Chapter 49

2126 Words
Ace The Death Scythe . . Christian's Point of View "Dahil nga hindi naman nasasabi ng Sapa ng nakaraan ang lahat ng tungkol sa isang multo noong nabubuhay pa ito ay nag karoon ng silid aklatan kung saan tinipon-tipon ang mga aklat at dokyumentong tungkol sa buhay ng isang tao, pero dahil nga kahit may kalakihan ang silid aklatan na ito ay hindi niro nasasagot ang kasagutan ng mga estudyate kaya naman mas pinipilit na lang ng mga ito na wag ng mag punta dito kaya naman kung mapapansin mo sa mga larawan na yan ay halos kakaunti lang ang mga estudyante na pumupunta rito." Nag labas pa ng iba pang mga larawan si Ace at tama nga siya halos isa o hangga lima estudyante lang ang pumupunta rito dahil na rin siguro yung iba ay wala ng pakiaalam kung anong meron sila noon dahil natatakot din silang malaman ito dahil maaari silang ay may hindi magandang nangyari noong nabubuhay pa sila, hindi man nila ito naaalala ngunit amay nag sasabi sa kanila kaloob-looban na ayaw na nila itong maaalala pa. Muling napatingin sa akin si Ace, hindi ito blanko o galit ,kakaiba ang tingin niya sa akin. Hindi siya nababakla o na iinlove na sa akin, baka kasi ayun na ang nasa isip ng mga readers ni Miss Jay. Tila bang may gusto siya alalahanin, pero hindi niya kayang alalahanin. Bigla siyang napakurap at napabuntong hininga. Ano kaya ang nasa isip niya? Gusto ko rin mabasa ang kanyang isipan. Nagulat ako ng napatikhim si Ace at muling nag buntong hininga, unti-unti siyang umangat sa ere at nag Injan sit sa hangin. Muli niyang kinumpas ang kanyang kamay at lumitas naman ang mapa ng ika limang silid aklatan, napansin ko ang kakaibang desenyo ng silid dahil ang kinalalagyan ng silid   ay tila tago at hindi maaaring puntahan. "Tama ang nasa isip mo Christ... Dahil ang silid na ito ay isa sa tatlong off-limits sa mga estudyante, dahil ang mga nilalaman ng silid na ito ay ang mga kamatayan ng mga estudyante  dito sa paaralan, " Seryosong panimula niya. "Ang silid aklatan na ito ay tinatawag na Mort na ang ibig sabihin ay kamatayan, bawat kamatay ng mga tao sa mundo niyo ay natatala dito, mula sa natural na pag kamatay hanggang karumal-dumal na pag kamatay, may mga kahalong litratro ang mga dokyumetong naka libro kaya naman pinag bawalan ang mga estudyante na pumunta sa silid na ito."  Muli siya nag buntong hininga at muling ikinumpas ang kanyang kamay, lumabas naman ang isa pang mas maliit ng silid aklatan. "Ito naman ang Archiver, dito nakalagay ang mga halos itatapon na mga dokumento, dahil na patunayan o wala talaga katuturan ang mga simasabi, dito ko naisip na posible na sumagot sa mga katanungan namin tungkol sa iyo." Wika ni Ace at muling kumumpas. Tumambad naman ang sobrang laking silid aklatan na halos kasing laki na ito ng Aimer. "Ito naman ang Inconmue, na ang ibig sabihin ay unknown o wala pag kakakilalan, " wika ni Ace saka ako tiningnan. " 80 taon na ang nakakalipas simula ng bigla na lang mawala ang lolo mo ng matalo sita Taitus ay isa-isang lumitaw ang mga kakaibang mga aklat na may kakaiba ring mga sulat, sa isang walang laman na silid, at isang araw nagulat na lang kami na nakaayos na ito sa parang silid aklatan, wala pa ang sino mang nag tangkang pumasok sa silid aklatan na yan simula ng may pumasok sa loob nito at hindi na nakabalik pa muli." Bigla namang nag taasan ang akig mga balihibo dahil sa sinabi ni ACe na yun. May mga misteryo rin pala dito, kung bubuuhin ang mga pangyayari ay nag simula ang laht simula ng mawala na parang bula si lolo. "May posibilidad ba na pwede natin pasukin ang Inconmue?" Seryosong tanong ko Kay Ace. Ikunumpas niya ang kanyang kamay upang mawala ang malaking screen. Umiling lang ito at malungkot akong tiningnan. "Hindi ko sigurado kung magiging ligtas para sayo ang pag pasok doon." Nag aalalang wika sa akin ni Ace. Napayuko dahil sa pag ka dismaya. Gusto ko sana pumasok doon dahil baka doon ko makuha ang sagot na matagal ko ng hinahanap. Napabuntong hininga na lang ako at muling tiningnan ang mga libro na naka lapad lang sa lamesang nasa unahan ko. Ilang sandaling katahimikan ay narinig ko ang mga yabag ni Ace na papalapit sa akin. Umupo siya sa unahang upuan na nasa tapat lang ng aking inuupuan.  Napalingon ako sa kanya. Sinandal niya ang kanya likuran sa may upuan, ipinatong ang kanyang mga kamay sa gilid at nag de kwatro. "Kamusta nga pala ang unang araw mo rito?" Nakangiting tanong niya sa akin. Bigla naman akong naguluhan dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ako naramdam ng para bang iniiba niya ang atmosphere. Siguro ay nakaramdam siya ng kalungkutan sa akin. Napabuntong hininga ako at napangiti. "Grabe pala si Freya No?" Natatawang tanong ko sa kanya. Bigla siyang napangiwi dahil sa aking sinabi. "Sinabi mo pa, nakakapag taka nga kung bakit siya naging guardian, " Tugon ni Ace sa akin. "Grabe napaka bagsik." Pareho kaming nag tawanan dahil doon.  Tawa lang kami ng tawa habang pinag uusapan namin si Freya. Sana nga lang ay hindi biglang dumating si Freya dahil siguradong malalagot kaming dalawa. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal. Na nag uusap ni Ace dahil sa dami ng aming pinag-usapan. Pero pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na nandito, ganito ba talaga katagal ang launch break dito? Sandali pa kaming nag usap at ilang sandali lang din ay bumalik na ako sa sa aming klase. Buti na lang ay hindi ako naligaw, dahil sobrang laki talaga nitong paaralan na ito. Agad naman ako nakabalik sa aming silid aralan. Ang aming susunod at huling klase ay ang klase namin kay Chichi na ang pag kontrol sa aming mga kapangyarihan. Pansin ko lanng sa mga kaklase ko na mga lalaki ay tila nabuhayan ng si Chichi na ang nagtuturo. Kanina lang para silang mga lantang gulay ngayon para silang mga nadiligin ng makita si Chichi. Peri hindi ko naman sila masisisi dahil kung ako rin sila ay  mag kakaganyan din ako dahil, sa sobrang ganda at sexy ni Chichi. She maybe a Goddess instead of a guardian dahil sa sobrang ganda niya. Pero dahil isa siya sa mga Guardian ko ay hindi ako interesado. Bigla akong natawa sa sarili ko dahil sa akin sinabi. Ano ba kasing pinag sasabi ko, siguro nga'y galit ako sa kanya pero kahit isa siya sa mga guardians ko, siya pa rin ang nag iisang babaeng minamahal ko. Kahit pala dito sa mundong ito ay mabilis rin lumipas ang oras. Pag katapos ng klase ay agad akong pumunta sa amin kwarto ni Dale upang makaligo dahil kaylangan kong mag handa para sa pag sasanay namin ni Ace. Halos mag didilim na ngayon, kasama ngayon ni Dale si Cess, may pupuntahan daw silang dalawa kaya naman sandali ring mawawala sila. Pinaragasa ko ang malamig na tubig na nag mumula sa shower sa aking katawan. Para talaga akong nasa mundo lang namin dahil sa desenyo ng kwarto namin dito. Siguro ay may parte sa mundong ito na makaluma at meron din namang makabago. Pag katapos ko maligo ay agad kung sinuot ang akin damit na pinadala ni Ace sa akin kanina na gagamitin ko para sa aking pag sasanay. Kulay puting sando na fitted  ito na may terno na kulay itim na shorts na fitted din pero tama lang mara makagalaw ka ng maayos.  Tiningnan ko ang aking sarili sa isang malaking salamin na nandito sa akin kwarto. Kitang-kita dito ang aking buong katawan mula ulo hanggang paa. Napahawak ako sa akin buhok. Bahagya itong humaba, hindi ko napasin ang dami na kasing nangyari sa akin dito. Nag hanap ako ng maaaring itali sa aking buhok. Nadapo ang aking tingin sa kulay puting laso na nakalapag sa lamesa, ito yung laso na kasama ng damit na suot ko ngayon. Dinampot ko ito at itinali sa aking buhok. Muli kong nilingon ang aking sarili sa salamin at ngumiti. Nag buntong hininga muna ako bago tuluyang lumabas upang makipag kita kay Ace. Tumungo ako sa isa sa mga harden na nasa labas ng paaralan. Tinatawag daw itong harden ng espirito. Hango ito sa elemento ni Ace kaya naman dito niya napiling mag sanay. "Nandito ka na pala," Napalingon ako kay Ace na nang galing sa dilim. Nagulat ako ng madapo ang aking mga mata sa kanyang kamay, dahil ang mismong kamay niya ay napalitan ng tila kalawit ni Kamatayan na tinatawag rin na Scythe. Nangilabot ang aking buong katawan ng umakyat ang aking tingin sa nakangiting mukha ni Ace. Nag kamali ba ako sa pag titiwala sa kanya? Bigla akong napaatras ng bahagya siyang lumapit sa akin. "Te-Teka ba-bakit ga-ganyan ang kamay mo?" Nauutal kong wika, halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa panginginig ng aking mga tuhod. "Huh?" Napatigil sita sa pag lapit sa akin at tiningnan ang kanyang kamay na may talim. "Natakot ba kita?" Nagulat ako ng tumawa si Ace ng malakas. "Huh!?" Hinawi niya ang kanyan talim na kamay at bumalik na ito sa dati. Bahagya uli siyang napatawa dahil dito. "Pasensya ka na, ang akala ko kasi ay alam mo na ang tungkol dito." Natatawang wika ni Ace sa akin. Nag buntong hinga ito at muling ngumiti. Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag dahil ang akala ko ay hindi si Ace ang kaharap ko. "Anong ibig mong sabihin? At saka bakit nagiging Scythe ang kamay mo?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. Muli niyang tinaas ang kanya kamay, kaya naman bigla akong napaatras dahil akala ko ay magiging talim uli ito. "Kung Si Jehnny ay nagiging espada, ako naman ay nagiging Scythe," Nakangiting wika nita sa akin. "Ang ibig mong sabihin ay nagiging armas ka rin tulad niya?" Tanong ko sa kanya. Inango naman niya ang kanyang ulo at pinag masdan ang kanyang kanang kamay. "Natural sa aming mga Guardian ang maging armas dahil kami ang katuwang na itinakda." Wika ni Ace sa akin at bahagyang ngumiti muli. "Pareho lang ba ng proseso ng kay Jehnny ang gagawin ko para maging armas kita?" Muli kong tanong sa kanya. Gusto ko makasigurado dahil baka iba na naman ang itinuro sa akin ni Jehnny. Ngumiti at tumango naman si Ace. "Bakit hindi mo subukan?" Hamon niya sa akin at iniabot ang kanyang kaliwang kamay. Napalunok ako at dahan-dahang inabot ang kanyang kamay. Pagka hawak ko sa kanyang kamay ay agad akong huminga ng malalim at tiningnan si Ace sa kanyang mata. Ngumiti si Ace sa akin at tumango. Tumango ako pabalik sa kanya at muling huminga ng malalim. "Ace." Tawag ko sa kanyang pangalan. Pumikit si Ace at nabalot siya ng isang liwanag. At konti-konting nag bago ang kanyang anyo. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang bigat ng aking hawak. Napatingin ako sa aking hawak na armas, may hawak akong Scythe... Ramdam ko na parang konektado ako sa armas na ito. Iwinasiwas ko ang aking hawak na armas at itinapak ito sa buwan. Kuminang ito sa liwanag nito at lumabas ang kulay nitong itim na hawakan at makintab na talim na tila nagiging kulay dugo dahil sa liwanag ng buwan. "Death Scythe ang tawag sa anyo ko na ito," Napatingin ako sa talim ng armas na hawak ko, tulad ng espada na anyo ni Jehnny, ay lumalabas rin ang anyong tao ni Ace sa talim ng Scythe. " Kung ikukumpara sa talim ng espadang anyo ni Jehnny, higit na mas matalas ang akin dahil kaya kong hatiin ang pagkatao ng isang nilalang. " Paliwanag ni Ace sa akin. Napangiti ako dahil sa excitement na nararamdaman ko ng mahawakan ko si Ace bilang isang Scythe. Tila nabuhay ako ng dugo. "Dahil sa bato ng demonyong nasa loob ng iyong katawan ay mas nagagawa nitong palakasin ang aking kakayahan kaya nakakaramdam ka ng tila pagka-buhay ng dugo." Dagdag pa niya. Muli kong iwinasiwas ang Scythe. Sumabay ang hangin sa aking pag hiwa sa hangin. Habang abala ako sa pag gamit ng bago kong armas ay nakaramdam ako ng isang bagay na papalapit sa akin. Bago pa ito makalapit sa akin, ako na ang mismong lumapit dito at hinati ito. Nahati naman ito sa dalawa at pumunta sa mag kabilang deretso. Sumabog ito sa na malayo sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun dahil hinahayaan ko lang ang aking katawan na gumalaw. Napatingin ako sa deretsyon kung saan ito nanggagaling. May isang anino ang nasa bandang itaas ng isang mataas na puno. Doon nanggaling ang pag atake. Unti-unting tumapat sa nilalang sa puno ang liwanag ng buwan. Nakangiti ito habang pinag mamasdan ito. "Tauhan ni Taitus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD