Chapter 63

1018 Words
Ang Kalahating Bahagi . . Christian's Point Of View "Sobrang saya ko ngayon, " Malumanay kong wika sa kanya. "Talaga ba ?" Tumango ako at saka ngumiti. "Sa sobrang saya ko nga ay gusto kung hawakan ang bawat bahag ng iyong katawan." Tugon ko sa kanya. Ngumiti siya at kinuha ang aking kamay at nilagay sa kanyang dibdib na aking ikinagulat. Pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi at tenga dahil sa ginawa niya. "Sigurado ka bang gusto mo lang akong hawakan?Ayaw mong gawin yung ginagawa ng mga mag kasintahan tulad ni JM at Keina na pakikipag talik, alam kong gusto mo nang gawin yun," Ang cute niya dahil halata sa kanya na hiyang-hiya siya sa kanyang sinabi. Napabuntong hininga ako at napangiti. Umiling ako at binawi ang aking kamay. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at muli siyang tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Nangako ako sayo na hihingin ko sa kataas-taasan na gawin kang tao upang maisama kita sa mundo namin, pag nangyari yun at papakasalan muna kita bago natin gawin ," Napangiti naman si Jehnny dahil sa aking sinabi. Hinalikan ko ang kanyang noo at saka muling ngumiti. "Oo nga pala," Nag-taka naman ako dahil biglang nag iba ang tono ni Jehnny. "Kailangan mo na palang mag handa sa susunod na iyong pag subok, hindi dapat tayo mag aksaya ng panahon dahil nag sisimula ng kumilos ang mga tauhan ni Taitus." Muntikan na mawala sa isip ko ang tungkol sa susunod na pag subok. Masyado akong nag padala sa saya na naramdaman ko dahil sa mga pangyayari. Napabuntong hininga ako at muling tiningnan si Jehnny. "SIno ba ang sunod na susubok sa akin?" Seryosong tanong ko sa kanya, sinuklay ko ang aking buhok at saka muling humiga. Tumingin ako sa kisami at hinihintay siyang sumagot. "Ang guardian of WAter na si Akwa," Hindi man lang ako nakaramdam ng takot o kaba dahil kilala ko si Akwa bilang kalmadong tao at hindi marahas hindi tulad ni Freya na kala mo lagi nag hahanap ng gulo at kalaa mo laging galit. "Tanong ko lang Mahal ko." Napatingin naman ako kay Jehnny ng muli siyang mag salita. "Ano yun?" Tanong ko sa kanya, Nilingon niya ako at tila nag tataka. "Binigay na ba niya sa iyo ang water ring?" Seryosong tanong niya sa akin. Itinaas ko ang aking kanang kamay at pinakita sa kanya ang singsing na kanyang binabanggit. "Binigay niya ito sa akin noon napunta ako dito sa paaralan, " Sagot ko sa kanya habang pinag mamasdan ang singsing sa aking kamay. "Bakit?" Napangti siya t napa buntong hininga. "Sinasabi ko na nga ba," WIka niya at sak sumandal sa headboard ng aking higaan. "Kaya pala hindi ko mabasa ang iyong isipan." Buntong hininga niyang sabi. Muli kong pinag masdan ang aking kamay dahil nakikita ko na ang crest at singsing, na saan na pala yung parang gloves na nilagay ni Akwa sa kamay ko. Nawala na lang bigla. Habang pinag mamasdan ko ang aking kamay ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Ace na nasa maling posisyon ang singsing ni Jehnny. "Jehnny," Tawag ko kanya ng hindi siya nililingon. "Bakit?" Bumangon ako at humrap sa kanya, Pinakita ko ang mga singsing sa aking kamay at tinuro ang singsing na nasa gitna. "SAbi ni Ace wala daw sa tamang pwesto yung singsing mo, pwede mo bang ilagay ito sa tama?" Paki usap ko sa kanya habang nakaturo sa kanyang singsing. Bahagya siyang natawa at tumangon. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang magandang mukha. "Kaso medyo masasaktan sa gagawin ko," Babala niya sa akin, bakit naman ako masasaktan kung ililipat niya lang naman ang singsing at aayusin? Ano bang masakit dun? "Handa ka na?" Tumango na lang ako at hinintay ang gagawin niya. Humugot muna siya ng isang malalim na hangin at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Pinag masdan ko lang siya sa kanyang gagawin at hinintay siya matapos. Ilang sandali lang ay nag liwanag ang singsing na nasa gitnang daliri ko at tila lumaki ito ng bahagya. Nakaramdam akong bahagyang sakit ng humiwalay ito sa aking daliri at ang sakit at tila lalo itong lumalala. Nag simulang nanginig ang aking kanang kamay, pakiramdam ko ay para bang may dumadaloy sa akin na tila naipon ng matagal sa aking daliri at nag sisimula na ito dumaloy sa aking katawan. Napapikit ako ng mariin upang tiisin ang sakit, ito pala ang sinasabi ni Jehnny na medyo masasaktan ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? DAhil sa sobrang sakit ay hinawakan ko na ang aking kanang kamay gamit ang aking kaliwa dahil parang bibigay na ito. "Kunting tiis na lang mahal ko malapit na ito," Wika ni Jehnny, sinunod ko ang kanyang sinabi na mag tiis dahil sa aking pag dilat at unti-unti ng napupunta ang singsing sa tamang pwesto nito. Ilang saglit pa at tumigil na ang sakit ng aking kamay at nawala na rin ang liwanag ng singsing, nasa tamang pwesto na ito, kung dati ay nasa gitnang daliri ito ngayon sa nasa hintuturo na ito kung saan ito nararapat. Napangiti ako dahil unti-unti ko na nakukuha at nabubuo ang aking kapangyarihan. Sandali ko pa itong pinag masdan. "Natapos din, ayos ka lang ba mahal ko?" NApalingon ako kay Jehnny at tumango. "Alam kong nag tataka ka sa naramdaman mo kanina na para may dumadaloy sa iyong kanang kamay," Muling wika ni Jehnny kaya naman muli kong napagmasdan ang aking kamay, tila nag bago ang gitna ng crest. Anong nangyari dito? " Nilagay ko ang aking singsing sa gitna upang maitago ang tunay na kapangyarihan ng virgin grimoire at hindi malaman ni Taitus na nasa iyo na ito." Gulat kong nilingon si Jehnny dahil sa kanyng sinabi. "Ang ibig mong sabihin? All this time ay sa akin ang Virgin Grimiore at wala kay Jessy?" Marahang tumango si Jehnny at ngumuti. Talagang napag planuhan niya ang lahat ng ito dahil detalyado ang lahat. "Tulad ni Taitus ang Virgin Grimiore ay mahalaga rin sa iyo, ito ang ang kalahating bahagi ng Pentagram Crest , ang nawawalang kalahating bahagi ng kapangyarihan ni SAge na mag papalakas sa iyo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD