Chapter 38 RUBY ROSE Makulimlim ang mga mata ng babae ng ipakilala ako sa kaniya na fiancée ni Sir. Kahit ako nga nagulat sa pakilalang iyon ni Sir. Alam ko naman na hindi si Sir Enrico, ang tipong lalake na magseseryoso sa akin. “Seryoso ka ba na fiancée mo siya?” nauutal na tanong ng babae kay Sir Rico. “Sa tingin mo ba nagbibiro ako?” mapang-uyam na tanong ni Sir kay Emerald. “Hindi ikaw ang tipo ng lalake na magse-seryoso sa isang relasyon Enrico. Kilala kita at alam ko rin na simula ng maghiwalay tayo iba-iba na mga naging babae mo. Enrico, patawarin mo ako sa ginawa ko sa’yo noon. Alam ko na nagkamali ako, sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon,’’ walang hiya na sabi ng babae sa amo ko. Tumikhim ako at nagsalita. “Excuse me, maiwan ko na muna kayo. Pag-usapan niyo muna kun