Chapter 51

1036 Words
Pain . Christian's Point of View " Sa ngayon dahil naipasa mo na ang aking pag subok, ako ang mag tuturo sa iyo kung paano mo ako magagamit bilang iyong armas, hindi yun magiging madali tulad ng inaakala mo." Bigla naman akong nag karoon ng interes sa kanyang sinasabi. "Tulad ngayon unti-unti mo ng mararamdam ang pag kapagod mo dahil sa pag atake mo sa kalaban mo kanina." Bigla naman akong nag taka sa kanyang mga sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at tumingala sa langit upang pag masadan ang buwan. Nilagay niya ang  kanyang mga kamay sa kanyang likod. "Sa ngayon dahil sa atrasyon ng bato ng demonyo sa akin at pag kasabik mo, ay hindi mo pa mararamdaman ang pag iyong pag kahina, kung mangyari yun  ay makakaramdam ka ng paninikip ng dibdib, pag kahilo, pananakit ng katawan, pang hihina at panlalabo ng mata." Seryosong wika ni Ace sa akin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya dahil wala naman akong nararamdaman na kahit ano, sa totoo pa nga yan ay pakiramdam ko ay kaya ko ng labanan at talunin si Taitus ngayon. Parang may kakaibang lakas na dumadaloy sa akin. Gusto ko uli hubukang makipag laban sa kahit sinong tauhan ni Taitus upang masubukan ko muli si Ace bilang aking armas. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit kay Ace, hinawakan ko si Ace sa kanyang balika upang kunin ang atensyon niya. "Hindi ko alam ang pinag sasabi mo," Wika ko sa kanya, tiningnan niya ang aking kamay na nakapatong sa kanyang balikat at saka ako nilingon. " Gusto ko uli subukan kang gamitin bilang aking armas."  Hinarap ako ni Ace. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Walang kahit anong emosyon ang mababasa sa kanya. Nag taka naman ako dahil para bang may gusto siyang sabihin sa akin. Napailing lang si Ace habang pinag mamasdan ako. Tinanggal niya ang aking kamay sa kanyang balikat. Siya naman ang humawak sa akin balikan. Bigla naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at pang hihina. Unti-unti na rin akong nahihilo at nawawalan ng balanse kaya napaluhod ako sa lupa. Nilingon si Ace inaalalayan ako para hindi ko tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi ko na siya maaninag dahil sa panlalabo ng aking paningin. Inalakayan ako ni Ace tumayo, at hindi ko alam ang susunod na nangyari dahil tuluyan ng nandilim ang aking paningin. . . "Sinabi ko naman sayo na unti-unti kang manghihina pero hindi ka nakinig." Wika ni Ace sa parang tatay. "Pasensya na, wala ako sa sarili ko." Tugon ko sa kanya, inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at saka umupo sa silya na nasa tabi ng aking hinihigaan. "Hayaan mo na siyang makapag pahinga si Christian, Natural na mag kaganyan siya dahil bago lang sa kanya ang kapangyarihan mo." Istriktong wika ni Chichi kay Ace habang ginagamot niya ako. "Tsk.." Nag cross arm lang si Ace at ang de kwatro. Napabuntong hininga na lang ako at nilagot ang isang basong tubig na inabot sa akin ni Ace. Noong halos mawalan na ako malay ay agad akong dinala ni Ace sa kwarto kung saan pwede ako makapag pahinga at makalapit sila sa akin. Agad niyang tinawag ang lahat ng mga Guardians para malapatan ang ng lunas dahil ang sabi niya ay lahat sila ay may kakayahang mag pagaling. Napatingin ako sa aking uluhan, meron kasing parang arko ng mga halaman sa akon ulunan ngayon mag mga bulalak ito na may nilalabas na mga pollen na siyang nag papagaling sa akin. May dala rin itong halimuyak na siyang nag papadagdag sa pag papagaan ng aking pakiramdam. "Hindi naman mahina ang katawan mo mahal na itinakda, sadyang bago lang sa iyo ang pag gamit ng kapangyarihan dahil sa mundo niyo ay wala ito" Opinyo ni Akwa habang tinitingna ang kanyang clip board. Napag alaman ko na siya rin pala ang doktor dito. "Pero kaylangan mo pa rin palakasin ang iyong katawan habang sinasanay mo ang iyong sarili sa pag gamit mo ng iyong kapangyarihan." Tumango ako bilang tugon sa kanya. Ipinikit ko ang aking mata upang pakiramdaman ang sarap ng pang gagamot ni Chichi. Mainit kasi ito sa pakiramdam. Ganito rin ang pakiramdam noong ginamit ko ang Angel's halo. Napadilat ako ng maalala ko na kaya ko ring mag pagaling. " Heal." Tumapat sa aking ulunan ang halo at nag labas ito ng mainit na liwanag. Sumabay ito sa kapangyarihan ni Chichi kaya naman pakiramdam ko ay mas mabilis akong gagaling nito. Napabuntong hininga ako at muli kong ipinikit ang aking mga mata. Sa kaligitnaan ng aking pag gamit sa Angel's Halo ay bigla ang nakaramdam ng biglang pag sikip mula ng aking dibdib. Tumugil ang aking kapangyarihan at napahawak ako sa aking dibdib. "Arghh.." Napadaing ako sa sobrang sakit at napayuko. Biglang napatayo si Ace, Freya at Akwa sa kanilang kinauupuan at lumapit sa akin. "Christian!" Nag aalalang tawag sa akin ni Ace. Lalo pa sumakit ang aking dibdib kaya naman napahiga ako at namaluktot sa sakit. "Chichi palakasin mo ang Healing power mo, " Rinig kong utos ni Akwa. "Sige," Naramdaman ko naman ang init ngunit hindi nito nahupa ang aking sakit. Lalo lang sumakit ang aking dibdib. "Ace hindi gumagana ang kapangyarihan ko." Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila. Nakakainis, sobrang sakit ng dibdib para u***g punupunit sa sobrang sakit. "Christian, wag kang bibitaw." Rinig kong wika ng isa sa kanina, hindi ko na alam kung sino ang nag sasalita sa kanila apat. Sinubukan kong huminga ng malalim upang mabawasan ang sakit. Susubukan ko uling gamitin ang kapangyarihan ko para maibsan ang sakit. Nagulat ako ng may humawak sa aking kamay at pinigilan ito. Sinubukan ko siyang aninagin kung sino ito. Si Ace. Kalmado ang kanyang mukha ngunit halata sa kanyang mga mata ang pag aalala. Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa ulo. "Heal." Rinig kong wika niya. Unti-unti ay nakaramdam ako ng ginhawa. Unti-unti rin nawala ang nararamdaman kong sakit sa aking dibdib. Muling tiningnan si Ace at ngumiti. Nakaramdam naman ako ng pag kaantok kaya naman. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata. "Mag pahinga ka na muna." Wika ni Ace bago ako tuluyang makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD