Chapter 24

2049 Words
Dyamanteng Bato ng Demonyon . Christian's Point Of View "Maraming salamat sa pag papagaling mo sa kapatid ko Christ, utang na loob ko ito sayo." Masayang wika ni Kiena sa aking ngumiti lang ako at nilingon si Kiana. "Walang anuman yun." Wika ko habang pinag mamasdan si Kiana na masayng tumatakbo sa harden. " Pwede na yata ito bilang kabayaran sa pagpapagaling mo sa aking kapatid." Muli akong napalingon kay Keina, Nilagay ni Keina ang aking kamay sa kanyang dibdib na ikinagulat ko. "Te-teka Keina---" Pinikit ni Keina ang kanyang mga mata at biglang may umilaw sa kanyang dibdib. Kinuha ko ang aking kamay at meron na itong dyamente. Napalingon ako kay Keina at ngumiti ito sa akin. Naguguluhan ko siya tiningnan dahil bato ito ng demonyo ang dyamanteng hawak ko. "Ayan ang bato sa noo ng dati kong asawa, wala talaga akong balak ihiwalay sa akin ngunit alam kong mas kaylangan mo yan kesa sa akin." Tiningnan ko ang dyamanteng nasa aking kamay. Napangiti ako sa tuwa dahil dito. Muli kong nilingon si Keina at hindi pa din makapaniwala. "Ang ibig sabihin hindi ko kaylangang pumatay ng demonyo?" Masayang tanong ko sa kanya. Tumango naman ito saka muling ngumiti. "Napag isip - isip ko na hindi pala solusyon ang pag patay para maayos ang isang problema." Wika ni Keina at masayang pinag masdan ang kanyang kapatid na masayang nakikipag habulan kay Jehnny. Ngumiti lang ako at saka muling tiningnan ang hawak kung bato. "Pano ko pala ito gagamitin?" Tanong ko sa kanya na hindi siya nililingon. Muling hinawakan ni Keina ang aking kamay na may hawak na dyamante at tinaas ito katapat ng aking dibdib. Lumapit naman ang mga kasamahan namin na manghang nakatingin sa dyamanteng hawak ko. "Hindi mo ito basta-basta magagamit sa iyo dahil meron kang kapangyarihan ng anghel kaya maaaring maging masakit ang pag tanggap ng katawan mo dito," Paliwanag ni Keina sa akin habang pareho kaming nakatingin sa may dyamante. "Hindi lang ikaw ang maaaring mapahamak sa pag tanggap nito, dahil konektado kayong dalawa ni Jehnny, maaari din siya masaktan." Bigla akong napatingin kay Jehnny at seryoso itong nakikinig sa sinasabi ni Keina sa amin.  Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Keina hindi ko alam kung gaanong sakit ang sinasabi niya ngunit makikita sa kanyang mukha na sobra itong kasakit. " Ginawa na ba ito ni Lolo noon?" Umiling si Keina, at muli akong tiningnan. " Dumating ang lolo mo dito na may likas na sagana sa mana ang kanyang katawan kaya naman hindi niya ito kinailangan." Wika niya sa akin na labis kong pinag taka. Anong ibig nila sabihin. " May mga sumubok na mga anghel ang gumamit ng bato ng mga demonyo ngunit hindi sila nag tagupay, bagkos ay bigla silang nag laho na parang bola." Napalingon ako kay Jehnny ng bigla niyang baguhin ang usapan. Bigla naman akong nag karoon ng hinala dahil sa ginawa niya. May itinatago ba siya sa akin tungkol kay Lolo? Hindi naman nag bago ang reaksyon niya dahil seryoso pa din ito. Muling kong binalik ang tingin ko sa aking kamay at doon sa batong hawak ko. Bigla na lang akong napalunok ng aking laway dahil sa kaba. Bakit hindi nila agad sinabi sa aking ang tungkol dun? Kung ganun pala ang mangyayari dapat hindi na nila sinabi pa sa akin dahil mukha hindi ko din naman magagawang gamitin ang batong yun. Pero kaylangan ko yun bato dahil ayun ang mag papalakas sa akin at mag papadagdag sa taglay kong Mana. Sandali ko pang tiningnan ang batong hawak ko, kumikinang ito dahil sa sinag ng araw dito sa labas na wala pang itong nag kaakit-akit tingnan. Muli kong nilingon si Jehnny na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Nag pagkit ang aming mga mata sa isa't- isa na tila nag uusap gamit lang ang mga ito. Tinitingnan ako ni Jehnny na para bang sinasabi na nasa akin ang desisyon. Dapat akong pumili ng tamang desisyon dahil sa akin nakasalalay ang buhay naming dalawa ni Jehnny. Pero teka hindi ba't isa nang multo si Jehnny? Pero pwede pa din siyang mag laho kung hindi ko kakayanin ang epekto ng bato ng demonyo. Napalunok na lang muli ako ng aking laway. Mauubusan yata ako ng laway nito dahil sa kakalunok. Lahat sila ay hinihintay ang aking sagot. Napabuntong hininga ako ng malalim. Tiningnan ko sila isa-isa nag baka sakaling makahanap ako ng sagot sa kanilang mga mukha. Hanggang sa mapatingin ako sa mukha ni Kiana at naalala ko ang bago kong kakayahan na Angel's Halo. Muli kong nilingon si Jehnny at ngumiti. "Jehnny?" Tawag ko sa kanya. "Bakit?" Sagot niya sa akin. "Hindi ba't kayang gamutin kahit ano ng Angel's Halo?" Tanong ko sa kanya. Lahat ng mga kasama namin ay napatingin sa kanya. Bigla naman siyang napa-isip sa tanong ko. Nakatitig lang kami sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot. Tiningnan niya ako at saka tumango napangiti ako muli at kinuha ang aking kamay na hawak ni Keina. "Anong balak mo Christian?" Tanong ni JM sa akin. Nilingon ko si Keina saka nilahad ang aking kamay. "Susubukan kong gamitin ang Angel's Halo habang nilalagay ni Keina ang bato ng demonyo sa akin. " Wika ko sa kanila habang isa-isa silang tinitingnan. "Sigurado ka bang gagana yang naisip mo?" Lumingon ako kay Roldan at umiling. "Walang kasiguraduhan ang gagawin ko pero may tansya namang gagana ang naisip ko," Wika ko at muling tiningnan ang bato sa aking kamay. " Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan." Dugtong ko. Nabalot ng pag-aalala ang kanilang mga mukha dahil sa aking sinabi. Alam ko namang delikado ang naisip ko pero ito lang naman kasi ang paraan. "Kung buo na ang desisyon mo, susuportahan ka namin at mag hahanda sa pwedeng mangyari." Wika ni Keina at kinuha ang bato sa akin. Ngumiti naman ako at saka tumango sa kanila. Napagdesisyonan naming tumungo sa isang silid kung saan pwede ganapin ang pag lalagay ng bato sa aking katawan. Sobrang laki talaga nitong mansyon nila dahil nandito na lahat para na nga yata itong mall sa sobrang laki. Meron din ditong swimming pool na kasing laki ng sa resort nila JM. Meron ding library na kasing laki ng school building namin. Ang mas hindi kapani-paniwala dito ay meron silang silid na puro damit lang ang laman. Sabi ni Kiana ay pwede kaming mamili dito kung gugustuhin namin. Sana talaga gumana ang naisip ko para naman magawa pa naming makapamasyal dito sa mansyon nila. Nakarating kasi sa isang mahabang pasilyo na may mga rebolto na nakatayo, naiilawan lamang ito ng mga sulo kaya parang horror ang dating ng paligid. Sa dulo ng pasilyo ay may isang malaking pinto na may naka inprintang mga gorgon snakes. Tinapak ni Kiana ang kanyang mga kamay sa tapat ng pinto at bigla itong nag bukas. Pag bukas ng pinto ay tumambad sa aming at kulay gintong kwarto na sobrang kumikinang maliwanag dito at sobrang ganda at tanging laman nito ay isang tila lawa sa pinaka gitnang bahagi ng kwarto at ang tubig dito ay kulay dugo. May platform sa gitna nito at doon namin gaganapin ang pag lalagay ng bato. Pumasok na si Jehnny sa akin Crest upang mag handa. Ginami ko naman ang Angel's wings para makarating sa gitna ng lawa. Si Keina naman ay ginamit din ang kanyang pakpak upang makarating sa doon. Ang iba naman naming mga kasamahan ay nag hintay sa tapat ng lawa at nanatiling tahimik habang nanonoood sa amin. "Simulan na natin?" Tanong ni Keina sa akin. Nag buntong hininga ako at saka tumango. "Angel's Halo." Sambit ko at saka lumitawa sa aking ulunan ang isang Halo na tulad ng kay Kaina kanina. Tinanguan ko si Keina hugyat upang. Ilagay niya na ang bato. Itinapat niya ito sa aking noo at unti- unti itong dinampi sa aking balak. Sa pag dapi pa lamang ay nakaramdam ako ng tila kuryente kaya naman agad akong napapikit ng mariin. "Sabihin mo lang kung ititigil ko." Paalala ni Keina sa akin. Bahagya akong umiling at muling nag buntong hininga. "Ituloy mo lang Keina, Wag lang titigil hanggang sa maipasok mo na ang bato." Wika ko na hindi dinidilat ang aking mga mata. Tinuloy ni Keina ang pag pasok ng bato sa aking noo. Habang unti-unti pinapasok ni Keina ito ay naririnig ko ang pag daing ni Jehnny. Kaylangan kong bawasan ang sakit na nararamdam niya. Nilabas ko ang aking Mana armor at mas pinalakas pa ang bisa ng Angel's Halo. "CH-Christian, Wag mong pilitin ang sarili mo." Kahit nahihirapan ay pinilit ni Jehnny na kausapin ako mula sa aking isipan. Umiling ako at pilit ngumiti. "Kaya ko 'to, kaya natin 'to." Lalo pang sumakit ang aking sakit na nararamdam ng halos maipasok na ni Keina ang bato sa akin. Pinipilit kong hindi bumagsak ang aking katawan upang hindi din mahirapan si Keina. "Konting tiis na lang Christ , Jehn, malapit na 'to, konti na lang pakiusap mag pakatatag kayo." Wika ni Keina na tila nahihirapan din sa pag papasok ng bato dahil nga tila hindi ito tinatanggap ng aking katawan dahil galing sa anghel ang aking kapangyarihan. Mas Lalo ko pang pinalakas ang bisa ng Angel's Halo upang medyo mabawasan ang sakit na aking nararamdaman. Medyo nabawasan nga ito ngunit sobrang sakit pa din ng aking nararamdaman na sakit. Hindi ko na din gaano na ririnig si Jehnny na dumadaing dahil siguro natalab na sa kanya ang bisa ng Angel's Halo o sadyang hindi niya lang ito pinaparinig o pinapadaam sa akin para hindi ako masyadong mag alala sa kanya. Halos isigaw ko na ang buong pagka tao ko dahil sa sakit na aking nararamdam. Mula ulo hanggang paa ay para akong sinasaksak sa sakit. Gusto na bumagsak ng aking mga paa ngunit pinipilit kong manstiling nakatayo. Hindi ko na din maidilat ang aking mga mata at napapapikit ako ng pariin. Parang bibigay na ang buong katawan ko dahil sa sakit. Ganito pala ito kasakit. Para kang pinapatay paunti-unti na mas gugustuhin mo na lang talagang mamatay dahil sa nararamdaman mo. "Christian, Jehnny kaya niyo yan." Tila sandali nawala ang sakit ng marinig ko ang aking mga kaibigan na sumisigaw at pinapagaan ang loob namin. Napangit ko dahil dito. Hindi dapat kami sumuko dahil kaylangan kong lumakas. Kaylangan kong lagpasan ito para matalo si Taitus at maligtas ang dalawang mundo sa mga kamay niya. Kakayanin ko kahit anong sakit kung kapalit naman nito ay mapag higante ko si Lolo at maligtas ang mga kaibigan ko. Kakayanin ko ang kahit anong sakit kung kapalit nito ay ang kaligayahan ng lahat ng nilalang sa dalawang mundo. Dapat ko itong kayanin... Hindi kakayanin ko ito dahil nakasalalay sa aking ang kinabukasan ng lahat ng nilalang sa dalawang mundo at sa iba pang mundo na nag eexist dito sa universe na ito. Binuhos ko ang buo kung lakas upang mas palakasin ang Angel's Halo, ramdam ko ang lalo pang pag init nito na dumadaloy sa aking katawan. Ramdam ko ang mga pag aalala nila sa akin at alam kong umaasa sila na makakaya ko ito. "Pakiusap Mahal ko hindi mo dapat pilitin ang sarili mo, baka ikamatay mo yan." Muling wika ni Jehnny sa aking isipan mukhang hindi na siya masyadong mahihirapan na isang magandang bagay dahil wala na akog poproblemahin kundi ang aking sarili. Halos habulin ko na aking hininga dahil maraming lakas na ang aking nauubos pero masusuklian na naman ito dahil konti na lang ay maipapasok na ang bato sa aking katawan. Nang maipasok na ang kabuuhan ng bato ay mas nakaramdam ko ng sobrang ssakit sa aking buong katawan. Pakiramdam ko ay humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan at aking ulo ay tila binibiyak. Napahawak ako sa aking ulo at naitulak ko palayo si Keina sa akin. "Christ." Rinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya makita dahi nandidilim na din ang aking paningin. Ramdam ko pa din ang init na nanggagaling sa Angel's halo ngunit tila hindi na ito tumatalab. Unti-unti nang bumibigay ang aking katawan dahil sa sakit hanggang sa tila narinig ko ang huling pintig ng aking puso at naramdaman ko na lang ang aking unti-unting pag bagsak, naririnig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko at pag katapos nun at naging madilim na ang lahat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD