Chapter 4

1773 Words
Panaginip . Christian's Point of View "Tian! Saan ka pupunta?" Habol na tanong sa akin nila Roldan at JM. Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang makasabay sila. "Bakit ka ba nag-mamadali? Para kang may hinahabol" Halos habulin na ni JM ang kanyang hiningang sabi. Nilingon ko silang dalawa habang patuloy sa pag-lalakad. " Mag-iimbestiga ako sa gym," tugon ko. " Gusto ko malaman kung sino salarin sa mga nawawalang panty ng mga cheeeleading squad." Nakita ko ang pag-pagkatinginan nila sa isa't- isa bago mapahinto sa pag lalakad. " Seryoso ka ba dyan lot?" Tanong ni Roldan nang muling makahabol sila sa  pag lalakad. Tumango ako at tumigil sa pag lalakad at hinarap sila. " Gusto ko malaman kung may multo ba talaga dito." Tugon ko na may halong pag ningning sa mga mata. Muli silang nag katinginan at ilang sandali lang ay humalagpak na sila ng tawa. " Nababaliw ka na lot," natatawang wika ni JM. " Pero mahal pa din naman dahil kaibigan mo kami." Pareho silang halos gumulong na sa sahig kakatawa. May halong pang pag hampas ang mga ito habang tumatawa. Napailing na lang ako saka muling nag lakad patungo sa gym. Naramdaman ko ang muling pag habol nila sa akin na patulog pa din sa pag tawa. Minsan nag tataka na talaga ako kung bakit naging kaibigan ko ang mga 'to. " Seryoso ka sa gagawin mo ?" Muling tanong ni Roldan sa akin. " Seryoso ako, saka hindi ba ikaw na din ang nag sabi na baka kagagawan yun ng multo?" Tugon ko sa kanya at sandali syang nilingon. " Oo nga't pero hindi ba sabi mo sakin na baka kagagawan lang yun ng mga kung sino Dyan loko-loko o manyak na mahilig sa puting panty nang mga babae." Napabuntong hininga ako dahil tama sya sa kanyang sinabi. Nasabi ko lang naman yun para iwasan ang usapang multo. " Hindi naman masamang mag-imbestiga hindi ba?" Wika ko at muling huminto sa pag lalakad. "Kung hindi man multo ang makita natin , eh di kahit yung salarin man lang ang mahanap natin hindi pa?" Pangungumbinsi ko sa kanila. Narinig ko ang pag- buntong hininga nila at pareho nila hinawakan ang aking mga balikat. " Pasalamat ka kaibigan ka namin." Wika ni Roldan at humarap sila sakin na Nakangiting. " Sasama kami sa pag-iimbestiga mo para na din mabanatan ko ang taong nasa likod ng pag kuha ng panty ni Sabrina ko." Tila nag-aapoy na si JM dahil sa galit. Si Sabrina ay madagal ng kasintahan ni JM at sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ngumiti ako sa kanilang dalawa bilang simbolo ng pasasalamat at parehong hinawakan ang kanila ng mga balikat. Tumango ako sa kanila hudyat ng pag anyaya sa kanila. " Tara na't hanapin ang salarin." Nakangiting wika ko at muling nag-lakad patungo sa gym. Kung multo man o tao ano man ang dahilan nya dapat lang syang mag paliwanag kung bakit nya ito ginagawa. . . " Baka mahuli tayo dito," nanginginig akong hinawakan ni JM sa balikat habang nakatago sa akong likuran. Hinarap ko sya at nilagay ang aking daliri sa aking labi at nag- hush. " Wag kayong maingay," wika ko. " Basta mag tiwala lang kayo, sigurado akong babalik ang salarin dito." Tumango naman silang dalawa at parehong nag takip ng bibig. Bumalik kami sa pag silip mula sa loon ng isang malaking locker at matiyagang nag hintay kung sino man ang dumating. Kasalukuyang nasa practice ang mga cheer leading squad kaya naman payapa kaming nakapasok sa loob ng locker room nila. "Baka tayo ang mapagkamalang nangunguha ng panty dito eh." Halos pabulong na wika ni JM. Sabay naman kami ni Roldan na nag-hush para patahimikin sya. " Just hush okay," Tugon ko at muling nag bantay. Halos tumagaktak na ang aming pawis sa loob ng locker dahil sa pagsisiksisan namin sa loob. Hindi pa sya dadating. Ang sabi nila araw-araw na nawawala ang mga panty ng mga babae dito sa locker kaya sigurado akong hindi mag papalampas ng kahit isang araw ang salarin na ito lalo pa't isang magandang red lace panty ang pinanpain namin na isinampay ko sa may sampayan sa loob ng locker room. "Saan mo pala nakuha yung panty na yun?" Halos bumulong na si Roldan sa pagsasalita. Muli kong tiningnan ang panty na Kasalukuyang nakasampay. Ngumiti ako ng makita ko ito. " Nakita ko lang sa isa sa mga locker ng mga babae," simpleng tugon ko at muling napangisi. Natatawa ako dahil may mga ganito pa lang babae sa unebersidad namin.  " Naiihi na ako, hindi pa ba tayo lalabas?" Nangingig na wika ni JM habang nakahawak sa kanyang ari, tagaktak na din ang kanyang malapot na pawis. "Pigilan mo muna, sigurado akong parating na yun," Hindi ko Inalis ang aking tingin sa aning pain. "Pano ka naman nakakasigurado?" Nahihirapang wika ni JM. Narinig ko pa syang bumulong na lalabas. "Basta pigilan mo muna." Rinig kong syang nag buntong hininga at muling tila bang nagdadasal ng kung anong ritwal. Ilang sandali pa kaming nag-hintay sa loob ng locker ngunit wala pa ding lumalabas. Hanggang patapos ang practice ng cheer leading squad. Tila din manahimik si JM dahil hindi ko na sya muling narinig na mag-reklamo na naiihi sya. Lalo pang dumami ang babae sa loob ng locker room na nag bibihis. Sh*t hindi ko gusto mag kasala pero biyaya na yata ang lumapit sa amin. Sumiksik sa unahan si JM para makasilip din sya sa mga butas. Buti na lang ay lagayan ng mga pang linis ang pinag tataguan namin kaya siguro akong hindi nila ito bubuksan dahil tanging mga janitor lang nag bubukas nito. "Ang se-sexy nila, hindi na ako nag tataka kung bakit sila  kasali sa cheer leading squad."  Nangingiting wika ni JM habang nakadungaw at papakagat-labi sa nakikita. Nag puputian at nag kikinis ang mga babae sa cheer leading squad ngunit karamihan sa kanila ay maiituring na mga kalapating mababa ang lipad. Nilingon ko si Roldan nang tanging kayang nobya lamang ang tinitingnan at pinag nanasahan. Kahit kaylan ay hindi ninais ni Roldan na sipingan ang nobya dahil nais nya muna na maikasal sila bago mangyari ito ngunit alam ko kung gaano sya kasabik na mangyari ito. Ilang sandali ng aming pamamalagi doon ay bigla kaming may naamoy na masangsang at nakakasulasok na amoy na nag mumula dito sa loob. "Ang baho naman, Ano yun?" Wika ni Roldan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naamoy. Napatigil naman si JM sa pag silip sa labas at ngumiti ng pilit at pareho kaming nilingon ni Roldan. "Pasyensya na mga Lot, Hindi ko talaga mapigilan eh." Pilit na ngiting tugon ni JM habang nag kakamot ng kanyang batok. Agad namin syang inambahan ni Roldan na naging resulta ng pag bukas ng pinto ng locker at pag tumba namin patungo palabas ng locker. "Kadiri ka kahit kaylan, bakit doon ka umihi sa loob." Wika ko sabay pabiro syang sinakal sa leeg. "Sorry na nga eh, ihing-ihi na kasi talaga ako," pilit nya kaming itinutulak ni Roldan palayo sa kanya. Hanggang na nag pagulong-gulong na kami sa may sahig. Napatigil kami ng may bigla tumikhim. Nilingon namin ang mga babaeng takot na nakatingin sa amin at iba naman ay halos nag aapoy na sa galit. "Hi girls?" Nahihiyang wika ni JM at kumaway pa ito sa kanila. "Umalis kayo dito!" Halos lumabas na ang ugat sa ulo ng kanilang captain dahil sa galit. Agad kaming napatayo at nag umpisang tumakbo palabas nang mag-simula sila mag sisigaw at mag bato ng kung anu-anong gamit na madampot nila. Hingal kaming napatigil sa isang malaking puno dito samin campus. Ang Farewell University ay isang pribadong eskwelahan kaya may roon itong malawak na lupain na pweding libutin kung may oras, marami ditong puno kaya sobrang sariwa ang hangin dito. "Ano bang problema ng mga babaeng yun?, samantalang halos gabi-gabi o araw-araw silang nag huhubad sa harapan ng kung sino-sinong lalaki." Halos habulin na ni JM ang kanyang hininga kaya naman nahihirapan na syang mag salita ng maayos. " Minsan hindi mo talaga maiintindihan ang takbo ng utak ng mga babae," Tinapik ni Roldan ang balikat ni JM habang nag hahabol ng hininga. Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos. "Sayang lang at hindi natin nahuli ang salarin sa mga pag kuha ng mga panty." Wika ko na hindi pa din naaayos ang pag hinga. "Baka tayo pa nga ang mayari dahil sa nangyari, ayan pa din ang iniisip mo ." Umupo si JM sa ilalim ng puno at sumandal rito. " Okay lang yun pwede naman nating gawing alay si Christian, kay Sir Soriano." Natatawang tugon ni Roldan saka tumabi kay JM sa pag upo sa ilalim ng puno. "Anong alay?" Tanong ko saka umupo sa harapan nila. "Ano na namang pinag-sasabi nyo?" Nag-injan sit ako at saka nag cross-arm. Nilingon ko silang dalawa na naka- ngisi na tila bang asong ulul. " Hindi ba type ka ni Sir Soriano?" Wika ni JM. " Laging naka-habol tingin yun sayo tuwing madadaanan mo sya." Nag-taas baba naman ang kilay ni JM habang nakakalokong nakatingin sa akin.  Napailing na lang ako dahil sa naisip na kalokohan nilang dalawa. Si Sir Soriano ay ang gurong naka-aasign sa guidance office at sya ang mga nag didisiplina sa mga pasawag na esdyante ng mga unebersidad namin. Kilala sya bilang magaling na guro ngunit istrikto pero poging lalaki lang ang kahinaan kaya naman maraming nakakalusot sa kalokohan nila. Dahil nag karoon na sya ng warning ay hindi na muli itong nag pa apekto sa mga pag-aalay ng mga poging estudyante sa kanya dahil maaari na syang matanggal sa kanyang trabaho. "Tigilan mo ako JM, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kanina." Wika ko saka sinamaan sya ng tingin. Natawa na lamang sya at nag kamot ulo. Pareho na lang kami napailing ni Roldan saka sya binatukan. Ang dami talaga nyang kalokohan sa buhay. Sandali akong napatigil sa pag tawa dahil muli akong napaisip tungkol sa pangunguha ng panty sa locker room ng mga babae. Siguro nga't multo ang may pakana rito dahil mukhang naramdaman nya na may nag babatay sa kanya kaya hindi sya nag pakita o nag paramdam man samin. " May problema ba lot?" Nag aalalang tanong ni Roldan sa akin. Napangiti na lang ako ng pilit at nilingon sila. " Nag-iisip na ako ng idadahilan pag pinatawag tayo sa guidance office." Panandalian din silang napatigil at na paisip na din. " Si JM talaga ang dahilan kaya tayo nahuli." Muli kong sinamaan sya ng tingin at inambahan sya para daganan at gayon din si Roldan. Hanggang sa muli kaming mag pagulong-gulong sa lapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD