Chapter 24 RUBY ROSE Kahit na nanghihina ako pilit kong pinuntahan si Sir, para tingnan kung ano ang niluluto niya. Nagdala na rin ako ng towel para mapunasan ang mga pawis na lumalabas sa katawan niya, ngunit habang pinupunasan ko siya ay binabantaan niya pa rin ako. Lahat nang pagbabanta niya sa akin ginagantihan ko rin ng pagbabanta hanggang sa napipikon na siya sa akin. Dapat matakot ako sa puwede niyang gawin sa akin subalit nawala na ang takot ko dahil handa naman na ako mawala sa mundong ito. Lagi kong iniisip na kapag oras ko na ay oras ko na talaga. Nakatanaw ako sa bintana sa magandang view na nakikita ko. Nasa isang isla kami at wala akong ibang nakikita kundi puro dagat. Ang linaw ng tubig at ang sarap maligo. Kaso nanghihina pa ako dahil sa kung anong bagay na pinasok ni S