Chapter 23

3067 Words
The Prank . . Christian's Point of View "Maligayang pag dating ang aking mahal na mga kaibagan," Kilala ko ang boses na yun. Mula sa dilim ay biglang may lumabas na isang lalaki. Nakaupo ito sa trono. Naka de-kwatro ang kanyang mga binti ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang palad. Nakasuot ito ng magarang damit na parang hari. Kita din ang pag ngisi nito kahit na may kadiliman ang kwarto. Bigla muling sumakit ang aking ulo at lalo pang lumala ang aking pag kahilo. " Mukhang dumatalab na ang lason." Lalo pang lumaki ang ngisi nito. Bigla akong napatingin sa deretso nila JM at Keina ng makita ko ang pag bagsak nila. Lason? Saan galing yun? Bigla ko namang naalala ang ininom namin kanina. Mukha galing yun dun. Nag sisimula nang manlabo ang aking paningin dahil sa sobrang pag kahilo. Napaluhod ako at napakalang ang aking mga kamay. Pilit kong inaaninag sa dilim ang imahe ng lalaking may gawa nito sa amin. Bago ako tuluyang bumagsak sa sahig ay nakita ko ang kanyang mga ngisi na tila iba siyang tao.  Kahit nahihirapan na akong dumilat ay pinilit kong  ibangon ang aking ulo at tingalain si Roldan. " Natutuwa ako sayo Christ dahil hanggang ngayon ay nakakaya mo ba din labanan ang lason sa iyong katawan." Hinablot niya ang aking buhok at inangat ako upang maging kapatay ang kanyang mukha. "Ba-bakit Ro-Roldan? Ba-bakit m-m-mo 'to gina-ga-wa?" Halos hugutin ko na ang aking buong lakas dahil sobrang nanghihina na ako. Nginisian lamang ako ni Roldan at lalong hinigit ang aking buhok dahil dito ay hindi ko mapigilang mapadaing sa sakit na nararamdaman ko. "Pinamulat lang naman sa akin ng mga demonyo kung sino talaga ang tunay na ako." Nangingising wika ni Roldan at pilit akong pinatayo. "A-anong tunay na ikaw?" Bakit ba ang mga nilalang dito sa hindi derekta ng kung mag salita? At mukhang nahawa na din yata si Roldan sa kanila. "Noong napunta ako dito, nalaman ko na mula pala ako sa angkang ng mga demonyo, My Mom is also a succubus." Wika nito. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko akalain na may kaibigan pala akong tunay na demonyo. Hindi ko na magawang sumagot pa kay Roldan dahil sadyang nanghihina na ako at bumibigat na ang pakiramdam ko. Ito na ba ang katapusan namin? Hindi ko man lang napag higanti si Lolo. Marahan akong binitawan ni Roldan na aking ipinag taka. Akala ko ay marahas niya akong bibitawan upang tuluyan na akong malagutan ng hininga ngunit tila maingat niya pa akong pinahiga. Nandidilim na ang aking paningin ngunit bago ito ay narinig kong nag wika si Roldan ng: ",Oras na para mag pahinga ka muna Lot." . Sa pag mulat ng aking mga mata ay mga tawanan ang agad kong narinig. Patay na ba ako? Ang lambot ng hinihigaan ko para bang nakahiga ako sa ulap. Nasa langit na yata ako. Pinaling ko ang aking ulo sa aking gilid at doon ko nakita si JM na nakangiti at tumatawa. Nandito rin pala siya sa langit. "Gising ka na pala Lot," Wika ng isang pamilyar na boses. Kaya naman napabangon ako sa aking hinihigaan at doon ko napag tanto na pati sila Keina at Jehnny ay nandito rin. Teka ano bang nangyayari? " Alam ko Lot na naguguluhan ka ngayon, Let me tell you a story of mine." Umupo si Roldan sa hinihigaan kong kanina na kama. "Anong ginawa mo sa amin?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at pinaalis sila JM palabas ng kwarto. "Teka saan kayo pupunta? Wag niyo akong iiwan dito, Jehnny!" Kumaway lang si Jehnny sa akin at ngumiti bago lumabas sa kwarto at isara ang pinto. Napalingon ako sa dereksyon ni Roldan nang marinig ko siyang humalakhak. Tiningnan ko lang siya ng may halong kaba. "Sobrang nakakatawa talaga ng itsura mo Christ," Halos mamatay na si Roldan sa kakatawa. Napahiga na nga siya sa kama sa kakatawa habang hawak ang kanyang  tiyan. Tiningnan ko lang siya na may halong pagtataka dahil sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ba't nawalan ako, kami ng malay dahil sa lason na pinainom niya sa amin? Pero bakit parang walang nangyari kanila Keina at JM? " Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa ." Lalo pa siyang hugalakpak ng tawa at doon ko napag tanto na na prank niya ako. Ganito din noong 17th birthday koo, pinrank niya din ako na nakainom ako ng lason kaya bigla akong nahilo at nawalan ng malay. "Oo na Lot, nakakatawa na," Wika ko sa kanya at sinimangutan siya. "Naloko ko na naman ako." Lalo lang siya tumawa nang tumawa na halos mawalan na siya ng hininga. Pinagmasdan ko lang siya habang tumatawa at nag papagulong-gulong sa kama. Nag bunting hininga na lamang ako at hinintay siyang tumigil sa pagtawa. Hindi ko lang alam kung titigil pa siya dahil noong huling prank niya sa akin ay isang buong araw siyang hindi tumigil sa pagtawa. Ilang sandali lang din ay tumigil siya sa pag tawa na laking pasasalamat ko dahil akala ay hindi na siya talaga titigil. "Sorry Lot gusto lang sana kitang isurprise, " Wika ni Roldan sabay tayo sa kama at punas ng kanyang luha. "Total hindi mo naenjoy yung birthday mo dahil napunta tayo dito." Bigla namang nalungkot ang kanyang mukha kaya naman hindi ko mapigilang ngumiti. Tinapik ko ang kanyang balikat, lumingon ito sa akin at ngumiti din sa akin pabalik. "Salamat sa effort mo Lot, pero hindi mo na kaylangan na mag bihis ng ganyan." Wika ko sa kanya at saka ikinalang ang aking kamay sa aking likuran. Muli lang siyang tumawa at pinag masdan ang kanyang kasuotan. "Hindi ito costume, I'm a real demon." Wika niya ba tila proud pa siya. I blink twice dahil baka isa na naman itong uri ng prank. " Is this a kind of prank again?" Tanong ko sa kanya at tumayo upang silipin ang pintuan para tingnan ito baka nandun sila JM. Nang masilip ko ang labas ng kwsrto at walang tao sa labas ay nilingon ko si Roldan at  umiling ito bilang sagot. "Noong napunta ako dito sa bahay aliwan ay may nakapansin sa itsura ko at may kamukha daw akong dati nilang kasamahan. Tinanong ko naman kung sino at pinakita nila ang litrato ng isang babae sa akin na may hawig nga sa akin and to my surprise it was Mom, nalaman ko na isa palang succubus si Mommy at nang makilala niya si Daddy sa mundo ng mga tao ay pinili ni Mom na mag stay doon upang bumuo ng pamilya." Paliwanag ni Roldan sa akin. Totoo pala ang sinabi niya sa akin, akala ko noong una ay nag bibiro lang siya "Pano naman napunta ang Mommy mo sa mundo natin?" Tanong ko sa kanya. Marahan lang itong ngumiti at tiningala ang kanyang ulo. "Ang sabi sa akin ng dating kasama ni Mommy dito, noon daw ay may nangyaring trahedya na ang dahilan daw ay si Mom, sobra niya daw itong pinag sisihan kaya naman humingi siya ng pirmisyon sa kataas-taasan nila na tumungo sa mundo ng tao upang nakapag isip-isip, at yun nga nakilala niya si Dad at ginusto niya na ang pananatili doon." Muling paliwanag niya. Ganun pala ang nangyari. Siguro sobra talagang nasaktan ang Mom niya dahil kaylangan niya pang umalis ng mundo nila para lang makamove- on. " May alam ka ba sa trahedya na nangyari sa kanya?" Muli kong tanong sa kanya. Umiling lang ito at ngumiti. "Wala pang nakakapag sabi sa akin dahil may isang tao daw ang makakapag sabi nito sa akin pero hindi ko naman alam kung sino." May halong lungkot na wika ni Roldan. Tumango-tango laman ako bilang sagot dahil mukhang wala na din akong makukuhang sagot. Sandali pa kaming nanahimik at walang sino mana ang gustong mag salita. Ilang sandali pa ay may nag bukas ng pinto at niluwa nito sila Keina, Jehnny at JM. "Pasensya na kung nakinig ako sa usapan niyo kanina pero may gusto rin kasi akong sabihin sa inyo," Wika ni Keina sabay upo sa upuan na nasa aming unahan. Tiningnan lang namin siya at tahimik na nag hintay sa susunod niyang sasabihin. Nag buntong hininga si Keina at ngumiti sa amin bago mag salita. " Kanina nabanggit sa amin ni Roldan na ang pangalan ng kanyang Ina ay Crimson, at ang nangyari sa kanya. May kinalaman din ako sa Trahedyang nangyari." Panimula ni Keina, nalungkot ang kanyang mukha, mukhang hindi nga ganun kaganda ang nangyari noon dahil mababasa ito sa mukha ni Keina. "Crimson at Ako ay dating magkatrabaho at matalik na mag kaibigan. Nahuli ko sila ng aking dating asawa na nag tatalik kaya naman nandilim ang aking paningin at napatay ko ang aking dating asawa, muntikan ko na din mapatay si Crimson ngunit agad akong napigilan ng mga kasamahan namin." Paliwanag ni Keina sa amin. Nilingon ko si Roldan upang makita ang reaksyon nito ngunit hindi mawari ang kanyang iniisip dahil hindu ito nag papakita ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha. " Pareho kaming naparusahan at pinaalis sa lupain ng mga demonyo, at dahil sa nangyari lubos ang aking pag dadalamhati dahil nawala ang aking asawa pati na din ang dinadala kong anak. At pati ang aking kapatid ay muntikan ko na din mapatay dahil gumawa ako ng hakbang na hindi nag iisip." Nag simula na si Keina umiyak sa aming harapan dahil sa sobrang kalungkutan. Nakaramdam ako ng kaunting awa dahil sa aking narining ngunit labas ako sa issue nila dahil wala akong magagawa sa problema nila. Lumapit si JM kay Keina at niyakap ito. Napaiyak na din si Jehnny habang nakatingin siya kay Keina. Nilingon ko si Roldan upang muling tingnan ang kanyang reaksyon. Nag buntong hininga lang siya at nilapitan si Keina. Lumuhod sa harapan ni Keina si Roldan kaya naman napahiwalay si Keina sa pag kakayakap kay JM at hinarap si Roldan. Hinawayakan ni Roldan ang kamay ni Keina at muling nag buntong hininga. " Alam niyo bang lagi kayong ikinukwento ni Mommy sa akin noon, gusto ka niyang makita para makahingi ng tawad sa inyo." Wika Roldan kay Keina. Ngumiti lang ito sa kanya at marahang tumango. Napaka liit talaga ng mundo, kahit dalawa o higit pa ang mundo iba talaga ang tadhana kumilos. Ilang sandali pa silang nag kaiyak at nag kwento si Roldan ng tungkol sa kanyang Ina. Wika pa ni Keina ay nais niya lang humingi ng tawad sa kanya si Tita Crimson upang mawala ang galit niya sa puso, dahil akala niya noon ay tumakas lang ito at kinalimutan na ang nangyaring trahedya sa kanila. Sumagot naman si Roldan na maaaring sumama pabalik si Keina sa amin upang makita nito ang dati niyang kaibigan na agad niya naman sinang ayunan. Isang Succubus pala si Tita Crimson kaya naman pala para pa din kasing edad pa rin sita dahil mabagal tumanda ang mga tulad niya At ganun din si Keina, she still look young like us dahil mabagal ang pag tanda nila. Pinag paliwanag ko rin si Roldan sa Prank na ginawa niya sa amin na perpekto ang kanyang pag kakaplano. "Tulad ni Jehnny ay may kakayahin din ako na makita ang nangyayari sa isang tao kahit na malayo pa ito, kaya naman noong nalaman ko ang tunay kung pag katao ay agad akong kaisip ng plano kung paano ko ito sasabihin sa inyo, pineke ko ang nangyayari sa akin para sobra kayong mag alala at talagang masuprisa kayo," Paliwanag ni Roldan habang nag kakamot pa ng kanyang batok. May bigla namang kumatok sa pinto at pumasok ito na may dalang tray ng inumin at pagkain. "Meryenda muna kayo." Wika ng babae na dumating. Kilala ko ang kulay ng buhok niya at ang kanyang boses. "Ito si  Scarlet pinsan ko anak ng kapatid ni Mommy, siya yung nag parinig sa inyo kung na saan ako kunwari at yung lalaki naman ay kasintahan niya na si Gregy." Pakilala ni Roldan sa babaeng pumasok. Sabi na nga ba't kaya pala napaka pamilyar niya sa akin. "Hello sa inyo pasensya na kayo ay mahirap tumanggi sa pabor ng pinsan ko eh." Nahihiyang wika ni Scarlet saka lapag ng tray sa may lamesa sa loob ng kwarto. Nag paalam na ito sa amin dahil may trabaho pa daw siya. Lahat kami ay napatingin sa pagkain at inumin sa may lamesa. " Wag kayong mag alala tapos na ang prank ko." Natatawang wika ni Roldan. Lahat naman kami ay nakahinga ng maluwag at agad na kumuha ng pagkain. Maraming bagay pa kaming pinag usapan tulad nang kung na saan si Jessy. "Hindi ko alam na nandito pala si Jessy dahil kayo lang ang nakikita ko sa aking kapangyarihan." Wika ni Roldan sabay kagat sa isang tinapay. Nag katinginan naman kami dahil dun. "Maski ako hindi ko siya makita." Gatong ni Jehnny  na kasalukuyang nakalutang sa eri habang umiinom. Sandali kaming natahimik dahil hindi namin alam kung saan namin hahanapin si Jessy o kung nasa panganid man siya. Napag pasyahan namin na manatili sa nayon upang mag hanap ng impormasyon. Habang nandito kami sa nayon ng mga demonyo ay kaylangan mamalagi ni Jehnny sa crest tuwing lalabas kami dahil maaari siya pagkaguluhan dito dahil baka maging mainit siya sa mga mata ng demonyo dito. "May nakuha na kayong impormasyon?" Tanong ko sa kanila. Nag hiwalay kami sa dalawang gropu upang mag tanong-tanong,  sila  JM at     Keina  ang mag kasama  upang magtanong  sa  pamilihan  at  kami     naman  ni  Roldan  ang  nag tanong -tanong  sa  mga malalakbay. Umiling lang sila at nag buntong hininga. "Pero meron akong impormasyong nalaman tungkol sa aking kapatid," Wika ni Keina na halata ang galak sa kanyang mukha. " Nalaman ko na nandun pa din siya sa dati naming mansyon." Masayang wika niya sa amin. Napag desisyonan naming puntahan ito dahil hindi naman ito kalayuan. Kinuha namin ang karwahe sa labas ng nayon at tumungo agad sa mansyong sinasabi ni Keina. Namangha kaming lahat dahil sobramg laki nito at tila palasyo na ito. Kusang bumukas ang tarangkahan kaya naman agad kaming pumasok. May sumalubong agad sa aming buttler upang ilagay sa garahe ang aming karwahe. Pag pasok namin sa mismong mansyon ay may sumalubong sa aming isang katutak na nga katulong. "Maligayang pag babalik Lady Keina." Bati nilang lahat. Lalo pa kaming na mangha dahil sobrang ganda ng loob. Para nga talaga itong palasyo. "Ate Keina!" Isang boses ng babae ang umalingawngaw sa buong pasilyo ng mansyon. Napatingin kami sa isang  babae na may hawak na tungkod at inaalalay ng isa pang katulong. "Kiana!" Tumakbo palapit si Keina doon sa babae at niyakap ito. Pareho silang napaupo at napaiyak sa kanila pagkikita. "Sabi ko na't babalikan mo ako Ate." Naiiyak na sabi ni Kiana. Mag kamukhang magkamukha sila ng Ate niya pareho silang maganda. "Nandito na ako Keina, pasensya ka na kung natagalan ako." Lalong humigpit ang kanilang pagkakayakap sa isa't- isa, sandali pa silang nasa ganun posisyon bago sila mag hiwalay at lumingon sa amin. "Sino sila ate?" Tanong ni Kiana, tinulungan ni Keina ang kanyang kapatid na tumayo at lumapit sa amin. "Sila ang mga kaibigan ko Kiana, sila Christian, Roldan at ang aking kasintahan na si JM." Pakilala niya sa amin. Pansin kong hindi niya pinakilala si Jehnny dito dahil hind naman nito nakikita ito. "Nagagalak ko kayong makilala, ako nga pala si Kiana ang nakakabatang kapatid ni Ate Keina." Masayang bati nito sa amin. Tinanguan namin siya at nginitian. Niyaya kami ni Keina sa isang pribadong silid upang makapag- usao ng maayos. At doon niya pinakilala si Jehnny. "Ako ba ang may gawa niyan sayo?" Malungkot na tanong ni Keina sa kanyang kapatid ng mapansin niya ang hindi maayos nito paglalakad. Marahang tumango si Kiana at ngumiti ng mapait sa kanyang Ate. "Noong umalis ka sakay ng kabayo , ay nais sana kitang pigilan ngunit hindi mo ako napansin at nabangga mo ko at tumalsik, nawalan ako ng malay at may mangagamot na sa aking harapan at sabi pa nito ay wala ng pag-asa na makalakad pa ako ng maayos. Hinintay kitang umuwi ngunit ilang araw na ang hinintay ko ngunit wala ka pa din, akala ko wala ka ng balak balikan ako ngunit nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Kuya, kaya naman sa akin pinag katiwala ng abogado ni Kuya ang kanyang mga negosyo dahil ako lsng ang natitirang tagapag- mana." Paliwanag ni Kiana. Muling niyakap ni Keina ang kanyang kapatid at humingi ng tawad. Muli ito umiyak dahil lubos ito nag sisis sa kanyang ginawa. "Tahan na Ate ang mahalaga ay nandito ka na." Muling wika ni Kiana ngunit hindi tumigil sa pag iyak ang kanyang Ate. Hinayaan na lang namin siyang umiyak at ibuhos ang kanyang nararamdaman dahil sobra talaga itong nag sisi. "Alam mo ba na kaya mong pagalingin ang mga paa niya." Napalingin ako kat Jehnny at nagulat dahil bigla itong lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga. " Ang ibig mong sabihin ay may kapangyarihan akong mag pagaling?" Tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango ito at saka pumasok sa aking crest at bumulong ng " Angel's Helo." Napabuntong hininga ako at saka lumapit kanila Kiana at Keina. Hinawakan ko sa balikat si Keina upang humingi ng permesong tumabi muna. Tumango naman ito at tumungo sa lugar ni JM at yumakap. Pinaupo ko si Kiana sa isang upuan at pinapikit ang kanyang mga mata. Tinapat ko sa kanya ang aking kanang kamay at nag wikang : "Angel's Helo!" May biglang lumabas na malaki Helo sa ulunan ni Kiana at bigla itong sininagan si Kiana ng ilaw nito. "Subukan mo ng tumayo Kiana." Wika ko sa kanya. Dinilat ni Kian ang kanyang mga mata, at dahan-dahang tumayo. Napangiti siya ng nakatayo na siya ng maayos. Tumakbo siya palapit sa kanyang ate at yumakap. "Nakakalakad na ako ng maayos Ate,"  Masayang wika ni Kiana habang nakayakap sa kanyang Ate. Lumingin ito sa akin at ngumiti. "Maraming salamat po Kuya Christian." Tumango ako sa kanya at ngumiti sa sobrang tuwa niya ay lumabas siya sa harden at nag tatakbu doon. Masaya naman namin siyang pinag masdan. Nagulat ako ng may isang kamay ang tumapik sa akin kaya naman napatingin ako sa may ari ng kamay at ngumiti. "Maraming salamat sa pag papagaling mo sa kapatid ko Christ, utang na loob ko ito sayo." Masayang wika ni Kiena sa aking ngumiti lang ako at nilingon si Kiana. "Walang anuman yun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD