Chapter 45

1118 Words
Ang Unang araw sa Klase part 3 . Christian's Point of View "Ang hihina niyo!" Pag mamalupit ni Freya sa mga agad na sumuko sa kanilang pag takbo. "Hindi ako makapaniwala na kayo ang napili na mga kandedato!" Hinampas ni Freya ang latigo niya sa mga kasama namin na nakahandusay saa lupa. Nagulat ako dahil sa kanyang ginawa. Parang hindi si Freya ang nakikita ko sa aking harapan. "Mag-silayas kayo sa harapan ko!" Muling sigaw ni Freya, napilitin naman mag sitayuan silang lahat at pilit na tumabok pabalik sa gusali ng paaralan. "Kayong tatlo," Tawag niya sa aming tatlo, agad naman kaming napaayos ng upo dahil sa kanyang nakakatakot boses. Lumipad siya patungo sa aming kinatatayuan. Napalunok kaming lahat ng makarating siya sa aming harapan. " Dahil kayong tatlo lang ang nakapasa sa pag susulit natin ngayon ay kayo lang ang mapupunta sa susunod na yugto ng pag papalakas ng katawan." Ngiting wika ni Freya sa amin. Dapat ba kaming matuwa ron? Mukhang hindi maganda na nakapasa kami sa aming pag susulit dahil  mas mukhang papahirapan pa niya kami. "Nakikinig ba kayo?" Bulyaw sa amin ni Freya. "Opo Lady Freya!" Sabay-sabay naming sagot sa kanya. Tumango-tango naman siya at saka hinampas ang kanyang latigo sa lupa. "Sige lumayas na kayo at kumain ng marami!" Muling bulyaw niya sa amin kaya naman agad kaming tumakbo papunta sa Canteen ng paaralan. Nang nakarating kami sa loob ng paaralan ay muling nag pakilala sa amin at isa pang nakapasa sa pag susulit tulad namin ni Dale. "Ako nga pala si Cess, Nag iisang kandedato ni Lady Freya." Pakilala niya sa amin. Nakipag kamay siya sa akin, dahil mag kakilala na sila Cess at Dale. Nakwento sa akin ni Cess kung bakit siya lang ang nag iisang kandedatong napili ni Freya, dahil tulad daw ni Ace ay pihikan ito sa pag pili ng kanyang kandedato. "Hindi mo pala nasabi sa amin kung sino ang pumili sayo?" Tanong sa akin ni Cess. Nilingon ko siya at ngumiti. "Si Sir Ace." Simpleng sagot ko sa kanya. Agad naman siyang namangha dahil pareho kaming nag iisang kandedato sa isang elemento. Pag karating namin canteen ay agad kaming humingi ng pagkain dahil libre lang naman ito para sa mga estudyante ng paaralan. "Ano 'to?" Bulalas ko nang makita ang mga bulalak na nakahain sa isang maliit na salad bowl kasama ng aking pagkain. "Salad flower yan," Tugon sa akin ni Cess. Napataas ang aking kilay at saka sinubukang kainin ito. Agad ko itong nagustuhan dahil sobrang sarap nito at pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam. Umupo kami sa isang mahabang upuan at nag simulang kumain. Habang kumakain ay masaya kaming nag kukwentuhan, mukhang bukod kay Dale ay nag karoon uli ako ng panibagong kaibigan dito sa paaralan. Sa ngayon sila ang kaylangan ko para mawala sa isip ko kahit saglit ang dahilan kung bakit talaga ako nag papalakas. " Grabe talaga yung mangkukulam , napaka lupit." Inis na wika ni Cess sabay subo ng kanyang pagkain. "Mangkukulam?" Tanong ko sa kanya. "Ayun ang tawag niya kay Lady Freya lalo na pag naiinis siya." Wika ni Dale sabay tawa. Pareho silang nag tawanan. Mga babae talaga ang hirap intindihin. Nag patuloy lang kami sa aming pah kukwentuhan habang kumakain nang bigla dumaan si Ace at mag bigay sa akin ng mensahe. "May kaylangan tayong pag usapan," Wika ni Ace sa aking isipan ng mapadaan siya. Napabuntong hininga ako at agad na tinapos ang aking pagkain. Mukha hindi napansin nila Dale ang pagdaan ni Ace dahil sa abala sila sa pag kukwentuhang dalawa. Pag katapos kong kumain ay agad ako tumayo upang ibalik ang tray na pinag lagyang ng aking mga pagkain. "Tapos ka na agad kumain Christ?" Tanong sa akin ni Dale. Nilingon ko sila at tumango napansin pala nila ang pag tayo ko. "Kaylangan ko kasing pumunta sa opisina ni Sir Ace." Pag sasabi ko ng totoo sa kanila. Para naman silang kinilig at ngumiti. "Swerte mo dahil tutok si Sir Ace sayo." Kinikilig na wika nila sa aakin. Sa totoo lang ay hindi lang naman si Ace ang naka tutok sa akin dahil lahat ng guardian ay nakatutok sa akin at nag hihintay ng tamanag oras para simulan ang pag subok na ibibigay nila sa akin. Ngumiti lang ako at nag paalam na sa kanila. Sabi nila ay babalik na rin sila mamaya sa susunod na klase at mag kita na lang kami roon tumanggo naman ako at nag simula ng tumungi sa opisina ni Ace. Dumaan ako roon sa pasilyong dinaanan namin kahapon ng una kong tungtong dito sa paaralan at pumasok sa parehong kwarto dahil nandoon mismo ang opisina ni Ace. Ilang saglit lang din ay nakarating na ako sa kanyang opisina. Pag pasok ko ay agad siyang ngumiti ay pina upo ako sa upuang nasa unahan ng kanyang lamesa. Namangha ako sa kapangyarihan ni Ace dahil kanina lang ay nasa may canteen siya at ngayon ay nasa opisina na agad siya. "Ano yung gusto mong pag usapan natin?" Bungad ko sa kanya habang umuupo. Pinag-cross niya ang kanyang mga kamay at ipinatong ang kanyang siko sa kanyang lamesa. Humugot muna siya ng malalim na hininga at saka ako sinagot. "Nag sisimula ng masira ang barrier na nilagay namin sa dugeon kung saan namin kinulong si Taitus,," Panimula niya at saka nilingon ako ng seryoso. "Alam kong isang araw ka palang sa dito sa paaralan namin pero kaylangan na nating madaliin ang iyong pag sasanay." Ganun na ba talaga ka seryoso ang sitwasyon paea madaliin ang pag sasanay ko? Wala pa nga ako natutunan sa kanila kundi ang pag takbo hanggang sa mapagod. Nanatili lang akong tahimik at nakatitig kay Ace. Wala naman akong masasabi o marereklamo dahil kunf ayun talaga ang kaylang eh di ayun na lang din ang aking gagawin. "Mamayang gabi ay mag sisimula ka na ng mas mataas na aralin, lalaktawan mo ang mga aralin na hindi mo naman kakailanganin at tanging ititira lang ay ang pag papalakas at ang pagkontrol sa iyong kapangyarihan na ibibigay namin sa iyo," Paliwanag sa akin ni Ace at saka tumayo upang may kunin na libro sa lagayan at lumapit sa akin upang iabot ito. " Nandiyan ang dapat mo pag aralan tungkol sa mga kapangyarihan na iyong matatanggap mula sa amin. " Nilapag ni Ace ang lima na libro na may mga simbolo nantulad noong nakita ko sa mga pader kahapon. "Lahat ng ito kaylangan kong basahin?" Reklamo ko sa kanya, dahil bawat libro ay may makakapal na pahina na siguro ay nasa isang libo ang pahina bawal libro. Hindi ako nag mamalabis pero ayun talaga ang totoo. "Oo , kaylangan mong basahin ang bawat pahina ng bawat libro na yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD