Chapter 61

2006 Words
Ang katotohanan . . Christian's Point of View " Bata bakit ka umiiyak?" Wika ng isang batang lalaki sa isang batang babaeng umiiyak sa sulok. Tumingala ang bata at tiningnan sya nito. 'Ang ganda nya' "Wala kasing gusto makipaglaro sakin" Wika ng batang babae, at muling yumuko. Nag- taka naman ang batang lalaki sa tinuran nito dahil sino ba naman ang ayaw makipaglaro sa batang ito dahil mukha naman itong mabait. "Gusto mo ba makipaglaro sakin?" Tanong nito. Muling tumingala ang batang babae. Ngumiti ito at tumango. "Pero sigurado ka ba na gusto mo makipaglaro sakin?" Tumingi ang batang lalaki at tumango. "Oo naman mukhang masaya ka naman kalaro" Wika nito at iniabot ang kamay nya sa batang babae. "Ako nga pala si Christian, doon ako nakatira sa bahay ng Lola ko pitong taong gulang na daw ako sabi ni Mama" Iniabot ng batang babae ang kamay ni Christian at ngumiti. "Ako si Jehnny, hindi ko alam kung ilan taon na ako at kung saan ako nakatira" Muling nag-taka si Christian sa tinuran ni Jehnny. Ayun ang unang beses na makita ko siyang umiiyak, noong panahon na yun ay hindi ko pa alam na isang multo, dahil ang alam ko lang nun ay gusto ko siyang makalaro. Siguro nga ay isa lang akong bata noon ngunit naramdaman ko na noon ang tinatawag na pag-ibig. Bata pa ako noon kaya hindi ko alam yun, Nabighani ako sa kanyang kagandahan at kabaitan. Sapat na sa kanya na ako lang ang naging kalaro niya dahil ganun din ako. Noon ay walang gustong makipag laro sa akin dahil nga ay kakaiba ako, nakakangita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng iba tulad nila Jehnny at Ace  na isa ng multo. Kaya sobrang saya ko noon na may nagin kalaro ako na si Jehnny. Ang akala ko noon ay isa lang siya normal na bata na nilalayuan din ng mga bata ayun pala ay ako lang ang nakakakita sa kanya. KAhit sandali pa lang kaming nag kakakilala ay nahulog na ang looob ko sa kanya, para kasing ang tagal na naming mag kakilala kaya naman naging komportable ang pakiramdam ko sa kanya. Noon sinabi niya isang siyang multo ay sobra akong natakot, pero naisip ko na si Jehnny yun, alam kong hindi niya ako sasaktan kaya wala akong dapat ikatakot. Hanggang sa muli kaming mag kita at doon ko napag tanto na mahal ko na pala siya, pero agad niy akong pinag bawalan na mahalan siya. Pakiramdam ko guguho na ang buong mundo ko dahil sa sinai niya, ayun kasi ang unang beses na may babarng tumanggi sa akin dahil nga sa sikat ako mula noong nag high school ako ay sanay akong pinag aagawan ng mga babae. Ang Pogi ko noh!? Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya pero nag bibigay siya ng motibo sa akin na hindi ko dapat siya kalimutan at dahil dun ay lalo ako nag karoon ng rason namahalin siya. Sobrang nakakabaliw ang mga nangyari sa akin simula ng mapunta ako luagr na ito dahil marami kong nakita dito  na hindi ko pa nakikita sa mundo namin. Marami rin kaming nalaman na mga katutuhanan tungkol sa pamilya ni Roldan, hanggang sa nakaraan ni Keina. Kahit naging magulo sa huli ay naayos din naman ito. Ang akala ko talaga ay masasagot na ang nagint katanungan ko noong nasa mundo pa ako ng mga tao dahil napunta ako sa lugar kung saan masasagot ang aking mga katanungan pero lalo pa palang dadami ang tanong sa aking isipan. Nang makilala ko si ACE ay hindi ko aakali na dadalhin niya ako sa lugar kung saan ako mas lalakas. Nakilala ko ang iba pang mga guardian ng pentagram crest at kung paano ko magagamit ang mga lakas at mga kapangyarihan nila. Hindi ko na nabilang ang mga araw na namalagi ako dito sa mundong ito pero dahil sa dami na ng mga pinag daanan ko ay pakiramdam ko ay sobrag tagal ko na rito. Alam ko ang mga pinag daanan ko ay simula pa lamang ng aking pag lalakbay dahil hangga't hindi ko pa nakokompleto ang mga hiyas ng Pentagram Crest at Natatalo si TAitus ay hindi pa dito natatapos ang aking pag lalakbay. Unti-unting tumigil sa kanyang pag iyak si Jehnny at saka kumalas sa akin pag kakayakp at tiningnan ako sa aking mga mata. "Pasensya ka na Mahal ko kung mga nagawa man ako sayong pag kakamali, " Humihikbing wika ni Jehnny habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. " Alam kong alam mo na ginawa ko ang lahat ng yun dahil gusto kitang maprotektahan. " Napangiti ako at nilapatan ang aking noo sa kanya. "Hindi mo na kaylangan pang humingi ng tawad dahil napatawad nakita," Tugon ko sa kanya at saka kinuha ang kanyang mga kamay. " Hindi na mahalaga kung may nagawa ka man noon dahil lahat ng yun ay nakaraan na at hindi pa mababalikan pa." Ipinikit ni Jehnny  ang kanyang mga mata at saka ngumiti ng ubod ng tamis. Pinunasan ko ang huling patak ng luha sa kanya mata. Muli niyang idinilat ang kanyang mga mata at mmuli akong pinag masdan. "Muli kang nakapasa mahal ko," Tugon sa akin ni Jehnny na labis kong ipinag taka. "Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, kinuha niya ang aking kanang kamay at pinag tapat ang aking mga palad. Bahagya siya lumayo sa akin at ngumiti. "Naipasa mo ang iyong ikatlong pag subok ang pag papaubaya uupang makapag patawad," Ngiting wika ni Jehnny sa akin. Lalo akong nakaramdam ng saya dahil sa kanyang sinabi. " SA kapangyarihan na iginawad sa akin ng kataas-taasan, ako si Jehnny ang guardian of Air ay pinag kakaloob sa iyo ang hiyas ng hangin." Sa pag wika ni Jehnny ay biglang umilaw ang aming mga kamay. Napalingon ako dito dahil sa pag kamangha. Nang mawala ang ilaw ay agad akong napatingin sa aking kanan na kamay. Meron na itong 3 hiyas. Napangiti ako dahil dalawa na lang ang kaylangan ko upang mabuo ko ang Pentagram Crest. " Binabati kita Christ dahil nagawa mong makuha ang ikatlong hiya." Pag pabati sa akin ni ACe, sabay palakpak ng kanyang mga kamay, pumalakpak din sila JM, Roldan at Keina habang binabati ako. Muli akong napangiti at saka sila pinasalamatan, dalawa na lang ay mabubuo ko ang pentagram crest. Naakakatuwa, sobrang gaan sa pakiramdam. Ilang sandali lang ay napag pasyahan nilang iwan muna kaming dalawa ni Jehnny upang mag kausap. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Sobra akong nangulila sa iyo mahal ko," Masayang sabi ni Jehnny sa akin. Kumawala siya sa pag kakayakap sa akin at niyaya akong umupo sa aking kamay. "Alam kong may gusto kang malaman sa akin mahal ko." Ngiti wika niya sa akin habang tinitingna ako. Naabuntong hininga ako at saka seryoso siyang tiningnan. "Totoo ba na kinuntrol ka ni Taitus?" Seryosng tanong ko sa kanya. Napangiti siya ng mapait at saka tumango. "Pero ng makasama na kita ay agad kong inilit na kumawala sa kapangyarihan niya upang maprotektahan kita, " Sagot ni Jehnny sa akin. "Bakit nilayo mo ako at hindi agad dinala dito sa paaralan tulad ng dapat," Sunod na tanong ko sa kanya. "Simula kasi ng araw na dalhin kita dito ay may nakasunod na sa atin na tauhan ni Taitus, at dahil wala ka pang kakayanan upang matalo ang tulad niya ay inilayo muna kita hanggang maari dahil ayokong madamay ang paaralan." Ngayon ay naiintindihan ko na. Ito pala ang dahilan niya. Hindi lang pala ako ang gusto niya protektahan kundi ang buong paaralan din. "Ang sabi sa akin nila Ace ay hindi pa daw ito ang tamang oras ng pag punta ng mga kaibigan ko dito sa mundong ito, totoo ba yun?" Tumango naman siya bilang sagot sa akin. "Sinadya kong isama sila dito at pag hiwa-hiwalayin kayo upang sandaling malingat ang mga kalaban natin, dahil mahalaga rin sila kay Taitus lalo na si Jessy na isang grimoire," Tugon no Jehnny, dahil sa sinabi ni Jehnny ay muntikan ko makalimutan ang tungkol kay Jessy. "Na saan na pala siya?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ay ikinumpas ang kanyang kamay at  bigla namang lumabas ang kanyang maliit ng TV na gawa sa ulap, ang Angelos Vision! Ang tagal din ng huli ko itong makita . May biglang lumaabas sa screen na isang babae na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. "Naiuwi ko na siya at inalisan ng ala-ala tungkol dito upang hindi siya mag alala sa inyo, " Ngiting wika ni Jehnny, nakahinga naman ako ng maluwag dahil magandang balitang hatid ni JEhhny sa akin. Buti na lang ay nakauwi na siya dahil mababawasan na ang alalahainin ko. "Buti naman at makakahinga na ako ng maluwag," Wika ko sabay higa sa aking kama. "May gusto ka pa bang itanong sa akin mahal ko?" NApatingala ako kay Jehnny na kasalukuyang nakaupo sa aking ulunan. Kahit sa anggulong 'to ay ubod siya ng ganda. Napangiti ako sa kanya at napailing, "Sa ngayon wala na?" Ngiting wika ko sa kanya habang pinag mamasdan siya, gusto ko muna mag saya ngayon dahil sobrang espesyal ng araw na ito. "Kung gayon ay ako naman ang mag tatanong sayo," Biglang naging seryoso ang kanyang tono, ako naman ay bigla kinabahan dahil sa tono niya. "Ano yun?" Kahit nakakaramdam ng kaba ay pinilit kong ngumiti sa kanya.  Kinuha niya ang isang unan at saka binaon ang kanyang mukha roon. "Mahal mo ba si Jessy?" Biglang nawala ang aking ngiti dahil sa kanyang sinabi. MAhina lang ang pag kakasabi niya ngunit malinaw ito sa akin tenga. "Anong sabi mo?" Kunwari ay hindi ko ito malinaw na narinig dahil umaasa ako na nag kamali lang talaga ako ng rinig sa sinabi niya. "ALam kong narinig mo ko."Tugon niya sa akin habang na natili pa rin ang kanyng mukha na nakalubog sa unan. Bigla naman akong napabangon at pinag masdan siya. Napakamot ako ng aking ulo dahil nag iisip ako ng isasagot sa kanya. Ano ba kasing iniisip niya? Ilang sandali ko siya tinitigan, nakita ko na lang ang akin sarili na napapangiti habang nakatitig sa kanya, na iimagine ko kasi ang cute niyang mukha habang nakabaon ang kanyang mukha sa may unan. Nag buntong hininga ako at bahagyang kinagat ang aking kanang labi upang makakuha ng lakas ng loob. "Jehnny, tingnan mo ko," Tawag ko sa kanya. "Ayoko." Pag mamatigas niya at na nanatiling nakasubsub ang mukha niya sa kanyang unan. Muli akong napabuntong hininga saka pilit na kinukuha ang unan sa kanya. "Sige na, tingnan mo ko," Hinila ko ang unan sa kanyang ngunit nag pupumilit siyang bawiin ito sa akin. "SAbing ayoko nga, saguti mo na lang kasi ang tanong ko," WIka niya na hindi pa rin inaalis ang kanyang mukha sa unan. "Hindi ako sasagot hangga't hindi mo ko tinitingnan," Napatigil siya sa pakikipag agawan sa akin ng unan, padabog niyang inalis ang unan sa kanyang mukha at niyakap ito, pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin sa akin habang nakanguso, ang cute na multo naman nito. "Ayan na, sagutin mo na yung tanong ko," Pagmamaktol niya, Napangiti na lang ako habang umiiling sobrng cute niya talaga. Muli akong nag buntong hininga at sak hinaplos ang kanyang mag kabilang pisngi at saka siya tinitigan sa kanyang mga mata. "Ikaw ang mahal ko Jehnny simula pa lang ng makilala kita, at hindi nag bago yun hanggang ngayon." Nakangiting wika ko kanya. "Pero hindi ba pinag kasundo na kayong ikakasal sa susunod na taon?" Malungkot na wika niya, inilapat ko ang aking noo sa kanya at  ngumiti. "Hindi na matutuloy yun kung mamahalin mo  lang din ako pabalik," Tugon ko sa kanya. Bahagya siyang namula at nag iwas ng tingin. "Pero isa akong multo at ikaw ay isang tao," Nag aalalang wika niya. Nag buntong hininga ako at ipinikit ang aking mga mata. "Sa oras na makompleto ko ang hiyas ng pentagram crest ay magagawa ko na ang imposible, at gagawin ko ang lahat makasama ka lang kahit pa makalaban ko ang kataas-taasan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD