Chapter 50

2040 Words
Ang Pag-atake . . Christian's Point of View "Bakit hindi mo subukan?" Hamon niya sa akin at iniabot ang kanyang kaliwang kamay. Napalunok ako at dahan-dahang inabot ang kanyang kamay. Pagka hawak ko sa kanyang kamay ay agad akong huminga ng malalim at tiningnan si Ace sa kanyang mata. Ngumiti si Ace sa akin at tumango. Tumango ako pabalik sa kanya at muling huminga ng malalim. "Ace." Tawag ko sa kanyang pangalan. Pumikit si Ace at nabalot siya ng isang liwanag. At konti-konting nag bago ang kanyang anyo. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang bigat ng aking hawak. Napatingin ako sa aking hawak na armas, may hawak akong Scythe... Ramdam ko na parang konektado ako sa armas na ito. Iwinasiwas ko ang aking hawak na armas at itinapak ito sa buwan. Kuminang ito sa liwanag nito at lumabas ang kulay nitong itim na hawakan at makintab na talim na tila nagiging kulay dugo dahil sa liwanag ng buwan. "Death Scythe ang tawag sa anyo ko na ito," Napatingin ako sa talim ng armas na hawak ko, tulad ng espada na anyo ni Jehnny, ay lumalabas rin ang anyong tao ni Ace sa talim ng Scythe. " Kung ikukumpara sa talim ng espadang anyo ni Jehnny, higit na mas matalas ang akin dahil kaya kong hatiin ang pagkatao ng isang nilalang. " Paliwanag ni Ace sa akin. Napangiti ako dahil sa excitement na nararamdaman ko ng mahawakan ko si Ace bilang isang Scythe. Tila nabuhay ako ng dugo. "Dahil sa bato ng demonyong nasa loob ng iyong katawan ay mas nagagawa nitong palakasin ang aking kakayahan kaya nakakaramdam ka ng tila pagka-buhay ng dugo." Dagdag pa niya. Muli kong iwinasiwas ang Scythe. Sumabay ang hangin sa aking pag hiwa sa hangin. Habang abala ako sa pag gamit ng bago kong armas ay nakaramdam ako ng isang bagay na papalapit sa akin. Bago pa ito makalapit sa akin, ako na ang mismong lumapit dito at hinati ito. Nahati naman ito sa dalawa at pumunta sa mag kabilang deretso. Sumabog ito sa na malayo sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun dahil hinahayaan ko lang ang aking katawan na gumalaw. Napatingin ako sa deretsyon kung saan ito nanggagaling. May isang anino ang nasa bandang itaas ng isang mataas na puno. Doon nanggaling ang pag atake. Unti-unting tumapat sa nilalang sa puno ang liwanag ng buwan. Nakangiti ito habang pinag mamasdan ito. "Tauhan ni Taitus," Bulong na wika sa akin ni Ace. Napatingin ako sa kanya."Nagawa man naming ikulong si Taitus pero hindi ang mga tauhan niya." Muli akong napatingin sa nilalang na nasa itaas ng puno. Nanlilisik ang mga pula nitong mata. Matutulis ang mga mahahabang pangit nito. Nakakakilabot ang kanyang ngiti na nag bibigay sa akin ng lamig. Mukha alam na ng tauhan ni Taitus na ako ang itinakda dahil sa kanyang pag atake ay ako ang kanyang ponterya. Pinipigilan na nila ako bago pa man tuluyan akong lumakas. Pero hindi ako papayag na mapigilan nila ako. Muli akong naalerto ng itaas ng tauhan ni Taitus ang kanan nitong kamay, at mula roon ay may unti-unting bolang liwanag ang nabubuo. Inihagis niya ito sa aking dereksyon ngunit bago pa man ako matamaan nito ay muli ko itong naiwasan sa ikalawang pag kakataon. Mabagal ang pag atake niya kaya naman mabilis ko itong naiiwasan. "Angel's Lense," Sinukat ko ang kanyang kakayahan gamit ang aking kapangyarihan na Angel's Lense upang malaman ang kahinaan nito. Isa siyang Ruby na demonyo kaya naman higit na mas malakas ako sa kanya. Bukod sa mabagal ang kanyang pag atake ay mahina rin ang kanyang depensa. "Angel's Wings. " Kasing bilis ng kidlat ako sa kanya lumapit gamit ang aking kakayahang lumipad. Sandali ako napatigil sa kanyang harapan, kita kanyang mukha ang pag kawindang, nabalot ng takot ang kanyang mga mata, nakaramdam akong ng pag kagana dahil sa takot na nakikita ko sa kanya. Itinaas ko ang hawak kong Sycthe, pumurma ito ng anino sa kanyang mukha at lalo pa siya napuno ng takot, bago niya pa maisipang tumakas ay agad ko nang winakasan ang kanyang buhay. Narinig ko ang kanyang sandaling pag daing nang mahati ang kanyang katawan sa dalawa. Bumagsak ang kanyang hating katawan sa lupa habang umaagos ang ga-dagat niyang dugo. Mula sa itaas ay nilingon ko ang bangkay na nasa aking paahan. Napangiti ako dahil sa nararamdam kong lakas. Unti-unti nag laho sa hangin ang wala ng buhay na katawan ng demonyong umatake sa akin, kani-kanina lang. Unti-unti akong lumapad sa ulam at mulimg itinago ang aking pakpak. Napatingin ako sa pwesto kung saan bumagsak ang patay na katawan ng tauhan ni Taitus. Kanina lang nandito ito habang umaagos ang dugo, ilang saglit lang ay nag laho na ito pati na rin ang dugo ay tila dinala na ng hangin. "Bakit nawala ang katawan niya?" Seryosong tanong ko kay Ace habang pinag mamasdan ang lupa. Napalingon ako kay Ace ng kumawala siya sa aking kamay, bumalik na siya sa kanya tunay na anyo. "Hindi ko alam," Simpleng tugon niya sa akin habang nakalingon sa lupa na pinagbagsakan bangkay. Napalingon mula ako rito. " Ang Mundo ng paraiso ay tinatawag na kabilang buhay dahil dito napupunta ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na, pero may isa pang kamatay at sa kamatayang yun walang sino man ang nakakaalam kung ano ang nangyayari." Dahil sa sinabing niyang yun ay muling nadagdagan ang aking katanungan. "Sa ngayon hindi mo dapat yun alalahinin," Muli kong nilingon si Ace ng muli siyang mag salita. " Ang dapat nating pag tuunang pansin ngayon ay ang pag atake sayo kanina, mukha nag sisimula na silang umatake para pigilan ka." Tama si Ace, dapat na kaming mag madali sa pag kompleto ng mga elemento ng crest para bago pa man tuluyan makawala muli si Taitus sa dungeon ay magapi ko na siya. " Hindi ba pwedeng ibigay agad ng mga Guardians ang basbas nila sa akin para naman ma kompleto ko na agad ang Elemento ng Pentagram crest?" Tanong ko sa kanya, nilingon niya ako at umiling. "Hindi ganun kadali yun kahit na gustuhin pa nila ay hindi nila maiibigay sa iyo ang basbas nila kung hindi handa ang iyong katawan," Tugon ko niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako, mukha marami pa akong pag dadaanan para makuha ang basbas niya. "Ano na ang susunod kong gagawin?" Tanong ko kay Ace. Tiningnan ko siya habang hinihintay siyang sumagot. Lumapag siya sa lupa mula sa pag kakalipad. Huminga siya ng malalim at saka ako nilingon. "Sa ngayon dapat mong pag tuunan ang pag sasanay para sa pag subok sa iyo ni Freya," Wika ni Ace sa akin. " Dapat makahanap tayo ng lugar na pag sasanayan kung saan hindi ka nila matatagpuan dahil sigurado akong nag padala sila ng nahinang tauhan nila para sukatin ang kakayahan mo sa ngayon at saka sila muling susugod sa hindi mo inaasahang oras." Seryosong wika ni Ace sa akin. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Buti na lang ay malayo ang harden na ito sa paaralan dahil kung hindi ay mag dudulot ng panik ang pag ataking yun sa akin. "Sa ngayon ipag-paliban muna natin ang iyong pag sasanay," Basag ni Ace sa katahimikan. " Ipapaliwag ko sayo kung pano mo gagamit ang kapangyarihan namin sa pag kikipag laban." Wika nito sa akin. Tumango ako bilang tugon. Pinaupo niya ako sa isang bench na nandoon lang sa may harden. Sa saka siya tumayos sa akin harapan. "Tulad ng sabi ko kanina, Ako ang tinatawag na Death Sycthe, ang kalawit ni Kamatayan, napaliwanag ko na rin sa iyo kung saan mo ang pwedeng magamit at nasubukan mo na rin ito kanina lang," Tumango-tango naman ako sa kanya at napatingin sa akin mga kamay, hindi ko makalimutan ang aking naramdam kani-kanina lang. Sobrang sarap nito sa pakiramdam, para bang nabuhayan ang buo kung katawan hanggang sa aking kaluluwa. "Si Jehnny naman ang Excaliber, ang espada ng hari, gamit ang espadang anyo ni Jehnny kaya mong hiwain ang isang bagay na kasing bilis ng hangin, " Nag lakad pa balik-balik sa aking harapan si Ace habang nag papaliwanag. "Hindi ko pa nasusubukan yun," Tugon ko sa kanya, dahil ang sabi lang sa akin ni Jehnny ay kaya niyang hiwain kahit na bakal. Tumango-tango naman si Ace bilang tugon. "Si Freya ng Guardian of Fire , ang Samander, ang baton ng dragon, ang bato na ito ay kayang gumawa ng apoy na kayang tumupok ng isang buong bayan sa loob lang ng isang minuto. " Pakilala ni Ace kay Freya, ang akala ko ay Latigo ang porma ni Freya dahil ito ang kanyang laging hawak. Napangiti si Ace habang natitig sa akin. "Si Chichi ang may anyong Latigo, ang Guardian of Earth, ang Torn, ang latigo na rosas, ang latigong ito ay may mga tinik ng rosas na may mga lason sa bawat tinik na unti-unting papatay sa biktima nito." Bigla naman dumumi ang aking isipan ng ma imagine ko sa aking isipin ang itsura ni Chichi habang hawak ang isang latigo. At muli naalala ko na naman ang ginawang ilusyon sa akin ni Freya kahapon. "Itigil mo ang pag iisio ng ganyan Christian, hindi yan makakatulong sayo." Wika ni Ace sa akin, sabay tingin ng masama. "Pasensya na hindi ko sinasadya." Kamot ulo kong tugon sa kanya. Napailing na lamang si Ace at nag patuloy si Ace sa kanyang sinasabi. "At Si Akwa, ang Guardian of Water , ang , ang Trident o ang sibat ng karagatan, gamit si Akwa ay magagawa mong kontrolin ang kahit ang anyo ng tubig at makipag usap sa mga hayop sa tubig." Paliwanag ni Ace. Muli akong napatango bilang tugon sa kanya. "Marami ang mga kayang gawin ng bawat isa sa amin, at sa oras na maipasa mo ang kanilang pag subok ay maiituro nila ito sa iyo," Dagdag ni Ace sa kanua sinabi. " Sa ngayon dahil naipasa mo na ang aking pag subok, ako ang mag tuturo sa iyo kung paano mo ako magagamit bilang iyong armas, hindi yun magiging madali tulad ng inaakala mo." Bigla naman akong nag karoon ng interes sa kanyang sinasabi. "Tulad ngayon unti-unti mo ng mararamdam ang pag kapagod mo dahil sa pag atake mo sa kalaban mo kanina." Bigla naman akong nag taka sa kanyang mga sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at tumingala sa langit upang pag masadan ang buwan. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. "Sa ngayon dahil sa atrasyon ng bato ng demonyo sa akin at pag kasabik mo, ay hindi mo pa mararamdaman ang pag iyong pag kahina, kung mangyari yun ay makakaramdam ka ng paninikip ng dibdib, pag kahilo, pananakit ng katawan, pang hihina at panlalabo ng mata." Seryosong wika ni Ace sa akin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya dahil wala naman akong nararamdaman na kahit ano, sa totoo pa nga yan ay pakiramdam ko ay kaya ko ng labanan at talunin si Taitus ngayon. Parang may kakaibang lakas na dumadaloy sa akin. Gusto ko uli hubukang makipag laban sa kahit sinong tauhan ni Taitus upang masubukan ko muli si Ace bilang aking armas. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit kay Ace, hinawakan ko si Ace sa kanyang balika upang kunin ang atensyon niya. "Hindi ko alam ang pinag sasabi mo," Wika ko sa kanya, tiningnan niya ang aking kamay na nakapatong sa kanyang balikat at saka ako nilingon. " Gusto ko uli subukan kang gamitin bilang aking armas." Hinarap ako ni Ace. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Walang kahit anong emosyon ang mababasa sa kanya. Nag taka naman ako dahil para bang may gusto siyang sabihin sa akin. Napailing lang si Ace habang pinag mamasdan ako. Tinanggal niya ang aking kamay sa kanyang balikat. Siya naman ang humawak sa akin balikan. Bigla naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at pang hihina. Unti-unti na rin akong nahihilo at nawawalan ng balanse kaya napaluhod ako sa lupa. Nilingon si Ace inaalalayan ako para hindi ko tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi ko na siya maaninag dahil sa panlalabo ng aking paningin. Inalakayan ako ni Ace tumayo, at hindi ko alam ang susunod na nangyari dahil tuluyan ng nandilim ang aking paningin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD