Chapter 37 RUBY ROSE Suot ang mamahaling damit at sandals lumabas ako sa guest room dahil doon ako inayusan ng mga makeup artist na inakopahan ni Sir, para ayusin ang buhok at mukha ko. Kanina halos hindi ako makapaniwala na ako ang nasa salamin. Ang ganda ng suot ko na nababagay din sa make up ko at buhok. Naghihintay na si Sir Rico sa akin sa labas ng mansion. “Ma’am, ang ganda niyo talaga,” papuri ng isang makeup artist sa akin. “Thank you sa inyo dahil lalo niyo pa akong pinaganda,’’ nakangiti kong pasasalamat sa kanila. Lumabas na ako ng mansion at nakita ko si Sir Rico, nakasandal siya sa kaniyang mamahaling sasakyan. Ang guwapo niya sa suot niyang tuxedo at pinarisan ng korbata na kulay asul. Nakayuko siya habang nakaikis ang kaniyang mga paa at nakapamulsahan na nakasandal sa