Chapter 32

2553 Words
His Confusion . . Christian's Point of View "Mahal kita Christian kaya hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin tulad ng Lolo mo." Biglang bumalik sa aking isipan ang mga ala-ala simula noong una naming pag kikita ni Jehnny. Ang pakiramdam noong una ko siyang makita. Umiiyak din siya noon ngunit, bata pa ako noon kaya naman hindi ko ang aking tunay na nararamdaman noon. Tila naramdaman ko ang ihip ng hangin na noon ay dala niya noon sinabi niya sa akin na isa siyang multo. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Huminga ng malalim si Jehnny at muli akong pinag masdan. Unti-unting umangat ang katawan ni Jehnny sa ere at tumungo sa aking ibabaw. Lumilipad siya sa aking ibabaw! Unti-unti siya lumapit sa akon habang tinatapat ang kanyang mukha sa akin. Napalunok ako dahil sa kanynag ginagawa. Napapikit na lamang ako hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mga labing dumampi sa aking mga labi. At doon muli kumawala ang aking nararamdaman tinatago para sa kanya. "Nakakaistorbo yata kami sa inyo," Bigla namang napalayo sa aking si Jehnny at lumipad pa upo sa upuan sabay yuko ng kanyang ulo. Dahan-dahan kong pinaling ang aking tingin sa may pintuan. At doon ay nakatayo si JM na may hawak na tray na may mainit na pagkain at inumin. Sa likod niya ay nandun si Keina na ngiting-ngiti na nakatingin sa amin. "Nandiyan pala kayo." Pag sasawalang malisya ko. Lumakad sila papasok ng kwarto na hindi naaalis ang ngiti sa kanila mga labi. Nilapag ni JM ang pag kain sa may lamesa sa tabi ng aking higaan. Umupo naman si Keina katabi ni Jehnny at bahagya itong siniko-siko.  Hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan ngunit na iikot ko na aking ulo sa mga nais kong dereksyon. " Nag dala kami ng makakain mo lot, hindi ka pa kasi kumakain simula kagabi." Wika ni JM at saka umupo sa aking kannag bahagi. Nag taas naman ako ng kilay dahil sa aking narinig. "Kagabi?" Pag uulit ki ng kanyang sinabing oras. Tumango naman siya bilang sagot. " Ang ibig-sabihin umaga na pala?" Bulalas ko at dahil dito ay bahagyang sumakit ang aking katawan kaya naman nataranta silang tatlo. "Wag ka muna gagalaw Chris, hindi ko pa kaya." Nag aalalang wika ni Keina sa akin. Bahagya akong nag buntong hininga at nilingon sila muli. "Nakita ka kasi namin sa harden na walang Malay, sinubukan ka naming gisingin pero hindi ka nagigising," Wika ni JM habang hinahanda ang pagkain ko. "Sabi ni Jehnny nasubrahan ka daw sa pag gamit ng mana dahil ginamit mo ang kapangyarihan mo nang wala siya." Dugtong ni JM at saka sumandok ng sopas sa mangkok at bahagyang hinipan. "Sabi ng doktor ilang araw lang din ay  gagaling ka kaya mag pahinga ka lang diyam," Lahat kami ay napalingon sa may pintuan. Pumasok sila Roldan at Kiana na may dalang kakaibang bulalak. " Namistas kami ni Kiana ng bulalak na tutulong sayo sa pag galing." Dugtong ni Roldan at saka kumuha ng vase na pag lalagyan. "Ang tawag dito ay ang healing flower, tanging may nararamdaman lang na sakit ang nakakaamoy ng halimuyak nito dahil ito ang nag sasabi kung magaling ka na o hindi pa," Paliwanag ni Kiana at saka sinimulan ayusin ang bulalak. Naamoy ko ang halimuyak ng  bulalak sobrang bangon nito at nakakagaan ng pakiramdam. " Nakakatulong ang amoy nito sa pag papagaling ng kahit anong karamdaman." Napapikit ako dahil sa amoy ng bulaklak. Sobrang bango talaga nito at tama nga si Kiana, dahil unti-unti ay nararamdaman ko ang pag gaan ng pakiramdam ko. "Oh Lot susubuan na kita ng pagkain."  Napadilat ako at saka nilingon si JM. Binuka ko ang aking bibig at unti-unting isinubo ni JM ang sopas sa akin. Ang sarap nito. "Ang sarap nito," Bulalas ko habang ngumunguya. Dinama ko ang bawat pag nguya dahil sobrang sarap nito. "Luto mo ba to Keina?" Nilingon ko si Keina na kasalukuyang nakaakbay kay Jehnny. Umiling ito at ngumiti. "Hindi ako ang nag luto niyan." Tanggi niya at saka muling ngumiti. "Si Kiana ba?" Muling tanong ko at nilingon si Kiana. Nalaman ko na magaling din sa pagluluto si Kiana tulad ng ate niya kaya naman kung hindi si Keina ang nag luto, ay si Kiana dahil alam kong hindi marunong mag luto sila JM at Roldan dahil pareho silang anak mayaman. Umiling din si Kiana at ngumiti at saka bumalik sa pag aayos ng mga bulalak sa vase. "Kung hindi si Keina at hindi rin si Kiana eh di sino?" Nag tatakang tanong ko sa kanila. Lahat lang sila ngumiti at lumangon sa isang tao este isang anghel. "Ako ang nag luto niyan." Nahihiyang wika ni Jehnny, namula si Jehnny at muling niyuko ang kanyang ulo. "Hindi mo ba alam marunong din mag luto si Jehnny?" Nag mamalaking wika ni Keina at saka lalong hinigpitan ang pag kakaakbay kay Jehnny. " Hindi nga lang halata sa kanya dahil isa siyang galang multo." Dugtong pa niya dito. Pinagmasdan ko lang si Jehnny habang namumula sa hiya. Napangiti ako at sinubukang abutin ang kanyang kamay. Kita ang pag kakagulat sa kanya reaksyon nang mahawakan ko na ang kanyang kamay. Dahan-dahan siyang tumingala at tiningnan ako. Nginitian ko siya at tinitigan sa kanyang mga mata. "Salamat." Simpleng wika ko sa kanya habang tinitingnan siya sa kanya mga asul na mata. Nahihiya lang siyang ngumiti at muling namula. Muli akong sinubuan ni JM ng sopas. Sobrang sarap talaga nito, para akong dinadala nito sa langit sa sarap. Natapos na sa pag aayos si Kiana ng mga bulalak, dinala niya ito sa aking tabi at nilagay sa lamesang katabi ng aking higaan. Habang kumakain ako ay masaya kaming nag kukwentuhan. Iniiwasan kong tumawa habang ngumunguya dahil baka mabilaukan ako lalo pa't nakahiga ako habang kumakain. Noong napansin nilang nahihirapan akong kumain at napag pasyahan nila Roldan at JM na ibangon ako upang makaupo at makakain ng maayos. Nilapag muna ni JM ang pagkain sa may lamesa at tinulungan niya si Roldan na ibangon ako. Dahan-dahan nila akong inalalayan upang makaupo. Hindi tulad ng kanina na hindi ko talaga maigalaw ang akin katawan, ngayon ay kahit papano ay nakakagalaw ako ngunit nahihiraoan ako dahil namamanhid ang aking buong katawan. "Pasensya na nagiging pabigat ako sa inyo ngayon." Marahang wika ko sa kanila habang pilit na iginagalaw ang aking katawan upang makaayos ng upo. "Wala yun Lot ano ka ba, " Nangingiting wika ni JM. " That's what friend are made for. " Dagdag pa nito. Napangiti na lang ako at the same na kakaramdam ng guilt dahil pinag dudahan ko sila noong una. Hindi ko kasi sigurado kung sila ba talaga ang mga kaibigan ko dahil hindi ko naman sila nakita na napunta talaga dito kasama ko, pero ngayon sigurado na ako na sila nga ito. Ang pinag kaiba lang ay nalaman ni Roldan ang pinag mulan niyang angkan sa side ng Mommy niya. Si JM naman ay natutu nang mainlove sa babae. Siguro nga may kunting pag babago sa kanila simula ng mapunta kami dito pero sila pa rin ang mga kaibigan ko at hindi mag babago yun. Ilang sandali rin kaming nag kukulitan sa loob ng kwarto, saka ko naalala ang tungkol kay Jessy. "May nalaman na ba kayo kung paano natin mahahanap si Jessy?" Wika ko ng malunok ang huling subo ng sopas na aking kinakain. Nilingon nila akong lahat at naging seryoso ang kanilang ekspresyon. "Akala ko hindi mo na tatanungin," Seryosong wika ni Keina at tinanguan niya ang kanyang kapatid. Ikinumpas ni Kiana ang kanyang kamay at ilang sandali lang ay may librong lumulutang ang galing sa labas ng kwarto ang sa kanya ay lumapit. Lumapag ito sa kanya kamaay at inabot ito sa kanyang nakakatandang kapatid. Binuklat ni Keina ang pahina ng libro at saka muli itong pinalutang sa aking harapan. Doon ki nakita ang isang parang simbahan na nakaguhit sa libro na sa akin ay nakaharapan. Nag tataka ko itong tiningnan dahil hindi ko alam ang gusto nilang ipaalam sa akin. "Anong meron sa simbahan na ito?" Wika ko at nilingon sila isa-isa. "Ang simbahan na yan ay tinatawag na : Home of Virgin Grimoire," Seryosong wika ni Jehnny. Nilabas ni Jehnny ang Angel's Vision o ang maliit na TV na lumulutang sa Ere na gawa sa mga ulap at pinapakita nito ang gusto makita ng gumagamit nito. "Ang simbahan ito ay naniniwala ng merong tinatawag na Virgin Grimoire, isa itong kapangyarihan na hindi dapat mapasakamay ng Demon King dahil maaari itong mas lalo pang lumakas." Paliwanag ni Jehnny, pinapakita ni Jehnny ang tunay na itsura ng simbahan na ito ngayon. Marami akong nakikitang mga parang estudyante. Mukha silang mga ordinaryo na tao ang pinag kaiba lang ay meron silang mga kulay Lila na mga mata. Natural din ang kanila mga kulay na buhok na iba-iba, merong Pula, Asul , Rosas at iba pa. Elegente rin ang mga galaw nila at Tila mga prinsisa at prinsipe kung sila ay umasta. "Sinasabi na ang simbahan ay ginawang eskwelahan ng mga Royal clan dahil may posibilidad na sa kanila mang gagaling ang lahi ng itinakda ng tinatawag nilang Virgin Grimoire." Dugtong ni Keina sa sinabi ni Jehnny. Hindi ko pa rin sila maintindihan. "Ano naman koneksyon nito sa paghahanap natin kay Jessy?" Muli kong tanong sa kanila. Muli itinago ni Jehnny ang Angel's Vision at inilipat naman ni Keina ang pahina ng libro at tumambad naman ang litrato ng isang babaeng puno ng bulaklak ang kanyang kasuotan at tila nag bibigay ito ng blessing sa mga tao. "Napag alaman namin na galing si Jessy Royal Clan na tinatawag na Asure Clan ayun na rin sa inpormasyon na ibinigay nila Roldan at JM sa amin," Sagot ni Keina sa aking tanong . " At may posibilidad na nandyan si Jessy sa Home of Virgin Grimoire at posible rin na siya ang Virgin Grimoire dahil ayun sa libro, lalabas ang Virgin Grimoire kasabay ng pag dating ng ikasampung Itinakdang taga-pagligtas ng langit." Dugtong niya at saka isinara ang libro at ibinalik sa kanyang mga kamay. "Ang Lolo mo ang ika-siyam na tagapag-ligtas, kaya naman ikaw ang Ika-sampu." Siguradong wika ni Jehnny at nanatiling seryoso ang mukha nito. Kung totoo ang sinasabi sa libro na ipinakita nila sa akin, ang ibig sabihin ay posible ngang si Jessy ang Virgin Grimoire. "Saan ba matatagpuan ang Home of Virgin Grimoire?" Muli kong tanong sa kanila. Nag katinginan sila Jehnny at Keina bago ako nag aalalang tiningnan. "Dahil protektado ito ng kapangyarihan, hindi ito basta-basta matatagpuan kaya naman walang kasiguraduhang makikita natin ang lugar na yun." Dahil ayaw sumagot nila Keina at Jehnny ay si Kiana na ang nag atubiling sumagot ng aking tanong. "May paraan ba para makita natin yun?" Muli kong tanong sa kanila. Sinubukan kong ibangon ang aking sarili,sa tulong ni JM. "Kung makakakuha tayo ng admission test sa paaralan nila posible na makapasok tayo," Nag aalangang sagot ni Keina sa akin. "Pero dahil wala naman galing sa Royal clan sa atin dalawang bagay lang ang pwede nating gawin para makakuha ng test ay ang mag pakasal sa myembro ng Royal clan o ang labanan ang pinuno ng isa sa royal clan." Paliwanag niya sa amin. Ngunit kita sa kanyang mukha na hindi ito magiging madali. "Dalawa lang ang pag pipilian natin," Gatong ni JM habang sinusubukang mag isip. "Hindi natin sigurado kung kaya natin labanan ang kahit isa sa pinuno nila kaya naman ang madaling paraan lang ay ang mag pasakak este ang mag pakasal sa isa sa kanila." Pabirong dugtong nito. Gusto ko sana siya batukan pero hindi ki magawa dahil nanghihina pa ako at hindi ko kayang igalaw o iangat man lang ang aking mga kamay kaya naman tiningnan ko lang siya ng masama. Napakamot na lamang siya ng kanyang batok dahil wala ang kahit isa sa amin ang natuwa sa biro niya dahil hindi iti ang oras ng pag bibiro. "May punto si JM dahil ay Royal clan ay hindi lang kilala sa lakas ng kanilang mana kundi kilala rin sila sa pag gamit ng mga iba't- ibang estilo ng pakikipag laban at sa estado natin ay wala tayong laban sa kanila." Pag sang ayon ni Jehnny sa sinabi Ni JM. "Wala na ba talagamng ibang paraan?" Muli kong tanong sa kanila. Umiling si Kiena at Jehnny. "Kung gusto natin makapasok wala tayo magagawa dahil ayun lang amg tamging paraan. " Seryosong wika ni Keina sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Dahil sa kalagayan ko rin ngayon ay hindi ako makakalaban. Pero gusto kong subukan dahil ayokong may matali sa kanila sa pag papakasal tulad ko... Ngayon ko lang uli naalala ang magaganap na kasal namin ni Jessy sa susunod na taon. Nakalimutan ko na ito dahil sa mga pangyayari dito. Nawala sa isip ko ito dahil na rin kay Jehnny. Bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa akin puso. Para tuloy akong namamangka sa dalawang ilog. Mahal ko si Jehnny pero nangako na ako na papakasalan ko si Jessy sa susunod na taon. Naguluhan ako bigla sa sarili ko. Ang mas inaalala ko ngayon ay paano pag nagkita si Jessy at si Jehnny? Ano kaya ang mangyayari. Maiipit ako sa kanilang dalawa. Ano ba 'tong nagawa ko? Ayoko namang mag kagulo sila dalawa dahil sa akin. Anong gagawin ko? Ngayon palang ay namomoblema na ako kahit hindi pa namin kasama si Jessy. Kaya bago pa man namin makasama si Jessy ay dapat maipaliwanag ko na kay Jehnny kung ano ang meron sa aming dalawa ni Jessy. Sana lang ay maayos ko 'to dahil ayokong pareho ko silang masaktan sa huli. Bakit simula ng mapunta ako sa mundong ito ay hindi kasagutan sa problema ko ang nakuha ko kundi karagdagang problema pa yata. "Lot kaylangan mo ng mag pahinga, mag papasakal ka pa." Pabirong sabi ni JM sa akin at saka inalalayan akong humiga muli upang makapag pahinga. "Sira-ulo ka talaga salamat uli sa pag aalaga sa akin." Wika ko at saka kumapit sa kanya at dahan-dahang humiga. "Anong salamat? may bayad na 'to ." Muling niyang wika sa akin. Lumabas na sila Jehnny at ang iba. Dahil sabi nila dapat na daw akong mag pahinga. Tanging sila JM at Roldan na lang ang nandito para alalayan ako. "Ano naman ?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa akin at saka na ako binitawan ng maka higa na ako. Lumuhod ito sa aking tagiliran at pinag masdana ako. "Kiss mo lang papa Christian sapat na." Wika niya habang nakanguso sa akin. Animoy balak si JM dahil sa kanyang winika kaya naman bahagya akong napalayo sa kanya at muli siya sinamaan ng tingin. "Hindi ka na kakatuwa JM." Seryosong wika ko sa kanya. Pareho lang silang tumawa ni Roldan. "Kiss lang eh." Nangungusong wika ni JM at saka tumayo. "Sira ka talaga JM." Muli lang silang nag tawanan. Tumungo sila sa aking paahan at ngumiti. Inakbayan ni Roldan si JM at nilingon ako na nagingiti. "Mag pagaling ka Lot, ililigtas mo pa kami." Nakahulugang wika ni Roldan. Ngumiti lang ako at marahang tumango. Nag paalam na sila para daw makapag pahinga na ako ng maayos. Pag sara nila ng pinto ay napabuntong hininga ako. Kaylangan ko na nga mag pagaling para maharap ko na ang mga problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD