CHAPTER 33 ENRICO “Ilang oras din ang byahe namin ni Ruby Rose bago kami nakarating sa lugar kung saan naroon ang aking Farm. Bumaba kami matapos kong mag-park ng sasakyan. “Wow! Ang ganda naman dito, Sir,’’ manghang sabi ni Ruby Rose na napapikit ng kaniyang mga mata at nilalanghap ang sariwang hangin na galing sa mga puno ng kahoy. “Nakikita mo ang mataas na bundok na iyan?’’ turo ko sa kaniya sa bundok na nakatapat sa kinaroroonan namin. Tumango-tango siyang nakangiting tumingin sa akin. “Diyan tayo pupunta at kailangan bumaba tayo ritosa kalsada, pagkatapos aakyat tayo sa bundok na iyan. Nariyan ang mga bakahan ko at kambingan. Nariyan din ang mga prutas na pananim ko. Kapag wala ako sa mansion diyan ako pumupunta,” saad ko sa kaniya. Napangiti ako nang makitang napaawang ang lab