Chapter 19

2122 Words
Killing is the only solution . Christian's Point of View "Bakit ganun?" Isang imahe ng babae ang lumabas sa talim ng aking espada at nag wika. " Bakit tila may kulang pa din sa ginagawa natin?" Biglang umahon ang espada mula sa aking kamay at ito'y nag liwanag, lumapag ito na ayong isang dalaga. "May problema ba?" Nag-tataka kong wika at saka siya tiningnan. "May kulang pa ba sa ginagawa ko?" Malungkot niya lang akong tiningnan at saka nag labas ng isang malalim na buntong hiningan.  " Para kasing may kulang sa ginagawa natin," Wika niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Dapat madadagdagan ang mana natin pareho dahil sa suot mong baluti." Nilagay niya ang kayang kanang kamay sa kanyang baba at ipinamiwang ang kaliwa. Tila siya'y nag-iisip habang sinusuri akong maigi ng kanyang mga mata. "Pakiramdam ko nga'y walang pinag-bago, parang tulad pa din ng dati," Wika ko saka tiningnan ang aking suot na baluti na gawa isang espesyal na metal daw. "Maliban na lang sa bumigat ang aking pakiramdam." Kanina pa namin sinusubukan mag sanay para mapag-handaan ang araw na pag haharap namin ni Taitus, pero para bang walang nangyayari sa ginagawa namin maliban na lang na nauubos ang aming enerheya dahil sa pag sasanay. "Sigurado naman ako na tama ang nabili natin dahil sa kakilala ko pa mismo tayos bumuli." Ang daming kakilalang tao ni Jehnny sa mundong ito dahil kahit sa kabilang nayon ay kilala siya ng mga tao dito. Kanina nga'y pagdating na pagdating namin sa nayon na ito ay maraming tao ang sumalubong sa amin at bumabati. Ang iba pa nga'y nag bibigay sa amin ng mga libre ngunit na hindi namin matanggap-tanggap dahil magiging pabigat lang sa aming karwahe. "Siguro sadyang mahina lang talaga ako." Makahulugang wika ko saka tumungo sa isang malilim na puno at doon umupo upang mag pahinga. Mula sa aking kinauupuan ay kita ko ang pag titig sa aking ni Jehnny. Hindi ko alam kung bakit ako ang naging itinakda ngunit isa lang naman akong ordinaryong tao na may nakadikit na isang babae na hindi ko malaman kung multo o anghel ba talaga, dagdag pa na limitado lang ang kapangyarihan niya. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at sinimulang tanggalin isa-isa ang baluti na nakasuot sa akin ngunit hindi ito maalis-alis. "Hindi mo yan maaalis," Napatingala ako ng maramdaman ko ang kanyang presensya. " Sa oras na masuot na ang isang baluti dito sa amin ay hindi na ito maaalis pa." Naningkit naman amg aking mga mata dahil sa aking narinig bakit hindi niya agad sinabi sa akin ang bagay na ito. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Bulalas ko saka muling sinubukang alisin ang baluti. " Pano ako maliligo nito?" Yamot ko siyang tiningnan at umiling. Narinig ko siyang mag buntong hininga at tumabi sa akin. "Patapusin mo muna kaso ako," Napatigil ako sa aking ginagawa at muli siyang tiningnan. " Hindi na yan maaalis sa iyong katawan ngunit pwede mo alisin ang bigat at mawala sa paningin." Nag tataka ko siyang tiningnan dahil hindi ko siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" Wika ko saka muling nag tangkang alisin ang baluti. "Svanire..." Rinig kong wika niya. Sa pagkakarinig ko para itong enkantasyon na tila nag eecho nang ito'y kanyang binigkas. "Huh?" Muli ko siyang tiningnan at umaasang uulitin niya ang kanyang sinabi. Walang emosyon niya akong tiningnan at kinuha ang aking kanang kamay at nilagay sa aking gitnang dibdib. Tiningnan ko ang aming mag kahawak na kamay at muli siyang tiningnan. "Ipikit mo ang iyong mga mata at banggitin ang salitang Svanire." Mahinahon niyang wika saka binitawan ang aking kamay na nanatiling nakalagay sa akong dibdib. Kahit hindi ko sigurado ang mangyayari ay sinunod ko ang kanyang sinabi. I closed my eyes and say: "Svanire..." Sa aking pag wika ay may naramdam akong init sa akin katawan at liwanag. Pag dilat ko nang aking mga mata ay gumaan ang aking pakiramdam. Kinilatis ko ang aking buong katawan at napansin kong wala na ang baluti sa aking katawan. Masaya kong tiningnan si Jehnny. "Ano yun?" Tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti at lumingon sa ibang dereksyon. "Dahil galing sa iba't-ibang bansa ang mga tao sa mundong ito ay may mga enkantasyo talagang nakasulat sa ibang lengwahe, tulad nang itinuro ko sa iyo." Tugon niya sa akin at sa sinag nang araw ay kuminang ang kanyang mga tila kulay dagat na mga mata. " Anong ibig sabihin nang salitang yun?" Muli kong tanong sa kanya at bahagyang ginilid ang aking ulo. " Svanire, ay isang salitang italyano na ang ibig sabihin ay mawala, ginawa ng isang italyano ang ganun enkantasyon upang maitago ang isang baluti." Wika ni Jehnny at hinawi ang kanyang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga. "Pano naman papabalikin ang baluti mula sa pag kakatago nito?" Muli kong tanong sa kanya. "Isipin mo lang na suot mo ang iyong baluti." Simpleng sagot niya sa akin. Bigla naman akong napa-isip at bigla na lang bumigat ang aking pakiramdam biglang bumagsak patungo sa dereksyo nni Jehnny. Pareho kaming nagulat at nag katinginan sa isa't-isa. Ilang sandali din kami na nasa ganun posisyon. Nakita ko ang kanyang pamumula kaya naman bigla akong napabangon at muling itinago ang aking baluti. "Svanire..." Tumalikod ako sa kanya at nag india sit. Nag buntong hinga ako at saka nag lakas loob na mag salita. "Pa-pasensya na, hindi ko sinasadya." Pinilit ko siyang abutin ng aking paningin upang makita ang kanyang reaskyon. "O-OKAY lang yun, si-sige ha-hanapin ko muna sila Keina para makapag handa na ng hapunan natin, mag gagabi na din kasi." Nauutal at nag mamadali niyang wika. Pipigilan ko pa sana siya ngunit pag lingon ko ay wala na siya. Ang bilis naman nun. Napabuntong hininga na lang ako at napahinga sa ilalim ng puno. Minsan hindi ko talaga siya maintidihan. Napatingin na lang ako sa langit at pinag masdn ang mga tila dyamante na mga ulap. Ilang araw na din akong nandito sa mundong ito pero hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung anong meron sa langit nila ay tila may kristal ang bumabalot dito. Hindi agad nakikita ito kung titingnan mo lang ng isang beses dahil parang gawa ito sa materyal na hindi agad basta-basta nakikita ng mata. Ngunit kung pag mamasdan mong maigi ang langit at ikukumpara ito sa langit sa mundo namin ay malaki ang pag kakaiba nito. Hindi ko pa din nakikita ang hangganan ng mga tila posteng tubig na umaagos pababa mula sa isang nakalutang na bato na parang isla. Ang dami ko pang hindi alam sa mundong ito pero parang pili lang ang binabanggit ni Jehnny sa akin. Siguro dahil isa akong buhay na tao at may mga bagay akong hindi pa dapat malaman hanggang hindi pa ako namamatay at maging parte ng mundong ito o hindi kaya meron lang talaga siyang tinatago at iniiwasan niyang nalaman ko. Ano man ang dahilan niya para itago yung dapat ko yun malaman kahit anong mangyari. . . "Dapat makapatay ka ng 10 masasamang demonyo at kunin ang bato na nakalagay sa mga noo nila tulad nito," Tumigil si Keina sa pag sasandok ng pagkain at itinuro ang bato na lumitaw mula sa noo niya. "Ayun ang alam kong paraan para makapag imbak ka ng malaki bilang ng mana na ilalagay mo sa iyong baluti." Seryoso niyang wika at muling nag sandok na mainit na sabaw mula sa kaldero at iniabot ito sa akin. "Salamat," Tinanggap ko ang sabaw at sinimulan itong hipan upang bahagya itong lumamig. Tahimik lang ako at hindi tinugon ang kanyang sinabi dahil tila nanlamig ako sa sinabi niya. Kani-kanina lang ay nabanggit ni Jehnny ang tungkol sa pag sasanay namin at ito nga ang winika ni Keina. "Alam kong mahihirapan ka sa pag matay dahil isa kang tao pero iyon lang talaga ang tanging paraan para makakuha ng sapat na Mana na gagamitin mo." Napatigil ako sa pag ihip ng sabaw sa aking mangkok at napatitig dito. Kinikilabutan ang aking buong katawan dahil sa mga winiwika ni Keina lalo pa't kumakain kami ng aming hapunan. "Bakit parang napaka dali lang sayong sabihin yan?" Malamig kong sagot sa kanya na hindi siya nililingon. Ramdam ko ang pag titig nila sa akin lalo na ni Keina. "Dahil ayun lang ang tanging paraan," Mariin na wika niya. " Kung nakukulangan ka kumuha ka sa iba." Naging malamig ang tuno niya at tila hindi na mag babago pa ang pananawa niya. Nabalot ng katahimikan ang kapaligiran. Tahimik lang kaming sumusubo ng mainit na sabay na iniluto ni Keina. Bigla kasing lumamig ang temperatura dito kaya naman naisipan namin na mag sabay na alng muli. Napatigil ako sa aking pag subo at nilingon silang lahat na makakahiwalay na nakaupo at nakapalibot sa apoy na ginawa namin upang mag luto ng pag kain at mag bigay ng init sa amin. Nag buntong hininga ako at muling hinipan ang sabaw na nasa akong kutsara at isinubo ito sa aking bibig. "Pano ba ako makakahanap ng masasamang demonyo?" Tanong ko at saka muling sumubo ng sabaw. Nakalimutan kong hipan ang sabaw kaya naman napaso ang aking dila ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanila at umarte na parang walang nangyari. Tumingala ako upang tingnan silang ngunit nagulat ako nang makita ko ang kanilang reaksyon. Lahat sila ay napatigil sa pag kain at napatingin sa akin. Gulat ang kanilang reaksyon na tila bang nakita sila ng multo. Naalala ko nasa mundo pala kami ng mga multo. "Sigurado ka ba Chris?" Tanong ni JM na unang nakapag salita mula sa pag kakagulat. Tinaasan ko siya ng kilay at medyo umiling. "Mukha ba akong nag bibiro JM?" Tanong ko pabalik sa kanya at muling sumubo ng sabaw at muli nakalimutan ko itong hipan. Ang init kainis. Ang sakit na ng dila ko. " Sigurado ka na ba sa desisyon mo Christian?" Wika ni Jehnny na tiningnan ako na may pag aalala sa kanyang mga mata. Bahagya akong tumango at inabot ang basong tubig at mabilis itong nilagok. "Hindi ba't sabi ni Keina dapat kumuha sa iba kung may kulang ako?" Tanong ko kay Jehnny at tumangon naman ito. " Alam ko sa sarili ko na kulang ang taglay kong Mana dahil isa akong mortal, kung sa inyo pa nga na taga- dito ay limitado ang hawak na mana sa akin pa kaya na isang tao lang." Nag katinginan sila Keina at Jehny at parehong napabuntong hininga. " May iba't-ibang uri ng masasamang demonyo, " Panimula ni Keina at nilapag ang kanyang pagkain. "Nakahanay sila base sa lakas at taglay nilang Mana." Muling nag buntong hininga si Keina at tiningna si Jehnny, tumango naman si Jehnny at inilabas nito ang ulap na mini tv niya. Nag flash sa tv ang isang chart na tatlong klase. " Ang Una ay ng pinaka mahinang demonyo na may gintong bago sa kanila noo, karamihan sa kanila ay mga demonsyong mag nanakaw," Lumabas naman sa screen ang mga demonsyong may mga gintong bato sa kanilang noo, hindi nalalayo ang itsura nila sa mga tao pero may mga sungay lang ang mga ito at pula ang kanila mga mata. " Ang ikalawa naman ay ang nga demonyong may sapat na mana at sila ang kaylangan natin, sila naman ay may Ruby na bato sa kanila noo tulad ng sa akin," Ganun din ang mga itsura ng mga sumunod na demonyo, ang iba lang sa kanila ay mas desente ang kanila pananamit at may Ruby na bato sila sa kanilang noo. " Sa nakikita mo karamihan sa kanila ay mga mayayamang tao o di kaya ay may mga illegal na negosyo." Tumango-tango at tiningnan siya. "Wag mo kong tingnan ng ganyan, isa akong banal na demonyo at legal ang aking negosyo." Depensya niya sa akin kahit wala naman akong sinabi na kahit ano. Muli lang akong tumango at nilingon mula ang screen. Nag bago ang mga larawan sa screen. Mas mayayamang tingnan sila at tila mga malalaki at malalakas na demonyo sila. Narinig kong ang pag tikhim ni Keina at muling nag salita. "At ang huli ang Demonyong may mga Dyamanteng bato sa kanila noo, sila ang pinaka malakas na demonyo sa lahat, sila din ang pinaka mayaman at pinaka maimpluwensya, Isa Dyamanteng Demonyo lang ay dapat na para mabigyan ka ng sapat na lakas hindi tulad ng mga demonyong ruby, ngunit mahirap sila talunin." Napangiti ako dahil sa mga nakikita kong litrato. Isang Dyamanteng demonsyo ay sapat para bigyan ako ng sapat na Mana. Pano kaya kung patayin ko ang mas marami pa? Gaano kaya kalakas yun? Narinig ko ang muling pag sasalita ni Keina ngunit hindi ko ito pinakinggan sa halip ay tinuon ko ang aking mga tiningin sa mga Demonsyong mag papalakas sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD