Chapter 9 RUBY ROSE Unti-unti akong humakbang sa harap ng kabaong ni Tita. Nang masilayan ko ang kaniyang mukha na wala ng buhay doon ay tumulo ang mga luha ko ng sunod-sunod. Humikbi ako habang hinihimas ang salamin ng kaniyang kabaong. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may umakbay sa akin. “Ikaw ba ang pamangkin ni Greta?” Lumingon ako sa may ari ng boses na umakbay sa akin. Isang magandang babae na siguro kung hindi ako magkamali ay nasa edad kuwarenta isingko na ito. Bahagya akong tumango at pinunasan ang mga luha ko na patuloy lang sa pagpatak. “Ako si Margaret. Alam mo mabait na kasmaabahay ay Tita mo. Naging matandang dalaga siya sa paninilbihan sa asawa ko. Bago siya namatay ay ibinilin ka niya sa amin. Nais niya na ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo,’’ malungkot nitong turan