Chapter 18

1226 Words
Pag lalakbay Patungo kay Roldan part 2 . Christian's Point of View "Ang sarap talaga mag luto ni Kein,." Bulalas ni Jehnny na sa wakas ay nag salita na din. "Walang katulad." Dugtong niya saka sumubu ng sopas na luto ni Keina. Pagkain lang pala ang mag papagaan  ng pakiramdam niya. Parang nabuhayan ang aking loob dahil nakita ko nang nakangiti si Jehnny. Pero hanggang ngayon ay hind niya pa ako kinakausap. "Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na sopas." Halos sunod-sunod kung sumubo ng sopas na luto ni Keina si JM , na halos mabilaukan na ito dahil parang hindi na siya ngumungauya. Ngumiti lang si Keina ang muling nag sandok ng sopas sa may katamtamang laki na kawali at isinalin sa kanyang mangkok. "Naku kung ikukumpar yan sa mga luto ng mga tanyag na taga luto dito ay walang panama ang luto kong sopas." Keina's face turns red when she heard the compliment from JM. Hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha dahil sagya itong maputi na tila wala na itong dugo sa kanyang katawan. Kasama pa ang liwanag ng buwan at apoy na nag sisilbing ilaw namin ngayong gabi talaga makikita ang kanyang mapupulang pisngi kahit na madilim ba ang paligid. " Basta para sa akin ito ang pinaka masarap na sopas sa buong mundo." Masiglang wika ni JM sabay kindat kay Keina na lalo pang ikinamula ng dalaga. "Ku-kumain ka na lang diyan, Ma-marami pa ang nasa lutuan kung gusto mo pang kumain." Halos ibulong na ni Keina ang mga huling salita na kanyang sinabi dahil sa hinga o kilig na kanyang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman nila sa isa't-isa pero tela ang pag lalakbay namin na ito ang mag sisilbing paraan para lalo pa silang mag kalapit sa isa't-isa. "Okei Dokei." Mahagya akong natuwa dahil ngayon ko lang nakitang ganito kumilos si JM na tela inlove na inlove siya sa isang babae dahil kaylan man ay hindi pa nag kakagusto ng ganito si JM dahil mas more on tingin lang siya sa katawan ng mga babae at pag katapos nun ay wala na siyang pakialam. Isang happy go lucky na tao si JM. Gagawin niya ang gusto niyang gawin na walang sino na man ang pwedeng humadlang kahit na ang mga magulang niya. Kahit pa na may pag hihigpit ang mga magulang niya ay nagagawa niya pa rin ang gusto niya dahil nga ginagawa niya ang gusto ng mga magulang niya. Simula nang makilala ko si JM ay hindi ko pa ito nakitang makipag relasyon o naging malapit ng ganito sa isang babae dahil hindi siya naging interesado sa mga ito. Dati pa nga ay napag kamalan ko siyang bakla dahil sa tuwing may lalapit na babae sa kanya para mag confess ay titingnan niya ito mula ulo hanggang paa at saka niya itutuon ang pansin sa iba at hindi ito muling lilingunin. Kaya naman nakakagulat ang ganitong pangyayari at lahat ng ito ay dahil sa alindog ni Keina. Sabihin na nating isang demonyo si Keina pero meron siya mabuting puso na kahit pa ang pinakamatigas na puso ay kaya niyang bihagin. Bago ako muling sumubo ng sopas ay muli kong tiningnan sila JM at Keina na masayang ng kukulitan. Pano na kaya sila pagkatapos ng lahat ng ito? Siguro ay malulungkot sila kung magkakalayo sila sa isa't-isa. Napailing na lang ako at sinubo ang kahoy na kutsara na may nakahanda ng sopas na tinakal ko kani-kania mula sa kahoy na mangkok. Kakaiba din ang mundong ito dahil pinag halong sinauna at makabago ang mga bagay dito dahil siguro may mga kapangyarihan ang karamihan sa mga tao dito. Nasa kalagitnaan ako ng pag-kain ng mahagip ng aking mga mata ang nakatitig na babae sa akin. Nag katagpo ang aming mga mata na tila parehong nangungusap sa isa't-isa. "May problema ba?" Nabalik ako sa aking sarili nang mag wika ang anghel na nasa aking harapan. Tiningnan niya ako gamit ang kanya inosenteng mga tingin na tila ba may gustong malaman mula sa akin. Napailing ako at muling sumubo ng pagkain. "Wa-wala naman," Pakiramdam ko ay nag init ang akong mga pisngi dahil sa kanyang mga titig. Hindi ba't sabi niya kalimutan ko na ang pag-ibig ko sa kanya? Ngunit pano ko yun gagawin kung lalo niya pa ako hinihila papalapit sa kanya. "Nagulat lang ako sa pagtitig mo sa akin." Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil baka lalo akong mahulog sa kanya at lalo pa akong mahirapan sa pag limot ng pag mamahal ko sa kanya. "Ganun ba?" Narinig ko ang kanyang pag hagikhik saka muling sumubo ng pagkain. Ramdam ko pa din ang pag titig niya sa akin. Pa minsan-minsan ay napapalingon ako sa kanya at ngingitian niya ako kaya naman bigla akong napaoaiwas ng tingin sa kanya.   Hindi niya alam na lalo niya akong pinapahirapan dahil sa ginagawa niyang pag titig sa akin ng ganyan. Sumasaya ang aking puso dahil mula niya akong binibigyan ng atensyo pero bigla itong kumikirot sa tuwing maaalala ko ang mga salitang binitawan niya sa akin na dapat kong kalimutan ang pag-ibig ko sa kanya dahil hindi kami pwede. Mga salitang sobrang bumabagabag sa akin gustong-gusto kong ipag sigawan ang oah mamahal ko sa kanya pero tulad ng sabi niya ay hindi kami pwede. Napabuntong hininga na lang ako saka muling bumalik sa aking pag kain. Hinayaan ko na lang siyang tumitig sa akin dahil doon siya masaya. Basta ako ginagawa ko ang gusto niya na pag limot ko sa pag ibig ko sa kanya. "Oo nga pala mahal kong Christian," Tawag niya sa akin, ayan naman ang lintik na mahal ko. Nilingon ko siya na may konting halong pag kainis. Ngunit tila wala siyang pakialam kung naiinis ako sa kanya dahil muli lang niya akong tiningnan ng mga mala anghel niyang mga mata. Oo nga pala anghel nga pala talaga siya. "Ano?" Gusto ko maramdaman niya ang inis ko ngunig wala talab sa kanya ang pag paramdam at pag paparakita ko sa kanya nito. "Bukas na bukas din ay sisimula na natin ang ating pag sasanay upang mapalakas bago ang pag haharap niyo ni Taitus." Simpleng wika niya sabay subo ng kutsara sa kanyang bibig at tila sinisip ito. Para akong natauhan dahil narinig ko ang pangalan ni Taitus, ay tunay na dahilan kung bakit ako nandito sa mundo ng nga multo ay para talunin si Taitus pero nawala sa isip ko yun dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag hahanap sa mga kaibigan ko at kay Jehnny. " Pag dating natin sa susunod na baryo ay mag papasadya tayo ng baluti na pwedeng pag imbakan ng mana mo para hindi ka maubusan sa laban niyo." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang patuloy ko sa pag subo ng pagkain at sandali ko munang isasantabi ang kalokohan ko. Tumango lang ako bilang sagot at saka nag patulog sa aking pagkain. Kaylangan ko munang gawin ang nararapat kong gawin bago ang lahat. Dapat ko munang unahin ang pagliligatas sa mundo nila bago ko unahin ang pag liligtas ng hangarin kong mahalin si Jehnny. Nandito ako para mag ligtas at talunin si Taitus para na din maipag higante ang pag kamatay ni Lolo. Isasantabi ko muna ang pag ibig ko para sa kanya para sa kapakanan ng lahat. Lintek na pag-ibig yan. It's making me feel weak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD