Chapter 29

1144 Words
Melancholy of Roldan . . Christian's Point of View "Sinubukan ko din tingnan ang kalagayan ng girlfriend ko, at syempre ayun kaya pala nawawala siya nun nakikipag talik pala siya doon sa boy best friend niya daw, " Naging malamig ang mga mata ni Roldan habang nilalabas ang devil's screen na katulad din ng kay Jehnny at pinakita ang nakita niya noo sa party. " Sobrang bigat sa pakiramdam lang, ako na hindi siya ginalaw dahil sobrang laki ng respeto ko sa kanya tapos mag papagalaw lang siya sa iba at doon pa sa best friend niya." Pinitik niya ang kanyang kamay kaya naman biglang nawala ang devil's screen niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Roldan dahil sa ekspresyon ng kanya mga mata.  Sabi ko na nga ba't alam niya ang kataksilan ng nobya niya. "Buti na lang at may ebedensya na ako para hindi niya ako mabaliktad." Wika ni Roldan habang nangingiti na parang demonyo. Half demon nga pala siya kaya hindi na ako nag tataka. Pero sa totoo lang ganun pa din ang itsura ni Roldan nag karoon lang siya ng maliit na sungay at buntot, at syempre ang kapangyarihan niya na kaya makita ang kilos ng isang tao kung gugustuhin niya.  Muli kong nilingon si JM dahil tahimik lang ito. Nakatitig lang pala ito kay Roldan ngunit tila hindi ito nasisindak sa awrang lumalabas dito. Dahil siguro ay nasanay na siya dahil lagi niya kasama si Keina simula ng mapunta siya dito. "Pag balik natin sa atin, sisiguraduhin kong babagsak siya kasama ang pamilya niya."  Makahulugang wika ni Roldan. Mukhang na apektuhan ng pagiging demonyo niya ang ugali't sistema niya. Ang kilala kong Roldan ay hindi ganito. Pero sa totoo lang ay nagustuhan ko ang ugali niya dahil nga natauhan na din siya sa katangahan niya sa girl friend niyang malandi. "Ang ibig mong sabihin ipapa pull out mo ang investment nila sa company niyo?" Tanong ni JM sa kanya. Tumango si Roldan habang hindi inaalis ang ngisi sa kanyang labi. ",Hindi ko lang papabagsakin ang pamilya nila, sisiguraduhin kong wala na siyang maihaharap sa univesity at sa pamilya niya," Wika ni Roldan at may tila ikinumpas siya sa kanyang kamay at lumabas ang isang katutok na files sa harapan namin. " At syempre sa lalaking best friend niya isasama ko rin siya sa pag bagsak niya, mag kasama silang babagsak dahil sa pag tataksil sa akin." Lalo pang lumakas ang itim na awra sa paligid ni Roldan. At tila may ginagawa siya sa kanyang isipan. "Ano ginagawa mo Roldan?" Seryosong tanong ko sa kanya. Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti. "Napag alaman kong kaya ko palang i-hack ang mga computer sa university natin pati na din ang mga monitor sa mga hallway at unahan ng campus," Panimula niya at muling nilabas ang devil's screen. "Sa Lunes , doon sa mundo natin ay ipapalabas ko ang lahat ng ito at titingnan ang resulta sa ating pag babalik." Hinayaan lang namin siyang gawin ang gusto niya dahil alam namin kung gaano siya nasasaktan. Gusto ni Roldan sirain ang reputasyon ng girlfriend niya dahil isa ito sa pinaka, nirerespetong estudyante sa university namin dahil bukod sa isa siya sa pinakamayaman sa campus isa. Rin siyang matalino na babae at mabait din ito sa lahat.  Pero ang akala ng lahat na Anghel, ay isa pala din kalapating mababa ang lipad tulad ng ibang babae sa campus. Siguro ay pupunteryahin na siya ng mga babaeng bully dahil nalaman nila na ang isa sa pinaka matinong babae ay isa rin pala sa kanila. Ilang sandali lang din ay natapos si Roldan at bigla na lang din itong bumagsak sa kanyang upuan. Agad kaming nataranta ni JM dahil dun. " Roldan!" Sabay namin na sigaw ni JM at agad tumayo sa aming upuan upang puntahan si Roldan at agad na binuhat palabas ng silid aklatan. Nakasalubong namin si Keina na kalalabas lang ng isang kwarto. "Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Keina sa amin. "Nawalan siya ng malay ,nasobrahan yata siya sa pag gamit ng Mana niya." Sagot ni JM kay Keina. Agad na tinuro ni Keina ang kwarto na tutulugan ni Roldan kaya naman agad namin siyang dinala doon upang makapag pahinga. Hindi ko rin pwede magamit ang angel's halo sa kanya dahil bukod sa may hindi kami pinag kakaintindihan ni Jehnny, hindi ko rin magagamit sa kanya yun dahil Lost of Mana ang kalagayan niya. Kaylangan niya lang ipahinga ang sarili niya upang manumbalik ang kanya lakas. Agad namin siya inihaga sa kama, buti na lang ay hindi siya nasugatan sa pag bagsak niya kaya wala kaming ibang poprolemahin. "Iwan na muna natin siya para makapag pahinga," Wika ko sabay lagay ng kumot kay Roldan. Tumango naman sila Keina at JM. Nag lakad na sila palabas ng kwarto. Bago ako lumabas ng kwarto ay napatingin ako kay Roldan na kasalukuyang walang malay at napangiti. Nailabas niya din ang demonyo sa kanya kaloob-looban. Pag labas ko ng kwarto ay sinara ko ang pinto at humarap kanila Keina na nag hihintay sa labas ng kwarto. Agad kong tiningnan si Keina at nag buntong hininga. "Na saan si Jehnny?" Tanong ko kay Keina at nag simula mag lakad. "Nasa kwarto niyo." Simpleng sagot nito sa akin. Tumango lang ako at nag patuloy sa pag lalakad. "Mag kasama kayo sa kwarto Lot?" Tanong ni JM at alam kong mang aasar na naman siya. "Hindi siya pwede lumayo sa akin ng matagal lalo na sa pag tulog kaya naman mag kasama kami sa kwarto."  Paliwanag ko sa kanya. Humabol naman siya sa akin sa pag lalakad at bahagya akong siniko. "Ikaw Lot ah may hindi ka sinasabi sa amin." Pabiro niyang wika sa akin at may halo pang pag akyat baba ng kanyang kilay. "Manahimik ka nga diyan JM , hindi namin ginagawa yun, baka nakakalimutan mo yung sinabi ko sayo kanina." Seryosong tugon ko sa kanya. Tumawa lang siya ng malakas kaya naman napailing na lang ako. Tumigil siya sa pag tawa at nag buntong hininga. "Ang dami na pa lang nangyari simula nang mapunta tayo dito." Seryosong wika ni JM. Napangiti lang ako at saka tiningnan ang pasilyong dinadaanan namin. "Oo nga, kaya kayong dalawa ni Roldan nag karoon ng konting pag babago." Tugon ko sa kanya na muling niya ikinatawa. Tumigil siya muli sa pag tawa at nilingon ako. "Ikaw din naman nag bago." Napatigil ako sa pag lalakad kaya naman napatigil din sila. Tinapik ako ni JM sa balikat at niyaya niya si Keina na mag tuloy sa pag lalakad. Tiningnan ko lang ang kanilang likuran habang sila ay nag lalakad palayo sa akin. Hindi ko lubos maisip ang sinabi sa akin ni JM dahil hindi ki agad ito maproseso sa aking isipan. Muling itong umikot sa aking isipan. Napatulala na lang ako dahil dito. 'Nag bago ba talaga ako?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD