Chapter 64

1014 Words
The Fear . Christian's Point of View "Sinasabi ko na nga ba," WIka niya at sak sumandal sa headboard ng aking higaan. "Kaya pala hindi ko mabasa ang iyong isipan." Buntong hininga niyang sabi. Muli kong pinag masdan ang aking kamay dahil nakikita ko na ang crest at singsing, na saan na pala yung parang gloves na nilagay ni Akwa sa kamay ko. Nawala na lang bigla. Habang pinag mamasdan ko ang aking kamay ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Ace na nasa maling posisyon ang singsing ni Jehnny. "Jehnny," Tawag ko kanya ng hindi siya nililingon. "Bakit?" Bumangon ako at humrap sa kanya, Pinakita ko ang mga singsing sa aking kamay at tinuro ang singsing na nasa gitna. "SAbi ni Ace wala daw sa tamang pwesto yung singsing mo, pwede mo bang ilagay ito sa tama?" Paki usap ko sa kanya habang nakaturo sa kanyang singsing. Bahagya siyang natawa at tumangon. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang magandang mukha. "Kaso medyo masasaktan sa gagawin ko," Babala niya sa akin, bakit naman ako masasaktan kung ililipat niya lang naman ang singsing at aayusin? Ano bang masakit dun? "Handa ka na?" Tumango na lang ako at hinintay ang gagawin niya. Humugot muna siya ng isang malalim na hangin at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Pinag masdan ko lang siya sa kanyang gagawin at hinintay siya matapos. Ilang sandali lang ay nag liwanag ang singsing na nasa gitnang daliri ko at tila lumaki ito ng bahagya. Nakaramdam akong bahagyang sakit ng humiwalay ito sa aking daliri at ang sakit at tila lalo itong lumalala. Nag simulang nanginig ang aking kanang kamay, pakiramdam ko ay para bang may dumadaloy sa akin na tila naipon ng matagal sa aking daliri at nag sisimula na ito dumaloy sa aking katawan.  Napapikit ako ng mariin upang tiisin ang sakit, ito pala ang sinasabi ni Jehnny na medyo masasaktan ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? DAhil sa sobrang sakit ay hinawakan ko na ang aking kanang  kamay gamit ang aking kaliwa dahil parang bibigay na ito. "Kunting tiis na lang mahal ko malapit na ito," Wika ni Jehnny, sinunod ko ang kanyang sinabi na mag tiis dahil sa aking pag dilat at unti-unti ng napupunta ang singsing sa tamang pwesto nito. Ilang saglit pa at tumigil na ang sakit ng aking kamay at nawala na rin ang liwanag ng singsing, nasa tamang pwesto na ito, kung dati ay nasa gitnang daliri ito ngayon sa nasa hintuturo  na ito kung saan ito nararapat. Napangiti ako dahil unti-unti ko na nakukuha at nabubuo ang aking kapangyarihan. Sandali ko pa itong pinag masdan. "Natapos din, ayos ka lang ba mahal ko?" NApalingon ako kay Jehnny at tumango. "Alam kong nag tataka ka sa naramdaman mo kanina na para may dumadaloy sa iyong kanang kamay," Muling wika ni Jehnny kaya naman muli kong napagmasdan ang aking kamay, tila nag bago ang gitna ng crest. Anong nangyari dito? " Nilagay ko ang aking singsing sa gitna upang maitago ang tunay na kapangyarihan ng virgin grimoire at hindi malaman ni Taitus na nasa iyo na ito." Gulat kong nilingon si Jehnny dahil sa kanyng sinabi. "Ang ibig mong sabihin? All this time ay sa akin ang Virgin Grimiore at wala kay Jessy?" Marahang tumango si Jehnny at ngumuti. Talagang napag planuhan niya ang lahat ng ito dahil detalyado ang lahat. "Tulad ni Taitus ang Virgin Grimiore ay mahalaga rin sa iyo, ito ang ang kalahating bahagi ng Pentagram Crest , ang nawawalang kalahating bahagi ng kapangyarihan ni SAge na mag papalakas sa iyo," Muli akong napatingin sa aking kamay. Ang ibig sabihin ay ang matagal ng hinahanap ni Sage na kalahati ng kapangyarihan niya ay nandito lang at nakatago lang din sa loob ko. "Ang ibig ba sabihin nito ay kapag na kompleto ko na ang mga hiyas ng Pentagram crest ay magagamit ko na ang buong lakas nito?" hindi ko makapaniwalang wika sa kanya. Marahan naman siyang tumango at ngumiti. Napangiti ako at itinaas ang aking kamay sa ere upang pag masda muli ang ito. Hiyas na lang ng Water at ang Earth ang kaylangan ko upang mabuo ang crest at magamit ang buong kapangyarihan nito. "Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang pag subok na ibibigay sa iyo ni Akwa pero asahan mo na mas mahirap ito kaysa sa nauna," paalala sa akin ni Jehnny. Napatingni ako sa kanya. Maybe this time ay paniwalaan ko na ang sinasabi ni jehnny dahil kung sinabi niya na mas mahirap ito, ay totoo ang kanyan sinasabi. Ngayon ay nag sisimula na akong makaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Jehnny, bahagya akong napalunok ng aking laway, Nagulat ako ng muling hawakan ni Jehnny ang aking mga pisngi. "Pero wala ka dapat ipag alala dahil nandito na ko at gagabayan ka," Napatingin ako sa kanyang asul na mga mata, ang ganda talaga ng mga ito, para itong asul na langit, ang init ng pag tingin niya sa akin, sobrang sarap nito sa pakiramdam, para niya kasing hinahaplos ang aking puso. Ngumiti ako at marahang tumango. "Maraming salamat, Jehnny," Niyakap niya ako ng mahigpit. BInaon niya ang kanyng ulo sa aking dibdib. Siguro ay naririnig niya ang t***k ng puso ko. SAna ay marinig niya ang tnitibok nito, ang pangalan niya... "Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, ang mga kaibigan mo at ang ibang guardian na kasama mo sa pag laban, hindi ka nag iisa, may karamay ka," Malambing na wika ni Jehnny mula sa pag kakasubsub sa aking dibdib. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan ang kanyang ulo. ANg bangon ng kanyang buhok.. Parang ayoko na matapos ang sandaling ito, dahil pakiramdaman ko ay hindi na mauulit pa ito. Ayoko ng pakawalan siya sa aking mga bisig dahil baka ito na ang huling pag kakataon na mayayakap ko siya ng ganito. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na ito, pero sobra akong natatakot ngayon, hindi ako natatakot namakalaban si Taitus at ang mga tauhan niya. Natatakot na baka mawala sila sa akin pag katapos ng lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD