Chapter 43

1137 Words
Ang Unang araw sa Klase part 1 . Christian's Point of View " Teka Dale, malalaman mo din ba sa sapa ng kahapon, kung paano ako napunta rito?" Sandali siyang napaisip bago sumagot sa akin. Tumingala siya upang mag-isip habang tila kinakamot ang kanyang baba. Nilingon niya ako at umiling. "Sa tingin ko ay hindi, dahil ang tanging sinasabi lang sa sapa ay ang mga nakaraan mo noong nabubuhay ka pa at kung paano ka naman." Tugon sa akin ni Dale, tumango-tango naman ako at humarap na patungo sa pintuan ng aking kwarto. "Bakit? May gusto ka pa bang malaman." Napatigil ako sa aking pag lalakad at umiling. "Wala naman may gusto lang akong siguraduhin." Tugon ko sa kanya at muling nag simulang mag lakad papunta sa akin kwarto. "Huh? Ano yung gusto mong siguraduhin?" Muling tanong niya sa akin bago ako tuluyang makapasok ng aking kwarto. "Wala naman, sige mag papahinga na ako." Tugon ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto. Bago ko tuluyang isara ang pintuan ng aking kwarto ay narinig ko pa ang kanyang pag habol ngunit tuluyan ko ng sinara ang pinto ng aking kwarto. Pag kasara ko ng pintuan ay nag buntong hininga ako at nilibot ang akin paningin sa aking magiging kwarto. Tama lang ang laki nito para sakin. Meron na din itong sariling banyo kaya pwede ko itong gamitin na hindi na iistorbo si Dale. May balkonahe na rin upang makapag nilay-nilay. Tumungo ako aking kama at agad na lumubog dito. Dahil sa sobrang lambot ng kama ay nakaramdam ako ng pagod. Ang dami na agad nangyari ngayong araw pa lang, pano pa kaya sa mga susunod na araw at sa mga araw na susubukin na ako at sa araw na makakalaban ko na ang Demon king? Sana kayanin ko pa dahil nag sisimula na akong mapagod. . Nakatulog pala ako ng tuloy-tuloy hanggang mag umaga kaya naman pag kagising ko ay sobra akong nagutom. Buti na lang pag kagising ko ay nag luto agad si Dale ng almusal ko kaya naman agad akong nakakain at nabusog agad. Pag katapos namin kumain ay agad kaming tumungi sa aming silid aralan. Nakakamangha talaga ang paaralan na ito dahil para lang talaga akong nasa mundo namin. Kuhang-kuha ang bawat detalye ng isang paaralan sa mundo namin. "Ang ganda dito no?" Biglang wika ni Dale. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabing upuan nang sa akin. " Para lang tayong nasa mundo natin." Nilingon ko siya upang tingnan ang kanyang ginagawa. Nakalumbaba siya sa kanyang lamesa habang nakatingin sa may bintana ng silid aralan namin. "Oo." Simpleng tugon ko sa kanya at lumingon din sa may bintana. Buti pa si Dale ay masaya sa pamamalagi niya dito dahil hindi niya pa alam ang tunay niyang tungkulin dahil isa pa lang naman siyang kadetato sa pagiging Guardian, samantalang ako hindi ko magawang mag saya dahil sa tungkulin na naka takda sa akin. Napagkit ang aking mga mata sa tatlong lalaki na nag tatawanan sa may labas ng gusali. Halata ang saya nila. Bigla ko naman naalala ang mga kaibigan ko. Kahapon lang ay mag kasama kamin at kahapon din ay iniwan ko sila ng walang pasabi.  Kamusta na kaya sila? Siguri galit sila dahil umalis ako ng walang pasabi at siguro ay gumagawa na si Jehnny ng paraan para mabawi ako kanila Ace. Hindi ko pa rim lubos maisip na nagawang mag sinungaling ni Jehnny sa akin, napaniwala niya ako at pati na rin ang mga kaibigan ko. Ang akala ko ay magiging okay na ang lahat pero hindi pa pala. Ngayon, kaylangang kong mag palakas para maibalik ko sila Roldan, JM at Jessy sa mundo namin ng ligtas. Sa kaso nga pala ni Jessy dapat pala makuha ko siya sa mga taong nag tatago sa kanya at dapat kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon. Siguro ay kaya itong alamin ni Chichi gamit ang kapangyarihan niya. Pag katapos ng klase ay pupuntahan ko siya upang malaman kung kayang abutin ng kapangyarihan niya si Jessy. Ilang sandali lang din ay nag simula na ang aming klase at ang guro namin ay mismong si Ace. Hindi tulad noong nag kakilala kami, iba ang pinapakita niyang awra ngayon. Para bang pinaparadam niya sa amin na dapat lang siyang sundin dahil kung hindi ay may gagawin siyang hindi maganda sa amin. Kaylangan kong siyan sundin ngayon dahil sa lugar na ito siya ang pinaka mataas kahit na malinaw sa akin na pwede ko silang utusan dahil higit na mas mataas ako sa kanila bilang itinakda pero ngayong gamitin ang impluwensya ko sa kanila dahil ayokong sirain ang relasyon ko sa kanila at saka sino ba naman ako kung tutuusin ay mas makapangyarihan sila sa akin ngayon dahil hindi ko pa naman napapasa ang pag subok nila at hindi ko pa kompleto ang elemento ng pentagram crest. " Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon dahil sa nakapatong na tungkulin sayo pero wag kang malungkot dahil mas lalakas ka pa higit sa inaakala mo." Nagulat ako ng may isang tinig akong narinig sa aking isipan. Pano nangyari yun? Suot ko ang singsing ni Akwa na pumipigil sa sinumang gustong bumasa ng aking isipan. "Dahil ako ang dakila si Ace, walang epekto sa akin ang singsing ni Akwa." Bigla akong napalingon kay Ace na kasalukuyang nag susulat sa pisara ng gawain. "Ginulat mo ko dun, Akala ko na kung sino." Wika ko pabalik sa aking isipan.  Bahagya lang siyang tumawa habang patuloy sa kanyang ginagawa. "Hindi ka kasi nakikinig sa akin at lumilipad ang iyong isipan, mahal na itinakda." Wika muli nito sa akin at tila dinidiinan ang mga  salitang 'mahal na itinakda. " Iniisip ko lang ang aking mga kaibigan, sobra na akong nag aalala sa kanila baka saktan sila ni Jehnny." Wika ko at saka lumumbaba sa aking lamesa at tumingin sa may bintana. "Wala ka dapat ipag alala sa kanila dahil nasigurado na ni Chichi na nasa maayos silang kalagayan," Muling wika ni Ace. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ace. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala sa kanila. " Sa ngayon ay pag tuunan mo muna ng pansin ang pag sasanay mo para maipasa ang mga pag subok ng iba pang natitirang Guardians. " Tama si Ace, wala akong dapat ipag alala sa kanila at ituun na lang ang aking atensyon sa aking pag papalakas upang maibalik sila sa mundo namin. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "May problema ba Christ?" Bulong na wika ni Dale sa akin. Napalingon naman sa kanya. Mukhang nag aalal siya sa akin. Napailing lang ako at ngumiti at muling lumingon sa unahan kung saan nag sisimula na muling mag turo si Ace. " Ayun muna sa ngayon, mag handa na kayo para leksyon niyo sa pag papalakas ng inyong katawan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD