Chapter 30

1181 Words
The Transformation . . Christian's Point of View "Ikaw din naman nag bago." Napatigil ako sa pag lalakad kaya naman napatigil din sila. Tinapik ako ni JM sa balikat at niyaya niya si Keina na mag tuloy sa pag lalakad. Tiningnan ko lang ang kanilang likuran habang sila ay nag lalakad palayo sa akin. Hindi ko lubos maisip ang sinabi sa akin ni JM dahil hindi ki agad ito maproseso sa aking isipan. Muling itong umikot sa aking isipan. Napatulala na lang ako dahil dito. 'Nag bago ba talaga ako?' Muli ko lang tiningnan ang likod nila JM at Keina na nag lalakad papalayo sa akin. Natauhan lang ako ng mawala na sila sa akin paningin. Napabuntong hininga na lamang ako at nag mula muling mag lakad. Since hindi naman nakakaligaw ang mga pasilyo dito ay agad kong natuntun ang silid namin ni Jehnny.  Pag bukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Jehnny na nakahiga sa kama. Muli kong sinara ang pinto ng kwarto at muling nag lakad palayo sa kwarto namin. Ayoko pang kausapin si Jehnny at siguro ganun din siya sa akin. Mag papahangin muna ako labas para malinawan ang aking isipan. Ilang sandali lang ay narating ang harden na pinuntahan namin kani-kanina lang. Agad. Akong tumungo sa isang mahabang upuan at doon namalagi. Halos kanina lang pala simula ng mailagay ang bato ng demonyo sa aking sistema. Pinikit ko ang aking mga mata, nilagay ang mag kabilang braso sa sandalan ng upuan at sumandal. Pinakiramdam ko ang ihip ng hangin na marahan na humahampas sa aking mukha. Kakaiba yata ang lakas ng hangin ngayon bakit kaya? Dinilat ko ang aking mga mata at pinag masdan ang langit. Halos padilim na ang paligid at unti-unti ng lumalabas ang buwan. Kulay Dugo ang buwan nila dito marahil dahil ito kay Taitus. Malapit na rin pa lang mag hapunan. Baka hindi na makakain ng hapunan dahil wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Sagarin ba naman ang pag gamit ng mana niya. Naiintindihan ko naman siya na sobra siyang nasaktan sa ginawa ng nobya niya, sino ba naman hindi masasaktan sa ganun. Buti na nga lang ay natauhan na siya dahil kung hindi patuloy lang siyang lolokohin ng babaeng yun ng paulit-ulit. He change a lot actually. Muli namang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni JM na pati ako ay nag bago na rin. Hindi ko naman napansin ang bagay na yun dahil abala ako sa pag tuklas ng misyon ko sa mundong ito. Talaga bang nag bago ako? Ano bang ibig niya sabihing pag babago? Pag babago ba ng ugali? O pag babago ng pag katao ko? O yung pag kakaroon ko ng kapangyarihan? Masasabi kong Oo nag bago ako, nag karoon ako ng kapangyarihan na hindi ko inaakala. Nag bago ako dahil natutu akong alisin at isang tabi ang nararamdaman kong pag mamahal kay Jehnny, alang-alang sa pag liligta ng mga mundo. Nag bago ako dahil kaylangan. Kaylangan kong baguhin ang sarili ko at ibagay sa marahas na mundong ito. Inaasan ako ng mga tao dito. Taong kakalimot din sa akin sa darating na manahon. Pero wala akong magagawa kundi ang gawin ang misyon ko. Ito ang itinalaga sa akin at kaylangan ko itong gampanan. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to pero wala akong magagawa dahil ito ang gusto ng tadhana sa akin. Ang ikinakatakot ko lang ay baka mabigo akong paslangin si Taitus at mamatay din ako dito sa mundong ito. Hindi ko siguro na kung mabubuo ko ang mga elemento ng Pentagram Crest ay lehitimong matatalo ang hari ng kadiliman, Ni hindi ko pa nga nakikita si Taitus simula ng mapunta ako dito. At hindi ko pa rin nararamdaman ang  bumabalot na kapangyarihan niya sa mundong ito. Mukhang may kakaiba nangyayari. Kaya gustong-gusto ko makausap ng masinsinan si Jehnng tungkol dito pero mukhang iiwas lang siya at hindi sasagot. Kaya ngayon kaylangan kong mahanap ang libro na sinasabi ni Jehnny na mukhang  itinatago niya ito sa akin. Siguro ay nandun na ang lahat ng sagot sa katanungan ko at sana ay makita ko ito sa loob ng silid aklata nila dito. Sa ngayon ang dapat kong malaman ay kung kaya ko ba talaga gamitin ang kapangyarihan ko kahit wala si Jehnny sa Crest. Tumayo ako mula sa aking pag kakaupo at nag unat-unat upang ihanda ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga  mata at huminga ng malalim. Una kong inilabas ang Mana armor at saka inihanda ang aking sarili upang gamitin ang aking pakpak. "Angel's wings." Mahinang bulong ko sa hangin. Naramdam ko ang pag labas ng isang pares ng pakpak sa aking likuran. Napangiti ako dahil dito. Ngayon naman ay susubukan kong ilabas ang aking Halo. " Angel's Halo." Nag tagumpay din ako sa pag papalabas ng aking halo kahit wala si Jehnny sa loob ng Crest. Bigla naman akong nag liwanag, buong katawan ko ay bunalot ng isang nakakasilaw na liwanag at ilang sandali lang din ay tumigil ito. Napansin ko ang pag babago sa aking mga damit. Una kong napansin ay ang aking suot na puting sapatos at pants. Pati ang aking pang itaas ay kulay puti na sleeve less na damit. May suot din akong puting glooves na nakalabas ang aking mga daliri sa kaliwang kamay samantalang wala naman sa kanan kaya naman kita ang aking Crest sa kamay. Napansin ko rin ang aking buhok na nakabagsak sa aking noo na nag iba rin ito ng kulay. Kaya naman tumungo ako sa fountain na malapit sa aking kinauupuan kanina at doon nanalamin. Hindi nga ako nag kamali, nag kulay abo ang aking dating kulay itim na buhok. Ito ba ang parang transformation ko tuwing gagamitin ko ang parehong Angel's item na ito. Para lang itong nababasa at napapanood ko sa mga anime. Pinag masdan ko pa ng maaigi ang aking sarili sa reflection ng tubig dito sa malaking fountain sa harden. Ibinuka ko rin ang aking pakpak upang makita ang itsura nito. Mukha akong anghel dahil sa itsura ko ngayon. Bigla namang humangin ng malakas at sumabay dito ang mga talolot ng mga rosas at ang mga ilang sa balahibo ng aking pakpak. Ang ganda nito tingnan, para lang akong nasa isang anime series na akong ang bidang anghel. Ilang sandali pang pag tingin sa aking sarili sa tubig ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa akin isipan parang unti-unting sumasakit ang ulo hanggang sa tuluyan na ito sumakit ng sobra. Napahawak ako sa akin uli at napayuko dahil sa sakit. Para itong binibiyat at parang may isang bagay na gustong kumawala sa aking kaloob-looban. Unti-unti ay nanlabo ang aking paningin at bumagsak sa lupa. Namilipit ako sa sakit sa lupa at hindi makahingi ng tulong dahil walang boses ang gustong lumabas sa aking bibig. Bumabagal din ang pag t***k ng aking puso kaya naman nahihirapan na din akong huminga. Nag simula akong mag pagulong-gulong habang namamaloktot sa sakit. Bigla namang may pumintig na malakas sakin dibdib kayan naman napatigil ang buo kong katawan at hindi ko na lang namalayan ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD