Chapter 70

1127 Words
Friendship . Christian's Point of View Pagkatapos ng ilang saglit ay napagpasyahan na namin na bumalik sa kanya-kanyang kwarto upang makakain at makapag pahinga. Dahil nga dumating sila Roldan, JM, Keina at Jehnny ay nag karoon ng konting pag babago sa mga kwarto. SI Jehnny ay may kwarto na sarili sa mismong paaralan dahil lahat ng guardian ay doon natutulog. Ako naman ay nalipat ng kwarto na kasama sila Roldan at JM dahil si Keina ang matutulog doon sa aking dating kwarto dahil ipinag- babawal na pag samahan ang magkasintahan sa iisang kwarto sa pag tulog. Nasa batas ito ng paaralan at dahil nga demonyo sila Roldan at Keina ay kailangan nila tanggalin ang mga nagpapakita na isa silang demonyo. Nilagay din sila JM, Roldan at Keina sa klase na kung saan tinuturuan ang mga mandirigma dahil doon ay mahahasa ang kanilang kaalaman sa pakikipag laban. Dahil may misyon si Jehnny nagabayan ako, pinalitan muna siya ng ibang taga-sundo Pag dating ko sa aming kwarto nila Roldan at Jm ay agad ko silang nakitang nag hahanda ng pagkain. "Tamang-tama ang dating mo lot, nag luto ako para sa atin," Wika ni Roldan habang nag hahain ng kanyang mga niluto. Si JM naman ay nakapwesto na at nag hihinty matapos pag hain si Roldan. "Mukhang masasarap ang mga niluto mo, Roldan," Bulalas ko at saka umupo sa tabi ni JM. Pagkatapos ni ROldan mag hain ay nag simula na kaming kumain. Lahat ng mga niluto niya ay masasarap. "Nagustuhan mo ba lot?" Tanong sa akin ni Roldan, nilungon ko siya at tumango. "Sobra lot, kakaiba yung sarap." pag puri ko sa kanya, bahagya naman siyang mula dahil sa aking pagpuri. "Alam mo ba lot, na pinag aralan niya ang mga luto ng mga chef doon sa mansion nila Keina kaya naman sobrang sasarap ng mga pagkain na luto niya," buong pag  mamalaking wika ni Jm sa sa akin habang ngumunguya. "Talaga ba?" manghang tanong ko kay Roldan, bahagya naman siyang tumango at muling namula. Muli akong sumubo ng pagkaing luto niya at nag thumbs up sa kanya. Nag patuloy kami sa pagkain habang nag aasaran. Sobrang sarap talaga ng luto ni Roldan  kaya naman napaparami ang kain ko. "Oo nga pala mga Lot, na saan si Kiana, hindi niyo ba siya kasama?" lumingonn sa akin si Roldan at saka sumubo ng pagkain. "Nag paiwan siya sa mansyon dahil kailangan siya doon para patakbuhin ang negosyo nila,"tugon sa akin ni Roldan tumango-tango naman ako at muling sumubo ng pagkain. "Ah ganun," tumango rin naman si Roldan at muling bumalik sa pagkain. "Kamusta na ang mga pag sasanay niyo? Nararamdaman ko na malaki ang nadagdag sa mga lakas niyo," nakangiting wika ko sa kanila. Ngumiti naman ng malaki si JM. "Sobrang okay dahil magaling ang mga nag sanay sa amin," pag mamayabang ni JM. "Ikaw lot mukhang mas lalo ka pa lumakas," pang aasar ni Roldan at saka sumubo ng pagkain, bahagya naman akong napangit dahil sa sinabi niya. Hindi ko sigurado sa sarilli ko na talagang lumakas na ako dahil hindi ko pa nakokompleto ang mga hiyas ng Pentagram Crest. "Okay lang naman, at konti na lang ay makokompleto ko na ang mga hiyas ng pentagram Crest," tugon ko sa kanya at muling napatingin sa aking kamay, hindi kita ang crest dahil muli itong tinakpan ng espesyal na gloves. "Wag kang mag alala Lot , nandito kami para suporta sayo at sasamahan ka namin sa pag laban mo kay Taitus." wika ni Roldan at saka ngumiti sa akin. Dahil sa kanyang sinabi ay tila hinaplos ang king puso dahil sa tuwa na aking naramdaman. Naramdam ko ang init ng pagmamahal ng aking mga kaibigan. "Maraming salamat, JM, Roldan maasahan talaga kayo kahit kaylan," Ngumiti silang dalawa sa akin at saka nag patuloy sa pagkain. "Tama na nga drama, nakakabakla," wika ni Roldan at saka tawa. Napatawa nna lang kaming tatlo. Sobrang saya at swerte ko sa mga kaibigan ko dahil sobrang loyal nila sa akin at hindi sila  yung tipong nandiyan pag may kailangan lang. Sila kasi yung tipo ng kaibigan na hindi tumitingin sa estado ng buhay mo, hindi nila tinitingna kung ano ang katayuan ng pamilya mo, hindi nila tinitingnan kung nakatira ba kayo sa mansyon o, nakatira kayo sa isang kubo lang. Kaibigan ka nila as long as mabait ka sa kanila magiging mabait din sila sa iyo.  Naalala ko noong una silang lumapit sa akin; Flashback... "Ikaw si Christian hindi ba?"  tanong sa akin ng isang batang lalaki na nasa pareho lang ng edad ko. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil nakakagulat lang may bata na lumapit sa akin. "Oo, bakit?" walang buhay kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya at inabot ang kanyang kamay sa akin. "Ako si Jm, pwede ba makipag kaibigan sa iyo?" Nagulat ako dahil may lakas loob na nakipag kaibigan sa akin "Hindi ka ba natatako sa akin?" takang tanong ko sa kanya, tiningnan niya naman ako ng medyo nag tataka at saka hinila ang isang upuan at tumabi siya sa akin sa pag upo. "Bakit naman ako matatakot sayo, aswang ka ba?" Inoseneng tanong niya sa akin, napabuntong hininga naman ako dahil sa kanyang tanong. "Nakakakita ako ng multo at nakakausap ko sila, in short weird ko di ba?" Tila naman nangintab ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Talaga ba? Ang cool mo naman!" Manghang sabi niya sa akin, nagulat ako dahil hindi niya ako pinagtawanan ng sabihing ko na nakikita ako ng multo. . "Roldan ito nga pala si Christian, nakakakita at nakakausap niya daw ang mga multo," pakilala sa akin ni JM sa isa pang batang lalaki na parang ka edad din namin. "Talaga?" mangha na wika nung bata sabay tingin sa akin. Tumango naman si JM bilang sagot at nilingon naman ako nung bata na nangingintab ang kanyang mga mata. "Ako nga pala si Roldan, kaya mo bang makita ang multo ng alaga kong aso na kakamatay lang?" napangiti naman ako dahil tulad ni JM ay hindi rin ako pinag tawanan ni Roldan dahil nga sa wierd ako. . Matagal na pala kaming mag kakaibigan pero heto pa rin kami at matatag na mag kasama kahit sa kabilang mundo. Halos matapos na kaming kumain ng aming hapunan ng may bigla kaming narinig na isang malakas na pag sabog at kasunod nito ay ang bahagyang pag yanig ng lupa. Bahagya kaming napatayo sa aming kinauipuan at humawak sa lamesa upang hindi kami matumba sa pag lindol. Sandali lang din ay tumigil ang pag lindol at tila nag kakagulo sa labas. "Anong nangyayari?" Nag tatakang tanong ni JM. "Hindi ko alam," tugon ko habang mag mamahid. Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid namin at niluwa nito si Jehnny. Natila pagod mula sa kanyang pagmamadali. "Inaatake tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD