Chapter 31

1305 Words
Ang Pag amin . Christian's Point of View Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko rin ang panghihina ng aking katawan. Pag dilat ko ng aking mga mata ay mukha agad ni Jehnny ang aking nakita. "Gising ka na pala mahal ko," Bigla akong naramdam ng inis dahil sa kanyang sinabi. Sinubukan kong bumangon upang sana ay lumabas na ng kwarto ngunit hindi ko naigalaw ang aking katawan. "Huwag mo nang subukang tumayo dahil hindi mo naman maigagalaw ang katawan." Wika ni Jehnny at nag piga ng tuwalya na basa na galing sa isang kahoy na palangana at inilagay ito sa aking noo. "Anong nangyari sa akin?" Nanghihinang tanong ko sa kanya. Inayos niya ang pag lalagay ng tuwalya sa aking noo saka siya umupo sa silyang nasa tabi ng aking hinihigaang kama. Nilingon niya ako at seryosong tiningnan. "Epekto yan ng paggamit mo ng Mana mo na wala ako," Seryosong wika niya sa akin. " Hindi mo dapat ginagamit ang kapangyarihan mo nang wala ako dahil posible kang mapahamak." Nag bunting hininga ng malalim at nag de kwatro ng kanya binti. "Ang ibig sabihin mo ba, kung wala ka  wala akong kapangyarahin?" Seryosong tanong ko sa kanya at pilit siya nililingon upang matingnan ko siya sa kanyang mga mata. Umiling ito  at inalis ang pag kaka de kwatro ng kanyang binti at inabot ang aking mga kamay upang hawakan. "Meron kang natural na kapangyarihan ng tulad sa lolo mo ngunit ang pinag kaiba lang ay hindi ito kontrolado kaya kaylangan mo ko upang kontrolin ang pag daloy ng Mana mo sa iyong katawan." Marahang wika nito sa akin. Tumango ako ng marahan bilang sagot. Napatitig ako kay Jehnny ng may naalala akong palabas sa sinabi niya. "Ang ibig mo bang sabihin ay tulad ng kanila Max at Steel?" Wika ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng may halong pag tataka at bahagyang hinilid ang kanyang ulo. "Sino sila Max at Steel?" Inosenteng tanong nito sa akin. Napakurap lang ako ng aking mga mata. Medyo ang tanga ko sa part na yun dahil hindi nga pala alam ni Jehnny yun. Bahagya akong ngumiti. "Sila yung bida sa isang Animted series na Max Steel," Sagot ko sa kanya habang sinusubukang ngumiti. "Si Max ay may kapangyarihan sa katawan na hindi niya kayang kontrolin kaya naman kaylangan niya ang alien na robot na si Steel." Sandali namang nag isip si Jehnny at bahagyang tumango-tango. Buti naman ay naintindihan niya ang sinabi ko. Bigla naman niya akong sinamaan ng tinging at binawi ang kanyang kamay upang ipag-cross ang mga ito at saka tumalikod sa akin. " Hindi naman ako Alien na robot!" Bulyaw niya sa akin. Habang hindi ako nililingon. "Isa akong kandedato sa pagiging anghel." Wika pa nito. Bigla naman akong nagtaka sa kanyang inasta dahil wala naman akong sinabing parang isa siya  alien na robot. Napangiti na lang ako ng mapait at hindi alam ang gagawin dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit naisip ni Jehnny ang bagay na yun. Nag buntong hininga na lang ako at sinubukang palitan ang topic. "Ang akala koo isa ka nang ganap na anghel?" Pag iiba ko ng usapan. Muli niya akong nilingon at nilaro ang kanyang mga daliri. "Dapat isa na akong ganap na anghel ngayon ," Panimula niya at saka nag iwas ng tingin. " Ngunit dahil sa pag kamatay ng lolo mo ay naudlot ito dahil ako ang sinisisi  na naging dahilan sa pagkamatay niya." Wika pa nito. Muli siyang lumingon sa akin at tila nagulat kaya naman mula itong nag iwas ng tingin sa akin. Bigla ko naman siya pinag takahan dahil sa kanyang inasta. "Bakit Jehnny may problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon ngunit umiling ito at saka umiling ng marahan. "H-Hindi ko da-dapat sinasabi ang mga bagay na ganun sayo." Nauutal na wika niya. Hindi siya nag angat ng ulo, bagkos ay lalo niya pa itong niyuko at kinalang ang kanyang mga kamay sa kanyang mga hita. "Bakit may malalim na dahilan ba?" Muling kong tanong sa kanya. Umiling ito sa sumagot. "Wa-wala naman." Mariing wika niya. "Bakit hindi mo dapat sabihin ang mga bagay na ganun sa akin?" Pangungulit ko sa kanya. Dahan-dahan niya akong nilingon at ito ang kauna-unahang pag kakataon na tiningnan niya ako ng may mga luha sa kanyang mga mata. "Ba-Basta." Bigla na lang umalpas ang masaganang luha sa kanyang mga mata at marahang pumatak ito sa kanya mga pisngi. Hindi ko alam ang dahilan pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Gusto ko sitang yakapin ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pinag mamasdan ko lang siya habang tumutulo ang kanyang mga luha sa mata at pilit niya itong pinapahid gamit ang kanyang mapuputing kamay. Bigla itong napaluhot sa may sahid at yumuko sa aking hinihigaan. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at saka nag patuloy sa pag iyak. Rinig na rinig sa buong kwarto ang kanyang pag hagugul. Ramdam ko din ang kanyang mga luha pumapatak sa aking kaliwang kamay. Mukha ang pag kamatay ni Lolo ang dahilan ng kanyang pagluha dahil minsan na niyang nabanggit sa akin na nabigo siyang protekhan ito noong panahong nabubuhay pa si Lolo. Wala akong magawa kundi ang pag masdan lang ang lang siya umiyak at humagugol sa aking harapan. Hindi ko siya magawang mayakap man lang.  Sa kanyang pag iyak ay ta bumalik ang lahat ng pagmamahal na naramdam ko sa kanya noong una. 'Bakit ang rupok ko!?' Gusto kong mainis sa sarili ko dahil dun. Gusto kong sundin ang kagustuhan ni Jehnny na kalimutan ko ang pagmamahal ko sa kanya. Pero bakit para gumagawa pa siya ng paraan para hindi ko makalimutam ito at matili lang ito sa aking sarili. Pero maski ako ayokong mawala ang pag-ibig ko sa kanya, ayokong mawala ito dahil kahit one sided lang ito ay masarap pa rin ito sa pakiramdam. Nagulat ako ng biglang humigpit ang pag hawak sa akin ni Jehnny. Medyo tumigil din ito sa pag iyak ngunit ramdam ko pa rin na may pumapatak na luha mula sa kanyang mga mata. "Jehnny ?"  Tawag ko sa kanya. Lalo lang humigpit ang kanyang kapit sa aking kamay. "Pangako poprotektahan kita kahit anong mangyari," Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa winika ni Jehnny sa akin. " Hinding - hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawala sa akin." Wika pa nito. Lalo lang lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa kanyang winiwika. Anong ibig niyang sabihin na ayaw niya ako mawala? Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Lalo niya lang ginugulo ang aking isipan. "A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ako. Patuloy pa rin ang pag patak ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. "Mahal kita Christian kaya hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin tulad ng Lolo mo." Biglang bumalik sa aking isipan ang mga ala-ala simula noong una naming pag kikita ni Jehnny. Ang pakiramdam noong una ko siyang makita. Umiiyak din siya noon ngunit, bata pa ako noon kaya naman hindi ko ang aking tunay na nararamdaman noon. Tila naramdaman ko ang ihip ng hangin na noon ay dala niya noon sinabi niya sa akin na isa siyang multo. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Huminga ng malalim si Jehnny at muli akong pinag masdan. Unti-unting umangat ang katawan ni Jehnny sa ere at tumungo sa aking ibabaw. Lumilipad siya sa aking ibabaw! Unti-unti siya lumapit sa akon habang tinatapat ang kanyang mukha sa akin. Napalunok ako dahil sa kanynag ginagawa. Napapikit na lamang ako hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mga labing dumampi sa aking mga labi. At doon muli kumawala ang aking nararamdaman tinatago para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD