Chapter 69

1230 Words
Friends . . Christian's Point Of View Napagpasyahan namin na pag sanay saglit sa pag gamit ko sa kanya biglang armas ko. Minsan ko na siyang nagamit ngunit napa sobra ako kaya naman nawalan ako ng malay. Dahil nga malakas ang reaksyon niya sa bato ng demonyong nasa loob ko ay maaring maubos ang aking lakas sa pag gamit sa kanya. Inamin niya na kung wala ang bato ng demonyo ay hindi mailalabas ang tunay na lakas niya dahil nag mumula dito ang kapangyarihan niya bilang isang weapon. "Tulad mo ba, may epekto rin ang bato ng demonyo sa ibang guardian?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang lumabas ang mukha ni Ace sa talim ng hawak kong Scythe. "Hindi, tanging ako lang ang may epekto sa bato ng demonyo, dahil ako ang nag sisilbing tulay ng apat na elemento." Tugon sa akin ni Ace. Ganun pala 'yun. "Ang akala ko ang grimiore ang tulay ng mga elemento ng pentagram crest."  Wika ko, muling bumalik sa tunay niya na anyo si Ace at lumipad sa ere. "Napag-iisa ko ang mga elemento ng pentagram crest at ang grimiore naman ang nag papalakas sa pag kakaisa namin."  Nalinawan naman ako dahil sa kanyang sinabi. Kaya pala sabi ni Sage at Jehnny na ito ang kalahati ng kapangyarihan ng Crest. Ang bawat bahagi ng crest ay sobrang halaga kaya naman dapat ko ng makompleto ang mga ito, dahil kung wala ang isang bahagi ay hindi ko mailalabas ang tunay na kakayahan nito. "Naiintidihan ko na ngayon," Tugon ko sa kanya at tumango. Muli siyang bumalik sa aking kamay at muli kong sinubukang sanayin ang aking sarili sa pag gamit sa kanya. Saglit ko lang din akong nakapag sanay gamit si Ace dahil sagyang nakakaubos ng lakas tuwing gagawa ako ng isanh skill. Umupo muna kami saglit sa ilalim ng isang puno at doon nag pahinga. Mahangi dito kaya naman nakaka presko sa pakiramdam. Balik na pala ulit ang mga estudyante ng paaralan. Katatapos lang ng klase namin kaya naman malaya akong nakakapag sanay kasama si Ace. "Nakalimutan ko sayong itanong, kung ano ang anime." Gulat akong napalingon sa kanya at napangiti. "Ang anime ay isang animated na palabas na nanggaling sa bansang hapon, naging sikat ang anime dahil sa magagandang storya na tinatalakay sa bawat anime, at syempre naging sikat din ito dahil sa mga magagandang babae at mga gwapong lalaki na nasa anime." Wika ko sa kanya. Para namang nangingintab ang kanyang mga mata dahil sa aking mga sinabi. "Talaga bang maganda manood nun?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at muling ngumiti. "Karamihan ng mga nanonood ng anime ay naaadik sa panonod dito at karaniwan sa mga adik dito ay kung hindi ginawang asawa ang mga character sa isang anime ay pinapangarap na makarating sa mundo na 'yon." Tugon ko sa kanyang tanong. Para namang lalo siyang namangha sa akin sinabi. Ngayon ko lang nakita ang side ni Ace na 'to dahil siguro sa wala siya maalala tungkol sa mundo ng mga tao. Minsan talaga ay nagiging palaisipan ang mga nakaraan ng mga guardian. Gusto ko sana malaman ang naging nakaraan nila pero hindi ko alam kung paano. Ilang saglit pa kaming umupo sa ilalim ng puno at nilasa ang sariwang hangin. Ibang klase rin ang hangin dito dahil walang polusyon at maraming puno. Sa mundo namin , makakalanghap ka lang ng sariwang hangin sa mga liblib na probinsya na bihira lang ang mga sasakyan. Sa lunsod kasi ay marumi na ang hangin dahil sa rami ng mga sasakyan at dahil sa mga pagpapatayo ng mga kalsada at mga gusali at bihira na lang ang mga puno. Dito sa paraiso ay punong-puno ang paligid ng mga puno at sobrang sariwa ng hangin. At dahil nga walang mga teknolohiya dito ay simple lang ang pamumuhay dito. Tunay nga maituturing ang lugar na ito na isang paraiso dahil makakapamuhay ka dito ng payapa kung pipiliin mo ang ganitong buhay. Pagkatapos ng ilang saglit ay napagpasyahan na namin na bumalik sa kanya-kanyang kwarto upang makakain at makapag pahinga. Dahil nga dumating sila Roldan, JM, Keina at Jehnny ay nag karoon ng konting pag babago sa mga kwarto. SI Jehnny ay may kwarto na sarili sa mismong paaralan dahil lahat ng guardian ay doon natutulog. Ako naman ay nalipat ng kwarto na kasama sila Roldan at JM dahil si Keina ang matutulog doon sa aking dating kwarto dahil ipinag- babawal na pag samahan ang magkasintahan sa iisang kwarto sa pag tulog. Nasa batas ito ng paaralan at dahil nga demonyo sila Roldan at Keina ay kailangan nila tanggalin ang mga nagpapakita na isa silang demonyo. Nilagay din sila JM, Roldan at Keina sa klase na kung saan tinuturuan ang mga mandirigma dahil doon ay mahahasa ang kanilang kaalaman sa pakikipag laban. Dahil may misyon si Jehnny nagabayan ako, pinalitan muna siya ng ibang taga-sundo. Pag dating ko sa aming kwarto nila Roldan at Jm ay agad ko silang nakitang nag hahanda ng pagkain. "Tamang-tama ang dating mo lot, nag luto ako para sa atin," Wika ni Roldan habang nag hahain ng kanyang mga niluto. Si JM naman ay nakapwesto na at nag hihinty matapos pag hain si Roldan. "Mukhang masasarap ang mga niluto mo, Roldan," Bulalas ko at saka umupo sa tabi ni JM. Pagkatapos ni ROldan mag hain ay nag simula na kaming kumain. Lahat ng mga niluto niya ay masasarap. "Nagustuhan mo ba lot?" Tanong sa akin ni Roldan, nilungon ko siya at tumango. "Sobra lot, kakaiba yung sarap." pag puri ko sa kanya, bahagya naman siyang mula dahil sa aking pagpuri. "Alam mo ba lot, na pinag aralan niya ang mga luto ng mga chef doon sa mansion nila Keina kaya naman sobrang sasarap ng mga pagkain na luto niya," buong pag mamalaking wika ni Jm sa sa akin habang ngumunguya. "Talaga ba?" manghang tanong ko kay Roldan, bahagya naman siyang tumango at muling namula. Muli akong sumubo ng pagkaing luto niya at nag thumbs up sa kanya. Nag patuloy kami sa pagkain habang nag aasaran. Sobrang sarap talaga ng luto ni Roldan kaya naman napaparami ang kain ko. "Oo nga pala mga Lot, na saan si Kiana, hindi niyo ba siya kasama?" lumingonn sa akin si Roldan at saka sumubo ng pagkain. "Nag paiwan siya sa mansyon dahil kailangan siya doon para patakbuhin ang negosyo nila,"tugon sa akin ni Roldan tumango-tango naman ako at muling sumubo ng pagkain. "Ah ganun," tumango rin naman si Roldan at muling bumalik sa pagkain. "Kamusta na ang mga pag sasanay niyo? Nararamdaman ko na malaki ang nadagdag sa mga lakas niyo," nakangiting wika ko sa kanila. Ngumiti naman ng malaki si JM. "Sobrang okay dahil magaling ang mga nag sanay sa amin," pag mamayabang ni JM. "Ikaw lot mukhang mas lalo ka pa lumakas," pang aasar ni Roldan at saka sumubo ng pagkain, bahagya naman akong napangit dahil sa sinabi niya. Hindi ko sigurado sa sarilli ko na talagang lumakas na ako dahil hindi ko pa nakokompleto ang mga hiyas ng Pentagram Crest. "Okay lang naman, at konti na lang ay makokompleto ko na ang mga hiyas ng pentagram Crest," tugon ko sa kanya at muling napatingin sa aking kamay, hindi kita ang crest dahil muli itong tinakpan ng espesyal na gloves. "Wah kang mag alala Lot , nandito kami para suporta sayo at sasamahan ka namin sa pag laban mo kay Taitus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD