Chapter 47

1236 Words
Ang Theory nila Ace at Christian Christian's Point of View . . "Tanong ko lang Ace," Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga pahina ng unang libro na may logo ng parang hangin. "Ano yun?" Tugon niya sa akin. " Hindi ba ako ang ika-sampung itinakda?" Tanong ko sa kanya dahil ayun sa nabasa kong libro noon sa silid aklatan nila Keina ay may walo ng nakatala sa libro, pang siyam si Lolo pero hindi pa siya naitatala at ang ibig sabihin ay ako ang ika-sampu. " Pano mo nalaman na ikaw nga?" Muling tugon sa akin ni Ace,muli ko siyang  nilingon. Nakatitigi siya sa akin habang nakaupo sa kanyang upuan at nakataas ang mga paa sa kanyang lamesa. " Nabasa ko sa isang libro kung saan nakatala ang mga talambuhay ng mga Siyam na itinikda," Sabi ko sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang mga paa at muling ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanyang lamesa. " Oo ikaw ang ika-sampu, dahil ang iyong Lolo ang ika-siyam, " Panimula niya habang nakatitig sa akin ng seryoso. "Bakit mo naitanong?" Sandali ko siyang tinitigan at nag bunting hininga. "Kung ako na ang ika-sampu, bakit hanggang ngayon ay buhay pa si Taitus?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi nag bago ang reaksyon. Mukhang naka handa na siya sa ganitong pang yayare. "Buti naitanong mo yan," Wika niya sabay baba ng kanyang mga kamay at sabay tayo. "Gaya kasi ng mga itinakda ay napapalitan din sa posisyon ang Demon king kada ika-isang daang taon, pero pareho pa rin ang tinatawag sa kanya dahil nakasanayan na ito." Panimula niya at saka may nilabas na mga parang painting, na nag lalarawan ng mga dating digmaan naganap laban kay Taitus. "Pero iba ang demon king ngayon, dahil siya pa rin ang kaparehong Taitus na nakalaban ng iyong Lolo, nagawa lang namin dahil natalo na siya ng iyong Lolo noon ngunit agad siyang nabuhay muli kaya naman dalawang beses din siyang kinalaban ng iyong Lolo, " Paliwanag niya habang pinapakita ang painting kung saan nakipag laban si Lolo. " Pero sa ika-lawang pag kakataon na nakalaban ng iyong Lolo si Taitus ay natalo siya nito dahil na rin sa katandaan ng iyong Lolo. " Muli itinago ni Ace ang mga painting sa lagayan ng mga ito at nag buntong hininga. "Ang akala nanin noon ay makakaakyat na kami sa itaas dahil tapos na ang misyon namin ngunit nag kamali kami, kaya naman gumawa kami ng paraan para maikulong si Taitus dahil ayun lang ang magagawa namin at hintayin ang susunod na itinakda na mag kakayahang matapatay at matalo siya. " Muli siyang umupo sa kanyang upuan at sumandal sa kanyang upuan. Pag katapos niya mag paliwanag ay isang katahimikan ang sa amin ay bumalot. Muli kung tiningnan ang mga libro at sinubukan itong basahin. Unang buklat ko pa lang ay tila alam ko na ang mga nakasulat dito. Sinimulan ko na basahin ang bawat pahina ng mabalis dahil parang nabasa ko na ang mga ito pero hindi ko alam kung saan at kaylan. Pakiramdam ko ay matagal ko na itong alam at parang kaya kong sabihin ang bawat salitang nakalagay dito. Naramdam ko ang pag lapit sa akin ni Ace dahil mukha nabasa na niya ang aking isipan. "Tama ba ang narinig koo?" Saglit kong nilingon si Ace ang muling ibinalik ang aking paningin sa libring hawak ko. Tumango ako at muling binasa ang iba pang libro. "Kakaiba talaga ang pakiradam ko sayo umpisa pa lang, para bang matagal na kitang kilala pero sa pag kakaalam ko ay ngayon lang tayo nag kita." Manghang wika ni Ace sa akin. "Maski ako na mamangha sa sarili dahil may mga kaalaman akong hindi ko alam kung saan nanggaling," Wika ko at saka nilingon si Ace. Habang nakatitig sa kanya ay isang ideya ang sa akin ay pumasok. " May posibilidad ba na meron akong narakaang buhay?" Pareho kaming nag katingin, hindi ko alam kung bakit ko natanong ang tanong na ito, basta na lang ito pumasok sa aking isipan. Hinintay kong sumagot si Ace, ngunit tila hindi niya rin alam ang isasagot sa akin. Bahagyang napalayo sa akin si Ace at tila nag iisip ito ng isasagot sa akin. Nag buntong hininga siya at muling nag lakad patungo sa kanyang upuan. Pag kaupo niya ay nag de kwarto siya ng kanyang paa at pina ikot-ikot niya ang kanyang upuan. Pinag-cross niya ang kanyang mga kamay habang nag iisip. "Sa totoo lang hindi ko rin alam," Panimula ni Ace, Sinara ko ang mga libro at inayos ito sa lamesa. "Pero siguro may posibilidad na meron ka ngang nakaraang buhay, pero .. hindi pa ito napapatunay." Pinag masdan ko lang si Ace habang nag iisip ito. Kahit sa mundo namin ay hindi pa ito napapatunay pero may mga palabas na nag sasabi tungkol dito. "Sa mundo namin ay mag teyorya na tungkol dito, at ebedensya nito ay kung saan o may kinakatakutan ka ito daw ang naging dahilan ng iyong pag kamatay." Wika ko sa kanya. Nilingon niya ako at seryosong tiningnan. "Wala pa akong nababalitaan na nabubuhay muli ang isang tao dahil ang sabi ay isang beses lang namamatay ang tao, pero dahil nga hindi pa ako nakakaakyat sa taas ay may mga impormasyon pa akong hindi alam at posibleng merong impormasyon sa itaas ang tungkol sa pag kakaroon ng ikalawang buhay, kung totoo man ito, posible nngang meron kang nakaraang buhay at ayun ang dahilan kung bakit may biglang pumapasok sa iyong isipan na hindi mo naman talaga pinag aralan o nalaman." Pag papatibay ni Ace sa aming teyorya. Tumango-tango ako bilang pag saang ayon sa kanya. Nag isip pa kami ng posible pang mag patibay sa aming teyorya pero mukhang wala na kaming maiisip pa. "May kilala ka bang tao na may alam sa ganito ?" Tanong ko kay Ace. Nilingon niya sat muling nag isip. "Sa pag kakaalam ko ay walang may alam s mga nilalang dito sa mundo namin." Tugon sa akin ni Ace. Tulad ng sinabi ni Ace kanina ay mukhang walang may alam tungkol sa pag kakaroon ng ikalawang buhay o kung nag kakaroon ba talaga ng nakarang buhay, dahil ang mga ganung impormasyon daw malalaman lang kung makakaakyat ka sa itaas. Nag isip pa ako ng posible na pwede kong kuhnan ng impormasyon tungkol dito para malaman ko ang katutuhanan tungkol sa aking mga kakayahan. Marami pa akong gusto malamaan sa aking sarili dahil pwede itong maging daan upang malaman ko kung paano ko matatalo si Taitus at mapalaya ang mundong ito. Sa gitna ng aking pag iisip ay bigla muling ideya ang sa akin ay pumasok. "May silid aklatan ba kayo dito?" Tanong ko kay Ace, sinamaan niya ako ng tingin at nag buntong hininga. "Hindi ba't pag pasok natin dito kahapon ay may nakita kang silid aklatan?" Sandali akong napaisip sa kanyang sinabi at inalala ang mga nangyari kahapon, at syempre hindi ko makakalimutan ang ilusyon na ginawa ni Freya sa akin kahapon kaya naman bahagya akong napangiwi ng maalala ko ito. Unti- unti kong binalikan ang mga nangyari kahapon at naalala ko ang sinasabi ni Ace na silid aklatan. "Hindi lang yun ang silid aklatan dito sa paaralan dito, dahil binubuo ito ng 7 na silid na may iba't-ibang mga aklat at dekumentong nakatago sa 7 silid na ito, at ang bawat silad ay may mga kanya-kanyang katangian depende sa mga nilalaman nitong mga aklat." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD