Chapter 25 RUBY ROSE Kinabukasan umuwi kami ni Sir sa mansion. Kagabi hindi niya ako inangkin at hinayaan niya lang ako matulog sa kaniyang kama sa rest house niya sa sofa siya natulog. Hindi kaming dalawa nagkikibuan, pagdating namin sa mansion tumuloy na ako sa aking silid upang kumuha ng damit. Pagkakuha ko ng aking damit nagtungo ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos ko maligo nagtungo naman ako sa kusina para tingnan kung ano ang menu na ipapaluto niya sa akin, ngunit pagdating ko sa kusina nakita ko siya sa coffee nook nagtitimpla ng coffee. Tiningnan ko sa ref kung may nakadikit na notes subalit wala akong nakita, kaya sinadya ko na lang na tanungin siya at baka nakalimutan niya lang maglagay ng menu sa ref na lulutuin. “Ano po ‘yong lulutuin ko para sa almusal ninyo?’’ nakasim