Chapter 25

1586 Words
Pentagram Crest ( Spirit) . . Christian's Point Of View Nang maipasok na ang kabuuhan ng bato ay mas nakaramdam ko ng sobrang ssakit sa aking buong katawan. Pakiramdam ko ay humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan at aking ulo ay tila binibiyak. Napahawak ako sa aking ulo at naitulak ko palayo si Keina sa akin. "Christ." Rinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya makita dahi nandidilim na din ang aking paningin. Ramdam ko pa din ang init na nanggagaling sa Angel's halo ngunit tila hindi na ito tumatalab. Unti-unti nang bumibigay ang aking katawan dahil sa sakit hanggang sa tila narinig ko ang huling pintig ng aking puso at naramdaman ko na lang ang aking unti-unting pag bagsak, naririnig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko at pag katapos nun at naging madilim na ang lahat... . . "Oh Apo nag kita na naman tayo," Anong nangyari? Teka na saan ako? Nilingon ko ang buong paligid upang masigurado kung na saan talaga ako ngayon. Puro puti lang ang paligid at walang kahit anong bagay. 'Tayo diyan Mahal kong Apo at harapin mo ako." Pamilyar ang boses na yun ah. Dahan-Dahan akong tumayo mula sa aking pag kakahiga. Nakita ko ang isang matanda na puti ang lahat ng kanyang suot. Nakaupo ito sa parang trono, may suot itong korona na tulad din ng kay Jehnny noong muli ko siyang makita. May Hawak din siya espada na katulad din sa akin. "Lolo?" Tawag ko sa matandang naka upo sa trono. "Ikaw ba talaga yan o namamalik mata lang ako ?" Wika ki at pilit inaaninag ang matanda dahil naka upo ito ng medyo malayo sa akin. "Pinag dududahan mo ba ang iyong Lolo?" Pabiro nito wika sa akin sabay halakhak ng mahina. Tinaas nito ang kanya kaliwang kamay na walang hawak na espada at sumenyas na lumapit ako sa kanya. " Halika ka nga dito Apo ko." Sinunod ko naman ang sinabi niya at nag lakad ako palapit sa kanya. Bawat hakbang ko patungo kay Lolo ay rinig ko ang aking mga yabag. Sandali ako napatigil at tiningnan ang aking sarili mula paa hanggang sa aking mga kamay. Lahat din ng aking kasuotan ay kulay puti tulad din ng kay Lolo. " Where exactly we are Lolo?" Tanong ko sa kanya ng muli akong nag lakad patungo sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin habang papalapit ako sa kanya. Umupo ako sa kanya paahan at humarap sa kanya. Tiningala ko ang aking lolo at hinihintay sagutin niya ang aking tanong. Tinapik niya ang aking ulo at muli siyang ngumiti. " Nandito tayo sa iyong kaisipan," Simple nitong wika at binalik ang kanyang kamay sa pag hawak sa kanyang espada na nag sisilbing kanyang tungkod. " Dahil sa lahat ng bato ay dinala nito sa iyong sarili isipan upang labanan ito. " Dugtong nito habang seryosong nakatingin sa akin. " A-ano pong ibig niyong sabihin lolo?" Muling kong tanong sa kanya. Para akong isang inosenteng bata na nag tatanong sa kanyang mahal na lolo. Muli lang ito ngumiti ng makahulugan at itinuro ang dereksyon sa aking likuran. Nilingon ko ito at doon ko nakita ang aking sarili ngunit iba ito sa tunay ako dahil ito ay nakakulay itim. Ang kanyang mga mata ay tila handang pumatay at nakangiti ito ng nakakatakot. "Siya ang wangis ng demonyong bato, " Panimula ni Lolo, bigla itong sumugod sa dereksyon namin ngunit bigla itong napatigil at bumangga sa isang hindi nakikita na pader, isang barrier? " Ang demonyong bato ay kilala sa panggagaya ng wangis ng isang anghel na nag tatakang gumamit nito ngunit higit na mas malakas ito kaysa ang ginagaya nitong wangis." Dugtong ni Lolo sa kanyang sinabi. Nag pupumilit ang demonyo na lumapit sa amin gamit ang kanyang sariling kamao. Pilit niyang binabasag ang barrier na nag poprotikta sa amin ni Lolo. Napalunok ako dahil ramdam ko ang lakas ng bawat suntok na ginagawa niya sa barrier. "Sa tingin niyo po gaano sila kalakas Lolo?" Muli kung tanong sa kanya habang hindi inaalis ang aking tingin sa aking kawangis na kasalukuyan ng dumudugo ang kamao dahil sa pilit nitong pag basag sa barrier. "Triple ng lakas ng ginagaya niyo. " Seryosong sagot ni Lolo sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nakatingin din ito sa aking kawangis. Kita ko sa kanya mukha ang hirap na kanyang nararamdaman siya ba ang may gawa ng barrier na yun? "Lolo hindi mo kaylangang gawin 'to." Nag aalalang wika ko sa kanya. Nilingon ako ni Lolo at ngumiti. "Simpleng bagay lang ito Apo, " Tugon niya at saka muling hinawakan ang aking ulo. "Simpleng bagay para maprotektahan ka." Hinawi ko ang kanyang kamay at tiningnan siya ng may halong inis. " Ako dapat ang pomuprotekta sayo Lolo, " Sigaw ko sa kanya. Tumayo ako at saka inagaw ang espadang hawak niya. Hinarap ko ang aking kalaban at nag handa sa pag sugod. "Huwag Apo---" Pipigilan pa sana ako ni Lolo ngunit hindi ko siya pinakinggan at sumugod sa kalaban. Agad kong pinuntirya ang tiyan nito na agad kong natamaan. Ngumiti lang ito at hinugot ang espada sa kanyang katawan gamit ang kanya mga kamay. Walang anu-ano ay hinagis niya ako ng buong lakas sa dereksyon ni Lolo kaya naman tumilapon ako, buti na lang ay nasalo agad ako ni Lolo kung hindi ay tatalsik ako sa kawalan ng aking isipan. "Hindi ganitong laban ang sinasabi ko sayo Apo dahil kapag lalo kang lumalakas ay lalo mo ding pinapalakas ang iyong kawangis na demonyo." Wika ni Lolo habang inaalalay ako nitong tumayo. " Hi- hindi ko po kayo maintindihan Lolo." Wika ko habang iniipon ang ang buong lakas upang sugurin muli ang aking kalaban. "Tandaan mo Christian Apo, Ikaw at Siya ay Iisa, at kaylangan ay maging isa kayo at maging balanse kayong dalawa," Kami ay iisa? Dapat maging balanse? Napaisip ako naman ako sa mga sinabi ni Lolo. Tama si Lolo. Iisa kaming dalawa. At ito ang aking isipan. Tumango ako kay Lolo at ngumiti. "Mukhang naiintindihan mo na ang ibig kong sabihin Apo." Bahagyang umatras si Lolo mula sa akin upang hindi siya makasagabal. Nilingon ko ang aking kawangis na sarili. Muli nitong kinakatok ang barrier na ginawa ni Lolo. Umaagos ang dugo na nag mumula sa sugat na ginawa ko. Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos. Ibinaon ko ang dulong bahagi ng espada sa aking paahan at hinawakan ang hawakan nito gamit ang aking dalawang kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa aking pag pikit ay isang hugis ng butuin ang aking nakita. Umiilaw ang itaas na bahagi nito ng kulay Lila at may tila nakasulat sa itaas nito. Sulat ito mula sa mundo nila Jehnny. Sa mga araw na nandito kami ay unti-unti kong pinag aaralan ang mga letra nila ito upang hindi ako mahirapan sa mga pag babasa ng mga mapang hawak namin. Inalala ko ang ang bawat letra na naka baybay sa salitang ito at bumubul ito ng salitang : "Spirit!" Malakas na wika ko at nakita ko ang unti-unting pag lalaho ng aking kawangis sa aking harapan. Bago iting tuluyan mawala sa aking paningin ay ngumiti ito ng makahulugan. Pag katapos nun ang nakahinga na akong maluwag at napaupo sa may sahig dahil pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas. Bigla ko naman naramdaman ang init na nag mumula sa aking kanang kamay kaya naman palingon ako sa aking kamay. May Kulay Lila na ang aking Crest. Nasa bandang itass ito tulad ng nakita ko kani-kanina lang. Saan ito nanggaling? "Nag tagumpay ka aking Apo." Masayang wika ni Lolo sa akin at muli niya akong tinulungang tumayo. "Ano pong nangyari Lolo?" Wika ko at pinakita sa kanya ang aking Crest. Hinawakan niya ang aking kamay ay tiningnan ako sa aking mga mata. "Ang Crest na yan at tinatawag na Pentagram at meron itong lima na elemento upang magamit mo ito ng buong lakas, Ang Spirit, Water, Earth, fire at Air," Paliwanag ni Lolo sa akin at saka tinuro ang bawat parte nito. " Ang una mong natanggap ay ang Spirit o ang Bad Side Spirit, para makuha ito ay dapat mong tanggapin ang isang bahagi kung saan nag lalagi ang isang ikaw na laging nasa kadiliman." Turo ni Lolo sa parte ng aking Crest na may kulay Lila. " Paano ko naman po makukuha ang natitira pang apat?" Tanong ko kay Lolo ng bitawa niya na ang aking mga kamay. Muli lang itong ngumiti at saka umiling. "Hindi ko rin alam, at ang dapat umalam nun, basta ang alam ko lang ay kuha ka nila mahahanap at susubukin ka kung ikaw ba talaga ay karapat-dapat." Wika ni Lolo at muling hinawakan ang aking uli at ginulo ang aking buhok. "Lot." "Chris!" "Christian." "Mahal ko." Pareho kaming napatingin ni Lolo sa itaas ng marinig namin ang mga boses na tumatawag sa aking pangalan.. "Mukhang kaylangan mo ng bumalik sa mga kaibigan mo." Masayang wika ni Lolo ngunit ramdam kong may halo itong lungkot. Nilingon ko siya at tiningnan siya ng may halong pag aalala. "Mag kikita pa po ba tayo?" Malungkot na tanong ko sa kanya. " Hindi ko alam mahal kong Apo, pero siguro sa oras na makompleto mo ang bawat elemento sa crest mo ay mag kakaharap tayo." Wika ni Lolo sa aking habang hawak-hawak pa din ang aking ulo. "Ano pong ibig niyong sabihin lolo?" Muli lang itong ngumiti ng makahulugan at niyakap ako ng sobrang higpit. " Balang araw malalaman mo rin Mahal kong Apo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD