Chapter 71

1204 Words
The Battle Part 1 . . Christian's Point of View Flashback... "Ikaw si Christian hindi ba?"  tanong sa akin ng isang batang lalaki na nasa pareho lang ng edad ko. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil nakakagulat lang may bata na lumapit sa akin. "Oo, bakit?" walang buhay kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya at inabot ang kanyang kamay sa akin. "Ako si Jm, pwede ba makipag kaibigan sa iyo?" Nagulat ako dahil may lakas loob na nakipag kaibigan sa akin "Hindi ka ba natatako sa akin?" takang tanong ko sa kanya, tiningnan niya naman ako ng medyo nag tataka at saka hinila ang isang upuan at tumabi siya sa akin sa pag upo. "Bakit naman ako matatakot sayo, aswang ka ba?" Inoseneng tanong niya sa akin, napabuntong hininga naman ako dahil sa kanyang tanong. "Nakakakita ako ng multo at nakakausap ko sila, in short weird ko di ba?" Tila naman nangintab ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Talaga ba? Ang cool mo naman!" Manghang sabi niya sa akin, nagulat ako dahil hindi niya ako pinagtawanan ng sabihing ko na nakikita ako ng multo. . "Roldan ito nga pala si Christian, nakakakita at nakakausap niya daw ang mga multo," pakilala sa akin ni JM sa isa pang batang lalaki na parang ka edad din namin. "Talaga?" mangha na wika nung bata sabay tingin sa akin. Tumango naman si JM bilang sagot at nilingon naman ako nung bata na nangingintab ang kanyang mga mata. "Ako nga pala si Roldan, kaya mo bang makita ang multo ng alaga kong aso na kakamatay lang?" napangiti naman ako dahil tulad ni JM ay hindi rin ako pinag tawanan ni Roldan dahil nga sa wierd ako. . Matagal na pala kaming mag kakaibigan pero heto pa rin kami at matatag na mag kasama kahit sa kabilang mundo. Halos matapos na kaming kumain ng aming hapunan ng may bigla kaming narinig na isang malakas na pag sabog at kasunod nito ay ang bahagyang pag yanig ng lupa. Bahagya kaming napatayo sa aming kinauipuan at humawak sa lamesa upang hindi kami matumba sa pag lindol. Sandali lang din ay tumigil ang pag lindol at tila nag kakagulo sa labas. "Anong nangyayari?" Nag tatakang tanong ni JM. "Hindi ko alam," tugon ko habang mag mamahid. Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid namin at niluwa nito si Jehnny. Natila pagod mula sa kanyang pagmamadali. "Inaatake tayo!" Hingal na wika ni Jehnny. Agad kaming napalabas ng kwarto at agad na tumungo sa may paaralan kung na saan umaatake ang mga alagad ni Taitus. Gumagawa na pala sila ng hakbang at uunahin nila ang paaralan. Pagdating namin sa may paaralan ang mga ibang guro ng paaralan ay nag-tutulong-tulong na para pabagsakin ang mga alagad ni Taitus. Sobrang dami nila kaya medyo nahihirapan ang mga guro na labanan silang lahat. Sinusubukan na rin ng mga estudyante na lumaban hangga't maaari. "Christ!" Tawag sa akin ni Ace, patakbo silang pumunta sa amin, kasama niya ang iba pang mga guardian. "Ace, mga kasama," napatingn din sila sa lugar kong saan nakikipag laban ang mga guro at estudyante sa mga  alagad. "Buti at nandito ka na,"  wika ni Freya. "Hindi namin inaasahan ang pag lusob nila dito," bulalas ni Akwa. Halata mo sa kanilang mukha ang gulat at takot dahil hindi sila handan sa ganitong pangyayari. "Jehnny," wika ko sabay hawak kanyang kamay, napatingin siya sa akon ngunit naging anyong armas na siya. Hindi ko pa pwedeng gamitin sila Ace At Freya bilang aking armas dahil hindi pa ako nakakapag sanay na gamitin sila kaya naman si Jehnny lang ang magagamit ko ngayon. Hindi ito ang oras para itago kung sino talaga ako sa mga estudyante ngayon kaya naman gagamitin ko ang aking buong lakas. "Angel's wings," Agad akong tumipad patungon sa lugar kung saan na gaganap ang mga labanan. Nais pa sana akong pigilan nila Ace, ngunit hindi ako nag papigil sa kanila at tumuloy pa rin ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay agad na may sumugos sa akin na lumilipad na maliit na demonyo na alagad ni Taitus. Dahil sa gulat ko ay hindi ko agad napansin ang pag sugod niya, buti na lang ay agad ko siyang nasalag gamit ang aking espada. Bahagya ko siyang napaatras kaya naman kinuha ko na ito bilang pag kakatao para atakihin siya. Sumugod ako sa kanya at itinarak sa kanya ang aking espada. Pansin ko na tahimik lang si Jehnny at hindi nag sasaliti. Hindi rin siya nag papakita sa talim ng espada. Siguro dahil ayaw niya akong abalahin. Nagulat na lang ako ng may biglang lumagpas sa akin na mga demonyo at patungo sila sa paaraan kung na saan ang mga estudyante na hindi kaya lumaban. Inilipat ko ang aking espada sa' aking kaliwang kamay at itinaas ang kanang kamay at tinapat ito sa deretsyon ng paaralan. Gagawa ako ng pa barrier na mag poprotekta sa paaralan. "Ice Barrier!" Sigaw ko at mula sa aking kamay tila hangin na lumalabas sa aking kamay ang yelo at nabubuo ito ng paunti-unti hanggang sa maging ito isang solid na yelo na hindi mababasag. Dahil gawa sa tranparent ICe ang Barrier ay hindi ito agad nakita ng mga papasugod na mga demonyo kaya naman isa-isa silang nauntog sa barrier. Napatingin ako sa mga tao na nasa paaralan at napangiti dahil ligtas na sila sa loob ng  barrier. Lumabas na rin sila Roldan at JM para hindi pasira ng mga demonyo ang barrier na nag poprotekta sa paaralan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Muli kong nilingon ang mga kalaban, sobrang dami nila. At alam ko na ang pag gamit ko lang kay Ace ang makakatalo sila Ng isang hiwaan lang pero ang kapalit nito ay ang pagkawalan ko ng malay ng ilang araw. " Ako bahala sa iyo mahal ko," wika ni Jehnny at saka siya bumalik sa kanyang tunay na anyo. "Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang wika ko sa kanya. Ngumiti lang ito at saka pumasok sa may crest. "Mula dito ay kaya kung makontrol ang enerheyang magagamit mo para hindi ito makuha lahat ng bato ng demonyo," wika ni Jehnny mula sa crest. "Hindi ka ba maaapektuhan?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. "Hindi naman gaano pero saka na natim isipin yon ang mahalaga ay maligtas muna natin ang buong paaralan." Tugon niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at saka itinaas ang aking kanang kamay sa ere. "Ace!" Tawag ko sa kanya. "Seryoso ka ba !?", Bulalas niya, napalingon ako sa kanya at tumango. "Ito na lang ang tanging paraan," wika  ko sabay ngiti ng mapait sa kanya. Wala na siyang nagawa kaya naman ipinikit niya ang kanyang mga mata at  saka tumungo sa aking kinalalagya sa anyo ng isang kulay lilang liwanag. Ilang saglit lang ay hawak ko na siya bilang isang armas. Muli kong nilingon ang mga kalaban at tila isang memorya ang biglang bumalik at sinasabi nito kung paano ko paalis ang mga kampon ni Taitus dito sa paaralan. Itinaas ko ang aking Sytche at huminga ng malalim. "Divine Jugdement!" Sigaw ko at saka iwinasiwas ang Sycthe at may isang malaking ilaw ang tumungo sa mga kalaban at isa-isa silang nawawala na parang bula sa tuwing madadaanan sila nito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD