayon? Bakit ang sama niya? Kahit ako, kung ako ang nasa katayuan ni Shasa ay paniguradong mas doble pa ang sakit ang mararamdaman ko. Aakmang tatalikuran niya si Shasa na pinigilan niya ito at nagulat ako ng bigla nalang lumuhod ang luhaang babae. What the f**k? "G-Gabriel, Please d-don't leave m-me. Nagmamakaawa a-ako sayo. M-Mahal na mahal kita." Humagulgol na ito habang mahigpit na nakayap sa mga binti ni Gabriel. "I-I will do everything! J-Jus don't l-leave m-me!" Desperadang sabi ng kawawang Shasa. "Bitawan mo ako o papabagsakin ko ang kompanya niyo?" Wala na ang mga ngisi ni Gabriel at napalitan ng seryosong mukha. "The fact I let you to be my girlfriend because of your father's favor. Hindi naman sana kita papatulan pero nagkaroon ako ng ideya na gamitin nalang kita." Halukipkip na sabi ni Gabriel. "Somehow, I felt pity to your poor father because little by little, You're company is falling down and you know what?" Lumapit si Gabriel kay Shasa at ngumiti ng malademonyo. "That is.. Because of me, tinraydor ako ng tatay mo and not because I am teenager or grade school. It doesn't mean that I can't manage my business." Tumawa ng sarkastiko si Gabriel. "Do you remember what I told you before? I maybe a Lopez but I'm f*****g heiress of Deven Inc. So don't expect that I would love you because even it comes to my business, wala akong sinasanto." Mahina ngunit sapat para marinig ko. Dahan dahan napabitaw si Shasa habang napatulala sakanya. "Y-You are h-heartless m-monster." Napaiyak ng malakas ang babae at pinagsusuntok ang binti ni Gabriel. "H-Hindi kita mapapatawad! Damn y-you! Hinding hindi kita mapapatawad!" Hindi ko na nakayanan ay dahan dahan akong bumaba sa hagdanan hanggang sa nakalabas na ako at tumakbo patungo sa section ko. Hindi maproseso sa utak ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ginamit lang ni Gabriel ang babaeng yun. B-Bakit? Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakatatak pa sa aking isipan ang mga sinaryo kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala. Lalong lalo na at nakaramdam ako ng pagkaawa sa babaeng iyon. "Hoy Kee! Kanina ka pa tulala dyan! Time na uy! Anong nangyare?" Tampal sa akin ni Lana. Umiling lang ako at nagmamadaling inayos ang mga gamit ko. Nagpapasalamat ako dahil sabado bukas kaya hindi ko na makikita ang pagmumukha ni Gabriel. Nakaramdam kasi ako ng takot mula sa narinig ko. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganito ang naging pakiramdam ko kay Gabriel. Bigla may tumawag sa cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag at lumabas sa section ko.  "H-Hello?" ["Babe! Sabay tayo umuwi."] Parang bigla naglaho ang mga gumagabag sa dibdib ko na marinig ko ang mga boses ni Talius. Oh darn. Mukhang naging balisa ako kanina. "Okay, Hintayin nalang kita sa labas." ["Okay, I love you."] Napangiti ako. "I love you too." Pinatay ko na ang phone ko at dumeretso na sa labas. Napakagat nalang ako sa labi na makalimutan kong magpaalam sa mga barkada ko. Gosh Kee, nakalimutan mo nanaman sila! "Sinong hinihintay mo?" Parang binalutan ng malamig ang boung sistema ko ng marinig ko ang napakapamilyar na boses. Dahan dahan ako napatingin sa gilid ko kung saan siya nakatayo. Bigla kumabog ng malakas ang puso ko ng magtama ang mata namin. Walang emosyon ito at mukhang wala lang nangyari. "A-Ah.. H-Hinihintay ko si T-Talius." Sabay iwas ko ng tingin. Damn Kee! Act normal! Oh my gosh. "Ohh. Nagkaayos na pala kayo." Aniya. Tumango lang ako at hindi na ako muli nagsalita. Baka kasi mahalata niya na narinig ko ang mga pinagsasabi niya kanina sa kawawang babae. Binalot kami ng labis na katahimikan habang ako ay napapatingin palagi sa orasan. Damn babe, saan ka na ba? "Babe!" Agad ako lumingon sa pinanggalingan at agad na patakbong tumungo ng makita ko si Talius. Niyakap ko agad ito at hinalikan sa pisnge. "Bakit ang tagal mo?" "May emergency meeting kasi kaya medyo napatagal ako ng ilang minuto." Paliwanag niya at pinagsiklop ang mga kamay namin. "Ganun ba?" Tumango ito at napatingin sa unahan. Sinundan ko rin ang tingin niya at nakita ko si Gabriel na nakatingin rin sa amin. "Gabriel, Why are you here? Sino hinihintay mo? And where's your girlfriend?" Dinagsa agad ni Talius ng mga tanong si Gabriel. "Wala na kami." Nagtama ang mata namin ni Gabriel habang ako nanlalaki ang mga mata. Agad na sumagi sa aking isipan ang mga pinagsasabi niya kanina. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon! Bigla humigpit ang pagkahawak ko kay Talius at mas lalong kumapit sakanya. "Woah, bakit? Did you guys fight?" Gaya ko ay nabigla rin si Talius. "No." Napailing lang ang boyfriend ko at kumibit balikat lang. Tumingin sa akin si Talius at hinalikan ako sa noo. "Wag tayo gagaya sakanila okay?" Natawa nalang ako at tumango. Hinding hindi iyon mangyayari. Pangako iyan Talius. ______ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD