Chapter 48

2097 Words
Ang Pitong Silid Aklatan ng Ghoul High . . Christian's Point of View "May kilala ka bang tao na may alam sa ganito ?" Tanong ko kay Ace. Nilingon niya sat muling nag isip. "Sa pag kakaalam ko ay walang may alam s mga nilalang dito sa mundo namin." Tugon sa akin ni Ace. Tulad ng sinabi ni Ace kanina ay mukhang walang may alam tungkol sa pag kakaroon ng ikalawang buhay o kung nag kakaroon ba talaga ng nakarang buhay, dahil ang mga ganung impormasyon daw malalaman lang kung makakaakyat ka sa itaas. Nag isip pa ako ng posible na pwede kong kuhnan ng impormasyon tungkol dito para malaman ko ang katutuhanan tungkol sa aking mga kakayahan. Marami pa akong gusto malamaan sa aking sarili dahil pwede itong maging daan upang malaman ko kung paano ko matatalo si Taitus  at mapalaya ang mundong ito. Sa gitna ng aking pag iisip ay bigla muling ideya ang sa akin ay pumasok. "May silid aklatan ba kayo dito?" Tanong ko kay Ace, sinamaan niya ako ng tingin at nag buntong hininga. "Hindi ba't pag pasok natin dito kahapon ay may nakita kang silid aklatan?" Sandali akong napaisip sa kanyang sinabi at inalala ang mga nangyari kahapon, at syempre hindi ko makakalimutan ang ilusyon na ginawa ni Freya sa akin kahapon kaya naman bahagya akong napangiwi ng maalala ko ito. Unti- unti kong binalikan ang mga nangyari kahapon at naalala ko ang sinasabi ni Ace na silid aklatan.  "Hindi lang yun ang silid aklatan dito sa paaralan dito, dahil binubuo ito ng 7 na silid na may iba't-ibang mga aklat at dekumentong nakatago sa 7 silid na ito, at ang bawat silad ay may mga kanya-kanyang katangian depende sa mga nilalaman nitong mga aklat." Paliwanag ni Ace sa akin. Bigla naman ako nag ka interes sa kanya sinabi. "Pitong Silid?" Manghang tanong ko sa kanya. Napangiti siya sa akin dahil mukhang naramdaman niya ang aking interest dito. "Dapat kang mag pasalamat dahil ikaw ang itinakda, dahil kung isa ka lang simpleng estudyante ng paaralan ay hindi mo malalaman ang lahat ng ito," Panimula ni Ace. Muli siya tumayo sa kanyang kinauupuan at bahagyang ikinumpas ang kanya kanang kamay at sa isang iglap at may isang malaki screen ang lumitawa sa harapan ko. Para rin ito Angel's Vision pero mas malaki ang sukat nito. Sa screen ay pinakita ni Ace ang parang isang mapa ng paaralan, makikita rito ang bawat silid na meron sa paaralan. "Ang Ghoul High ay binubuo ng limang palapag na may 999  na kwarto bawat palapag, hindi pa kasama ang mga sekreton kwarrto bawat palapag," Tiningnan ko ng may halong pag kamangha ang bawat larawang lumalabas sa may screen. Pinapakita rito kug ano ang  meron sa buong paaralan, tulad ng silid aralan, mga work place kung saan pwede mag sanay ang mga estudyan na nasa Servant na sector. "At sinasabi nila na aabutin ka ng milyong taon bago mo malibot at mapuntahan ang bawat kwarto sa buong paaralan." Buong pag mamalaking wika ni Ace sa akin, na halata mo sa kanya ang pag mamayabang , pero sino ba naman ang ang hindi, kung ako rin si Ace ay ipag mamayabang ko rin ang paaralan na ito dahil sa sobrang ganda nito at sobrang laki. " Sa mga silid na yan ay nandyan ang pitong silid aklatan," Pag sabi nun ni Ace ay biglang lumabas muli ang mapa ng paaralan, at sa mapa ng bawat 5 palapag ay may parang nag high light na kulay pula na mga kwarto. " Ang mga naka kulay pula na yan ay ang mga silid aralan sa buong paaralan, 1 sa unang palapad, 1 rim sa ikalawang palapad, 2 sa ikatlong palapag at 3 sa ikaapat na palapag."  Bigla namang nag zoom in ang pitong kwarto na naka kulay pula sa mapa kani-kanina lang. "Ang bawat silid ay may mga ngalan na ayun kung ano ang mga nilalaman ng bawat silid, ito ang : Academique, De base, La Vie, Aimer , Mort , Archiver , Inconmue," Bawat banggit ni Ace ng nga pangala ng mga silid aklatan ay lumabas din ito sa loob ng mga kwarto na imahe sa screen. "Ang Academique ay ang silid aklatan na nakita mo kahapon, karamihan sa mga estudyante ay dito nag pupunta, dahil tulad ng pangalan nito, nag lalaman ang silid aklatam na ito lahat ng mga aralin at agsinatura na magagamit nila sa kanila pag aaralan. Mahahanap mo dito ang mga libro at dokyumenton na nag sasabi ng mga gawain ng isang anghel sa itaas, tulad ng mga batas na dapat sundin, mga gawain na naka ayon sa iyong estado, tulad ng pag sisilbi sa Kataas-taasan, pagiging mandirigma tulad ng mga ganun, dito rin mapag aaralan ang mga iba't - iba mga skills na pwede magawa ng isang multo at pwede itong magamit sa oras na maging isang anghel na isang multo. Tulad ng pakikipag usap sa isip at pag papagalaw ng isang bagay gamit ang pag kumpas ng isang kamay." Ipinkita sa screen ang mga larawan ng unang silid aralan na Academique. Pinapakita sa mga larawan din na halos lahat ng mga estudyante ay dito nag pupunta kaya palagi itong puno ngunit ubod pa rin ng tahimik dahil nga mga kakayahan ng mga estudyante sa pakikipag usap sa kanilang isip. "Ang ikalawang silid aklatan ay ang De Base o ang mga basic education na ang mga nilalaman nito ay mga bagay na simple laman na sa totoo lang ay hindi talaga mahalaga, ang mga nilalaman ng mga ito mga walang katuturang mga haka-haka at mga babasahing nakakatawa raw pero para sa akin ay hindi naman hindi ko rin alam kung bakit meron pang ganun pa na klase ng silid aklatan." Ang ibig sabihin ay ang ikalawang silid aklatan ay puno ng mga babasahing mga nakaka-entertain. Pero ayun sa reaksyon ni Ace ay hindi ito nakaka entertain o sadyang ayaw niya lang sa mga ito. Sa lahat ng mga Guardian ay siya lang kakaiba dahil sa dami ng ayaw niya sa buhay. Napapa isip tuloy ako kung ano ang kalagayan niya noong nabubuhay pa siya. Sandali akong napatingin kay Ace at napag alaman ko na nakatingin din siya sa akin. Nakatitig lang siya ng blanko sa akin. Mukhang nabasa niya ang nasa aking isipan. Bahagya lang ako napangiti at kunwari ay hindi alam ang aking mga sinasabi. Nag buntong hininga siya saka nilipat ang imahe, ngayon naman pinakita niya ang mapa ng ikatlong silid aklatan. Kumpara sa dalawang nauna ito ay mas malaki, bakit kaya? Para rin itong hugis puso. May dahilan ba o sadyang ako lang ang nakapansin ng desensyo nito? Muli akong napatingin kay Ace na kasaluyang nakangiti na ito sa akin. "Napansin mo pala, ang akala ko ay hindi mo mapapansin dahil bihira lang ang nakakapansin ng desenyo ng silid na yan," Ngiting wika ni ACe "Ang ikatlong silid aklatan ay ang Amier, ang pinaka malaking silid aklatan sa lahat, ang mga maaaring mabasa dito na mga aklat ang ga dokyumento ay tungkol lahat sa pag ibig." Bigla na lang napataas ang aking kilay dahil sa sinabi ni ACe. He gonna be kidding. "Sa laki ng silid aklatan na yan ay puro tungkol sa pag ibig lang nilalaman niyan?" Taas kilay kong tanong sa kanya, bahagya namang napatango si Ace habang nakangiti. "Ayun sa mga pag aaral ng mga matatalino ay karamihan sa mga tao, multo at iba pang mga nilalang ay nag hahanap ng pag- ibig at patunay nga rito ang milyon- milyong mga libro na naipon sa silid aklatang ito," TUgon ni Ace na may halong excitement na mababakas sa kanyang boses. " Ginawang kurting puso ang silid aklatan na ito para maging simbolo ng pag ibig sa kabilang buhay." Dagda pa niya sabay kumpas ng kanyang kamay at lumabas ang isang imahe ng isang libro. Kulay pula ito ay mga puso - puso ang mga desenyo na may title na what love is... at syempre ang otor nito ay walng iba kundi ang lalaking may ngiting umaabot na sa kanyang tenga. "Isa ako sa mga otor na nag susulat ng mga novela tungkol sa pag - ibig, ikakatuwa ko kung babasahin mo ang kahit isa sa mga lima kong libro." Ngiting-ngiti na wika ni ACe na halos mapunit na ang kanyang pisngi sa kakangiti. Ang Creepy niyang tingnan kung tutuusin. "S-Sige titingnan ko kung may oras ako babasahin ko kahit isa." Wika ko na may halong pag ka ilang. Ngayon ko lang nakita ang side na niya ito. "Sinabi mo yan ah?" MAsayng wika ni Ace at saka muling ikunumpas ang kanyang mga kamay. "Dito naman tayo sa ika- apat na silid aklatan ang La vie , ang silid aklatan na nag lalaman ng mga aklat na tungkol sa buhay o buhay noon tao pa laman ang isang multo." Bumalik naman sa pagiging seryoso ag kanyang mukha. Para siyan si Jehnnny na mabilis mag bago ang emosyon. Tulad kanina na sobrang saya niya tapos bigla na lang naging seryoso. Muli lang akong tiningnan ni Ace ng masama. Nakalimutan kong kaya niyang basahin ang aking isipan sa tuwing maliapit lang siya sa akin. "Dahil nga hindi naman nasasabi ng Sapa ng nakaraan ang lahat ng tungkol sa isang multo noong nabubuhay pa ito ay nag karoon ng silid aklatan kung saan tinipon-tipon ang mga aklat at dokyumentong tungkol sa buhay ng isang tao, pero dahil nga kahit may kalakihan ang silid aklatan na ito ay hindi niro nasasagot ang kasagutan ng mga estudyate kaya naman mas pinipilit na lang ng mga ito na wag ng mag punta dito kaya naman kung mapapansin mo sa mga larawan na yan ay halos kakaunti lang ang mga estudyante na pumupunta rito." Nag labas pa ng iba pang mga larawan si Ace at tama nga siya halos isa o hangga lima estudyante lang ang pumupunta rito dahil na rin siguro yung iba ay wala ng pakiaalam kung anong meron sila noon dahil natatakot din silang malaman ito dahil maaari silang ay may hindi magandang nangyari noong nabubuhay pa sila, hindi man nila ito naaalala ngunit amay nag sasabi sa kanila kaloob-looban na ayaw na nila itong maaalala pa. Muling napatingin sa akin si Ace, hindi ito blanko o galit ,kakaiba ang tingin niya sa akin. Hindi siya nababakla o na iinlove na sa akin, baka kasi ayun na ang nasa isip ng mga readers ni Miss Jay. Tila bang may gusto siya alalahanin, pero hindi niya kayang alalahanin. Bigla siyang napakurap at napabuntong hininga. Ano kaya ang nasa isip niya? Gusto ko rin mabasa ang kanyang isipan. Nagulat ako ng napatikhim si Ace at muling nag buntong hininga, unti-unti siyang umangat sa ere at nag Injan sit sa hangin. Muli niyang kinumpas ang kanyang kamay at lumitas naman ang mapa ng ika limang silid aklatan, napansin ko ang kakaibang desenyo ng silid dahil ang kinalalagyan ng silid ay tila tago at hindi maaaring puntahan. "Tama ang nasa isip mo Christ... Dahil ang silid na ito ay isa sa tatlong off-limits sa mga estudyante, dahil ang mga nilalaman ng silid na ito ay ang mga kamatayan ng mga estudyante dito sa paaralan, " Seryosong panimula niya. "Ang silid aklatan na ito ay tinatawag na Mort na ang ibig sabihin ay kamatayan, bawat kamatay ng mga tao sa mundo niyo ay natatala dito, mula sa natural na pag kamatay hanggang karumal-dumal na pag kamatay, may mga kahalong litratro ang mga dokyumetong naka libro kaya naman pinag bawalan ang mga estudyante na pumunta sa silid na ito." Muli siya nag buntong hininga at muling ikinumpas ang kanyang kamay, lumabas naman ang isa pang mas maliit ng silid aklatan. "Ito naman ang Archiver, dito nakalagay ang mga halos itatapon na mga dokumento, dahil na patunayan o wala talaga katuturan ang mga simasabi, dito ko naisip na posible na sumagot sa mga katanungan namin tungkol sa iyo." Wika ni Ace at muling kumumpas. Tumambad naman ang sobrang laking silid aklatan na halos kasing laki na ito ng Aimer. "Ito naman ang Inconmue, na ang ibig sabihin ay unknown o wala pag kakakilalan, " wika ni Ace saka ako tiningnan. " 80 taon na ang nakakalipas simula ng bigla na lang mawala ang lolo mo ng matalo sita Taitus ay isa-isang lumitaw ang mga kakaibang mga aklat na may kakaiba ring mga sulat, sa isang walang laman na silid, at isang araw nagulat na lang kami na nakaayos na ito sa parang silid aklatan, wala pa ang sino mang nag tangkang pumasok sa silid aklatan na yan simula ng may pumasok sa loob nito at hindi na nakabalik pa muli." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD