Chapter 46

1062 Words
Unang araw sa Klase part 4 . . Christian's Point of View "Ano yung gusto mong pag usapan natin?" Bungad ko sa kanya habang umuupo. Pinag-cross niya ang kanyang mga kamay at ipinatong ang kanyang siko sa kanyang lamesa.  Humugot muna siya ng malalim na hininga at saka ako sinagot. "Nag sisimula ng masira ang barrier na nilagay namin sa dugeon kung saan namin kinulong si Taitus,," Panimula niya at saka nilingon ako ng seryoso. "Alam kong isang araw ka palang sa dito sa paaralan namin pero kaylangan na nating madaliin ang iyong pag sasanay."  Ganun na ba talaga ka seryoso ang sitwasyon paea madaliin ang pag sasanay ko? Wala pa nga ako natutunan sa kanila kundi ang pag takbo hanggang sa mapagod.  Nanatili lang akong tahimik at nakatitig kay Ace. Wala naman akong masasabi o marereklamo dahil kunf ayun talaga ang kaylang eh di ayun na lang din ang aking gagawin. "Mamayang gabi ay mag sisimula ka na ng mas mataas na aralin, lalaktawan mo ang mga aralin na hindi mo naman kakailanganin at tanging ititira lang ay ang pag papalakas at ang pagkontrol sa iyong kapangyarihan na ibibigay namin sa iyo," Paliwanag sa akin ni Ace at saka tumayo upang may kunin na libro sa lagayan at lumapit sa akin upang iabot ito. " Nandiyan ang dapat mo pag aralan tungkol sa mga kapangyarihan na iyong matatanggap mula sa amin. " Nilapag ni Ace ang lima na libro na may mga simbolo nantulad noong nakita ko sa mga pader kahapon. "Lahat ng ito kaylangan kong basahin?" Reklamo ko sa kanya, dahil bawat libro ay may makakapal na pahina na siguro ay nasa isang libo ang pahina bawal libro. Hindi ako nag mamalabis pero ayun talaga ang totoo. "Oo , kaylangan mong basahin ang bawat pahina ng bawat libro na yan," SInubukan kong buklatin ang bawat limang libro pero hind ipa ako nag sisimulang basahin ay sumasakit na agad ang ulo ko. "Siguro naman nakakabasa ka ng lingwahe namin?" Muli kong nilingon si Ace na may halong panlulumo. "Wala na bang ibang paraan para malaman ang laht ng dapat kong malaman?" Tanog ko sa kanya saka balik ng tingin sa mga libro na nakalapad sa lamesa."Baka bago ko pa makabisa ang lahat ng ito nauna pang makawala si Taitus sa dangueon na pinag kulang niyo sa kanya." Wika ko sa kanya.  " Wala eh, lahat ng mga itinakda dumaan sa ganyan. " Wika ni Ace at saka muling umupo sa kanyang upuan. Napabuntong hininga na lang muli ako at. Hiniyasat ang mga librong hawak ko. "Tanong ko lang Ace," Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga pahina ng unang libro na may logo ng parang hangin. "Ano yun?" Tugon niya sa akin. " Hindi ba ako ang ika-sampung itinakda?" Tanong ko sa kanya dahil ayun sa nabasa kong libro noon sa silid aklatan nila Keina ay may walo ng nakatala sa libro, pang siyam si Lolo pero hindi pa siya naitatala at ang ibig sabihin ay ako ang ika-sampu. " Pano mo nalaman na ikaw nga?" Muling tugon sa akin ni Ace,muli ko siyang  nilingon. Nakatitigi siya sa akin habang nakaupo sa kanyang upuan at nakataas ang mga paa sa kanyang lamesa. " Nabasa ko sa isang libro kung saan nakatala ang mga talambuhay ng mga Siyam na itinikda," Sabi ko sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang mga paa at muling ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanyang lamesa. " Oo ikaw ang ika-sampu, dahil ang iyong Lolo ang ika-siyam, " Panimula niya habang nakatitig sa akin ng seryoso. "Bakit mo naitanong?" Sandali ko siyang tinitigan at nag bunting hininga. "Kung ako na ang ika-sampu, bakit hanggang ngayon ay buhay pa si Taitus?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi nag bago ang reaksyon. Mukhang naka handa na siya sa ganitong pang yayare. "Buti naitanong mo yan," Wika niya sabay baba ng kanyang mga kamay at sabay tayo. "Gaya kasi ng mga itinakda ay napapalitan din sa posisyon ang Demon king kada ika-isang daang taon, pero pareho pa rin ang tinatawag sa kanya dahil nakasanayan na ito." Panimula niya at saka may nilabas na mga parang painting, na nag lalarawan ng mga dating digmaan naganap laban kay Taitus. "Pero iba ang demon king ngayon, dahil siya pa rin ang kaparehong Taitus na nakalaban ng iyong Lolo, nagawa lang namin dahil natalo na siya ng iyong Lolo noon ngunit agad siyang nabuhay muli kaya naman dalawang beses din siyang kinalaban ng iyong Lolo, " Paliwanag niya habang pinapakita ang painting kung saan nakipag laban si Lolo. " Pero sa ika-lawang pag kakataon na nakalaban ng iyong Lolo si Taitus ay natalo siya nito dahil na rin sa katandaan ng iyong Lolo. " Muli itinago ni Ace ang mga painting sa lagayan ng mga ito at nag buntong hininga. "Ang akala nanin noon ay makakaakyat na kami sa itaas dahil tapos na ang misyon namin ngunit nag kamali kami, kaya naman gumawa kami ng paraan para maikulong si Taitus dahil ayun lang ang magagawa namin at hintayin ang susunod na itinakda na mag kakayahang matapatay at matalo siya. " Muli siyang umupo sa kanyang upuan at sumandal sa kanyang upuan. Pag katapos niya mag paliwanag ay isang katahimikan ang sa amin ay bumalot. Muli kung tiningnan ang mga libro at sinubukan itong basahin. Unang buklat ko pa lang ay tila alam ko na ang mga nakasulat dito. Sinimulan ko na basahin ang bawat pahina ng mabalis dahil parang nabasa ko na ang mga ito pero hindi ko alam kung saan at kaylan. Pakiramdam ko ay matagal ko na itong alam at parang kaya kong sabihin ang bawat salitang nakalagay dito. Naramdam ko ang pag lapit sa akin ni Ace dahil mukha nabasa na niya ang aking isipan. "Tama ba ang narinig koo?" Saglit kong nilingon si Ace ang muling ibinalik ang aking paningin sa libring hawak ko. Tumango ako at muling binasa ang iba pang libro. "Kakaiba talaga ang pakiradam ko sayo umpisa pa lang, para bang matagal na kitang kilala pero sa pag kakaalam ko ay ngayon lang tayo nag kita." Manghang wika ni Ace sa akin. "Maski ako na mamangha sa sarili dahil may mga kaalaman akong hindi ko alam kung saan nanggaling," Wika ko at saka nilingon si Ace. Habang nakatitig sa kanya ay isang ideya ang sa akin ay pumasok. " May posibilidad ba na meron akong narakaang buhay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD