Chapter 20

2636 Words
Angel's Lense . Christian's Point Of View " May problema ba Christ?" Nabalik ako sa katutuhanan ng bigla may humawak sa aking balikat. Napatingin ako sa kamay na nasa aking balikat at saka tiningnan ang may-ari ng kamay. "Wala naman ,bakit?" Wika ko kay JM, Tiningnan ko siya nang may halong pag tataka. Tinaas baba niya lang kanyang balikat at tinuro ang unahan ng kalsada. Napatingin naman ako doon dahil may naaaninag na akong mga bahayan sa hindi kalayuan. "Malapit na pala tayo sa susunod na Nayon, sa Nayon ng mga Demonyo," Napatingin ako sa aking likuran nang may biglang mag salita rito. Seryosong nakadungaw si Keina sa unahan ng karwahe at nakatingin sa nayon sa hindi kalayuan. " Kaylangan nating ingat si Jehnny dahil may posibilidad na kunin siya ng mga Angel Hunter sa Nayon." Paliwanag ni Keina. Napatingin naman ako sa loob ng karwahe at tiningnan ang reaksyon ni Jehnny. Tahimik lang siyang nalatingin sa likuran ng karwahe at parang may malalim na iniisip. " Hindi ba't hindi pa naman anghel si Jehnny?" Tanong ni Roldan, marahan ko siyang nilingon at binalik ang tingin kay Jehnny. Ano kaya ang iniisip niya? "Oo, pero isa na siya kandidato sa pagiging anghel, kaya kapag nalaman ito ng mga masasang demonyo pwede nila siyang patayin para kunin ang Mana niya." Bigla namang kumabog ang aking dibdib dahil sa aking narinig dahil sa kaba. Binalik ko ang aking tingin sa daanan at napaisip, sa oras na pumasok kami sa Nayon na yun ay may posibilidad na mamatay kaming lahat. Kaylangan naming mag ingat, lalo pa't mahihina pa ang nga Mana namin at hindi pa makakatulog si JM sa laban dahil wala siyang kapangyarihan. Pero sa oras din na pumasok kami dun pwede rin kaming makahuli ng isang demonyong may Dyamante sa noo at mailigtas si Roldan ng buhay. Kaylangan namin ng isang magandang at maayos na plano. "Tumigil muna tayo dito, hindi tayo basta-basta makakapasok sa nayon na yan.". Seryosong wika ko, at agad naman sinang-ayunan nilang lahat. Itinabi ko ang karwahe namin sa bahagi ng kagubatan na hindi agad basta-basta makikita ng ibang nilalang. "Kumain muna tayo para may laman ang tiyan natin sa pagpasok," Wika ni Keina na agad bumaba ng karwahe upang mag handa ng kakainin. " Mga Pruta muna ang kakainin natin dahil tayo pwede mag luto, kapag gumamit tayo ng apoy maaalerto ang mga tao sa loob ng nayon kapag nakita nila ang usok mula sa siga." Muli niyang wika saka kinuha ang mga prutas na pinitas namin noong naraang araw at ayun ang kanyang inihanda sa mga plato. "Gusto pa naman sana kumain ng masarap ngayon." Bulalas ni Jehnny at agad na umupo sa tapat ng kainan, napalingon ako sa kanya dahil masigla na uli siya at ngumingiti hindi tulad kani-kanina lang. "Kaylangan muna nating mag tiyaga sa mga prutas pansamantala," Wika ni Keina at saka kumuha ng isang oulang mansanas at kinagatan ito. " Para din naman ito sa kapakanan nating lahat lalo na sayo Jehnny." Tumabi ako sa kinauupuan ni Jehnny at saka kumuha din ng mansanas at pinunasan ito. Bahagya naming binabaan ang tono ng aming boses dahil baka may makarinig sa amin at hulihin kami. Mabusisi naming inilatag ang planong pag ligtas kay Roldan sa kamay ng mga Masasamang demonyo na many hawak sa kanya. Dahil malapit na sa kinaroroonan ni Roldan ay kaya ng makita ng Mini TV ni Jehnny ang nangyayari kay Roldan. Hawak siya ng isang Succubus na may-ari ng isamg bahay aliwan at ginawa siyang isang human doll, ininali siya sa isang trono at binihisan na parang hari. Wala sa kanyang sarili si Roldan kaya naman hindi niya alam ang ginagawa nila sa kanya. Kung tutuusin ay buhay hari si Roldan pero sa dami ng succubus na sumusiping sa kanya araw-araw ay maaari siyang manghina o hindii kaya ay mamatay. " Hindi natin maitatago ang wangis ni Jehnny dahil sa awra niya, kaya naman mananatili ka muna sa dati mong kinalalagyan." Wika ni Keina at kinuha ang aking kanang kamay at itinaas. Napalingon ako sa aking kamay at nalipat ang tingin kay Jehnny na kasalukuyang namumula. May problema ba dun? Hindi ba't dati naman ay lagi siyang nasa loob ng aking Crest? Ayan daw ang talaga ang tawag sa marka sa aking kamay sabi ni Keina sa akin. Napabuntong hininga naman si Jehnny at lumapit sa akin. Walang sabi niya nilagay ang aking kamay sa kanyang dibdib at saka ipinikit ang kanyang mga mata na ikinagulat ko. Aangal na sana ako ng biglang mawala si Jehnny sa harapan ko ay biglang kumislap ang aking Crest. " Pasensya ka Christian nagulat yata kita." Wika ng isang mahihin na boses na nag mumula sa Crest. " Okay lang yun, ngayon alam ko na kung pano ka itatago sa ligtas na lugar." Nakarinig ako ang kanyang pag singhap niya kaya naman bahagya akong napangiti. "Isuot niyo itong dalawa," Napatingin ako muli kay Keina namay inilabas na kulay brown na tela at binigay ito sa amin. Sa mga anime ko lang ' to dati makikita ngayon isususot ko na. " Makakatulong yan para maitago ang wangis niyo bilang tao." Sinumulan ko nang suutin ang balabal na ibingay sa amin ni Keina at inayos ito. Hindi pa ako natatapos sa pag susuot ay may muling iniabot sa akin si Keina. "Gloves?" Nagtataka ko itong tinanggap at nilingon si Keina. "Para matago mo sa mga demonyo ang Crest mo, hindi nila pwedeng malaman na ikaw ang itinakdang papatay sa hari nila." Tumango-tango ako bilang sagot at tinapos ang pag susuot ng mga balat kayo namin. "Pano ka?" Nag aalalang tanong ni JM sa kanyang nobya pag katapos niyang magsuot ng balat kayo niya. Makahulugan namang ngumiti si Keina, sa halip na sagutin niya ang tanong ni JM, ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unting lumabas ang anyong demonyo niya. Demon's can actually hide thier identity kung kaylan nila gugustuhin kaya naman pala malaya silang nakaka pamuhay sa mundo naming mga tao. Napangiti na lamang si JM dahil siguro ay nawalabsa isipan niya na isa nga palang demonyo ang nobya niya na kanya mag palit ng wangis. "Wala na pala tayong problema," Wika ni JM saka kinuha ang maliit niya bag na may mga mahahalagang gamit. "Ikaw JM, baka mapalaban tayo, kaya mo ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang gloves na nag tatago sa Crest ko sa kamay sana okay lang si Jehnny. "Okay lang ako Lot, tinuturuan ako ni Keina pano makipaglaban pa minsan-minsa gamit ang espada, " Wika ni JM saka pinakita ang isang espada na hinugot niya sa isang lagayan. "At saka Black belter kaya ako sa Karate baka nakakalimutan mo." Binigyan niya ako ng isang nakakaloko na ngiti at saka binalik ang espada sa lagayan nito.  Napailing na lang ako dahil sa pasabol niyabg taas-baba ng kilay. Tulad ni JM ay nag-aaral din ako ng karate ngunit hindi kasing galing niya. Dahil kay JM at Roldan naingganyo din akong pumasok sa martial arts school at mag-aral ng karate. Sa ngayon green belter pa lang ako dahil halos kakaumpisa ko lang din, samantalang sila JM at Roldan ay pareho nang black belter sa Karate at ngayon ay nag aaral na din sila ng taekwando. "Pano 'tong karwahe natin?" Tanong ko kay Keina at saka ipinikit ang aking mata at inilagay aking kanang kamay sa aking dibdib at inilibas ang aking baluti sa ilalim ng balabal na suot ko. Pagdilat ko ng aking mata, hawak na ni Keina ang bahagi ng karwahe at sa isang iglap ay lumiit ito paunti-unti, hanggang sa naging kasing liit na lang ito ng aking palad. Kinuha ito ni Keina sa lapag at marahan na nilagay sa kanyang lagayan na kahon na gawa sa isang magarang kahon na parang isang music box. "Ayan wala na tayong problema." Puno nang kumpyansang wika ni Keina habang nakapamewang ang kanyang dalawang kamay at saka ngumiti.  "Tara na't iligtas si Roldan." Wika ko ng buong tapang at tinanaw ang nayon na pupuntahan namin. . Sinimulan na naming pasukin ang nayon ng mga demonyo. Pagpasok pa lang ng nayon ay sumalubong na sa amin ang isang hindi ka aya-ayang tanawin. Maingay na mga nilalang, maraming  mga basag na bote ng alak ang mga nakakalat sa paligid may mga tila nag dodroga din sa mga tabi-tabi na halata mo sa kanila mapupungay na mga mata. Dagdag pa ang mga hindi kaaya-ayang gawain na ginagawa nila sa mismong kalye, Tulad ng pakikipag talik ng harapan na tila wala silang pakialam sa paligid dahil patuloy lang sila sa kanila ginagawa kahit na maraming tao ang alam nilang nakatingin sa kanila. Ngunit tila ang mga ganung pangyayari ay natural na lang sa kanila kung makita. Naalala ko tuloy yung bar nila Roldan parang ganito lang. Siguro mga demonyo din ang mga pumupunta doon dahil tila ganun nga sila mga walang hiya sa sarili. " Wag mo silang titingnan sa kanilang mga mata," Nagulat ako nang may isang mahinhin na tinig ang muli sa akin ay kumausap. "Sa oras na tumingin ka sa mga mata nila ay may posibilidad na makontrol ka nila. " Agad akong umiwas ng tingin sa mga demonyong nakikita ko sa paligid at agad na tinuon ang aking tingin sa may daanan. Marahan lang kamjng lumakad na tila mga napadaan na tao lang upang hindi kami makakuha ng gaanong pansin sa mga nilalang dito. Ngunit may mga demonyo din na tila hindi gusto na nandito kami. " Baka marinig ka nila Jehnny." Paalala ko kay Jehnny sa isang mahinahon at mahinang boses. " Wag kang mag alala mahal ko, dahil sa suot mong singsing na pinag kaloob ko sa iyo ay ikaw lang ang tanging nakakarinig sa akin." Wika niya at saka nagpakawala ng isang mahinang hagikhik. Sandali akong napatigil at napatingin sa singsing na aking suot. Kita ang singsing dahil ang gloves na suot ko ay tanging ang crest ko lsng nag natatapak. 'Sinabi na naman niya ang nga salitang yun.' Napailing na lang ako dahil muli kong narinig ang mga salitang pinaka ayaw kong marinug mula sa kanya. " May problema ba mahal ko?" Umiling lang muli ako at saka binalik ang aking tingin sa aming dinadaanan. Inulit na naman niya. " Wala naman." Narinig ki ang kanyang pag buntong hininga at hindi na muling nag salita pa. Ilang ulit ko na bang sinabi amg mga katagang ito?  Pero sagyang hindi ko talaga siya maintindihan kung minsan. Minsan lagi siyang  may malalim na iniisip at hindi kumakausap kahit sino man sa amin, minsan naman ay sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin at minsan nanamn ay napaka masiyahin niya lagi siyang nakangiti at napaka inosente niyang tingnan. Bipolar huh? Akala ko ay sa mundo lang ng mga tao ako makaka kilala ng ganung tao, pati din pala dito, at anghel pa talaga. " May ipapahiram akong kapangyarihan sayo na pwede mong magamit upang malaman kung aling demonyo ang dapat mong patayin," Akala ko hindi na siya mag sasalita hanggang mamaya. "Hindi ugali ng mga demonyong ilabas ang mga bato sa kanilang noo dahil ayaw nilang maging takaw pansin, lalo na ng mga demonyong may Ruby na bato dahil isa sila sa mga tinatarget ng mga gustong palakasin ang kanilang Mana tulad mo." Hindi na ako nag tataka pa dahil ayon lang naman ang tanging paraan para makapag palakas ng Mana. Ilang sandali lang ay may tila mga numero ang lumabas sa aking paningin. "Oww ayos 'to ah?" Manghang wika ko at saka sunubukang tumingin sa paligid upang ubukan ang ibinigay sa akin ni Jehnny. "Ang tawag diyan ay angel's lense, parte yan ng angel's vision na lagi kong pinapakita ko sayo," Umpisang wika ni Jehnny. "Gamit yan ay matutukoy mo kung alin sa kanila ang may Ruby sa kanilang ulo, May 30 persyento ang demonyong may gold na bsto sa kanilang noo, ang Demonyong may Ruby naman sa noo ay may 50 at 80 naman sa may dyamante sa kanilang noo." Ganun pala yun. Gamit 'to ay madali ko nang malalaman kung sino ang may dyamanteng bato sa kanila mga noo. " Sa ngayon, meron kang 30 percent na lakas ibig-sabihin ay kasing lakas mo lang ang isang demonyong may gintong bato sa kanilang noo, pero sa tulong namin pwede kang makapatay ng isang Ruby." Dagdag pa niya. Mahina pa pala akong kung tutuusin kaya dapat lang na makaptay ako ng isa o dalawang dyamanteng demonyo para mas lumakas. "May posibilidad ba na makatalo tayo ng isang demonyong may dyamante sa may noo?" Tanong ko sa kanya habang sinusuri ang buong paligid upang tingnan kong may malalakas na demonyo na pwede kong makalaban. Pero mukhang puro mga gintong bato lang ang meron dito. "Wala dahil sa estado mo isang pag papatiwakal ang ganun." Malamig na tugon ni Jehnny. Pft.. yan na naman ang malamif na pakikitungo niya sa akin parang kanina lang ay tinatawag niya akong mahal ko ngayon ay malamig na naman siya. Napailing na lang ako at napangisi. Tinapik ko ang bag na aking dala dahil nandito ang secret weapon ko para makatalo ng isang demonyong may dyamante sa kanyang noo. "Ganun ba?" Hinintay ko naman ang kanya tugon ngunit hindi na muli siya sumagot pa. Muli na lang akong na pailing at tinuloy ang paglalakad at muling nilingon ang buong paligid. Mukhang hindi lumalabas sa ganitong lugar ang mga demonyong may Ruby o Dyamante dahil sa pagkaka alala ko ay karamihan sa kanila ay may mga kayang nilalang. Kaya baka siguro ang mga yun ay mga nasa loob ng mga estabisyamitong na nandito sa paligid. "Malapit na tayo sa sinasabing bahay aliwan ng Angel's Vision ni Jehnny." Rinig kong wika ni Keina. Agad naman akong nag handa at inalerto ang aking sarili dahil mula sa mga oras na ito ay pwede kaming mapalaban. Habang natagal kami dito sa nayon na  ito ay napapansin ko ang isang kakaibang amoy , hindi siya mabaho dahil hindi masakit sa ilong. Amoy bulalak at habang nalapit kami sa bahay aliwan na pupunthahn namin ay lumalakas ang amoy ng bulalak. Ano kaya ito? Para akong hinihila papunta sa kinaroroonan nito at tila inaakit ako. "Nandito na tayo," Mahinahon na wika ni Keina at saka tumigil sa isang mataas na guasali na puro bulaklak ang paligid at may kaingayan na nang mumula sa loob.  Lumakas din ang amoy ng bulalak at mukhang nag mumula ito sa gusaling ito.  " Huwag kayong mag papadala sa mga babae nasa loob, sinanay sila para mang -akit ng mga lalaki saka nila Uubusin ang kalolowa nito hanggang sa maging tuyot ito, kayang hangga't maaari ay lumayo kayo sa kanila o di kaya ay huwag kayong iinom ng mga inumin nila dahil may inihahalo sila ditong espesyal na gamot upang mawala sa kanilang paiisip ang isanh lalaki." Mariin na paalala ni Keina habang nakatingala sa karatula na nasa taas ng gusali. Tiningnan ko si Keina na nasa aking unahan lamang. Kita sa kanyang mga mata ang galit at sakit na kanyang nararamdaman. Tila marami din siyang alam sa lugar na ito. Makakilala ba siya dito na naging kagalit niya? O hindi kaya may naranasan siyang hindi kaaya-aya dito? "Keina? "Mahinahong tawag ko sa kanyan, Marahan niya akong nilingon at tiningnan ng kanyang mapupulang nanlilisik sa galit na mga mata. "Bakit?" Mariin niyang tanong sa akin. Hindi pa din nawawala ang kanyang ekspresyon na galit na tila handa nang pumatay anong mang oras. "Okay ka lang ba? Bakit ang dami mong alam sa lugar na 'to?" Sandali siyang napatigil dahil sa tanong ko, maski si JM ay tila nais malaman din ang sagot sa tanong ko. Ilang sandali din nakatitig lang sa akin si Keina, nawala ang kanyang panlilisik ng mata at tila may inaalala. Yumuko siya sandali ay dahan-dahan akong nilingon at ngumiti ng mapait. "Dati kasi akong nag tatrabaho dito." . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD