Charaters

1022 Words
So since marami nang napasok na characters sa 'My Great Quest with a Ghost' gagawa ako ng list ng Characters bago ko ipag patuloy ang kwento. Feel free to comment your thoughts about my story. Alam kong hindi siya okay kasi this is my first Fantasy Story, soon I will write a Fantasy series hope you support too... So here's the Characters List: Christian - Isang binata na may normal na pamumuhay. Masasabing nasa kanya na ang lahat. Matalino, Mabait, Magandang lalaki, may pera at habulin pa ng mga babae, ngunit isang araw ay nag bago ang kanyang buhay nang mag simula siyang muli makakita ng mga multo at hindi kalaunan ay mapunta siya sa isang kakaibang mundo. Nakilala niya ang isang babaeng multo at sinabi nito na siya ang itinakda na papaslang sa Demon king na si Taitus. Jehnny- Isang babaeng multo na gumagabay kay Christian sa kanyang pag lalakabay. Masasabi may lihim na pag tingin siya sa taong binata ngunit pilit niya itong tinatagi sa isang malalim na dahilan. Kapag natalo na ni Christian ang demon king ay magiging isa na siyang Anghel. Si Jehnny ay ang kasalukuyang Guardian of Air ng Pentagram Crest. Roldan- Isa sa mga matalik na kaibigan ni Christian na nakasama niya sa pag punta sa isang kakaibang mundo. Noong makarating siya sa mundong tinatawag na Paraiso ay doon niya napag alaman na isa siya half demon dahil sa kanyang Ina na isang succubus. Nag karoon siya ng kakaibang kapangyarihan na katulad din nang kay Jehnny.  Katulad ni Christian ay habulin din ito ng mga babae, ngunit nasa iisang tao lang ang kanyang puso, na akala niya ay ito ay tapat sa kanya. JM- Isa sa mga matalik na kaibigan ni Christian na nakasama niya sa pag punta sa isang kakaibang mundo. Laking gulat ni Christian na may kasama itong babaeng demonyo at nakikipag talik pa ito dahil hindi naman pa niya ito nakikitang nakipag relasyon sa isang babae noon ngunit nakarating lang sila sa mundo ng Paraiso ay naiba na ang pananaw nito at tila ayaw na nitong humiwalaw pa sa babaeng karelasyon niya. Ace- Isa sa mga Guardians of Pentagram. Siya ang nag mulat sa mga mata ni Christian at nag sabi na mali ang tinuturong daan sa kanya ni Jehnny. Siya ang pinaka mataas sa mga Guardian. Siya ang Guardian of Spirit ng Pentagram Crest. Siya rin ang nag sisilbing punong guro ng Ghoul Academy. Chichi- Ang Guardian of Earth, mahinhin, maganda at sexy. Dahil nga siya ang Guardian of Earth ay malapit siya sa mga hayop at kaya niya rin kausapin ang mga ito. Kaya niyang basahin ang iyong isipan kahit na nasa malayo o nasa kabilang panig ka man ng mundo. Freya- Ang Guardian of Fire, Pilya, mahilig sa gulo, at mahilig pag laruan ang mga bagong salta sa Paaralan nila. Bilang Guardian of Fire ay kaya niyang gumawa ng isang kapani-paniwalang ilisyon upang makuha ang kanyang kasiyahan. Kahit na isa siyang babae ay kasing lahat naman siya ng isang lalaking mandirigma kaya walang kahit sino man ang gustong bumangga sa kanya. Akwa- Ang Guardian of Water, lagi lang itong nakikitang kalmado sa kahit anong sitwasyon ngunit tulad din ng dapat at may bagsik din itong dulot sa oras na galitin mo si Akwa. Sinasabi na siya ang pinaka matandang Guardian sa kanilang lima. Siya lagi ang nag aawat sa tuwing nag aaway sila Freya at Ace. Nag sisilbi rin siyang tatay at kuya sa mga Guardian dahil sa kanya ugaling kalmado. Dale- Isang babaeng multo na isa sa kandetato sa pagiging Guardian of Water. Noong nabubuhay oa siya ay dati niyang kakompetensya si Christian sa kanilang paaralan ngayon naman ay tinutulungan niya itong mag adjust sa buhay sa bago nilang paaralan. Keina - Isang babaeng Succubus , na may madilim na nakaraan ngunif natututo itong mag patawag ng malaman ang katutuhanan. Hindi malinaw kung nasa ilalim ng mahika niya si JM o sadyang mahal lang nila ang isa't- isa. Dati siyang bayarang succubus na napalayas sa lumaim ng mga demonyo dahil sa kasalanan niyang nagawa noon sa kanyang dating asawa. Kiana - ang nakakabata at nag iisang kapatid ni Keina. Dahil ito lang ang naiwan sa mansyon ng dating asawa ng kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang naging taga pag mana ng mga ari-arian ng namatay na asawa ni Keina. Jessy- Isa sa kaibigan ni Christian na nakasama niya sa pag punta sa isang kakaibang mundo. Noong nasa mundo pa sila ng mga tao ay pinag kasundo sila upang ikasal. Sinabi rin na siya ang itinakda na Virgin Grimoire na siyang lalong mag papalakas sa Demon King. Taitus - Ang kasalukuyang Demon King na dapat magapi ni Christian bago matapos ang lahat. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ito sa kanya dahil may misteryong bumabalot dito na hindi pa dapat malaman ni Christian. Christian's Current Skills Angel's Wings - Sa tuwing binabanggi niya ito ay lalabas ang isang pares ng pakpak ng isang anghel. Angel's Lence- Ito ay ang kakayahan ni Christian na makita ang antas ng mga lakas ng mga nakapaligid sa kanya sa simpleng pag titig lang dito. Angel's Halo/ Heal - Ito ang kakayahan ni Christian na nag papagaling ng kahit anong karamdaman na kahit ang doktor ay hindi malunasan. ( Hinihiling ko nawa'y totoo na lang sa ating totoong buhay upang mawala na ang kumakalat na virus na covid-19.) Espada- sa tuwing tatawagin ni Christian si Jehnny ay agad itong magiging isang matalim na espada na kayang humiwa ng kahit anong matigas na bakal. Place: Paraiso - Ang kakaibang mundo ng mga Multo, Demonyo at Anghel na kasalukuyan na unti-unting sinasakop ng Demon king na si Taitus. Ghoul High- Isang paaralan sa Paraiso na ginawa upang sanayin ang mga multo na galing sa mundo ng nga tao sa particular na tungkulin. Sapa ng nakaraan - Isang sapa na matatagpuan sa likod ng Ghoul high kung saan maaari mong makita ang iyong nakaraan noong nabubuhay ka pa. Home of Virgin Grimoire - Isang paaralan ng mga espesyal na nilalang na tinatawag na Royal Clan na may 7 pamilya. Dito rin pinapangalagaan ang Virgin Grimoire na si Jessy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD