Chapter 32 Ruby Rose Lumipas ang ilang buwan masaya ako na kasama si Sir. Kapag umaalis siya kinabukasan umuuwi rin siya. Palagi ko na siya nakikita na ngumingiti. Kuntinto na kami sa aming relasyong dalawa. Sa kaniyang silid na ako natutulog. Kasalukuyan nasa hardin kami ngayon nakaupo sa mahabang bench habang nakaakbay siya sa akin. “Bukas isasama kita sa farm ko sa San Agustin. Magtatagal kasi ako roon dahil may ipapatayo akong private resort sa tuktok ng bundok,’’ pahayag ni Sir sa akin. “Resort sa tuktok ng bundok? Mayroon bang ganoon?’’ nagtataka kong tanong sa kaniya habang nakakunot ang aking noo. “Oo, naman! May bukal naman roon at puwede kumuha ng tubig doon papunta sa swimming pool na pinapagawa ko. Malawak naman ang area, kaya gusto ko may swimming pool roon. Gusto ko pa