Chapter 62

1164 Words
The Promise . . Christian's Point of View "Na saan na pala siya?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ay ikinumpas ang kanyang kamay at  bigla namang lumabas ang kanyang maliit ng TV na gawa sa ulap, ang Angelos Vision! Ang tagal din ng huli ko itong makita . May biglang lumaabas sa screen na isang babae na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. "Naiuwi ko na siya at inalisan ng ala-ala tungkol dito upang hindi siya mag alala sa inyo, " Ngiting wika ni Jehnny, nakahinga naman ako ng maluwag dahil magandang balitang hatid ni JEhhny sa akin. Buti na lang ay nakauwi na siya dahil mababawasan na ang alalahainin ko. "Buti naman at makakahinga na ako ng maluwag," Wika ko sabay higa sa aking kama. "May gusto ka pa bang itanong sa akin mahal ko?" NApatingala ako kay Jehnny na kasalukuyang nakaupo sa aking ulunan. Kahit sa anggulong 'to ay ubod siya ng ganda. Napangiti ako sa kanya at napailing, "Sa ngayon wala na?" Ngiting wika ko sa kanya habang pinag mamasdan siya, gusto ko muna mag saya ngayon dahil sobrang espesyal ng araw na ito. "Kung gayon ay ako naman ang mag tatanong sayo," Biglang naging seryoso ang kanyang tono, ako naman ay bigla kinabahan dahil sa tono niya. "Ano yun?" Kahit nakakaramdam ng kaba ay pinilit kong ngumiti sa kanya.  Kinuha niya ang isang unan at saka binaon ang kanyang mukha roon. "Mahal mo ba si Jessy?" Biglang nawala ang aking ngiti dahil sa kanyang sinabi. MAhina lang ang pag kakasabi niya ngunit malinaw ito sa akin tenga. "Anong sabi mo?" Kunwari ay hindi ko ito malinaw na narinig dahil umaasa ako na nag kamali lang talaga ako ng rinig sa sinabi niya. "ALam kong narinig mo ko."Tugon niya sa akin habang na natili pa rin ang kanyng mukha na nakalubog sa unan. Bigla naman akong napabangon at pinag masdan siya. Napakamot ako ng aking ulo dahil nag iisip ako ng isasagot sa kanya. Ano ba kasing iniisip niya? Ilang sandali ko siya tinitigan, nakita ko na lang ang akin sarili na napapangiti habang nakatitig sa kanya, na iimagine ko kasi ang cute niyang mukha habang nakabaon ang kanyang mukha sa may unan. Nag buntong hininga ako at bahagyang kinagat ang aking kanang labi upang makakuha ng lakas ng loob. "Jehnny, tingnan mo ko," Tawag ko sa kanya. "Ayoko." Pag mamatigas niya at na nanatiling nakasubsub ang mukha niya sa kanyang unan. Muli akong napabuntong hininga saka pilit na kinukuha ang unan sa kanya. "Sige na, tingnan mo ko," Hinila ko ang unan sa kanyang ngunit nag pupumilit siyang bawiin ito sa akin. "SAbing ayoko nga, saguti mo na lang kasi ang tanong ko," WIka niya na hindi pa rin inaalis ang kanyang mukha sa unan. "Hindi ako sasagot hangga't hindi mo ko tinitingnan," Napatigil siya sa pakikipag agawan sa akin ng unan, padabog niyang inalis ang unan sa kanyang mukha at niyakap ito, pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin sa akin habang nakanguso, ang cute na multo naman nito. "Ayan na, sagutin mo na yung tanong ko," Pagmamaktol niya, Napangiti na lang ako habang umiiling sobrng cute niya talaga. Muli akong nag buntong hininga at sak hinaplos ang kanyang mag kabilang pisngi at saka siya tinitigan sa kanyang mga mata. "Ikaw ang mahal ko Jehnny simula pa lang ng makilala kita, at hindi nag bago yun hanggang ngayon." Nakangiting wika ko kanya. "Pero hindi ba pinag kasundo na kayong ikakasal sa susunod na taon?" Malungkot na wika niya, inilapat ko ang aking noo sa kanya at  ngumiti. "Hindi na matutuloy yun kung mamahalin mo  lang din ako pabalik," Tugon ko sa kanya. Bahagya siyang namula at nag iwas ng tingin. "Pero isa akong multo at ikaw ay isang tao," Nag aalalang wika niya. Nag buntong hininga ako at ipinikit ang aking mga mata. "Sa oras na makompleto ko ang hiyas ng pentagram crest ay magagawa ko na ang imposible, at gagawin ko ang lahat makasama ka lang kahit pa makalaban ko ang kataas-taasan." Pabulong kong wika sa kanya. Muli akong dumilat at tiningna siya sa kanyang mga mata. Nakatingin na rin siya sa akin at para bang nag luluha ang kanyang mga ito. Naiyak ba siya? May nasabi ba akong mali para maiyak siya? Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Maraming salamat Christian, sana nga at mangyari yun mahal ko," Malambing na wika niya sa aking tenga. Napapikit ako dahil sa sarap na aking naramdaman ng marinig ko ang tinig ni Jehnny sa aking tenga. Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Mangyayari yun, Jehnny pangako ko yan sayo," Bulong ko sa kanya at lalo pang hinigpitan ang aking yakap sa kanya. Walang mapag lagyan ang saya na aking nararamdaman ngayon, pakiramdam ko ay kaya kong lagpasan ang lahat ng pag subok na ibibigay sa akin nila Chichi at Akwa. Talagang makakay ko ang lahat basta kasama ko si Jehnnyy at ang mga kaibigan ko. Pinangako ko sa kanila na ibabalik ko sila sa mundo namin, hindi ako babalik hangga't hindi ko kasama si Jehnny kaya naman sa oraw na matapos ko ang misyon ko dito sa paraiso ay agad akong tutungo sa kataas-taasan upang hingiin ang kamay ni Jehnny at gawin siya muling tao sa ikalawang pag kakataon. Bibigyan ko ng bagong buhay si Jehnny sa mundo namin, pagkagradute ko ay papakasalan ko siya at bubuo kami ng isang pamilya. Mag kakaanak at tatanda ng mag kasama. Biglang kumala sa pag kakayakap si Jehnny tiningnan ako sa aking mukha. Hinawakan niya ang aking mag kabilang pisngi at saka dahan-dahan nilapit ang kanyang mukha sa akin, nang mag lapat ang aming mga labi ay bigla akong nakaramdam ng bigla pag sabog sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pag-init ng aking buong katawan. Bigla akong napaisip ng mahalay na pangyayari, hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun siguro dahil kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto na sobrang komportable. Humiwalay ako sa halik at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Sobrang saya ko ngayon, " Malumanay kong wika sa kanya. "Talaga ba ?" Tumango ako at saka ngumiti. "Sa sobrang saya ko nga ay gusto kung hawakan ang bawat bahag ng iyong katawan." Tugon ko sa kanya. Ngumiti siya at kinuha ang aking kamay at nilagay sa kanyang dibdib na aking ikinagulat. Pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi at tenga dahil sa ginawa niya. "Sigurado ka bang gusto mo lang akong hawakan?Ayaw mong gawin yung ginagawa ng mga mag kasintahan tulad ni JM at Keina na pakikipag talik, alam kong gusto mo nang gawin yun," Ang cute niya dahil halata sa kanya na hiyang-hiya siya sa kanyang sinabi. Napabuntong hininga ako at napangiti. Umiling ako at binawi ang aking kamay. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at muli siyang tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Nangako ako sayo na hihingin ko sa kataas-taasan na gawin kang tao upang maisama kita sa mundo namin, pag nangyari yun at papakasalan muna kita bago natin gawin ,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD