Chapter 44

2369 Words
Ang Unang Araw sa Klase part 2 . . "Wala ka dapat ipag alala sa kanila dahil nasigurado na ni Chichi na nasa maayos silang kalagayan," Muling wika ni Ace. Nakahinga naman ako ng  maluwag dahil sa sinabi ni Ace. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala sa kanila. " Sa ngayon ay pag tuunan mo muna ng pansin ang pag sasanay mo para maipasa ang mga pag subok ng iba pang natitirang Guardians. " Tama si Ace, wala akong dapat ipag alala sa kanila at ituun na lang ang aking atensyon sa aking pag papalakas upang maibalik sila sa mundo namin. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "May problema ba Christ?" Bulong na wika ni Dale sa akin. Napalingon naman sa kanya. Mukhang nag aalal siya sa akin. Napailing lang ako at ngumiti at muling lumingon sa unahan kung saan nag sisimula na muling mag turo si Ace. " Ayun muna sa ngayon, mag handa na kayo para leksyon niyo sa pag papalakas ng inyong katawan." Anunsyo ni Ace sa buong klase. Pag katapos nun ang umalis na si Ace. Pag kaalis niya ay nag tayuan naman ang mga estudyate at nag kanya- kanyang usapan dahil may ilang minuto pa bago ang susunod na klase. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa wakas ay makakapag unat din ng aking katawan. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nag simulang mag unat. Halos isang oras din kasi akong nakaupo kaya naman na ngalay ang buong katawan ko sa pag upo. " Hindi ka ba na ninibago?" Napatigil ako sa pag uunat at napalingon sa gawi ni Dale. " Bakit?" Tanong ko pabalik sa kanya at tinuloy ang pag uunat. " Dito kasi hindi ka sikat at hindi ka pinag kakaguluhan ng mga babae o ng mga lalaking gustong maging kaibigan ka." Muli akong napatigil at saglit na natulala. Naaalala niya pala yun. Napangiti ako at muling napaupo sa akin upuan at saka siya muling nilingon. " Siguro'y nasanay na ako na hindi na pinag kakaguluhan dahil siguro sa nasa iba tayong mundo at matagal din akong nag pagala- gala sa mundong ito." Tugon ko kanya. Para namang naguluhan ang kanyang itsura dahil sa aking sinabi. " Anong ibig mong sabihin na matagal ka nang pagala-gala rito?" Bigla naman akong natauhan dahil muntikan na akong madulas. Napangamot ako ng aking ulo at pinilit na ngumiti sa kanya. "Ang ibig kong sabihin ay naligaw ako rito sa mundong ito kaya naman matagal akong naging pagala-gala rito." Pag dadahilan ko sa kanya. Ngunit tila hindi naman nagbago ang kamya itsura at mas lalo pa siyang naguluhan. "Wala bang sumundo sa iyo noong napunta ka rito sa paraiso?" Muli niyang tanong sa akin. Napaisip naman ako bago sumagot. "Meron naman." Tugon ko sa kanya. Bigla namang napataas ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Sino?" Muling niyang tanong. "Si Jehnny." Sagot ko sa kanya, naningkit naman ang kanyang mata. " Pero nasa isang misyon si Lady Jehnny, hinahanap niya ang itinakda." Wika niya. Bigla akong pinag pawisan ng malagkit dahil sa kanyang sinabi. "A-ano kasi? Ayun..  Dahil nga may biglaang misyon si Lady Jehnny at hindi niya ako nasundo kaya naman si Ac--- Sir Ace ang sumundo sa akin." Paliwanag ko sa kanya. Sana naman ay paniwalaan na niya ako dahil baka sa susunod na tanong niya ay hindi ko na siya mamasagot pa. "Pero di ba sabi mo naligaw ka ng matagal?" Muli niyang tanong sa akin.  Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala ana akong masasagot pa sa kanya. Bakit ba kasi ang dami niyang tanong sa akin? May gusto ba siyang palabasin? Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Tumatagaktak na rin ang malamig na pawis mula sa aking noo. Pano ko siya sasagot ng hindi sinasabi sa kanya ang totoo? Ilang sandali lang din ay biglang tumonog ang bell ng paaralan hugyat na mag uumpisa na ang susunod na klase. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil. "Susunod na klase na pala tara baka mahuli pa tayo." Aya ko kay Dale at saka tumayo sa aking kinauupuan at saka nag simulang mag lakad palabas ng aking silid paaralan. Buti na lang at nailigtas ako ng Bell kung hindi ay wala akong maisasagot pero alam kong pag nag karoon uli ng pag kakataon si Dale at muli siyang mag tatanong sa akin, kaylangan kong iwasan yun sa tuwing mag kakausap kaming dalawa. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa isang open place kung saan magaganap ang aming pag aaral. Hindi gaano karami ang klase namin dahil binuo ang klase namin ng mga kandidato sa pagiging isang Guardian. Kung bibilngan ay nasa 10 lang kaming lahat. Hindi ko pa sila nakikilala at hindi pa ako napapakilala sa kanila hindi ko lang alam kung bakit. Pag karating namin sa lugar na pag aaralan namin ay agad kaming pinahanay ng isang linya ni Freya na siyang mag tuturo sa amin. Kakaiba ang din ang awra ngayon dahil para siyang isang terror na teacher na kunting pag kakamali lamg ay papaluin ka na ng kanyang nag aapoy na latigo. At Oo, kasalukuyan siyang may hawak na isang mahabang latigo na nag aapoy. Dagdag pa sa pagiging nakakakot ng awra niya ang kanyang suot na black leather suit na itim at boots na kulay itim din, sa kabuuhan ay para siyang si Cat Woman wala lang siyang buntot at maskara na may tenga ng pusa. " Attention!" Sigaw ni Freya sabay hampas ng kanyang latigo sa lupa. Lahat ay nagulat at napaayos ng tayo at isa na ako don " Dumami kayo ngayon ah?" Muli niyang wika habang tinitingnan kami isa-isa. Nang madapo sa akin ang tingin ni Freya ay napangiti ito ng nakakaloko kaya naman bahagya akong napalunok dahil naalala ko na naman ang ilusyon na kanyang ginawa noong una naming pag kikita na kahapon lang mangyari. " Gusto kong pumunta kayo sa unahan at ipakilala niyo ang inyong sarili upang makilala niyo ang isa't - isa." Maaturidad na wika ni Freya. Bigla namang nag reklami ang mga datihan ng estudyante dahil lagi daw nila itong ginagawa. "Tahimik!" Tumigil ang lahat sa pag rereklamo sa muling pag sigaw ni Freya. Lalo namang nagiging nakakatakot ang itsura ni Freya dahil sa inis kaya naman nag taasan ang kanya pulang buhok at tila itong apoy. " Kung ayaw niyo ko sundin, pwede na kayong umalis sa paaralan na ito." Galit na wika ni Freya habang nanatili ang tila pag aapoy ng kanyang buhok. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pag lunok ng layaw ng mga kasama ko. Lahat ay naging tahimik at walang sino man ang gusto ng mag salita. Ilang sandaling katahimikan ay kumalma na si Freya ay nag simula na muling bumalik sa dati ang kanyang mga buhok. "Sige mag simula na kayong mag pakilala." Kalmadong wika ni Freya. Nag simula ng pag pakilala ang bawat isa sa mga kasama namin. Sinabi nila kung Ano ang kanilang pangalan at sanhi ng kanilang pag kamatay sinama na rin nila banggitin kung saan sila nabibilang na kandidato. Bawat isa sa kanila ay may iba't-ibang sanhi ng pag kamatay, merong namatay dahil sa malalang sakit, may naaksedente, at meron namang pinatay na hanggang ngayon ay wala pang katarungan. "Hello sa inyong lahat, Ako si Dale, napatay ako dahil sa cancer sa dugo, hindi kasi agad namin nalaman kaya naman hindi namin agsd na agapan pero sa pag kakaalam ko ay nagawa ko naman lahat ng gusto ko at masaya naman ako sa pamilya ko, isa ako sa napiling kandedato ni Sir Akwa ang Guardian of Water, Ayun lang maraming salamat!" Masiglang wika ni Dale. Hindi talaga siya nauubusan ng energy kahit anong gawin niya. Bago bumalik sa pila si Dale ay yumuko siya sa harapan at saka bumalik sa pila. "Ikaw na Christ." Wika sa akin ni Dale, tumango naman ako at saka ngumit. Ako na ang huling mag papakilala. "Ako si Christ," Panimula ko, sandali akong napaisip dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong dahilan ng pag kamatay ko. Napatingin ako kay Freya na seryosong natingin lang din sa akin, napakamot ako sa aking ulo dahil mukhang hindi niya ako matutulungan. Muli kong binalik ang akong tingim sa aking maka kasama. Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "Anong dahilan ng pag kamatay mo?" Wika ng isang tinig ng isang babae, napalingon ako sa kanya hindi ko natandaan ang kanyang pangalan ngunit alam kung isa siya sa kandedati ng Guardian of Fire. "Tahimik! Ako lang ang pwedeng mag tanong!" Sigaw ni Freya, napapikit ako dahil biglang sumakit ang aking tenga sa kanyang pag sigaw. Muli lang akong napakamot ng akin uli dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sa gitna ng aking pag iisip ay naalala ko ang lugar kung saan ginanap aking birthday. Napangiti ako at muli silang sinarap. "Ang sanhi ng aking pag kamatay ay ang pag kalunod," Muli kong panimula. " Nangyari yun mismo noong pinag diriwang ko ang aking kaarawan, ginanap ang aking kaarawan sa isang resort, nag kainuman kaming barkada at lahat kami ay nalasing nahulog ako sa pool, dahil lasing nga ang lahat ay walang nag ligtas sa akin. " Pag kukwento ko. Hindi ko alam na magaling pala ako mag sinungaling. Halata sa mukha nila ang pag kalungkot sa aking kwento. Palihim akong napangiti dahil mukhang naging epektado ang aking kwento. Napalingon ako kay Freya na napapangiti sa kanyang kinatataayuan, Ngumiti lang ako pabalik sa kanya saka bumalik sa aking pila. Doon ko lang napag tanto na hindi ko pala nasabi na kandedato ako ni ACe pero hindi bale dahil hindi na nila ito mapapansin dahil sa aking malungkot na kwento. Sa pag sisimula ng klase ay pinaliwanag sa amin ni Freya ang importansya ng lakas ng aming katawan sa pag kontrol ng aming mga kapangyarihan. "Hindi niyo makokkotrol ang iyong kapangyarihan ng maayos kung mahina ang iyong pangangatawan," Paliwanag niya sa amin. Pag tapos ng kanyang pag papaliwanag ay pinag simula niya kaming mag strecthing upang hind mabigla ang aming mgs katawan sa ipapgawa niya amin na pag papalakas ng katawan. Pag katapos ng ilang stretching ay pinatakbo kami ni Freya ang damuhan. Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang hindi kami pinapatigil ni Freya. Makalipas ang ilang minutong pag takbo ay nag sisimula ng mapagod ang bawat isa sa amin. Isa-isa ng bumabagsak sa damuhan dahil sa pagod. "Pagod na ako Christ." Reklamo ni Dale na pilit akong hinahabol sa pag takbo, nilingon ko siya habang tumatakbo. Halos madapa-dapa na siya sa pagtakbo. "Kaya mo yan wag mong isipin ang pagod." Pag-uudyok ko sa kanya. Tumango ito at ngumiti. Pinilit niya muling humabol sa akin sa pag takbo. Ilang ulit pa naming tinakbo paikot ang open area bago maisipan ni Freya na patigil kami. Tatlo lang kaming natitirang hindi bumabagsak sa lupa dahil sa pagod, pero halos maubusan na ami ng hangin. "Ang hihina niyo!" Pag mamalupit ni Freya sa mga agad na sumuko sa kanilang pag takbo. "Hindi ako makapaniwala na kayo ang napili na mga kandedato!" Hinampas ni Freya ang latigo niya sa mga kasama namin na nakahandusay saa lupa. Nagulat ako dahil sa kanyang ginawa. Parang hindi si Freya ang nakikita ko sa aking harapan. "Mag-silayas kayo sa harapan ko!" Muling sigaw ni Freya, napilitin naman mag sitayuan silang lahat at pilit na tumabok pabalik sa gusali ng paaralan. "Kayong tatlo," Tawag niya sa aming tatlo, agad naman kaming napaayos ng upo dahil sa kanyang nakakatakot boses. Lumipad siya patungo sa aming kinatatayuan. Napalunok kaming lahat ng makarating siya sa aming harapan. " Dahil kayong tatlo lang ang nakapasa sa pag susulit natin ngayon ay kayo lang ang mapupunta sa susunod na yugto ng pag papalakas ng katawan." Ngiting wika ni Freya sa amin. Dapat ba kaming matuwa ron? Mukhang hindi maganda na nakapasa kami sa aming pag susulit dahil mas mukhang papahirapan pa niya kami. "Nakikinig ba kayo?" Bulyaw sa amin ni Freya. "Opo Lady Freya!" Sabay-sabay naming sagot sa kanya. Tumango-tango naman siya at saka hinampas ang kanyang latigo sa lupa. "Sige lumayas na kayo at kumain ng marami!" Muling bulyaw niya sa amin kaya naman agad kaming tumakbo papunta sa Canteen ng paaralan. Nang nakarating kami sa loob ng paaralan ay muling nag pakilala sa amin at isa pang nakapasa sa pag susulit tulad namin ni Dale. "Ako nga pala si Cess, Nag iisang kandedato ni Lady Freya." Pakilala niya sa amin. Nakipag kamay siya sa akin, dahil mag kakilala na sila Cess at Dale. Nakwento sa akin ni Cess kung bakit siya lang ang nag iisang kandedatong napili ni Freya, dahil tulad daw ni Ace ay pihikan ito sa pag pili ng kanyang kandedato. "Hindi mo pala nasabi sa amin kung sino ang pumili sayo?" Tanong sa akin ni Cess. Nilingon ko siya at ngumiti. "Si Sir Ace." Simpleng sagot ko sa kanya. Agad naman siyang namangha dahil pareho kaming nag iisang kandedato sa isang elemento. Pag karating namin canteen ay agad kaming humingi ng pagkain dahil libre lang naman ito para sa mga estudyante ng paaralan. "Ano 'to?" Bulalas ko nang makita ang mga bulalak na nakahain sa isang maliit na salad bowl kasama ng aking pagkain. "Salad flower yan," Tugon sa akin ni Cess. Napataas ang aking kilay at saka sinubukang kainin ito. Agad ko itong nagustuhan dahil sobrang sarap nito at pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam. Umupo kami sa isang mahabang upuan at nag simulang kumain. Habang kumakain ay masaya kaming nag kukwentuhan, mukhang bukod kay Dale ay nag karoon uli ako ng panibagong kaibigan dito sa paaralan. Sa ngayon sila ang kaylangan ko para mawala sa isip ko kahit saglit ang dahilan kung bakit talaga ako nag papalakas. " Grabe talaga yung mangkukulam , napaka lupit." Inis na wika ni Cess sabay subo ng kanyang pagkain. "Mangkukulam?" Tanong ko sa kanya. "Ayun ang tawag niya kay Lady Freya lalo na pag naiinis siya." Wika ni Dale sabay tawa. Pareho silang nag tawanan. Mga babae talaga ang hirap intindihin. Nag patuloy lang kami sa aming pah kukwentuhan habang kumakain nang bigla dumaan si Ace at mag bigay sa akin ng mensahe. "May kaylangan tayong pag usapan," 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD