Chapter 3

1753 Words
Ang Rebelasyon ni Jehnny . Third person's Point of View " Ba-bakit ka lumulutang?" Nangingig na Wika ni Christian. Kahit may kalungkutan sa mukha pilit na ngumiti si Jehnny at hinarap si Christian. "Isa akong Multo..." Bakas sa batang lalaki ang takot na kanyang nararamdaman ngunit sa kanyang loob ay may nag sasabi sa kanyang wag matakot. Huminga ng malalim ang paslit at muling nilingon si Jehnny. Nakatitig lamang ito sa kanya at nag hihintay sa kanyang kasagutan. Marahil batang paslit pa lamang si Christian ngunit alam ni Jehnny na malawak ang pag unawa nito. Si Christian ay hindi pang karaniwang bata lamang , meron itong mataas na intellectual quantity o IQ, kaya't marahil ang kanyang kilos ay higit sa kanyang edad. Ayaw lamang ito ipaalam ng kanyang mga magulang dahil sa isang kadahilanan kaya naman namumuhay lamang si Christian na tila isang normal na bata.  "I-isa ka-kang mu-multo?" Nangingig na wika ni Christian. Marahan na tumango si Jehnny a unti-unting bumaba sa luma. " Ikaw lamang ang tanging nakakakita sakin," wika ni Jehnny na pilit na ngumiti "kaya't sobrang saya ko na dumating ka" Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang paslit sa kanyang nalaman. Inilahad ng bata ang kamay nya sa tapat ni Jehnny na tila bang hinihingi ang kamay nito. Napatingin si Jehnny sa kamay ng bata at nag tatakang tiningnan ito. Ngunit tango lamang ang naibigay nitong sagot. Kahit nag aalangan iniabot ni Jehnny ang kanyang kamay at sa pag dampi ng kanyang palad may isang puting liwanag ang sumilaw sa kanila ng dalawa. Sandali silang napunta sa mundo ng liwanag at tinangay sila patungo sa kalawakan. At sa isang kisap ay binalik sila sa Kasalukuyan. Sandali silang nag katitigan. Tumingin sila sa kanila ng kamay at dito ay lumitaw ang isang tatak na hugis bituin. "Lumitaw na ang iyong tunay na kapangyarihan" Wika ni Jehnny , Nilingon ni Christian ang batang babae at nag tataka sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Christian at tiningnan ang tatak sa kanyang  kamay. "Ito ang iyong tadhana, tadhana mong iligtas ang mga multong katulad ko Christian" Tila nawindang ang buong mundo ni Christian ng marinig ang mga sinabi ni Jehnny sa kanya. "Na-nag bibiro ka lang hindi ba Jehnny?" Hugot hiningang wika ni Christian, at nag hihintay sa sasabihin ni Jehnny. Umiling ito at hinawakan ang kamay nyang may tatak. "Hindi ka dapat matakot dahil alam mo sa sarili mo, na kakaiba ka at ikaw ang tinakda" Nakangiting wika ni Jehnny. Muli nyan tiningnan ang tatak ng bituin sa kanyang kamay. Muli itong nag liwanag at nawalan sya ng malay. Christian's Point of View Minulat ko ang aking mata at bumungag sakin ang isang kwarto na maayos ang pag kakahanay ng mga gamit. 'Napanaginapan ko na naman sya'  itinaas ko ang aking kamay na may tatak na bituin at sinipat ito. Hindi ko pa din alam kung ano ang nagagawa nito. Sampung taon na din ang nakalipas ngunit tila wala ng multo ang nag papa kita sakin. 'Nakakapag taka' Bumangon na ako sa aking higaan at sinipat ang akong hubad na katawan. Naka-boxer lang pala ako.  Tumayo ako sa aking higaan at nag unat ng katawan. Nakakamiss bumalik sa probinsya. Matagal na rin ng makapunta ako sa bahay ni Lola. Ngunit tuwing dadalaw ako doon hindi ko nakikita si Jehnny. Hindi man lang sya nag paramdam tuwing dadalaw ako, lagi ko pa namang inaasahan na nandoon sya tuwing uuwi ako sa probensya. Nakakapag taka lang talaga dahil Simula na matagpuan ako nila Mama sa ilalim ng malaking puno na walang malay, hindi ko na muling nakita si Jehnny. Muli akong nag hintay sa parehong lugar kung saan kami nag lalaro ngunit ang lagi ko lang nakikita ay ang ligaw na bulaklak na nakalapag sa ilalim ng malaking puno. Noong huling dalaw ko naman ay wala ng nakapag dito. Na saan na kaya si Jehnny? Mukhang malungkot na naman siguro sya dahil wala na syang kalaro. Nag Simula na akong naligo at nag bihis ng uniform. Bumaba na ako sa hapag kainan para kumain kasama sila Mama at Papa. "Good morning nak" Masayang bati sakin ni Mama. Umupo ako sa aking silya at nag simulang mag sandok ng sinangag at ulam. "Good morning Ma, Pa" Tumango lamang si Papa habang nag babasa sya ng dyaryo at humihigop ng kape. Tahimik lang kaming kumakain dahil ayaw ni Papa na maingay habang kumakain. Napapaisip pa din ako kung anong meron sa tatak na nasa kamay, dahil wala man lang sinabi sila Mama ng makita ang tatak ko. Manatili lang silang Tahimik at agaran akong dinala pabalik sa Maynila. Nag-hire sila mama ng caregiver na mag aalaga kay Lola. Sinabi ko kanila mama na doon na lang ako mag aaral para may kasama si Lola, pero hindi sila pumayag dahil hindi daw ako pwede mag tagal dun habang wala pa ako sa edad na Dise-otso. Ano ako babae ? Hihintayin maging 18 para maging Malaya? Nag kibit balikan na lang ako at sumunod sa kanila dahil mag kakagulo lang pag nag kataon. Tiningnan ko ang orasan upang tingnan kung anong oras na. Binilasan ko ang pag kain ng pakita kong malapit na akong ma-late saking klase. "Dahan-dahan sa pag-kain anak" Nag-aalalang wika ni Mama, Hindi ako nakinig sa kanya dahil gusto ko talaga maubos ang akong pag-kain sa tamang oras dahil malapit na akong ma-late. Pag katapos kong kumain agad akong uminom ng tubig at juice at tumango sa sakayan ng jeep. Agad naman akong nakasakay at nakahinga ng maluwag. "Kuya bayag po, estudyante" wika ko, sabay abot ng bayad sa driver ng Jeep. Payapa ang aking naging byahe. Maliban na lang noong malapit na akong bumaba may baklang pilit akong hinihigit at nag papakilala sakin. Buti na lang ay nakababa na ako kaya nakahinga ako ng maluwag.  Nag lakad na ako patungo sa campus, isa na akong senior high grade 11, Information, Communication Technology ( ICT) and strand ko Kasalukuyan na kaming nasa second quarter ng first semester. "Tian!" Napalingon ako sa dereksyon ng tumawag sakin. Kumaway ako sa kanila at patakbo silang lumapit sakin. "JM and Roldan"  Tawag ko sa kanila. Silang dalawa lang natatangi kong kaibigan dito sa school. Inakbayan ako ni JM at saka kami nag patuloy sa pag lalakad. " Nabalitaan nyo na ba yung nangyari sa gym kahapon?" Wika ni Roldan, Nilingon namin sya ni JM. "Yung may nag paramdam daw bang multo?" Tanong ni JM, tumango naman ako bilang pag sangyon sa sinabi ni JM. "Oo at ang sabi pa daw nila yung multo ang dahilan sa mga pagkawala ng mga panty ng mga babae ng cheer leading squad." Dugtong ni Roldan, ang manyak namang multo yun, anong gagawin nyan dun? Isusuot nya? "Baka naman kung Sinong manyak na estudyante lang yun?" Tugon ko sa sinabi ni Roldan, hindi ko pwedeng sabihin na naniniwala ako sa sinasabi nyan baka pag hinalaan nila ako. "Pwede rin tama ka" Pag sang ayon ni JM sa aking sinabi. Napaisip naman si Roldan dahil tila ba nag bago ang umpinyun nya sa aking sinabi. "Basta Ako buhay" Wika ni Roldan at nauna ng pag lakad papuntang class room namin. Tampo na naman ang loko.  Pag kadating sa Room agad akong umupo sa aking upuan, katabi ko lang ang dalawa kong mga kaibigan. Napapagitnaan nila akong dalawa nasa likuran ang aming upuan nasa bintana si Roldan at Ako ang katabi nya at sa kabila ko naman ay si JM. Isinukbit ko ang aking bag sa aking upuan at nag lumbaba sa lamesa. Nilingon ko si Roldan na nakatulala lang sa bintana, Napa kamatampuhin talaga nito. Mamaya lang din ay mag iingay na muli yan. "Ano pala balak mo sa birthday mo Tian?" Bungad na tanong ni JM at pumunta sa unahan ng akong lamesa. Oo nga pala sa susunod na buwan na yun. "Hindi ko pa alam eh" Sagot ko sa kanya, saka naman ako napaisip dahil halos nakalimutan ko na malapit na ang aking kaarawan dahil halos gabi-gabi ko napapanaginipan ang Tungkol sa tatak ko sa kamay. "Magpa-party tayo sa inyo Tian" Masigla sasaw ni Roldan, sabi na nga ba at mahihimasmasan din ito. " Tapos ibitahin natin yung mga chicks dito sa campus lalo na yun mga nag hahabol sayo" Dagdag ni JM, napangiwi na lang akong dahil sa sinabi nila. Puro talaga sila babae. Buti ako mabait na nilalang. "Hindi ko alam kung papayag si Mama na magpa-party ako, sa bahay" Tugon ko sa kanila ng dalawa, ayaw ni Mama na magulo ang bahay namin. "Eh kung sa resort namin tayo magpa-party?" Wika ni JM, "Pero sagot mo ang bayad" Napalingon ako kay Roldan dahil akala ko talaga ay makakalibre ako ng venue. Wag na kayong mag taka dahil galing kaming tatlo sa may kayang pamilya. Ay mali pala, ako may kaya, silang dalawa mayaman, ako slight lang. " May pupunta kaya?" Tanong ko sa kanila, nag katinginan naman silang dalawa at biglang gumawa. May nakakatawa ba? " Sa birthday mo walang pupunta? " Sabay nilang sabi at muling tumawa. "Ano ka ba pre? Ikaw si Christian Chua, ang isa sa mga pinaka- hot at pinaka-poging lalaki dito sa campus" Birong sabi ni Roldan habang nakaturo sa akin. " Tigilan nyo ako sa kalokohan nyo" Sabi ko sa kanila at Sinamaan sila ng tingin. Muli lang silang tumawa ng malakas. Hinayaan ko lang sila maging baliw dahil sadyan na silang ganun. " Wag mo kaming lokohin Tian," Natatawa ang wika ni Roldan, "Tumingin ka nga sa Labas hindi mag kanda mayaw ang mga babae sa ibang strand at section makita ka lang" Dugtong nya sabay turo sa labas ng room namin. Ang daming mga babae sa labas ng room namin na pilot pinapalis ng iba naming mga kaklase ngunit ayaw nilang umalis. Nakalimutan ko kung gaano ako kasikat sa buong campus. "Nakalimutan ko na ang Tungkol sa kanila" Wika ko sabay kamot sa aking batok. Ano bang nangyayari sakin at nagiging makakalimutin ako. Lalo pang lumakas ang tawa ng dalawang sira ang ulo. Napabuntong hininga na lamang ako. Ilang sandali lang ay tumunog na ang bell ,hugyat na magsisimula na ang klase. Rinig ko ang pagkadismaya ng mga babae sa labas at agad na nagsibalikan sa kanila mga silid-aralan. Sa kalagitnaan ng klase ay muli akong napaisip ukol sa tatak na bituin sa aking kamay. Muli ko itong sinipat at Umasa na may mangyayari dito ngunit wala akong napala sa kakahintay na muli itong umilaw. 'Ano bang meron sayo?, ano ba ang tadhana ko na nakasalalay sayo?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD